Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 26 - 26

Chapter 26 - 26

NAKITA niya ang pamumula ng mukha ni Kyle na parang galit na galit. Kuyom din nito ang kamao habang nakatitig sa kanila,napataas ang kilay niya sa kung bakit ganoon na lang ang inaasal nito.

" Oh, where's Darlene, iniwan ka ba?" sarkastiko niyang tanong dito.

Nagulat pa siya ng bigla ay marahas siya nitong hinila sa braso kaya pilit siyang nagpumiglas.

" Ano ba? Bitawan mo nga ako, ano bang problema mo?!"

" Kailangan nating mag-usap!" matigas nitong wika habang hawak pa rin ang kaniyang braso.

" And what makes you think na gusto kitang makausap,ha?!" singhal niya habang nangingiwi ang mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kaniya ng lalaki.

" Well, you have no choice!"

" Hey, dude! Nasasaktan si Maritoni, let her go," awat ni Troy sa lalaki.

Agad itong hinarap ni Kyle na may matalim na titig.

" Back off, this is just between me and Toni!" Madiing tugon nito kay Troy na tila nagpipigil.

Namimilog naman ang mata ni Maritoni sa inaasal ni Kyle.

" She's getting hurt," mahinahon pa ring tugon ni Troy.

" Well, it's none on your business!"asik ni Kyle sa lalaki.

" Baka nakakalimutan mo girlfriend ko 'yang hawak mo?" madiing turan pa rin ni Troy na tila galit na rin sabay hila rin sa kamay niya. " And as i see, she refuses to talk to you."

Lalong lumarawan ang galit sa mukha ni Kyle. Nagkipagtitigan ito kay Kyle habang kabado naman si Maritoni dahil sa itsura ni Kyle na tila sasabog na sa galit at hindi malayong masaktan nito si Troy.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang inaasal ng lalaki tingin niya naman ay hindi ito lasing. Hindi kaya nagseselos ito sa kanila ni Troy? Napailing-iling siya sa naisip dahil hindi naman ito seloso kahit noon pa. Malamang ay gusto lang siyang inisin nito sa hindi malamang dahilan. Lalo lang kumukulo ang dugo niya sa inaasta ng lalaki.

" Ayokong makipag-usap sa'yo, narinig mo ba?!" aniya na pilit na hinihila ang braso ngunit ayaw pa rin siya nitong bitawan.

" You heard it? Just let her go!" Si Troy na hinila rin siya kaya naghilahan ang dalawa sa kaniya.

Tuluyang napikon si Kyle kaya binitawan siya nito at agad na kinwelyuhan si Troy. Hindi nakakilos ang huli dahil sa kabiglaan.

" Bitawan mo siya, nababaliw ka na ba?!" Hinila niya ang damit nito.

" You shut up! Napakalandi mo kasi!" duro ng lalaki sa kaniya.

Nabigla siya sa sinabi nito kaya hindi agad siya nakaimik.

" Sumusobra ka na pare,ah!" singhal na rin ni Troy dito ngunit agad naman itong sinuntok ng lalaki kaya tumilapon si Troy sa lupa.

" I already warn you! And one more thing, hindi kita pare!" anito na dinuro pa si Troy.

Tila nagising naman siya sa pagkabigla, agad niyang nilapitan si Kyle at ubod lakas na sinampal. Tulalang napatingin sa kaniya ang lalaki. Bigla ay nawala ang bangis ng mukha nito.

" Ayoko nang makita ang pagmumuka mo, get out of our sight! Layas!" aniya na nanginiginig pa ang katawan sa galit.

Bigla ay nangusap ang mata ni Kyle habang hawak ang pisngi. Pawis na pawis din ito ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo. At dahil doon ay inakay niyang tumayo si Troy at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

Nang makarating sila sa kotse ng binata ay agad niyang ginamot ang pumutok na nguso ni Troy mabuti na lang at palagi itong may dalang fitst aid kit sa kotse.

" Okay ba iyong acting ko kanina, convincing ba?" nangingiting tanong ni Troy sa kaniya.

" Sira ka talaga! Nasapak ka na nga nagawa mo pang magbiro?!"

" Ouch!" daing pa nito ng medyo madiinan niya ang kamay sa nguso ng lalaki.

" Nababaliw na talaga siya, ano bang problema niya at bigla na lang siyang naulol?Sinabihan pa kong malandi!" naiiyak niyang sambit.

" Are you serious na wala kang ideya kung bakit siya biglang nagkaganon?"

" Kasi sinapian siya ng kahambugan niya!"

Umiling-iling ang binata.

" No, Maritoni. He's jealous, nakikita ko sa mga mata niya."

Napataas ang kilay niya sa tinuran ng binata at napailing-iling.

" Malabo iyang sinasabi mo, hindi siya seloso!"

Ngunit may bahagi ng puso niya ang gustong maniwala na ganoon nga. Ibang-iba kasi ang inasta nito kanina mas tama nga kayang isipin na nasaktan lang ang ego ni Kyle?

" Well, lalaki rin ako i know the feeling." Nagkibit balikat na lang ang lalaki.

" Sorry,ah? Kung hindi ko lang sana hiniling sa'yo na magpretend tayo, hindi mangyayarini iyan," nahihiya niyang paghingi ng tawad dito.

" No problem. Kahit naman siguro sino gagawin iyong ginawa ko,eh."

" Eh, paano iyong trabaho i hope it will not affect."

" Of course not. Iba ang trabaho sa personal na problema and i hope he would do the same."

Nag-alok ang binata na ihatid siya nito sa pansamantalang tinitirhang apartment na malapit sa office nila ngunit tumanggi siya. Gusto na muna niyang bumalik sa resort para makapag relax. Masyadong magulo ang isip niya sa mga nangyayari. Una ang tungkol sa anak niya at pati na rin kay Kyle.

Pumunta siya sa bahagi ng beach kung saan wala gaanong pumupuntang turista para hindi siya maistorbo sa pag-iisip. Napapangiti siya habang sinasaksihan ang unti-unting paglubog ng araw kasabay ng luhang hindi niya namamalayang tumutulo na pala. Umupo siya sa buhanginan at itinukod ang chin sa tuhod. Gusto niyang umiyak ng umiyak ng mga oras na iyon. Muli ay sumariwa sa isip niya ang nakaraan kung saan nahuli niyang magkatabi sa kama sina Kyle at Darlene. At ngayon na magkasama pa rin ang dalawa at ipinagmamalaki pa na malapit na ang mga ito ikasal. Na ipinamumuka pa sa kaniya ang kataksilan ng mga ito. Ang buong akala niya ay okay na siya hindi pa pala. Tatlong taon ang lumipas at aminado siyang mahal niya pa ang dating asawa. Matagal siya sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na ngang dumilim. Tanging liwanag na lang ng buwan ang tumatanglaw. Ayaw niya pang umuwi, gusto niya pang marinig ang alon sa dalampasigan na nagsisilbi niyang pampakalma.

Maya-maya ay nakarinig siya ng yabag na papalapit sa kaniya. Paglingon niya ay isang bulto ng katawan ng lalaki ang naaninag niya. Kinabahan pa siya dahil baka masamang tao ito. Tiyak na walang makakarinig sa kaniya kapag sumigaw siya. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at laking gulat niya na si Kyle pala ang dumating. Matamang nakatitig sa kaniya ang lalaki. Napahinga siya ng malalim dahil doon. Tumabi ito sa kaniya sa pagkakaupo. Aalis na sana siya ngunit tila natulos siya. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot nito ang akala niya ay umalis na rin ito matapos makatikim ng sampal mula sa kaniya.

" Akala ko namamalikmata lang ako nang makita kita kanina." Panimulang wika nito. " Umuwi na ba iyong boyfriend mo?"

Malalim na paghinga lang ang tanging isinagot niya sa lalaki. Ayaw niyang makipag-usap dito.

" We have to talk, Maritoni," malumanay nitong sabi at huminga ito ng malalim. "I'm sorry for what happen kanina, for what i'm saying nabigla lang ako."

Pagak na tawa lang ang tanging lumabas sa kaniyang bibig. Hanggang ngayon kasi ay naaasar pa rin siya nang sabihan siya nito na malandi siya.

" About last night nga pala. Si Darlene, kasi ang totoo napadaan lang siya doon. Ang totoo-"

" Stop explaining,wala akong pakialam!" inis niyang tugon na agad na nagpalingon sa lalaki.

"There you go again! Katulad ka pa rin ng dati ang hirap mo pa ring kausapin lagi mo na lang dinadaan sa init ng ulo!"

" Did i ask you to explain? I don't need it, puro ka lang naman kasinungalingan wala ng totoo sa'yo, Kyle!"

Tumayo siya para iwan ito ngunit mabilis siyang hinabol ng lalaki at hinawakan sa braso.

" Huwag mo'kong hawakan nandidiri ako sa'yo!"

" Pwede ba, be matured enough, Toni?!" gigil nang singhal ng lalaki habang hawak siya sa braso.

" So, ako pa ang isip bata ngayon? Alam mo hindi kita maintindihan,eh! Ano pa bang gusto mo,ha?! Di ba masaya ka naman na kay Darlene? Masaya na rin ako kay Troy so quits na tayo!"

Napansin niya ang muling pagdilim ng mukha ng lalaki na tila hindi nagustuhan ang narinig.

" Talagang pinagmamalaki mo ang baklang 'yun 'no?!" Bigla ay hinapit siya nito sa bewang kaya nagkalapit ang mukha nila.

"Well, para sabihin ko sa'yo walang ibang pwedeng magpasaya sa'yo kundi ako lang, not him! And remember this, you are mine, only mine! Your body and even your soul!" Tiim ang bagang na sambit nito.

Nagpanting ang tenga niya sa tinuran ng lalaki. Lumabas din ang totoo na nasaktan lang ang ego nito. Hindi nito matanggap na ang dating Maritoni na baliw sa kaniya ay may iba nang nagpapaligaya. Ubod lakas niya itong tinulak at sinampal baka sakaling matauhan na ulit ito.

" Ang kapal talaga ng pagmumuka mo! Ikakasal ka na lang nagiging selfish ka pa rin? P*steng ego iyan!" naiiyak niyang sambit.

"Pwes, para sabihin ko sa'yo! Nakahanap na ko ng ibang magpapasaya sa'kin at magpapakasal na rin kami kaya tigil-tigilan mo na iyang pantasya mo!" Pagyayabang pa niya sa lalaki.

Nakita niya ang lalong galit na lumarawan sa mukha nito. Larawan ng matinding selos.

" Subukan mong magpakasal sa kaniya, Toni! I swear, hindi mo na makikita ang anak mo!"

Natigagal siya sa sinabi nito. Para sa kaniya ay talagang napaka selfish nito. Tila ba ang nais lang nito ay mabuhay siyang mag-isa at malungkot na kahit ang anak ay handa nitong ipagdamot.Tuluyan na siyang naiyak.

" Napakasama mo! Ang sama-sama mo! Hindi ka na nasiyahan na niloko mo'ko, pati ang anak ko gusto mong ilayo?!"

Hinampas niya ang lalaki sa dibdib nito habang patuloy na lumuluha. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghampas na tinatanggap lang ng lalaki. Maya-maya ay niyakap na siya nito ng mahigpit.

" I'm sorry, hindi ko sinasadya," bulong pa nito.

Patuloy lang siya sa pag-iyak habang wala pa rin siyang tigil sa paghampas sa likod nito. Nanatili lang ang lalaki sa pagyakap sa kaniya hanggang sa mapagod na rin siya sa ginagawa. Maya-maya ay dahan-dahan itong humarap sa kaniya. Pinahid nito ang luha niya habang paulit-ulit na humihingi ng sorry sa kaniya. Namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Magkalapit rin ang kanilang mga mukha kaya naaamoy niya ang mabangong hininga nito. Nadadarang na siya ng mga oras na iyon. Napatitig ito sa labi niya at dahan-dahan siyang siniil ng halik ng lalaki. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit na labi nito na nagdulot sa kaniya ng kakaibang sensasyon. Gusto niya sana itong itulak ngunit tuluyan na siyang nanghina. Natagpuan niya na lang ang sarili na sinasalubong na rin ang maalab na halik ng lalaki. Napayakap pa siya sa batok nito habang ang lalaki naman ay sa kaniyang bewang. At tuluyan na nga siyang nagpadala sa sensasyong nararamdaman.