" TUMIGIL ka na nga, Troy. Ano bang ginagawa mo?" bulong ni Maritoni sa binata.
Hindi niya alam ang sasabihin ng gabing iyon lalo't kitang kita niya ang labis na pagkagulat sa mukha ng mga magulang nito.
" So, Mom and Dad? There she is! Ang babaeng pakakasalan ko."
Gusto niya nang awatin ang binata sa ginagawa ngunit tila napipi siya. Napansin pa niya si Kyle na napaubo matapos nitong tunggain ang baso na may lamang wine.
" Well, son, you really surprised us! This is the first time na may ipinakilala kang girl sa'min," nangingiting wika ng Daddy ni Troy.
Tama ba ang nakikita niya? Nakangiti ang mga magulang ni Troy at mukhang hindi galit ang mga ito. Ni hindi man lang tinanong ang family background niya.Hindi katulad ng mga napapanood niya sa teleserye na kapag ganoon ang eksena na may ipinakilalang girlfriend si guy ay naghehesterikal agad ang mga magulang. Gaya ng naranasan niya kay Kyle dati na kung saan naranasan niya ang pagtataray ng Mommy nito.
" You're right, Hon! Atleast,we confirmed that our son is really a man, 'di ba?" nakangiti na ring tugon ng Mommy ni Troy.
Natawa naman ng pagak si Troy dahil sa sinabi ng Ina.
" Since you are our only son we hope na bibigyan mo agad kami ng apo, ah?" pabirong wika ng Daddy nito.
Napakamot siya ng ulo at pilit na lang ngumiti dahil hindi niya rin alam kung ano ang isasagot sa mga ito.
" Wow! Congrats for both of you!" wika ni Darlene na abot tenga ang ngiti.
Marahil ay masaya ito dahil talagang masosolo na nito si Kyle. Samantalang kanina pa niya napapansin si Kyle na kanina pa nagpapalakad-lakad, tila ito asong
hindi maihi at nagpapalipat-lipat ng pwesto.
" So, what are your plans now? Kailan niyo planong magpakasal?" Muling tanong ng Daddy ni Troy.
" Soon. After ng construct ng branch, sa ngayon kasi medyo busy pa kami," tugon ni Troy sa Ama.
Napalingon siya kay Troy gusto niya na talaga itong batukan sa ginagawang panloloko sa mga magulang. Nakipag birthday lang naman siya bakit bigla ay tila nasa hotseat siya ngayon.
" Okay! Since you finally made your decisions, goodluck son. You have our blessings." Tinapik-tapik pa ng matanda ang balikat ni Troy.
" Welcome to our family, Iha!" anang Mommy ni Troy at humalik pa sa pisngi niya.
" Wait,wait? Is this a joke?Magpapakasal na agad kayo, eh, 'di ba kakikilala niyo pa lang?Hindi kaya masyado kayong nagmamadali?"
Napatingin sila kay Kyle nang magsalita ito. Bahagya nang namumula ang mga mata nito dahil sa ininom. Bagamat nakangisi ito ay hindi nito naitago ang pagkayamot.
" Mali ka, we're classmates since elementary. So, we know each other since young,"katwiran ni Troy.
" Ikaw ang mali, dude! Kung mayroon mang nakakakilala kay Maritoni, ako 'yun!" tinapik pa nito ang sariling dibdib.
Hindi niya inasahan ang ginawa na iyon ng lalaki kaya nanlalaki ang mata niya sa gulat. Mukhang may plano pa yata itong sabihin ang mala MMK na nakaraan nila ng lalaki. Hindi nakaimik si Troy, nakuyom lang nito ang kamao.
" Magkakilala kayo ng fiancee ng anak ko?" curious na tanong ng Daddy ni Troy.
" Yes, sir! Hindi lang magkakilala. Actually, she's-" naputol ang pagsasalita nito dahil sumingit si Darlene.
" She's our childhood friend, 'di ba Maritoni?" mabilis na tugon ni Darlene. " Ah, by the way, if you'll excuse us, may kakausapin lang kami over there," mabilis nitong hinatak ang lalaki upang ilayo sa kanila.
" Teka, nakikipagkwentuhan pa ko,eh." Dinig pa niyang wika ng lalaki ngunit hindi ito pinakinggan ni Darlene.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon. Akala niya ay mabubuking na agad sila. Ayaw niya namang mapagalitan si Troy ng mga magulang.
" Ah, Dad. 'Di ba si Mr. Sanches iyon? Pwede bang kayo muna ang humarap sa kaniya?"
" Ah, oo nga pala may pag-uusapan nga pala kami. Oh, siya maiwan na muna namin kayo,ah?" paalam nito sa kanila.
Napangiti lang siya bilang tugon sa dalawang matanda. Tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil doon.
" Ano ka ba naman, Troy?Bakit mo sinabi sa parents mo iyon? 'Di ba tapos na iyong pagpapanggap natin?"naiinis niyang sita sa binata nang tuluyan nang makalayo ang parents ng lalaki.
" And what makes you think na nagpapanggap lang ako?" seryosong tugon nito.
" Huh?! Anong ibig mong sabihin?" Taas ang kilay niyang tanong dito.
" What if let's make it real? Magpakasal tayo?"
Namilog ang mata niya sa sinabing iyon ng lalaki. Pinigil niya ang sarili na matawa.
" Sira ka ba? Batukan kaya kita ng matauhan ka sa sinasabi mo?"
Napatitig si Troy sa kaniya. Maya-maya ay napaupo na lang ito sa bakanteng upuan at nilamukos ang sariling mukha.
" As you see kanina, sobrang happy sila. They are so excited na makasal ako, they don't even ask anything about you. Ang importante lang sa kanila ay ang makapag-asawa na ko," malungkot nitong tugon.
Bakas sa mukha ng lalaki ang lungkot habang nagsasalita na tila may malaking problemang pinapasan. Lumapit siya at tinapik ito sa balikat.
" Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanila ang totoo?"
Napailing-iling ang lalaki bago sumagot.
" Ako lang ang inaasahan na magdadala ng pangalan nila and i can't disapoint them,i'm their only son!"
Hindi siya nakaimik. Pakiramdam niya wala siyang alam na salita upang mapagaan ang loob ng binata dahil sa problemang pinapasan. Hindi siya ang nasa posisyon nito kaya hindi niya alam ang hirap ng kalooban at tensyon na nararamdaman nito dahil sa nakaatang na responsibilidad.
***
Mula sa malayo ay matiim lang na nakatanaw sa dalawa si Kyle. Nagngingitngit ang kaniyang kalooban habang si Darlene naman ay nakasimangot na nakatingin din sa kaniya.
" My God, Kyle! Pati ba naman dito may balak kang gumawa ng eksena?!"
Hindi niya pinansin ang dalaga. Kunot-noo pa rin siyang nakatanaw sa dalawa na seryosong nag-uusap. Napatingin siya sa dumaang waiter at hinarang ito. May bitbit itong tray na nag lalaman ng alak. Tumungga muna siya ng isang baso at muling kumuha ng isa pa.
" Ano ka ba naman, maglalasing ka ba? Maraming nakakakilala sa'yo dito, gusto mo bang masira ang image mo?!" nanggagalaiti pa ring sermon sa kaniya ng babae.
Kung alam niya lang sana na ganito ang mangyayari ay hindi na sana siya pumunta. Pakiramdam niya ay mapapraning na siya sa kaiisip sa balak ng dalawa na pagpapakasal. Hindi siya makapaniwalang ganoon lang kadali na magawang magpakasal nito sa iba at napakabilis nitong napalitan siya. Gusto niyang ibalibag ang hawak na baso sa sobrang sama ng loob. Tanaw niya pa rin ang dalawa na seryoso pa ring nag-uusap. Nakita pa niya ang kamay ng binata na pasimpeng humahaplos sa likod ng babae, gusto niyang baliin ang braso nito.
" Umuwi na tayo!" anang babae na inagaw sa kaniya ang hawak na baso. " Ano? Don't tell me, buong gabi mo silang panonoorin?!"
Napatingin siya kay Darlene na noon ay namumula na rin sa inis sa kaniya na tila gusto nang umiyak.Nakaramdam siya ng awa dito dahil hindi niya na nagawang irespeto ang nararamdaman nito. Napahinga siya ng malalim bago nagsalita.
" Sige na unuwi ka na, pupunta lang ako sa bar ni Alex."
" Sasama ako!"
" I just want to be alone, please?" pagsusumamo niya dahil alam niyang mahirap itong mapapayag.
Hinatid niya muna ito sa sarili nitong apartment bago siya dumiretso sa bar ng kaibigan. Gusto niya ituloy ang pag-inom at ilabas ang sama ng loob na nararamdaman para kay Maritoni. Gusto niya muna itong kalimutan kahit na saglit. Mangilan-ngilan na lang ang tao na naroon ng makarating siya sa bar. Agad na naglagay ng mga bote ng alak ang kaibigan sa lamesa. Dumating din si Andrew nang tawagan niya ito.
" Mukhang hindi ka busy ngayon, ah?" tanong sa kaniya ni Alex.
" Bakit nga pala bigla kang nag-aya na uminom, may problema ka ba pare?" pang-uusisa rin ni Andrew.
" Syempre wala! Gusto ko lang magsaya,'no! Medyo matagal na rin tayong walang bonding, eh!" aniya na pilit na humalakhak.
Nagkatinginan naman ang dalawa na tila hindi kumbinsido sa sinabi niya.
" Pare, baka nakakalimutan mo bata pa lang magkakaibigan na tayo? Kaya alam na natin kung may problema ang isa sa atin," ani ni Andrew bago muling tinungga ang hawak na bote.
Hindi siya umimik at pilit na pinakaswal ang kilos. Hindi niya inaalis ang ngiti sa labi upang pagtakpan ang sama ng loob.
" Ang daya ni Micoy, ah! Hindi man lang ako pinagbigyan. Wala na nga si Jeero pati siya mawawalan na rin ng time sa atin,"aniya pa.
" Balita ko kasi strict 'yung girlfriend,eh. Alam mo naman iyon palaging iniiwan ng girls kaya this time gagawin ang lahat huwag lang mawala si Carol," tugon ni Alex.
Natigilan siya nang marinig iyon. Kung noon sana,eh, ginawa niya kay Maritoni iyon sana ay magkasama pa sila ngayon. Lumarawan ang lungkot sa kaniyang mukha na mukhang napansin naman ng dalawa.
" Hoy,Kyle. Sabihin mo lang pag ready ka na magkwento,ah? Makikinig kami." Narinig niyang sambit ni Alex.
Nakakailang bote na siya ngunit pakiramdam niya ay hindi pa siya nalalasing. Gusto niyang malasing nang gabing iyon para makalimot ngunit tila mailap iyon sa kaniya.
" Kung bakit naman kasi nagkita pa ulit kami? Sana hindi na lang 'di ba?" Maya-maya ay wika niya sa dalawa.
" Ano bang nangyari?" agad na tanong ni Andrew.
" And now ikakasal na siya! Napakabilis lang para sa kaniya na palitan ako! Damn it!" himutok pa niya.
" Si Maritoni ba ang tinutukoy mo? So, mahal mo pa siya?" paniniguro ni Alex.
"Actually, i notice it noong nasa beach tayo. You are so jealous, nakita ko iyon kung paano mo sila tignang dalawa ng boyfriend niya," wika pa ni Andrew.
Pinilit niyang tumawa upang itago ang totoong nararamdaman ngunit sa pagkakataong ito mukhang kaylangan niya nang itigil ang pagkukunwari.
" At first i just thought na nasaktan lang ang ego ko but suddenly i realized i was wrong, shit!" tungayaw pa niya.
Hindi kasi matanggap ng isip niya na siya, si Kyle Guevarra na isang successful engineer at galing sa isang mayamang pamilya ay mapapasuko lang ng isang babae.
" And i'm badly want her back."