HINDI malaman ni Kyle kung bakit at ano ang ginagawa niya sa harap ng office nina Troy. Basta na lang siya dinala ng mga sariling paa. Ilang araw na rin kasi siyang wala sa mood na magtrabaho dahil nga sa nangyari. Hindi na naalis sa isip niya ang eksena kung saan nakita niya sina Troy at Maritoni na magkasama. Mula noon ay nasira na rin ang pokus niya sa pagtatrabaho.
At ngayon nga ay narito siya sa harap ng building, sa harap ng opisina ni Troy. Ilang linggo niya na rin kasi hindi nakikita ang dating asawa, hindi na ito pumupunta sa site, at si Troy lang lagi ang madalas niyang makita. Alas nueve ng gabi na noon at sana lang ay naroon pa ang babae.
Hindi niya alam ang sasabihin kapag nakaharap niya na ito, wala naman talaga kasi siyang sadya sa babae, gusto niya lang talaga itong makita. Magkukunwari na lang siya na hinahanap si Troy bilang dahilan ng kaniyang pagpunta. At pagkatapos nun siguro ay aayain niya na lang na lumabas ito para magkape. Ah,basta bahala na si batman.
Napahinga muna siya ng malalim bago tuluyang lumabas ng kotse. Nilapitan niya ang guard at nagtanong.
" Nariyan pa ba si Miss Maritoni?"
" Ah, opo. Naroon po sa office niya sa second floor," anang guardiya.
Matapos ay pumasok na siya sa loob. Kabado pa siya ng gabing iyon habang naglalakad sa pasilyo. Hindi niya kasi alam kung paano haharapin ang babae. Alam niyang galit sa kaniya ito matapos marinig ang lahat ng sinabi niya sa loob ng CR. Gusto niyang magpaliwanag dito.
Tahimik na sa second floor ng makaakyat siya. Mukhang wala nang ibang tao maliban sa babae. Nakapatay na rin ang ilaw sa hallway pati na rin sa ibang kwarto. Hindi ganoon kalaki ang second floor kaya hindi siya nahirapang hanapin ang opisina ng babae. Malayo pa lang ay tanaw niya na ang nakaawang na pinto nito. Alam niyang opisina na iyon ng babae dahil ito lang ang namumukod tanging nakasindi ang ilaw. Dahan-dahan siyang naglakad nang mapansin na may naapakan siyang isang bagay. Pinulot niya iyon at nang mahinuha ay isang polo.Binuksan niya ang flashlight ng cellphone para mas makita iyon. Polo iyon ng lalaki, hindi niya alam ngunit agad siyang binundol ng kaba. Bakit nagpapakalat-kalat sa sahig ang isang polo? Muling napadako ang tingin niya sa nakaawang na pinto kaya dahan-dahan siyang lumapit. Nakarinig siya ng impit na ungol na tila ba nag-iingat na hindi makalikha ng ingay. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan ng marinig iyon. Huminto siya sa harap ng pintuan habang pinagpapawisan ng ng malapot. Hiniling na sana ay hindi iyon ang opisina ng dating asawa, na sana ay umuwi na nga ito at ibang tao ang naririnig niyang umuungol sa loob. Napapikit muna siya bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng opisina upang magulantang sa nakikita. Ramdam niya ang pangangatal ng buong katawan kasabay ng pagkuyom ng kamao. Kitang-kita niya sina Troy at Maritoni na kapwa hubo't-hubad na nagpapakalunod sa kaligayahan. Nasa ibabaw ng lamesa ang dalawa habang nakaibabaw si Troy sa babae. Nakasubsob ito sa leeg ni Maritoni habang ang dalawang kamay ay nagpapakasawa sa dibdib ng babae. Kitang-kita pa niya na napapapikit pa ang babae na tila sarap na sarap sa ginagawa ni Troy. Nakita niya rin na iniangat pa mismo ni Maritoni ang mukha ng lalaki at agad na sinibasib ng halik sa mga labi.
Parang sasabog ang dibdib niya sa nakikita, kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Sobrang paninibugho ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya kayang makita na nakikipagtalik ang dating asawa sa ibang lalaki, gusto niyang pumatay.
" Mga hay*p!" Aniya sa paos na boses. " Mga hay*p kayo!"
Agad na napalingon sa kaniya ang dalawa na gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata nang makita siya.
" Ka-Kyle?!" ani ni Maritoni na agad na tinakpak ang kahubdan.
Bakas sa mukha ng dalawa ang pagkataranta. Nakita niya pang bumuka ang bibig ni Troy na tila may sinasabi ngunit hindi niya na narinig iyon dahil tuluyan ng nagdilim ang kaniyang paningin. Natanawan niya ang malaking flower vase at agad na kinuha. Plano niyang ihampas iyon kay Troy hanggang sa maligo ito sa sariling dugo. Lalong nanlaki ang mata ng dalawa ng makitang papasugod siya. Itinaas niya ang vase para ihampas kay Troy.
" Huwag!" dinig niya pang sigaw ni Maritoni.
Isang malakas na kalabog ang nagpagising sa diwa ni Kyle. Nahulog siya sa kama at ngayon ay namimilipit sa sakit habang hawak ang likod. Naliligo siya sa sariling pawis. Maya-maya ay natigilan siya habang hinihingal. Nilamukos niya ang sariling mukha. Napakasama ng kaniyang panaginip. Dahan-dahan siyang bumangon upang bumalik sa kama. Napapailing ng maalala ang masamang panaginip. Ramdam pa niya ang kirot ng dibdib na akala mong totoong-totoo ang napanaginipan.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya maka move-on dahil sa nangyari sa CR. Araw-araw niya iyon iniisip kaya hanggang sa panaginip ay nadala niya na. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag nakita na nakikipagtalik sa ibang lalaki ang dating asawa, tiyak niyang makakapatay talaga siya.
Nang sulyapan niya ang orasan na nakasabit sa pader ay alas tres pa lang ng madaling araw. Hindi na siya nakatulog nang oras na iyon kaya lumabas na siya ng kwarto. Tumuloy siya sa kusina upang kumuha ng alak sa refrigerator. Muli niyang inisip ang panaginip at muling napapakit ng mariin.
***
Nasorpresa si Maritoni nang minsang bisitahin siya ng dalawang kaibigan sa kaniyang opisina. Abala siya noon nang marinig ang maharot na boses ni Carol.
" Sis!" anito at agad na nilibot ang tingin sa paligid ng opisina.
" Taray! Ganda ng office mo,ah!" ani Jona.
" Himala yata at binisita niyo ko. Hindi kayo busy?" tanong niya sa dalawa.
" May kasalanan ka kasi samin 'no?! Naniningil kami!" Mataray na sagot ni Carol matapos maupo sa tapat niya.
" Pwede bang mag-apply dito as service crew kahit sideline lang?" pabirong tugon ni Jona.
" Baliw! Hindi nga? What brings you here ba?"
" We miss you, bakit ba? At saka marami kang dapat i-explain samin tungkol sa inyo ni Troy 'no!" Nakairap na tugon ni Carol.
" Speaking of Troy. Malapit na ang birthday niya, pumunta kayo,ah? Darating din kasi ang mga parents niya galing sa ibang bansa."
" Ipapakilala ka na girl?" namimilog ang matang tanong ni Jona.
" How dare you! Sabi mo hindi mo siya boyfriend tapos ngayon ipapakilala ka na sa parents niya? Sure ka na ba talaga sa kaniya, girl? Ang bilis mo yatang ma-fall?" Ani Carol na humalukipkip pa.
" Ano ka ba, okay lang iyon. Matanda na si Maritoni, she needs happiness naman, 'no!" pagtatanggol ni Jona sa kaniya.
" Hmp! Happiness nga ba? Hindi kaya masyado kayong nagmamadali para sa kasal?"
" Kalma nga kayo, girl! Okay, hindi ko boyfriend si Troy, we're just pretending," aniya.
" Pretending? For what?" halos magkasabay pang tanong ng dalawa.
" Ah, basta mababang kwento!"
" Bakit ba kasi sabihin mo na?" pangungulit pa rin ni Carol.
" Syempre to make Kyle jealous, am i right?" nanunuksong sambit ni Jona.
" Totoo?"
" Hoy, hindi, ah! Ikaw nga Carol,eh. Tinago mo sa'min ang relasyon niyo ni Micoy,how dare you!"
Mapapansin ang pamumula ng mukha ni Carol.
" It's different story naman yun 'no? Parehas naman kaming single 'di ba?" paliwanag pa ng kaibigan.
Para kay Maritoni ay tapos na ang pagpapanggap nila ni Troy. Malinaw naman na ang lahat sa kaniya, wala nang pakialam pa sa kaniya si Kyle.Kaya lang naman sila nagpanggap ay para inisin ito at ipamukha sa lalaki na kaya niya ring humanap ng iba. Ngunit naglaho ang pagnanais niyang gawin iyon, wala rin namang saysay!
Kasama ang mga kaibigan ay lumabas sila upang bumili ng maisusuot na damit para sa kaarawan ng binata. Kaylangan niyang magpaganda ng bonggang-bongga dahil ipapakilala siya nito sa mga magulang bilang business partner. Ayon pa rito ay darating din ang mga business partner ng mga parents niya kaya tiyak niyang puro mayayaman ang dadalo sa kaarawan ng binata.
Isang elegant but simple cocktail dress ang napili niya kung saan lutang ang kaniyang kagandahan at kaputian ng gabing iyon. Pagbaba niya pa lang ng kotse ay agad na siyang pinagtinginan ng mga tao. Kasama niya si Troy noon, sinundo siya ng lalaki mula sa kaniyang apartment. Kinakabahan man ay pilit siyang ngumiti pakiramdam niya tuloy ay siya ang may kaarawan ng gabing iyon. Agad silang dumirecho sa may sala kung saan naroon ang mga magulang ng binata at ipinakilala siya. Ngunit natigilan siya nang mamataan agad si Kyle kasama ng mga magulang ng lalaki. Ang mga ito nga pala ang nagrekomenda sa kanila sa lalaki bilang kanilang engineer kaya hindi kataka-takang kakilala na ito ng mga magulang ni Troy. Bagamat madilim ang anyo ng lalaki habang nakatitig sa kaniya ay nababasa niya naman sa mga mata nito ang matinding paghanga para sa kaniya.
" Huh! Maglaway ka! Humanda ka, who you ka ngayon sa'kin!" aniya sa sarili.
Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang pagtaas ng kilay ni Darlene habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.
" Mom, Dad. She is Maritoni, my business partner," pakilala sa kaniya ni Troy.
" Hello po," magiliw niyang bati sa mga magulang nito.
" Oh, hi iha! You're so pretty," sagot ng Mommy ni Troy.
Nahihiyang napangiti na lang siya sa papuring iyon ng matanda.
" Business partner only are you sure? And where did you meet this gorgeous lady, huh?"pabirong tugon naman ng Daddy niya.
" Actually, Mom, Dad she is also my someday partner in life."
Natawa siya ng pagak sa birong iyon ng lalaki. Napag-usapan na rin kasi nila na titigilan na nila ang pagpapanggap. Agad siyang napatingin sa mga magulang nito, nag-aalala kasi siya na baka magalit ang mga ito sa kaniya. Siya na nagmula sa hindi kilalang pamilya.
" Really? Are you sure about this, iho?" nagugulat na tanong ng Mommy nito.
Gusto niya sana itanggi ang sinabing iyon ng lalaki ngunit naroon nga pala sina Kyle at matiim itong nakatitig sa kaniya.
" Yes, Dad. And we we're planning to get married!"
Lalo siyang naloka sa sagot na iyon ni Troy.