KINABUKASAN ay nagpasya siyang kausapin ang anak tungkol sa inasal nito nang nakaraang gabi. Nagkataon na naghahapunan ang mga ito kaya hindi na siya nahirapan pa na matyempuhan ang anak.
" I'm so disappointed of how you treat your, Mom last night, i hope will not happen again," malumanay niyang turan sa anak.
Ngunit nagpatuloy lang ito sa pagnguya at hindi siya pinapansin. Pasulyap-sulyap si Darlene sa kaniya na nasa kusina at naghahanda ng kanilang pagkain.
" Baby, i'm talking to you are you listening?" maawtoridad niyang paninita sa anak.
Matalim ang mga matang tinignan siya ng anak na akala mong kakainin siya ng buhay habang nakaharap dito ang laptop na gamit.
" Will you stop calling me that way, Dad? I'm not a baby anymore!"asik nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya, ayaw na ayaw na nga pala nito na tinatawag na baby. Mula pa kasi noong maliit pa ito ay ganoon na ang tawag niya kaya nasanay na siya at nakalimutang dalagita na pala ang anak.
" Oh, sorry. But don't change the topic. Aren't you happy seeing your Mom again?"
Hindi sumagot ang anak nakatitig pa rin ito sa kaniya ng masama. Naramdaman niya ang paglapit ni Darlene at umupo ito sa tabi niya.
" Kyle, anak, can you talk about that later? Nasa harap kami ng pagkain,oh! And please stop over reacted of what your daughter's did after seeing her Mom."
Dinig niyang sambit ng ina na katabi lang nito. Natatanaw din niya ang kaniyang Daddy na napapailing na lang sa pagtatanggol ng asawa sa apo nito.
" Oo nga naman, Hon.You can't blame her," ani ni Darlene.
" Pwede ba, Darlene? This is between our family, just shut up!" inis niyang turan dito.
Hindi niya nagugustuhan ang pang-i-spoil na ginagawa ng mga ito sa anak kaya lumaki itong matigas ang ulo at rebelde. Natahimik naman agad si Darlene,napatitig ito na matiim sa kaniya na tila hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi.
" Mommy, Darlene is that you?!" Dinig niyang bulalas ng anak na nasorpresa nang makita si Darlene.
" Um, yes, honey. I'm with your Dad, we're here for a business," magiliw na tugon naman ni Darlene.
" That's why you didn't visit me these past few days?I hate you for that!" kunwa ay sumimangot ang anak at humalukipkip ngunit maya-maya ay tumawa na.
" Sorry, Honey! I promise to visit you after this,okay? So, how is it going there?"
Kapansin-pansin ang tuwa sa mukha ng anak habang kausap si Darlene.
Talagang palagay na ang loob nito sa babae at mukhang ito na ang kinikilala nito bilang bagong Mommy.
" Darlene, please? I'll try to talk to my daughter, can you just stop?" naiirita na niyang puna sa dalaga.
Agad namang natahimik si Darlene. Gusto niyang makausap ng masinsinan ang anak dahil ipapaalam niya rito ang plano niyang maibalik ito sa Pilipinas para makasama ang Ina. Tumayo si Darlene at muling bumalik sa kusina.
" I hate the way how you treat her!" Muling sumimangot ang anak.
" Finish your food, Iha. I think your Dad wants to talk to you." Dinig niyang utos ng kaniyang Ama.
" Tungkol ba saan ang sasabihin mo, anak?" ani ng kaniyang Mommy.
Napabuntong-hininga muna si Kyle bago sumagot. Siguro ay ito ang magandang pagkakataon para sabihin sa mga ito ang naging pag-uusap nila ni Maritoni.
" Nag-usap kami ni Maritoni and she wanted to be with our daughter!"
" Ano? Babawiin niya ang apo ko?! And what makes you think na papayag ako?" gulat na tugon ng kaniyang Mommy.
Lalo namang sumama ang mukha ni Angel tanda ng pagtutol.
" Ano ka ba naman, kumalma ka nga! After all, she's the mother." Pagtatanggol naman ng kaniyang Ama.
" Gusto niyang bumawi kay Angel, Mom, and i think she has the right," aniya.
" Well it's too late for that!" sagot ng kaniyang anak na padabog na tumayo at dali-daling umalis.
" Angel! Comeback, mag-uusap pa tayo," sigaw niya ngunit hindi na siya pinakinggan ng anak.
Muli siyang napabuntong-hininga sa inasal ng anak. Ngunit hindi niya naman ito masisisi dahil hindi magandang alaala ang iniwan ng dating asawa sa kanilang anak. Malamang ay tuluyan na nga itong nagalit sa Ina dahil sa ginawang paglayo nito.
" I think it's better talk to her next time and mas maganda kung kaharap mo siya," suhestyon ng kaniyang Ama.
" Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit kailangan mong gawin iyon, iho!"
Hindi niya na sinagot ang Ina. Nagpaalam na siya sa mga ito at pinatay na ang connection nila.
" Mamaya na iyan, naghihintay na iyong pagkain," pukaw ni Darlene sa pananahimik niya.
Itinabi niya na ang laptop at dumulog na sa lamesa. Napansin niya ang muling pananahimik ni Darlene habang kumakain sila. Naalala niya ang mga hindi magagandang salita na binitawan niya dito kaya humingi siya ng pasensya. Hangga't maaari ayaw niyang masaktan ang damdamin nito dahil malaki ang naitulong nito para muling maka recover ang anak.
" Sorry sa mga na sabi ko kanina. But I try to discipline my daughter and it will not help kung pareho kayo ni Mommy na kukunsintihin lang siya," mahinahon niyang wika.
" Hindi kaya masyado kang nagmamadali? She's young and marami pa siyang hindi naiintindihan."
" Kaya nga kailangan ko siyang ibalik sa Mommy niya para mas maging maayos ang lahat."
" Is it Angel or you?"bigla ay tanong nito.
Napatitig siya rito. Napansin niya kabalisahan sa mata nito.
" Hindi kita maintindihan kung bakit parang ganun ka na lang kapursigido na ibalik si Angel kay Maritoni, am i not enough to be her mother?"
" Alam natin pareho na hindi pwede 'yun. Since then, i know this time will come na kailangan niyang bumalik sa Mommy niya."
" But don't force her-"
" Enough for this, buo na ang pasya ko,okay?" putol niya sa naiiritang boses.
Pinili na lang ni Darlene ang manahimik nang mapansing nag iiba na ang timpla niya. Ganoon naman talaga ito, malayong malayo kay Maritoni na mahilig makipagtalo at hindi marunong makinig sa paliwanag. Si Darlene ang tipo na laging nagpapahinuhod pagdating sa kaniya. Kahit kailan ay hindi niya ito naringgan na nagreklamo or nagdemand na tulad ng ginagawa ng dating asawa. Maganda ang flow ng relasyon nila at wala siyang maalalang naging pagtatalo nilang dalawa.
Dumating si Darlene sa buhay nila noong mga panahong inisip niyang wala nang pag asa na magiging okay pa sila ng anak na si Angel. Noong una ay hindi niya ito matanggap dahil sa ginawa nito ngunit napansin niya ang unti-unting pagbalik ng sigla ng anak. Nang malaunan nga ay napatawad niya na rin ang dalaga hanggang sa magkaroon na sila ng relasyon.
Ang malaking problema niya ngayon ay paano tuluyang makukumbinsi ang anak na bumalik sa Mommy nito, siguradong lalo lang itong magagalit sa kaniya at lalayo ang loob.
Hindi niya naman alam kung paano haharapin si Maritoni matapos ang nangyari nang mga nakaraang gabi. Malamang ay iniisip na naman nito na isa siyang sinungaling. Hindi niya alam kung bakit apektado siya sa maaari nitong isipin tungkol sa kaniya.
Kasama si Darlene ay tinungo na nila ang construction site na kung saan ay sisimulan na nila ang construction ng kanilang project. Habang abala siya sa pag inspect ng mga materials ay natanawan niya mula sa malayo ang dalawa na kararating lang. Habang abala si Darlene kausap ang foreman ay napako naman ang tingin niya sa dalawa na seryosong nag-uusap. Ngunit kumunot ang noo niya ng bigla ang pagtawa ni Maritoni at paghampas nito sa braso ng lalaki. Habang ang lalaki naman ay patuloy lang sa pagsasalita. Masakit sa tenga ang tila maharot na pagtawa ng dating asawa.
" Hon, are you okay? Kanina pa kami nag-uusap dito pero parang wala ka sa sarili," pukaw ni Darlene sa kaniyang atensyon.
Napatingin na rin si Darlene sa direksyon kung saan siya nakatingin kaya nang muli itong mapatingin sa kaniya ay napabuntong-hininga ito. Bumaling ito sa kausap na foreman.
" Okay, we're done, we call you na lang later if we have something to ask," anito sa kausap na foreman.
Muli siya nitong binalingan sa nanunuring tingin. Hindi niya naman alam ang sasabihin sa kaharap kaya umiwas siya ng tingin dito.
" Let's go, lapitan na natin sila."
Hinawakan siya nito sa kamay at sabay nilang nilapitan ang dalawa na abala pa rin sa pag-uusap.
" We're so lucky to have this place and i know it will be very succesful for us," dinig niyang sambit ni Troy.
Nang makita sila ng mga ito ay lumuwang ang ngiti ng binata sa kanila. Kaswal lang ang suot ng lalaki. Naka short lang ito at hapit na t-shirt kaya lantad ang matipuno nitong pangangatawan. Naka pony ang mahaba at alon-alon nitong buhok Ganoon din ang asawa na naka shades pa. Iniwas nito ang tingin sa kaniya nang makita siya.
" We're checking the quality of the materials and it seems to be okay," bungad na salita ni Darlene sa dalawa.
Itinaas ni Troy ang suot na shades bago nagsalita.
" After this plano namin ni Maritoni na mamasyal diyan sa katapat na resort you wanna join?" tanong sa kanila ni Troy.
" Huwag na natin silang istorbohin sa trabaho nila, Troy. 'Di ba busy kayo?"ani ni Maritoni sa kanila.
" Yes,actually we still-"
" No, we're not! Sasama kami,"agad niyang putol sa sasabihin ni Darlene.
Napansin niya ang pagsimangot ni Maritoni sa tinuran niya. Napatitig rin siya dito ng matiim habang pasimple niyang sinipat ang kabuuan nito. Nag-iinit ang ulo niya sa suot nito na akala mo isang teen ager.Naka shorts lang din kasi ito at halos nakalabas na ang likurang bahagi ng babae. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay ayaw niyang mahiwalay kahit na isang saglit ang paningin para sa dating asawa.