Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 37 - 37

Chapter 37 - 37

NAGING marahas ang bawat halik ni Kyle sa kaniya,ramdam niya ang mapagparusang halik nito. Parusa na tila langit naman ang hatid sa kaniya. Sinubukan niya itong itulak ngunit parang bakal sa tigas ang katawan nito habang nakadagan sa kaniya. Nakataas din ang kaniyang dalawang kamay na mariing hawak ng lalaki kaya hindi talaga siya makakilos. Pinaliguan siya nito ng maalab na halik sa mukha hanggang sa leeg at marahang kinagat-kagat ang kaniyang chin.

" You really drive me crazy," bulong nito sa kaniyang tenga na pinanggigilan ring kagatin iyon. Dinig niya ang lalim ng paghinga nito.

Hindi niya napigilan ang mapaungol sa ginawang iyon ng lalaki.

Muli nitong marahas na inangkin ang labi niya at hindi niya namalayang gumaganti na rin pala siya ng halik dito. Muli na namang nanaig sa kaniya ang pagiging marupok at nagawa niya pang yumakap sa leeg nito na tila ayaw niya nang pakawalan ang lalaki. Sa kabila ng matinding galit niya rito ay nabura iyon ng isang halik lang at ngayon ay tila siya naging alipin sa nakakadarang na halik nito. Lalo siyang nag-init ng maramdaman ang mainit na kamay nito na humahaplos sa kaniyang hita hanggang sa kaniyang kaselanan.

Maya-maya ay marahan itong kumilos upang paupuin siya sa kandungan nito kaya pareho na silang nakaupo habang paharap siyang nakakandong dito at patuloy na pinupupog ng halik ang kaniyang buong mukha hanggang sa labi. Kapwa pa sila hinihingal ng maghiwalay ang mga labi nila,magkadikit ang mga noo nila habang tutop ni Kyle ang kaniyang pisngi. Hindi pa siya nakakabawi sa paghinga ay muli na naman nitong pinupog ng halik ang kaniyang labi habang mariing hawak ang batok niya. Bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg hanggang sa balikat na nagawa nang ibaba ang strap ng kaniyang suot kaya nalantad dito ang kaniyang dibdib. Tuluyan na siyang nawala sa katinuan habang nilalasap ang bawat halik ng lalaki. Maging ang kaniyang bra ay nagawa na rin nitong tanggalin kaya halos mabaliw na siya sa nararamdamang ligaya na pinaparanas ng lalaki sa kaniya. Napasabunot siya sa lalaki at mariing isinubsob pa ang mukha nito sa dibdib niya.

Mabilis naman nitong hinubad ang polo habang nilalaro ng labi nito ang magkabila niyang dibdib, tila ito uhaw at sabik na sabik. Muli siyang napaungol sa matinding sensasyong nararamdaman.Mas lalo siyang naging mapusok at nanginginig ang mga kamay habang humahaplos sa katawan ng lalaki. Muli nitong inangkin ang kaniyang labi habang mariing yakap ang kaniyang katawan. Ngunit pareho pa silang nagulat ng may sunod-sunod na kumatok sa salamin ng kotse ni Kyle. At dahil tinted naman iyon ay hindi naman sila nakikita sa loob ngunit ginising niyon ang diwa ni Maritoni. Mukhang nakalimutan nilang nasa kalye nga pala sila at isang pulubi ang pilit silang inaaninaw sa loob. Halos maloka siya nang mapansin ang awkward na posisyon nila ni Kyle. Nakakandong siya dito ng paharap habang luwa ang mga dibdib. Nanlalaki ang mga mata niya habang napatitig sa pawisang si Kyle. Mabilis siyang umalis sa ibabaw nito at patalikod na inayos ang sarili. Gusto niyang maiyak sa nararamdamang hiya.

" Toni.." mahinang tawag ni Kyle sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin.

Nang maayos ang sarili ay tinangka niyang buksan ang pinto ngunit pinigilan iyon ng lalaki.

" Mag-usap muna tayo!" mariin nitong sabi na noon ay hindi pa nagagawang isuot ang polo.

" Ano ka ba? Palabasin mo na nga ako!" Pilit niyang tinanggal ang kamay ng lalaki.

Nang magtagumpay ay agad niyang binuksan ang pinto ngunit agad din iyong hinila ng lalaki at niyakap siya mula sa likuran.

" Please? Just a moment, we really need to talk."

Natigilan siya sa ginawang iyon ng lalaki, muli niyang naramdaman ang panghihina ng kaniyang katawan.

" How many times should i tell you that you can't marry to anyone?" mahinang sabi nito habang nanatiling nakayakap sa kaniya.

Wala siyang lakas na magpumiglas sa pagkakayakap ng lalaki, ramdam niya ang init ng katawan nito.

" P-please, Kyle. Bitawan mo na ako, ano bang ginagawa mo?"aniya sa namamaos na boses.

" No, i won't!" Mariing sabi nito na lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap. " Mag-umpisa ulit tayo, Toni,I badly needed you!"

Tuluyan na siyang natulala sa sinabi ng lalaki,nalilito siyang humarap dito. Gusto niyang isipin na nagbibiro lang ito o baka naman nagkamali lang siya ng pagkakadinig.

" Mahal na mahal pa rin kita, Toni at alam ko pareho tayo ng nararamdaman," muli ay sambit nito habang titig na titig sa mga mata niya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Bakit napakasarap sa pakiramdam ng sinabing iyon ni Kyle?Titig na titig siya sa mga mata nito,pilit niyang sinisiguro na may katotohanan ang mga sinabi nito. Muli nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya habang nakatitig sa labi niya.

" Pwede tayong mag-umpisa ulit kasama ng anak natin," anito na pinagkikis pa ang ilong nito sa ilong niya.

Hinawakan nito ang kamay niya at hinagkan iyon saka muling bumaling sa labi niya para muli siyang halikan. Matatangay na sana siya sa nakababaliw na pakiramdam ngunit isang bagay ang sumagi sa isip niya na nagpabago sa nararamdaman niya kaya mabilis niya itong naitulak. Ang relasyon nito kay Darlene.

Hindi siya tanga para pumayag sa gusto nito gayong may relasyon ito kay Darlene. Napapailing siya habang nakatitig sa lalaki.

" Gusto mong bumalik tayo sa dati? Para ano? Para maulit na naman ang nangyari sa'tin noon na palagi tayong nag-aaway? Tapos maghihiwalay na naman tayo?" asik niya sa lalaki.

" Hindi na mauulit iyon, we matured enough to handle the situation!" mariing sabi nito.

Napailing-iling siya. Ngayon pa nga lang ay nagkakagulo na sila dahil kay Darlene. Isipin pa lang niya na ang ligayang pinalasap nito sa kaniya kanina ay pinapalasap rin nito kay Darlene ay gusto niya ng maghumiyaw sa galit punong-puno ng selos ang puso niya. Nakipag relasyon ito kay Darlene at iyon ang hindi matanggap ng puso niya, gusto niya kaniya lang ng buong buo si Kyle, ayaw niya nang may kahati dito.

" Kung tungkol ito kay Darlene, you have nothing to worry about, I can stay away from her for you! And one more thing, maniwala ka man o hindi wala kaming-"

" Tama na, Kyle! Masyado nang maraming nangyari sa atin at hindi ko na alam kung paano pa ko magtitiwala! We have to move on, kasi masyado nang masakit!" aniya habang tinatapik ang dibdib.

" Toni, please listen! Kayang-kaya pa natin ayusin ang lahat, just give me enough time, para rin sa anak natin 'to!"

" Alam mo kung ano ang mas masakit? Pinamukha mo sa'kin ang relasyon niyo ni Darlene. Magkasama kayo sa iisang bahay, nagse-s*x kayo! My God, Kyle! Pinapamukha mo pa kung gaano kayo kasaya!"

Napailing-iling si Kyle bilang pagtutol sa sinabi niya ngunit hindi niya na ito pinagbigyan na makapagsalita pa.

" Gusto ko sa'kin ka lang,eh. Ang labi mo ang mga yakap at halik mo gusto ko sa'kin lang!" tuluyan na siyang napaluha.

Hindi na nakaimik pa si Kyle. Nanghihina itong napasandal na lang, bakas sa mukha nito ang kawalan ng pag-asa sa kagustuhang magkabalikan pa sila. May sumungaw na luha sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Nang mahimasmasan siya ay mabilis na siyang lumabas ng kotse at iniwan ito, wala na siyang narinig pang pagtutol mula sa lalaki.

Mabilis niyang tinungo ang sariling kotse at sumakay. Tigmak sa luha ang mga mata niya habang diretsong nakatitig sa daan. Nang makalayo na ay saka siya huminto at patuloy na umiyak. Bakit kailangang magkipagrelasyon pa ito kay Darlene? Ito ang sumira sa pamilya at relasyon nila, ngunit imbis na kamuhian ay nagawa pa nitong makipagrelasyon at ilapit sa anak nila.

***

Naiwang lulugo-lugo si Kyle habang nasa loob pa rin ng kotse. Nilamukos niya ang sariling mukha at gigil na sinabunutan ang sariling buhok. Paano nga ba niya sasabihin kay Toni na wala naman talaga sila naging relasyon ni Darlene at higit sa lahat hindi sila nagsi s*x nito.

Kilala niya ang dating asawa, mahirap itong paliwanagan at sarili lang nito ang pinaniniwalaan. Ang alam nito ay nagsasama sila ni Darlene sa iisang bahay at mahihirapan siyang papaniwalain ito na walang nangyayari sa kanila ,ano 'yun nag bato-bato-pick lang sila? Marahil ay tama nga si Toni, pag nagsama sila baka mauwi lang din sa pag-aaway at humantong na naman sa hiwalayan ang pagbabalikan nila. Tiyak na ang anak na naman ang mahihirapan. Ngunit hahayaan niya na lang ba na ikasal ito sa iba? Sa inis ay pinanggigilan niyang pagsusuntukin ang likuran ng upuan na nasa tapat. Kaylangan niyang umisip ng paraan para huwag mangyari iyon. Magulo ang isip na pinaandar niya ang kotse, gusto niyang uninom ng maraming alak hanggang sa maulol siya sa kalasingan at panandaliang makalimutan ang nararamdamang sama ng loob.

Sa bar ni Alex siya tumuloy. Sa order area siya pumwesto at agad na nagpakuha ng alak sa kaibigan. Nagulat man ay tumalima naman ito. Narinig niyang nagsasalita ito ngunit hindi niya na naintindihan pa dahil lutang ang isip niya. Mabilis niyang nilagok ang bote ng alak, gusto niyang magpakalunod nang mga oras na iyon.

Paano nga ba niya mapapabalik ang dating asawa? Tingin niya ay sapat na ang ginawa kanina para suyuin 'to. Inapak-apakan niya na ang pride para rito ngunit hindi pa rin umubra. Ayaw niya nang ipilit pa ang sarili, ayaw niya nang magmakaawa dito dahil masyado nang nasasaktan ang pride niya. Isa siyang matagumpay at matalinong engineer, galing sa mayamang pamilya na ngayon ay hinahabol ang isang babae. Nasanay na siya ang hinahabol ngunit ngayon ay ginagawa ang lahat para muling maangkin ang babaeng minamahal. Tila siya aso na sunod ng sunod sa babaeng binabalewala lang ang nararamdaman niya.

Muling bumalik sa isipan niya ang mainit na eksena nila kanina sa kotse. Ang mainit na halik nito sa kaniyang labi at ang kakaibang sensasyon na nararamdaman niya sa paraan ng paghaplos nito sa kaniyang katawan. Sabik na sabik na talaga siyang muling maangkin ang dating asawa. Ngunit nagtagis ang mga ngipin niya nang maisip na si Troy na ang papalit sa pwesto niya at makakaranas ng ligaya sa piling nito.