" OKAY, magkantahan na lang tayo!" hiyaw ni Alex upang kunin ang atensyon nilang lahat. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagkalabit sa kwerdas ng gitara.
Napukaw nito ang atensyon ni Troy ngunit nanatiling nakatitig lang dito ang dating asawa na tila ba nagbabanta. Si Darlene naman ay pilit na pinasigla ang boses at kinuha ang atensyon ni Kyle.
" Hon! Can you sing with us na lang?Alam niyo ba guys? Itong si Kyle he used to sing nung nasa Amerika pa kami!"
Hindi kumibo ang lalaki, tinungga nito ang bote na nasa harapan at kapansin-pansin na rin ang pamumula ng mata nito.
" Whoa? Totoo ba 'yun, Kyle? So, pwede pala kitang kuning talent sa bar ko?" pabirong tugon ni Alex na halatang pilit lang ang ginagawang pagtawa upang ganap na mawala ang tensyon sa paligid.
Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Natatakot kasi siyang baka umabot na naman sa sakitan ang dalawa. Hindi niya talaga mabasa ang kinikilos ng dating asawa. Muli siya nitong tinapunan ng tingin ngunit umiwas na siya ng tingin dito.
" When you said you take a voice lesson, you mean it? Akala ko nagbibiro ka lang,eh!" Turan naman ni Andrew.
Napataas ang isa niyang kilay. At kelan pa nagkainteres si Kyle sa pagkanta?
" It's just my past time," tipid na tugon ni Kyle.
" Yeah! That time kasi sobrang pressured kami. Malapit na ang board exam so we decided to think something relaxing. And he choose to sing as our happy pill!"
" Alright! Sige,sample na iyan, oh!"inabot ni Alex ang hawak na gitara na agad namang kinuha ni Darlene.
Bigla ay na-excite siyang makita ito na tumugtog ng gitara.
" You want to eat?" dinig niyang alok sa kaniya ni Troy.
Inabutan siya nito ng barbecue habang ang lalaki naman ay nagsalin ng alak sa baso.
" Kaso guys, isang kanta lang ang alam niyang gawin at paulit-ulit niyang kinakanta," natatawang kwento pa ni Darlene.
" Tingin ko,alam ko 'yung tinutukoy mo? Baleleng ba ang title niyan?" pabirong tanong ni Micoy.
Humagalpak ng tawa si Carol at hinampas ito sa balikat.
" Puro ka kalokohan, Yours!" ani ni Carol sa nobyo.
" Nagbibiro lang ako, mine!" sabay halik sa kamay ng dalaga.
" Mine? Yours? Ang baduy naman ng tawagan ng dalawang 'to!" Aniya sa isip.
" Ssh! Huwag na kayo maingay, let's listen to him na!" saway sa kanila ni Jona.
Itinuon nila ang atensyon kay Kyle na noon ay sinisimulan ng kalabitin ang kwerdas ng gitara. Natigilan siya sa pagnguya nang marinig ang isang pamilyar na tugtog. Nagsimula itong kumanta.
Ikaw lang, ang pag-ibig sa buhay ko..
Napalunok siya nang marinig ang boses ng dating asawa. Tuluyan niya ng naibaba ang hawak na stick at napatitig sa lalaki. Ang kantang iyon ang unang ginawa ni Kyle nang minsang hinarana siya nito. Kapwa rin natigilan sina Andrew, Micoy at Alex at napatingin sa kaniya. Habang s Darlene naman ay kilig na kilig na pinapanood din si Kyle.
Bawat lyrics ng kanta ay tila tumatagos sa kaniyang puso. Tila bumalik sa alaala niya ang nakaraan, 'yung saya sa tuwing kinakantahan siya ng lalaki. Tumunghay ang lalaki at tumitig sa kaniya na tila pinapapaalala sa kaniya ang masaya nilang nakaraan. Pakiramdam niya tuloy ng mga oras na iyon ay siya ang kinakantahan nito. Napatingin din si Darlene sa kaniya nang mapansing nakatitig sa kaniya ang nobyo. Umiwas siya ng tingin at tinuloy ang pagkain na pakiramdam niya ay hindi niya na nalalasahan. Napansin niya rin na nagbago na ang boses nito o natatangay lang siya dahil sa kilig na nararamdaman? Kinikilig siya sa lyrics ng kanta na pakiramdam niya ay para sa kaniya. Dahil sa nararamdamang tense ay kinuha niya ang basong hawak ni Troy at tinungga ang laman nun. Habang si Troy naman ay tila nasisiyahan din sa napapakinggan.
Nang matapos ang kanta ay pare-pareho silang hindi agad nakaimik maliban kay Jona na pumalakpak pa.
" In-fairness, Kyle,ah? Ang laki ng in-improve ng boses mo, di tulad dati sa twing hinaharana mo si Toni?"
" True! Naalala ko pa noong huling kanta mo, 'yung sumayaw ka pa?" Si Carol na humalakhak pa.
Sabay-sabay silang napatingin sa dalawa. Pinandilatan niya pa ang mga ito na kapwa natahimik, malamang ay nakuha ang ibig niyang iparating.
" Parang ang init? Gusto niyo bang maligo, guys?"pag-iiba ni Andrew sa usapan.
" Uy, gusto ko iyan!" segunda naman ni Alex at inaya ang nobya na tumayo.
Agad na ring tumayo sina Jona at Carol para sumunod.
" Tara na sis!" aya ni Carol sa kaniya.
Ngunit parang hindi siya makakilos, hindi pa rin kasi siya maka-move on sa nangyari. Maging sina Darlene at Kyle ay hindi rin agad tumayo, hangang silang apat na lang ang naiwan.
" Hon, tara?" maya-maya ay wika ni Darlene. " Let's enjoy this moment!"
Ngunit hindi agad tuminag ang lalaki. Habang siya naman ay panayan ang ginagawang pagtungga sa hawak ng bote.
" Hoy tama na iyan, napaparami inom mo, ah?" saway sa kaniya ng binata.
Napansin pa niya ang matiim na tingin sa kaniya ni Darlene.
" Girl, mukhang lasing ka na, ah? Ayaw mo pa bang umuwi?" sarkastikong tanong sa kaniya ni Darlene ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin.
Natigilan lang siya nang agawin ni Kyle ang bote sa kaniya.
" Enough," matigas na sambit nito sa kaniya.
" Pakialam mo ba, ha?!" mataray niyang wika.
Namumungay ang mga mata niyang napatitig sa mukha ng lalaki. Hanggang sa tinungga na rin ni Kyle ang bote.
Narinig niya ang pagak na tawa ni Darlene na nagpairita sa kaniya.
" Pwedeng maki-join sa bote niyo?!" Inagaw nito ang bote at maging ito ay tumungga na rin.
Para silang tanga nang mga oras na iyon. Nanlaki pa ang mata niya ng bigla nitong siilin ng halik si Kyle sa harapan nila mismo.Gusto niya itong sabunutan. Hindi naman nakakilos si Kyle dahil sa kabiglaan.
" Ano kaya niyo ba 'yun, ha?" tanong nito sa kanilang dalawa ni Troy na tila naghahamon.
" Enough for this!" matigas na wika ni Kyle habang nakatingin ng masama sa kaniya.
" Why? Wala namang masama, we're both lovers here, 'di ba, Toni?" humalakhak pa ito ng malakas.
Nakagat niya ang labi dahil sa inis. Hindi naman nila pwedeng gawin ni Troy ang ginawa ng dalawa dahil wala naman talaga silang relasyon nito.
" Ano, don't tell me nahihiya kayo? Common, do it!"
" Well do it in a private place not here," nangingiting tugon ni Troy.
" That's why i challenge you to do it in front of us! Akala ko ba, wild and hot ang sexlife niyong dalawa?"
Tatayo na sana si Kyle ngunit pinigilan 'to ni Darlene. Namumula ang mukha nito na napatitig sa kaniya. Napapailing na lang siya ngunit bigla ay hawakan siya sa chin ni Troy at siniil ng halik sa labi. Napapikit na lang siya sa sobrang gulat dahil sa ginawa ng kaibigan.
" Whoa!" dinig niyang hiyaw ni Darlene.
Nanlalaki ang mata niyang napatitig sa kaibigan nang kumalas ito.
" Happy?" anito kay Darlene.
Tiim-bagang napatitig sa kaniya si Kyle, kuyom nito ang kamao. Maya-maya ay tumayo ito at iniwan sila. Sinundan lang 'to ng tingin ni Darlene at pilit ang ngiting tumingin sa kanila. Matapos ay tumayo na rin ito at iniwan sila.
" Nakita mo 'yung selos sa mukha ni Kyle?"
" Baliw ka talaga! Bakit mo ginawa iyon? Talagang pinatulan mo 'yung baliw na babaeng iyon?"
" Hindi ko ginawa iyon para kay Darlene, kundi para kay Kyle!" natatawang sagot nito. " See? He's mad because he's jealous!"
Natahimik siya sa sinabing iyon ng kaibigan.
" I don't understand. Bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo kung mahal niyo pa ang isa't-isa?"
" Hindi ko na sya mahal ' no,!" Tanggi niya.
Nangingiti na napapailing na lang sa kaniya ang binata. Maya-maya ay nagyaya na itong magswimming. Ngunit matapos ng masaksihan niya kanina ay tuluyan na nga siyang nawalan ng gana para magsaya. Sana pala ay hindi na lang siya nagpunta dito. Maya-maya ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Nagpasama siya kay Troy para pumunta sa cr ngunit nakita nilang puno ang cr ng mga babae. Marami siyang nainom na alak kaya parang sasabog na ang pantog niya. Napilitan siyang pumasok na lang sa cr ng lalaki dahil sasabog na talaga ang pantog niya.
" Bakit kasi hindi ka na lang sa dagat umihi?" anito pa habang hinihintay siya sa labas ng cubicle.
Narinig niya pa ang pagbukas nito ng gripo.
Wala naman siyang balak maligo nang mga oras na iyon. Bigla kasi siyang nawalan ng gana. Ipinilig pilig niya ang ulo para burahin sa isip ang kissing scene ng dalawa.
" Desperada talaga!"
Nang matapos sa ginagawa ay lalabas na sana siya ng bigla niyang marinig na may ibang pumasok sa Cr. Natutop niya ang bibig dahil doon.
" Hey, dude! Akala ko umuwi na kayo,eh. Mag si CR ka ba?"
" Sana. But i want to talk to you first!"
Natutop niya ang bibig nang marinig ang boses ni Kyle. Bahagya niyang binuksan ang pinto at naroon nga si Kyle.
" For what?" Kunwa ay takang tanong ng binata. '' If it is about for business let's just do it tomorrow."
" It's about, Tony!"agad nitong sagot.
Nanlaki ang mata niya sa narinig. Isasara niya na sana ang pinto ngunit gusto niyang makita ang itsura ng lalaki. Seryoso ito at naka salubong ang kilay.
" What about her? As far as i know, matagal na kayong tapos, no need to talk about it!" sarkastiko nitong tugon.
Napapabilib talaga siya sa acting ng kaibigan. Umaarte ito bilang protective boyfriend niya. Agad niyang napansin ang pigil na galit sa mukha ng lalaki.
" Hindi mo siya puwedeng pakasalan, narinig mo?!"
Narinig niya ang pagak na tawa ni Troy.
" Anong problema, Kyle? Lately, napansin ko you're acting like a jealous ex- husband, sabihin mo nga do you still love her?"
Namilog ang mata niya at sabik na marinig ang isasagot ng dating asawa. Ngunit nakatitig lang ito ng matiim kay Troy.
" Sorry to say this but she's mine now. After all, may girlfriend ka na 'di ba? Just focus your attention with her. For now, stay away from my girlfriend!" sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Troy.
Nagulat siya nang bigla ay kinwelyuhan ito ni Kyle. Ngunit nanatiling nakangiti lang si Troy na hindi man lang kababakasan ng takot.
" And now you want to punch me, huh?
Kinakabahan siya habang nakamasid sa dalawa. Kita niya ang pigil na galit sa mukha ng dating asawa.
.