HINDI maganda ang gising ni Maritoni ng umagang iyon. Hindi niya pa rin kasi makalimutan ang nangyari sa kanila kagabi ni Kyle. Naiinis siya sa sarili dahil ganoon lang kadali sa kaniya ang bumigay, hindi niya tuloy alam kung paano niya haharapin ang dating asawa. Malamang ay pinagtatawanan siya nito na kunwari ay abot langit ang galit niya ngunit sa huli ay bibigay rin pala. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit hindi tinuloy ng lalaki ang binabalak ngunit sa huli ay tinanggap niya na lang na talagang pinaglalaruan na lang ng lalaki ang ang feelings niya.
Ngunit muling nanumbalik sa isip niya ang mainit na eksena nila ni Kyle, ramdam niya sa bawat halik at haplos nito ang pangungulila na tila ba sabik itong muli na maangkin siya.
" Tumigil ka na nga, Toni! Gumising ka na sa pantasya mo, ikakasal na sila ni Darlene!" saway niya sa sarili. " Sa anak mo na lang i-pokus ang atensyon mo, iyon naman talaga ang plano mo noon pa 'di ba? Dumating lang si Kyle nagkaganyan ka na!" naiinis niyang sambit.
Muli siyang pumikit at pinilit na ibinaling na lang sa ibang bagay ang atensyon. Kinuha niya ang cellphone at nagpadala ng message kay at Troy na hindi muna siya makakasama sa lalaki dahil masama ang pakiramdam niya. Plano niyang buong araw na lang humilata at i-relax ang sarili sa maraming isipin. Nang maya-maya ay nakita niyang nakikipag video call sa kaniya si Carol na agad niya namang sinagot. Matagal na rin silang walang contact ng mga kaibigan dahil naging abala na sila pare-pareho sa kani-kaniyang buhay. Bigla ay nakaramdam siya ng saya at tila ibig maiyak, nakalimutan niyang may mga kaibigan nga pala siyang pwede niyang pagsabihan ng lahat ng mga problema niya, sobrang na miss niya ang mga ito.
" Hey, sis! Ano kumusta na?"
Matamlay lang siyang ngumiti dito bilang tugon.
" Ikaw, ah, porket may business ka na bihira ka na magparamdam! Miss ka na namin, girl! Set naman tayo ng bonding?"
" Now na? Hindi ba kayo busy?" agad niyang tanong.
" As in now na? Okay, pero teka ang layo mo kaya, baka bukas ka pa makarating niyan," natatawa nitong wika.
" Lumipat na ako. Ano meet tayo today?"
" Bruha ka talaga! You didn't tell us na lumipat ka na pala!"
" Sige na, tawagan mo na si Jona. I need a friend now," aniya pa sa matamlay na boses.
" May problema ka ba? Oh, my gosh, tungkol ba 'to kay Troy?! He's cheating on you?!" Tila oa na bulalas ng kaibigan.
" Anong cheating ka diyan, hindi ko naman boyfriend 'yun, eh!" kamot ulo niyang sagot. " Okay, i will prepare na, text mo na si Jona,ah?" aniya matapos ay nagpaalam na siya.
Sa isang restaurant nila napiling magkita kung saan tanaw nila ang magandang kalikasan habang kumakain kaya kahit papaano ay na relax ang isip ni Maritoni.
" So, ano na sis? Kumusta na 'yung relasyon niyo ni Troy este business pala?" panimulang tanong ni Jona matapos ibigay ang order sa waiter.
" On going pa lang 'yung construction ng branch namin. Anyway, pwede ba tigil-tigilan niyo ang panunukso sa'kin about kay Troy, may ibang mahal iyong tao, 'no!" aniya.
" Talaga? The who?" tanong ni Carol.
" It's confidential, secret lang namin iyon!"
Nangunot ang noo ng dalawa sa tinuran niya.
" May ganon pa? Arte niyo,ah!" tila inis na sagot ni Carol at sumipsip ng juice sa hawak na baso.
" Ah? Akala ko pa naman siya na ang magiging hero mo and magsi-save sa'yo from pain," nanghihinayang na sambit ni Jona.
" Anyway, ano bang problema mo? Go ahead, tell us," usisa ni Carol.
" Wala, na miss ko lang kayo!" pagsisinungaling niya. " Wait, blooming ka ngayon Carol,ah?"
" May lovelife na kasi," sagot ni Jona at kumindat pa.
" Oh?"gulat niyang sagot.
Halos hindi niya mapaniwalaan ang sinabing iyon ni Jona. Si Carol kasi ang tipo na may matigas na puso pagdating sa lalaki. Hindi agad ito basta nagtitiwala,na ang akala nga nila ay magiging matandang dalaga ito. Sino naman kaya ang maswerteng lalaki na pinagtiwalaan nito? Kung sakali ay ito ang unang magiging boyfriend ng kaibigan sa kabila ng edad nito. Samantalang si Jona ay mukhang kinarir na yata ang pagiging one-man-woman. Mula kasi nang mamatay ang nobyo nito ay hindi na ito nagkaroon pa ng ibang karelasyon. Marahil ay sa mga pasyenteng hayop na lang ipinasyang itinuon ang atensyon.
" Totoo ba?" Napansin niya ang pamumula ng pisngi ng kaibigan kahayagan na totoo nga na may nobyo na ito.
" Daldal mo, ah!" Nakairap nitong sabi kay Jona. " Huwag mo nga ibahin ang usapan, we're here to listen your problem!" baling nito sa kaniya.
Agad na napawi ang ngiti niya nang maalala ang iniindang problema kaya nagpasya na lang siyang magkwento sa mga ito.
" Nagkita kami ni Kyle."
Agad na nanlaki ang mata ng dalawa ng marinig ang sinambit niya.
" Talaga? Kelan? Saan? Paano?" sunod-sunod na tanong ni Carol.
Huminga muna siya ng malalim bago muling itinuloy ang kwento. Lalo na ang tungkol sa anak niya. Ngunit hindi niya na sinali ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Kyle dahil baka kalbuhin pa siya ng dalawa.
" Shit! Is this coincidence or destiny?"namamanghang bulalas ni Jona. " Pero alam mo hindi mo dapat inaalala si bagets, normal na reaction lang iyon, tagal niyong hindi nagkita,eh!"anito pa.
" Bawi ka na lang sa kaniya,sis! I'm sure naman hindi magtatagal babalik din kayo sa dati," payo naman ni Carol.
" But speaking of Kyle, ano na bang itsura niya?" curious na tanong ni Jona.
Hindi nakaligtas sa paningin ng dalawa na napangit siya habang inaalala ang itsura ng dating asawa.
" Okay let's go!" Biglang tumayo si Carol.
" Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.
" Syempre, sa building site ng branch niyo," tugon ng kaibigan.
" Ay, gusto ko iyan!" Tugon ni Jona.
" Ha? Bakit? 'Wag na dito na lang tayo!" Tutol niya hindi pa kasi siya handang makita ang lalaki after ng nangyari sa kanila.
" Gusto rin namin makita si Kyle 'no!" Nangingiting sabi pa ni Carol.
Wala na siyang nagawa dahil nakita niya sa dalawa na pursigido ang mga ito. Wala siyang maisip na alibi na pwedeng sabihin pa sa dalawa kaya pumayag na siya. Nagulat pa si Troy nang makita siya.
" Bakit pumunta ka pa dito? I thought you're not feeling well?"nag-aalalang tanong ng lalaki.
" Ah, kasi gusto nilang makita ang building," kinakabahan niyang tugon at inilibot ang paningin sa paligid.
Baka kasi bigla na lang sumulpot si Kyle at hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.
" Wow! Ang lawak pala ng location niyo,ah," namamanghang bulalas ni Jona.
Ngumiti si Troy bilang pagbati sa dalawa.
" And the design is very impressive!" ani ng lalaki. " And alam niyo bang we are lucky to have this location kasi in front of here is a beach which is tourist spot," dugtong pa nito na animo nakikipag sales talk sa mga costumer.
" Wow ayos! I will recommend this to my costumer if they want a something relaxing!" Tugon ni Jona.
" Also us of course! This is a perfect place to unwind."
" Wow! So, kayo ang kauna-unahan kong costumer,ah!" nangingiting tugon ni Troy.
" Okay, tara na mga sis?" Aya niya sa dalawa. Nag-aala siyang baka bigla ay sumulpot na lang ang lalaki.
" Aalis na agad kayo?"
Dinig nilang sambit na nagmula sa kanilang likuran. Si Darlene na maluwag ang pagkakangiti kasama si Kyle na seryoso lang ang mukha. May dala itong blueprint . Agad siyang pinagpawisan ng malapot ng makita ang gwapong lalaki.
" Oy, Darlene?" agad na bati ni Carol.
Hindi nga niya pala nabanggit sa dalawa si Darlene kaya nagtatanong ang mga mata ng dalawa na napatingin sa kaniya.
" Siya ang architect namin dito," agad niyang wika.
" Hi, guys!" agad na bati nito sa kanila.
Nakita niya ang paglapit ni Kyle kay Troy at kapansin-pansin na mukhang okay na ang dalawa.
" Kumusta na kayo?" Feeling close na wika ni Darlene sa dalawa.
" We're good!" dinig niyang wika ni Carol.
" Ah, by the way Toni we're asking for your approval about sa changing ng design ng building. We talk about this kanina," ani ni Darlene sa kaniya.
" Ah, that's okay with me kung napag-usapan niyo na naman,eh,"aniya.
" Actually, it's just a little change. I explain na lang to you later, Toni," baling ni Troy sa kaniya kaya napatango tango na lang siya.
" Okay, i guess we will update na lang, for now babalik na muna kami sa office ni Darlene," wika naman ni Kyle.
Kapansin-pansin na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ng lalaki na parang hindi man lang siya nakikita.
" Ano 'to? After mo kong dila-dilaan kagabi ngayon dedma ka na?!" inis niyang turan sa sarili.
" Hoy, Kyle, what's up?" bati ni Carol dito.
" Hey! It's been a long time!" matipid na bati lang nito saka ngumiti.
" Para itong reunion,ah! I think let's set a date together. Kasama sina Andrew, Micoy and Alex?" excited na turan ni Darlene.
" Uy! Join ako diyan,ah!" hirit ni Troy.
" Sure! What do you think, Hon?"baling ng dalaga sa lalaki.
" No problem," anito.
" Agree ako diyan!"bulalas ni Carol na kapansin-pansin na na excite.
" Sis! He's still yummy,ah! At matipuno!" pabirong bulong sa kaniya ni Jona.
Muli siyang napatingin kay Kyle na noon ay napapangiti lang ngunit tila umaasta ito na hindi siya nakikita.