" OKAY guys let's set a date for our reunion,kelan niyo gusto?"
" Reunion? Bakit close ba tayo?" aniya sa sarili.
" Game ako diyan! Tutal naman we've been busy for these past few months, i need to relax," sang-ayon naman ni Carol.
Hindi niya akalaing sasang-ayon kaagad si Carol sa suhestyon ni Darlene. Sa pagkakaalam niya ay hindi ito nakikipag bonding sa mga taong hindi naman nito close. Sabagay, maraming taon na rin ang lumipas marami nang nagbago. Muli siyang napasulyap kay Kyle na tila naiinip na,seryoso lang ang mukha nito. Hinubad nito ang suot na safety helmet habang inaalog ang damit na tila naiinitan.
" Okay! How about you, Jona?" baling nito sa kaibigan.
" Sure! Ako pa ba?"agad na sagot nito.
" Okay, let's talk about that in other time,nagmamadali tayo Darlene!"inis nang wika ni Kyle.
Agad namang tumalima si Darlene ng sitahin ng lalaki.
" Sige, we have to go na. Keep in touch na lang, okay?"pagpapaalam ni Darlene.
Agad na tumalikod ang dalawa at nilisan ang lugar na iyon. Hindi niya na alam kung ano pa ang iisipin kung bakit umaasta ito na parang walang nangyari sa kanila ng lalaki ni pagtingin ay hindi nito ginagawa sa kaniya na tila ba hindi siya nakikita.
" Ako lang ba ang hindi makapaniwala na nangyayari 'to?" bulalas ni Jona.
" Well, this is a proof na maliit lang talaga ang mundo," naiiling na tugon ni Carol.
Napansin niya ang nanunuring tingin sa kaniya ng dalawa na tila nanunukso.
" Mukhang may ideya na ako kung bakit may problema ka! Umayos ka girl,ah! Matagal na kayong tapos kurutin ko singit mo diyan," naiinis na muling sambit ni Carol.
" Ano bang sinasabi mo diyan? At saka huwag niyo nga ko tignan ng ganyan," naiinis niyang turan " Siya nga pala, Troy, okay na ba kayo?"baling niya sa lalaki na ang tinutukoy ay ang tungkol sa pagitan nito at ni Kyle
" We're okay! Nagulat nga rin ako, eh. I talked to him when he's arrived telling na kalimutan na namin ang nangyari and he acts nothing," sagot ni Troy sa kaniya.
Napatango-tango na lang siya sa tinuran nito kaya sinubukan niya nang kalimutan na lang ang lahat. Sinaway niya na ang sarili na isipin pa ang lalaki marahil ay natauhan ito at nagpasyang 'wag na siyang guluhin pa at ituon na lang ang atensyon kay Darlene.
Mabilis na lumipas ang araw at linggo. Pare- pareho na silang naging abala. Madalang na lang din siyang sumama kay Troy sa site at tinataon niyang wala doon ang dating asawa. Palagi lang siyang nasa office upang gawin ang talagang trabaho niya bilang co-owner at manager ng branch.
Napangiti siya ng makita ang picture na pinasa ni Troy. Larawan iyon ng building galing sa site na noon ay skeleton na. Bilib siya sa lalaki dahil talagang very hands on ito sa building ng branch nila. Walang araw na hindi ito pumupunta para matutukan ang project.
" Be ready para mamaya, Toni. Susunduin kita by six pm."
Nagtataka man ay nireplayan niya ito.
" For what?"
" Hindi ka ba nai-inform ng mga friends mo? They're going to have a reunion, let's join!"
Nangunot ang noo niya. Ginagawa lang iyon ng mga malalapit na magkakaibigan at hindi niya close si Darlene. Isa pa, ayaw niya nang makita ang lalaki.
" Ikaw na lang hindi ako sasama, busy ako."
" Oh, common don't say that! You've been busy for these following weeks, ni halos hindi ka na lumalabas diyan sa office. Basta susunduon kita."
Hindi niya na nireplayan ang lalaki. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Kailangan na kasi nilang mag hire ng mga tao para sa branch. Sinabihan niya ang HR department na mag paskil na ng hiring sa labas ng office o kaya via online. Sinimulan niya na ring ilista ang magiging menu nila. Mula sa putahe, drinks at sa magiging dessert. Kailangan niya na ring makipag negotiate sa mga factory na mag susupply sa kanila ng goods. Habang abala siya ay napasulyap siya sa litrato ng anak na nasa kaniyang table. Isang buwan na lang ang hihintayin niya para makasama ang anak. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya dahil sa muli nilang pagsasama.
Nang hapon ngang iyon ay sinundo siya ng lalaki. Hindi ito pumayag na hindi siya kasama. Nagbanta pa ito na pag hindi siya sumama ay hindi rin ito sasama kaya napilitan siyang pumayag na lang sa gusto nito.
" Give yourself a break because we've been very busy pag natapos na ang building," nangingiti nitong turan.
" Oo na, oo na!" tila sumusuko niyang sagot dahil sa kakulitan ng lalaki.
Sa beach resort nila napiling ganapin ang sinasabing reunion kuno ng barkada kasama na rin ang kaniyang mga kaibigan. Madilim na nang makarating sila sa resort. Naabutan niya ang mga ito na nasa buhanginan habang masayang nagkukwentuhan. May bonfire sa gitna upang magsilbing liwanag nila .Inirapan niya ang mga kaibigan na kanina pa pala naroon. Ang ilan sa kanila ay may kaniya-kaniya ng partner. At syempre present ang dalawang taksil na magkatabi ring nakaupo na nakatalikod sa kanila. Si Alex na katabi nito ang girlfriend at may hawak na gitara. Si Andrew at Jona naman ang magkatabi na parehong walang partner. Habang si Carol naman ay katabi si prof Micoy habang magka holding hands. Nanlaki bigla ang mata niya at napabalik ng tingin sa mga ito. Nangingiting sinalubong naman siya ni Jona.
" Nagulat din ako, 'no!" anito na tila alam ang ibig sabihin ng pagkabigla niya." Si Micoy pala iyong sinasabi nitong secret boyfriend ng kaibigan.
Akalain niyo 'yun isang prof lang ang bibihag sa matigas na puso ni Carol?
" Teka nga pala, why you're not answering the phone kanina pa kami tumatawag sa'yo, ah?" Pukaw ni Jona sa pagkabigla niya.
" Hey,Maritoni nandiyan na pala kayo? Come and join us!" bati sa kaniya ni Darlene.
" Hi, Toni! Long time no see!" si Alex na tumayo at nilapitan siya.
Habang si Andrew at Micoy naman ay kinawayan siya. Si Kyle naman ay walang kakilos-kilos at nanatiling nakatalikod habang may hawak na baso na may lamang alak.
" Boyfriend mo? Ang gwapo,ah?" Muling sambit ni Alex at nakipagkamay kay Troy na tinanggap naman ng lalaki.
" Come here, dito kayo maupo," aya ni Darlene sa kanila.
Alumpihit siyang kumilos habang hawak siya sa kamay ni Troy. Nagkataon pang tapat na tapat siya kay Kyle nang mga oras na iyon. Napansin niya na kulang sila ng isa wala nga pala si Jeero.
" It's been longtime, Toni!" bati ni Andrew nang makaupo siya. Nginitian niya lang ang lalaki bilang pagbati.
" Bakit ang tagal niyo dumaan ba kayo sa hotel?" Pilyang tanong sa kanila ni Darlene.
Hindi niya naitago ang inis sa mukha nang mapatingin dito habang si Kyle naman ay titig na titig sa hawak na baso.
" Pasmado talaga bibig nito kung ano-ano sinasabi!" Inis niyang turan sa sarili.
" Just kidding!"anito pa.
" Actually, pinilit ko lang talaga siya na maki-join dito," sagot ni Troy.
Tumawa na rin siya ng mapakla at napatingin kay Carol na nahihiyang nakatingin sa kaniya. Gusto niyang kurutin 'to sa singit dahil sa paglilihim nito sa relasyon sa lalaki.
" Ano ka ba naman, Toni! Don't be so serious in life. While we're young let's enjoy!" ani ni Darlene na ikinawing ang braso kay Kyle.
Iniiwasan niyang mapatingin sa dalawa ngunit nasa tapat niya ang mga ito kaya hindi niya alam kung saan siya babaling ng tingin. Napapansin niya rin ang panaka-nakang sulyap sa kaniya ni Kyle kaya bumibilis ang tibok ng puso niya kaya napapahigpit siya ng hawak kay Troy.
" Iyon nga rin ang sinabi ko sa kaniya,eh. But she's willing to work hard for our future," sagot ni Troy na kumindat pa sa kaniya.
Ibig niyang matawa sa tinuran nito mukhang ka-karerin na naman ng kaibigan ang pag acting.
" Whoa! That's great! Kami rin ni Kyle well work hard for our future!" sagot ni Darlene habang hinilig ang ulo nito sa lalaki.
" Sus! Gaya-gaya ng dialogue!" aniya sa sarili.
" Ang daya mo talaga, Toni? Sabi mo hindi mo boyfriend si Troy."
Bigla siyang nasamid at napaubo sa sinabing iyon ni Carol. Mukhang mabubuking pa yata sila ng wala sa oras.
" We just want to surprise everyone!" agad na tugon ni Troy at hinalikan ang kamay niya.
Nagulat man sa ginawa ng lalaki ay hindi siya nagpahalata.
" Quits na tayo, sis!" nangingiti niyang tugon kay Carol.
Bigla ay nagtama ang mga mata nila ni Kyle nang hindi sinasadya. Matiim na naman itong napatitig sa kaniya habang nilalagok ang baso ng alak. Bakit bigla ay namiss niya ang ganoong titig sa kaniya ng lalaki? Napatitig din ito sa magkahawak na kamay nila ni Troy.
" Gaano na ba kayo katagal na magkakilala?" singit ni Alex na noon ay bahagyang kinakalabit ang kwerdas ng gitara.
" Since elementary. Actually, crush ko na siya noon pa kaya noong nag meet kami ulit niligawan ko na siya and nagdecide na magpakasal," sagot ni Troy.
Nanlalaki ang mata niya sa mga sinasabing iyon ni Troy. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang mga pinagsasabi ngunit hinayaan niya na lang.
" Aw! That's so sweet! Parang kami ni Kyle, from friends to lover!"
" Palagi niya talagang sinisingit yung sa kanila ni Kyle, wala namang nagtatanong!" muli niyang sabi sa isip.
" Are you sure you want to marry her?" matigas ang boses na wika.
Bigla ay napatingin sila kay Kyle nang magsalita ito.
" Don't you ever know that she is my ex-wife at may anak kami?"
hindi maitago sa mukha ni Kyle ang inis at pamumula ng mukha ngunit hindi niya alam kung epekto ba iyon ng alak.
" Of course i know na may anak kayo and it's okay with me!" sagot ni Troy na nakipagtitigan na rin sa lalaki.
Hindi naman nakakibo ang mga nasa paligid. Pare-parehong natigilan at napatitig na rin sa dalawang lalaki na tila inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Maging siya ay natigilan na rin habang binubundol ng kaba ang dibdib.