Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 25 - 25

Chapter 25 - 25

HINDI talaga nagustuhan ni Maritoni ang ideya  ni Troy na isama ang dalawa sa pagpunta nila sa katapat na resort, hindi siya

komportable. Kung bakit naman kasi hindi ito mamasyal  ng sarili nila at kailangan pang sumama sa kanila? 

Tanaw niya ang dalawa na  nasa site habang sila ni Troy ay nakamasid lang. Narinig pa niya ang pagtikhim ni Troy at ang mga ngiting tila nanunukso. Pinandilatan niya ito kaya  natawa lang ang binata.

Nang matapos ang kailangang gawin nila sa site ay napagdesisyunan na nila pumunta sa resort.

" Bakit kailangang isama pa natin sila?" tanong niya sa naiiritang boses.

"  Look, that resort is very successful, maybe it will help us to get more idea."

" Hayy! As usual, business! Akala ko pa naman, we go there to have fun."

" Syempre, kasama na rin 'yun! Be ready kasi i will take you to the deeper part," pabirong turan ng lalaki.

" Hoy! Hindi tayo magsu-swimming 'no!" natatawa niyang sambit. 

" Well, depende! Matagal na rin kasi nung huling nakatikim ako ng dagat."

" Sus, if i know, you only simply want to see a sexy  bodies!" panunudyo niya sa lalaki.

Tinignan niya ito ng makahulugan kaya muling natawa ang lalaki. Alam na alam niya kasi ang mga tipo nito. Sa ikli ng panahon ay nakilala niya na ito, may mga bahagi rin kasi ng buhay nito ang naikwento na sa kaniya lalo na pagdating sa lovelife ng lalaki.

Napatingin sila sa mga yabag na papalapit sa kanila, sina Darlene at Kyle kaya muli na naman siyang napasimangot. Kunwa ay binalingan niya ang  hawak na cellphone.

" Tara na guys? Let's take a lunch,  medyo tanghali na," aya ni Troy sa dalawa.

" Sige, gutom na rin ako," dinig niyang sagot ni Kyle. 

Napatingin siya rito at nakita pa niyang ikinawing ni Darlene ang braso sa bisig ng lalaki kaya napaismid siya. 

" Ah, sige, just wait me here at may kukunin lang ako sa kotse," paalam ni Troy sa kanila.

Tumalikod na ang binata kaya naiwan silang tatlo. Pilit niyang iniiwas ang tingin sa dalawa lalo na kay Kyle na kanina pa nakasimangot.

" Hey, girl. Ano na bang level ng relasyon niyo ni Troy? You're so lucky to have him!" nangingiting usisa ni Darlene sa kaniya.

Napatitig din si Kyle sa kaniya na tila hinihintay ang maaari niyang isagot.  Hindi niya inaasahan ang pang-uusisa na iyon ng dalaga.

" Um, okay lang, we're happy," kaswal niyang sagot at muling itinuon ang atensyon sa hawak na cellphone.

" I mean, saan na kayo nakarating?" Napansin niya ang pilyang ngiti nito.

" Anong ibig mong sabihin?"

" Sus! Ikaw naman pa virgin pa, you know what i mean! Kasi kami ni Kyle," tumawa muna ito ng matinis.Agad namang napalingon si Kyle sa katabing dalaga na tila nagulat. " Ito palang si Kyle iba ang energy pagdating sa kama, masyadong agressive!"

" Darlene, will you shut up?! Anong sinasabi mo?" singhal ng lalaki at agad na  ibinaling sa kaniya ang tingin.

Naramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. Natulala siyang napatitig dito na nakaawang ang labi. Ano nga ba ang inaasahan niya sa dalawang 'to? Bigla ay nagngitngit ang kalooban niya.

" So, ano na? How's your sex life with him?"pilyang tanong pa rin  ni Darlene.

Napalunok siya ng laway at pinagpawisan ng malapot. Paano niya sasagutin 'to gayong wala naman talaga silang relasyon ng lalaki? Napatingin siya kay Kyle, nagdidilim ang itsura  nito at tila inaabangan ang isasagot niya.

" Well, very hot and wild!" aniya na sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi.

Hindi yata siya makakapayag na maungusan siya ng dalawa. 

" Anong sinabi mo?" tanong ng lalaki na nagngangalit ang panga. Tila hindi makapaniwala sa isinagot niya.

" Whoa! As i expected,gusto ko iyan!" ani ni Darlene na nag tbumbs-up pa na tila kinikilig. " So,  you two are planning to get married?" 

Muli siyang napalunok ng laway at hindi agad nakasagot. 

" Kyle and i are planning to get married soon!"pagyayabang pa nito.

Agad siyang napatingin kay Kyle na matiim pa ring nakatitig sa kaniya. 

" Talaga, well congrats! I'm so happy for both of you. Actually, kami rin ni Troy, very soon!" Pakiramdam niya ay may bikig sa lalamunan niya nang mga oras na iyon.

Gusto niya nang talikuran ang dalawa ngunit tila naestatwa siya. Nananakit na rin ang mga mata niya at nagawa pa niyang sisihin ang hangin dahil sa alikabok na napupunta sa mga niya kaya siya naluluha. Pilit niyang kinalma ang sarili. 

" Really? Wow congrats!" natutuwang bulalas naman ni Darlene.

" Sorry for waiting, guys! Tumawag kasi si Mommy and she's asking about the project."

Agad niyang nilapitan ito at hinawakan sa braso. Mahirap na baka mag usisa na naman si Darlene, mabuko pa siya sa kasinungalingan niya. 

" Tara na let's go, gutom na ako!" Hinila niya na si Troy at nagpatiuna na sila sa dalawa.

Tila naman nawala sa mood si Kyle at kumalas sa pagkakahawak ni Darlene. 

Namangha sila sa ganda ng beach nang marating ito. Hindi lang pinoy pati mga foreigner  ang makikita sa paligid. Hindi na siya nagtaka kung bakit naging tourist spot ang sikat na beach resort. Kumain muna sila bago in-enjoy ang mga mata sa magandang tanawin. Ngunit tuluyan nang nasira ang mood niya dahil sa nangyari kanina. Sinundan niya ng tingin ang dalawa nang magpaalam ang mga ito na mamasyal. Hila ito ni Darlene sa kamay, nagawa pang lumingon sa kaniya ang lalaki kaya inirapan niya ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobrang naapektuhan siya sa sinabi ni Darlene.

" Perfect place!" Dinig niyang sambit ni Troy, alam niyang umaandar na naman sa utak nito ang pagiging business minded.

" You know, Maritoni? What if we also find a place like this one. Building a resto, put some any sports here, what do you think?" 

" Troy, may sasabihin ako sa'yo."

Napalingon sa kaniya ang lalaki at agad na napansin ang pananamlay niya.

" Anong problema?" anito na nawala ang magandang ngiti.

" Huwag kang magagalit,ah? Kasi kanina habang wala ka, na sabi ko sa kanila na may relasyon tayo," nahihiyang pag anin niya rito.

Lumuwang ang ngiti ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa nasambit niya.

" Sorry?" namumula ang mukha niyang sambit. " Eh, kasi naman 'yung babaeng iyon, pinagyabang niya pa ang sex life nila ni Kyle, nakakainis 'di ba? So, napilitan akong magsinungaling, na sabi ko rin na ikakasal tayo very soon."

Nangingiti siya habang pinagdudugtong ang makkabilang hintuturo tanda ng labis na pagkahiya. Hindi naman magkamayaw sa paghalakhak si Troy dahil sa kwento niya.

" Tell me, ano pa bang naikwento mo,ha?" natatawa pa ring tanong nito.

" Sinabi ko rin na hot and wild ang s*x life natin!" 

Lalong namula sa kakatawa ang lalaki kaya nahawa na rin siya sa pagtawa nito. Ngunit hindi niya pa rin maitago sa mukha ang sobrang inis sa dalawa. Nahihiya man ay sasamantalahin niya na rin ang pagkakataon.

" Gusto ko sanang humingi ng favor sa'yo, eh, if okay lang?"

" What is it?"

" Kung okay lang na ano, na magpretend tayo. I mean pag nandiyan lang naman sila."

Nahihiya pa siyang ipaliwanag dito ngunit nilakasan niya ang loob. Hindi yata siya makakapayag na inggitin siya ng dalawa, gusto niya lang ipakita sa mga ito lalo na kay Kyle na very happy na siya sa kaniyang lovelife.

" It's okay with me, well, what are friends for?" 

Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito kaya napayakap siya rito sa sobrang tuwa. 

" Thank you talaga, Troy! I owe you a lot!" 

Natutuwa rin namang tinapik-tapik ni Troy ang kaniyang likod. 

" Damn! Anong ginagawa niyo?!"

Isang baritonong boses ang nagpalingon sa kanila. Si Kyle na nagdidilim ang mukha habang kuyom ang kamao. Tila ba nais nitong sapakin ang nagulat ring si Troy.

**

" HINDI mo dapat ginawa iyon, Darlene, ano ka  ba na naman!" inis niyang turan sa babae nang mapagsolo sila.

" Ang alin? 'Yung tungkol sa kasal o sa s*x?" anito na hindi man lang siya nililingon.

Abala ito sa pagtingin sa mga taong naliligo at nagbibilad sa araw.

" Both!"

" Ano bang ikinaiinis mo? Doon din naman tayo papunta 'di ba?"

" Darlene, bakit kaylangan mong ikwento  pati ang mga bagay na masyadong personal?!"galit na niyang tanong.

" Tungkol sa s*x life? Wala naman tayo nun 'di ba?" tumawa ito ng pagak. " I just want you to realize na hindi ka dapat ma guilty kung gawin man natin yun. Tingnan mo si Maritoni, masyado niyang in-enjoy ang s*x life nila ni-"

" Shut up!" galit niyang singhal sa babae.

Agad na natahimik ang dalaga. May sumungaw na luha sa mga mata nito habang napatitig sa kaniya. Nalamukos naman niya ang sariling mukha dahil doon.  Nang mga oras na iyon pakiramdam niya ay mababaliw siya tuwing maaalala ang sinabi ni Maritoni at ang plano nitong pagpapakasal kay Troy. Nakuyom niya ang kamao dahil doon.

" Masyadong maganda 'tong place para sayangin mo sa  galit, Hon! Why don't we just enjoy and appreciate the beauty of the place?" pag-iiba nito sa usapan. 

Pinilit nitong ngumiti sa kaniya at muling ikinawing ang braso sa bisig niya. Ngunit tuluyan nang nasira ang mood niya dahil sa nangyari. Kailangan niyang makausap si Maritoni bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan dahil sa galit. Marahan niyang tinanggal ang braso nito mula sa pagkakapulupot sa bisig niya.

" Bumalik ka na sa office," mahinahon na niyang utos sa babae.

Muli itong napatitig sa kaniya at nagtatanong ang mga mata. Huminga ito ng malalim bago sumagot.

" Si-sige. Ano nga palang gusto mong iluto ko sa'yo for our dinner?" Anito na pilit ngumiti.

Tila natauhan naman siya kaya naaawa siyang napatitig dito. Gusto niya sanang sabihin na 'wag na itong pumunta sa kaniyang unit ngunit tingin niya masyado na siyang naging harsh dito dahil sa ginawa niyang pagtrato.

" Sige, iluluto ko na lang iyong favorite mo, okay?" anito na mapait na ngumiti.

Hinalikan muna siya nito sa labi bago tuluyang tumalikod para lisan ang lugar na iyon. Hatid niya ito ng tingin habang may lungkot sa mga mata. Hindi niya gustong gawin iyon sa babae ngunit nadala lang siya ng kanyang emosyon. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay muli niyang naalala si Maritoni. Kasama nga pala nito ang lalaki sa mga oras na ito kaya muli niyang na kuyom ang kamao. Dali-dali niya itong pinuntahan. Gusto niya ring linawin ang tungkol sa relasyon nito kay Troy. Ngunit malayo pa lang ay tila sasabog na ang ulo niya sa galit habang tanaw ang dalawa na magkayakap. Lalo na ang mga kamay ni Troy na humahaplos sa likod ni Maritoni kung saan nakalabas ang likod nito. Pakiramdam niya ay gusto niya itong undayan ng suntok!

" Hey,asshole! Take your hands off!"  gigil niyang bulong sa sarili.