BAGO pa siya tuluyang mawala sa katinuan dahil sa pang aakit na ginagawa nito at tuluyang mahawakan ni Kyle ay marahas niya na itong tinulak. Agad niyang kinuha ang kumot na nasa kama at mabilis na pinulupot sa katawan. Sumampa rin siya sa kama upang makalipat sa kabilang side.
" Why did you do that? I'm still enjoying the view," nakangisi pa ring saad ni Kyle habang patuloy na hinahagod ng tingin ang kaniyang katawan.
" Pwede ba, Kyle, umalis ka na?!"
Galit na niyang wika sa lalaki. Hinding-hindi siya makakapayag sa gustong mangyari nito. Tuluyan na kasing nabalot ng galit ang puso niya para sa lalaki at hindi niya alam kung may puwang pa ang pagmamahal para rito. Napawi ang pilyong ngiti ni Kyle nang makita ang galit na niyang mukha, bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
" Look, nagbibiro lang ako gusto ko lang naman na mag-usap tayo ng maayos," seryosong saad ng lalaki.
" No, sige na alis na!" malamig niyang tugon.
" Hindi ako aalis hanggat hindi tayo nag-uusap!"mariing sabi ng lalaki.
Umakma itong lumapit sa kaniya ngunit pinigilan niya. Mahirap na at baka mahulog na naman siya sa patibong nito.
" Ano ba, Kyle? Bakit ba ang kulit mo? Wala na tayong dapat pang pag-usapan, umalis ka na!"
Tinitigan siya nito ng matiim at nakita niya ang pagtagis ng bagang nito.
" Wala kaming relasyon ni Darlene! Hindi kami nagsasama,what you saw in my unit last time is a big mistake!" mabilis na paliwanag ng lalaki. "Walang nangyayari samin ni Darlene, i swear!"
Natawa siya ng mapakla dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Para sa kaniya ay hindi pa rin nagbabago ito, puro kasinungalingan pa rin ang lumalabas sa bibig.
" Tingin mo ba may pakialam pa ko? It's over, Kyle. Gusto ko nang magsimula ng panibagong buhay at hindi ka kasama doon!"
Lumarawan sa mukha ni Kyle ang galit, nakuyom nito ang kamao na tila pinipigil ang sarili. Namumula n rin ang mata nito.
" You can't get away from me, Toni!"
" At bakit? Hoy Kyle, ayoko na sa'yo huwag mo nang ipilit!"
" At sinong gusto mo, ang baklang iyon?!" namumula sa galit na turan nito. " Okay, fine! Magsama kayo, magpakasal ka sa kaniya! Pero hinding-hindi mo makukuha si Angel! Kung gusto mo,gumawa na lang kayo ng magiging anak niyo!"
" Anong sabi mo?!" nanlalaki ang mga mata niyang tanong. Talagang issue pa rin sa lalaki ang inaakalang pagpapakasal niya kay Troy at gusto niyang matawa dahil doon.
" You have to choose, Maritoni. Kami ng anak mo o ang lalaking iyon? When you choose to marry him para mo na rin sinabing inalis mo na ang karapatan mo kay Angel," sarkastikong saad ng lalaki.
" Baliw ka! Huwag mo akong pagbantaan.Hindi mo pwedeng ilayo sa'kin ang anak ko!" gigil na sambit niya.
Gusto niyang panindigan pa ang kunwaring pakikipagrelasyon kay Troy ngunit tila magiging dahilan pa iyon para ipagkait nito ang anak sa kaniya.
" Then marry me again!" mabilis na tugon ng lalaki. " Pag nagpakasal ka sa'kin makakasama mo na rin si Angel."
" A-ano?" bulalas niya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ng lalaki. Tama ba siya ng narinig? Inaalok siya nitong magpakasal? Napatitig siya dito,tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniyang puso, masarap sa pakiramdam ngunit agad niyang pinagalitan ang sarili.
" Marry me, Toni. Let's start all over again kahit para lang sa anak natin," pagsusumamo pa nito.
Hindi pa rin siya nakaimik pakiramdam niya ay bibigay na siya. Nakikita niya naman ang senseridad sa mata ng lalaki ngunit ayaw niyang magpatangay sa bugso ng damdamin. Dahil kung talagang seryoso nga ito na makipagbalikan sa kaniya at mahal pa siya nito di sana ay hindi na ito nakipagrelasyon pa kay Darlene, sana ay iniwasan na nito ang baliw na babae. Nanindigan siya sa pagmamatigas dito kahit ang totoo ay gustong gusto niya nang bumigay.
" Baliw ka hindi ako magpapakasal sa'yo!" sa halip ay sagot niya.
Natigilan ang lalaki ang kaninang nangungusap na mga mata ay napalitan ng galit. Bumilis ang paghinga nito na anumang oras ay sasabog na.
" So, you already made a choice? And you choose to marry him, right?" matigas ang boses na turan n nito. " Ganun mo ba siya kamahal para mas piliin siya kaysa sa'min?"
Napalunok siya ng laway nang mapansin ang hinanakit sa mga mata nito. Maya-maya ay tila naging balisa ito na hindi alam kung anong gagawin.
" Okay, i get it!" Maya-maya ay wika nito at tumawa ng pagak. " I guess you already made your decision. Sige na, magpakasal ka na at kalimutan mo na kami ni Angel!"
Iniwanan muna siya nito ng matalim na tingin bago ito tumalikod. Hindi kaagad siya nakakilos. Kung tama siya ng pagkakaintindi ay pinagbabawalan siya nitong lapitan pa ang anak. Naramdaman niya ang panginiginig ng kalamnan niya sa pagkahalong galit at takot. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad niya itong hinabol.
" Hoy, Kyle! How dare you! Hindi mo pwedeng ilayo sa'kin ang anak ko, idedemanda kita! Anak ko siya kaya may karapatan ako sa kaniya!"
Pumunta siya sa harap nito upang harangan ang lalaki. Bakas pa rin sa mukha nito ang galit.
" Ako ang nagluwal sa kaniya kaya ako ang mas higit na may karapatan sa kaniya. Mapipilitan akong idemanda ka!"
Ngumisi ito nang marinig ang sinabi niya.
" Idedemanda mo'ko?" Tumawa ito ng mapakla. " So, you want her to suffer again? Is it not enough for you what happen to us in the past at kung ano ang maaari niya maramdaman ulit?"
Hindi naging madali kay Angel ang naranasan nang maghiwalay silang mag-asawa. Nagkaroon ito ng trauma at nakaranas pa ng pambu-bully. Ngayong naka move on na ito ay tila babalik na naman ang sakit na naranasan nito noon.
" Think of it! Sa oras na pinili mo ang lalaking iyon, mawawala kami sa'yo!"
" Mali ka! Ikaw lang ang mawawala hindi ang anak ko!" matigas niyang tugon.
Dahil sa inis ng lalaki ay naitulak siya nito.
" Get out of my way!" asik nito sa kaniya.
Kamuntikan pa siya mawalan ng balanse dahil sa ginawa nito kung hindi lang siya nakahawak sa may upuan. Napalingon ito sa kaniya na may pag-aalala, lalapit sana ito ngunit agad ring natigilan. Maya-maya ay tinalikuran na siya.
Nanghihina siyang napaupo sa may sofa. Tingin niya ay kailangan niya nang itigil ang pagpapanggap nila ni Troy dahil magiging mitsa iyon para ilayo sa kaniya anak. Ayaw niya rin namang humantong sila sa korte para pag-awayan ang costody ng anak dahil baka makaranas na naman ito ng trauma. At lalong ayaw niya rin naman na ikasal ulit kay Kyle dahil alam niyang mauulit lang ang nangyari sa nakaraan lalo na ngayon na nakipagrelasyon pa ito kay Darlene.
" To-totoo ba iyan, sis? Gustong makipagbalikan sa'yo ni Kyle?" Tanong ni Jona na hindi makapaniwala.
Kasama niya ang mga kaibigan sa isang restaurant. Birthday ni Jona kaya pinili nilang i-celebrate ito sa isang resto kasama nito ang anak na matagal ding nawalay sa kaibigan,kaya talagang naiinggit siya sa bonding ng dalawa. Mas bata lang ito ng kaunti sa kaniyang anak.
" Kailan pa siya dumating?" tanong nito kay Jona.
Matagal din kasing hindi nito nakasama ang anak. Nasa poder ito ng mga magulang na nasa ibang bansa. Nang mamatay ang asawa nito ay pinili muna nito ihabilin sa mga magulang ang anak.
" Kailan lang. Naisip ko kasi, lumalaki na ang anak ko kaya dapat nasa poder ko na siya."
" Kumusta naman ang bonding niyo?" patuloy niyang usisa.
" Okay naman. Sa umpisa siyempre maninibago pero masasanay din siya sa'kin."
" Naisip ko kasi bigla si Angel, matanggap niya rin pa kaya ako?"
" Ano ba naman klaseng tanong iyan? What ever happen you're still her mother. Isa pa, malaki na si Angel noong maghiwalay kayo."
Kinakabahan kasi siya sa maaaring mangyari na magiging turing sa kanya ng anak. Noong huli niya itong nakausap ay parang hindi siya nito kilala.
" Mabalik nga tayo sa inyong dalawa ni Kyle, ano bang plano mo?"
" Ang anak ko lang ang gusto ko. Pag na sa'kin na si Angel bahala na siya sa buhay niya,magsama sila ni Darlene!"
"Hmp! Why do I seem see something different in your eyes than what your saying? "panunukso ni Carol.
" Hmp ka diyan! Akala mo ba nakalimutan ko na iyong ginawa mo?" mataray niyang wika sa kaibigan.
" What? Is it about what happen last night sa bar? Hoy, wala akong kinalaman doon, 'no! Nagulat na nga rin ako biglang sumulpot si Kyle!"
" Hindi lang iyon, why you let him bring me to my house?"
" May nangyari ba sa inyo that night?" pilya ang ngiting tanong ni Carol.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling.
" Eh, kasi naman 'no? He beg me na siya na raw ang maghatid sa'yo, naawa naman ako kaya pumayag na ko."
" Bakit ba bigla kang lumambot sa kanila? Sa kanila ka na ba kumakampi?"
" Alam mo, sis, we are in a serious matter. Ikaw na rin ang may sabi kanina balak niyang ilayo ang anak mo pag nagpakasal ka kay Troy, why don't you give him a chance?"
" Hala! Talagang na brainwash ka na rin ni Micoy, ah?"
" Ano ka ba sis? Grow up! Bakit hindi niyo pag-usapan ng maayos tingin ko naman sincere siya sa'yo. Para makasama mo na rin ang anak mo."
" I can have my daughter kahit na wala siya!" matigas niya pa ring wika.
Hindi na nakaimik pa si Carol na tila sumuko na rin sa katigasan niya. Matindi ang pagtanggi niya na makipagbalikan pa sa dating asawa. Kahit mahal niya pa ito mas matindi pa rin ang nararamdaman niyang pagkasuklam para sa lalaki. Gusto niya nang kalimutan ang sakit na tila sisira sa kaniyang pagkatao.