Chapter 7 - 05

05

Andromeda Selene Valenierra Cervantes.

Born to save lives.

Add friend Message

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang facebook niya kasi buong pangalan rin naman niya ang pangalan niya rito. May ilang mutual friends naman kami. Ang ganda niya sa profile picture niya at ang linis ng pagkakapusod ng buhok niya. May suot siyang puting lab coat, ang panloob nito ay itim na damit pang-itaas at pang-ibaba. May nakasabit rin na itim na stethoscope sa kanyang leeg. Black and white 'yong filter ng picture.

Kanina ko pa pinag-iisipan kung magpapadala ba ako sa kanya ng friend request o hindi. Baka kasi isipin niyang crush ko siya. Gusto ko lang kasi tanungin kung ayos lang ba siya, panigurado pinagalitan siya ni Mayora kahapon. Wala akong makitang kahit anong post niya, baka dahil hindi kami friends. Pwede ko naman siyang padalhan ng mensahe kahit hindi ako nagpapadala sa kanya ng friend request pero roon naman sa message request ang diretso at hindi ko alam kung makikita niya.

"Add mo na," kumalabog ako sa gulat dahil kay Carl at Aaron na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala, nakatingin sa selpon ko. Amputcha! Mag-isa ko lang kanina dito, a? Masyado na ba akong nakapokus sa account ni Selene kaya hindi ko sila napansin?

"Anak ng putcha kayo, nakakagulat kayo!" sabi ko at mahinang tinapik-tapik ang dibdib ko habang kinakalma ang sarili. "Hoy!" pinindot ni Aaron iyong add friend bago siya tumakbo, tawang-tawa sa ginawa niyang kagaguhan.

"Thank me later, pare." proud pa niyang sabi.

Hindi ako makaganti kay Aaron kaya itong si Carl na patakbo na rin paalis ang binatukan ko bago ko kaagad na kinancel ang friend request ko kay Selene. Amputcha! Bakit ko pa kinancel?

Bigla akong kinabahan nang may biglang nagpadala sa akin ng message request at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Si Selene nga. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba o hindi pero sa huli ay binuksan ko rin.

Andromeda Selene Valenierra Cervantes: bakit mo kinancel friend request mo?

Umayos ako ng upo at kaagad na nagtipa ng reply ko.

Gideon Lander Ilarde La Forte: pinindot lang ni Aaron kaya kinancel ko.

Buti na lang talaga apelyido ni Mama ang nakalagay sa birth certificate naming magkakapatid dahil nakakasuka dalhin ang apelyido ng ama namin. Ayaw kasi nila Lolo at Mama noon na gamitin namin ang apelyido ni Papa hangga't hindi pa sila kinakasal. Hindi rin namin nagawang palitan pagkatapos nilang magpakasal dahil kailangan na kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot noon ni Lolo. Wala na kaming balak palitan ngayon. Natapos na ang pagiging ama niya sa amin noong araw na tinalikuran niya ang responsibilidad niya sa pamilya namin.

Andromeda Selene Valenierra Cervantes: did you stalk me on Facebook?

Gideon Lander Ilarde La Forte: assuming

Maiinis na namam 'to.

Andromeda Selene Valenierra Cervantes: wHAT?!

Natawa ako. Naiimagine ko kasi 'yong mga mata niyang masama na naman ang tingin sa akin. Hindi ko na pinansin ang reply niyang 'yon.

Gideon Lander Ilarde La Forte: musta pala? pinagalitan ka ba kagabi?

Isang minuto yata ang lumipas bago siya nagreply.

Andromeda Selene Valenierra Cervantes: I'm fine right now. Why? You worried?

Nag-aalala ba ako? Oo, siguro. Pero normal lang naman makaramdam ng pag-alala sa ibang tao, 'di ba?

Gideon Lander Ilarde La Forte: oo pero hindi kita crush, linawin ko lang.

Andromeda Selene Valenierra Cervantes: what the heck?! you don't have to tell me that over and over!

Mahina akong natawa at nailing habang nagtitipa ng reply ko sa kanya.

Gideon Lander Ilarde La Forte: sige. trabaho na ako. study well, future doctor.

Hinintay ko pa ng dalawang minuto ang reply niya pero walang dumating. Hindi rin niya sineen ang huling mensahe ko sa kanya. Ay, woah?! May conversation na kami? Tingnan mo. Hindi naman talaga kailangang magpadala ng friend request bago magkaroon ng conversation. Siya pa ang unang nagpadala ng mensahe dahil wala talaga akong lakas ng loob kanina. Salamat talaga kay Aaron. At least nalaman kong ayos siya ngayon.

"Ano? Inaccept na niya?" tanong ni Aaron sa akin nang makalapit ako sa kanya.

Pinalo ko sa ulo niya itong karton bago inabot sa kanya. "Gago ka. Wala, kinancel ko."

"Weh?"

Hindi ko siya pinansin at muling ginawa ang trabaho ko. Hanggang sa natapos ang trabaho ko at nakauwi ako rito sa bahay ay wala pa rin siyang reply. Bakit ko ba hinihintay?

"Panay ang sulyap mo sa selpon mo. May hinihintay kang mag-chat, 'no?" nanunuksong sabi ng kapatid kong naghihiwa ng sibuyas. Siya raw magluluto ng uulamin naming sinigang na baboy. Tuwing swelduhan lang kami nakakakaulam ng karne dahil mahal.

"Wala. Magluto ka na lang d'yan." sabi ko.

"Pahiram mamaya ng selpon, Kuya. May isesearch ako sa Google."

"Ano?" agad kong tanong. "Baka porn 'yan, a. Isusumbong kita kay Mama." banta ko sa kanya.

"Hindi, baliw! Tungkol sa pag-aaralan namin bukas sa Science."

"Bakit 'yong libro mo?"

"Kuya, kailangan ko pa rin mag-research para mas mapalawak ang kaalaman ko. Bakit ba ang dami mong sinasabi? Dati-rati naman binibigay mo kaagad, a? Anong mayroon?" malisyosong sabi niya, nang-aasar pa.

"Wala, baliw." sabi ko. Ni-log out ko na ang account ko rito sa Messenger at Facebook para i-log in 'yong account niya bago ko inabot sa kanya ang selpon.

Binato ko siya nitong balat ng saging dahil binigyan niya ako ng nang-aasar na tingin. Bukas ko na lang ibibigay ang sapatos niyang binili ko dahil naiinis ako sa pang-aasar niya sa akin.

Pagkatapos kong kumain at maglinis ng katawan ay pumasada na ako. Nang malapit na mag-alas siyete ay nagtungo na ako rito sa eskwelahan. Pauwi na 'yong ibang college students. Siguro sila lang 'yong may P.E subject ngayon dahil naka-P.E uniform sila at naalala ko namang sinabi ni Selene sa Mama niya noon na 7 pm daw ang uwian nila sa tuwing may P.E sila.

Kuumunot ang noo ko nang makita si Selene na nakatayo sa gilid ng daan, naghihintay ng masakyan. Hindi ba wala siyang P.E ngayong martes? Hindi rin naman siya naka P.E uniform. Ay hindi yata siya naghihintay ng tricycle dahil hindi naman siya sumakay roon sa tricycle na tumigil sa harapan niya. Kunot-noo akong nagmaneho palapit sa kanya.

"Bakit ang tagal mo?!" sigaw niya.

"Huh? May usapan ba tayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Pumasok siya rito sa loob at humalukipkip. "Wala naman," mahina niyang sabi.

"May P.E ka? Akala ko ba Lunes, Miyerkules at Sabado lang ang schedule mo?"

"Bakit mo alam?"

"Narinig ko kahapon na sinabi mo kay Mayora." sabi ko at nagmaneho na paalis.

"Wala pero naglinis ako ng mga C.R sa department namin."

"Huh? Bakit?"

"My phone was confiscated at makukuha ko lang 'yon after 3 days of cleaning the C.Rs! Oh my, gosh! This is my first time!" stressed niyang sabi.

"Ano kasing ginawa mo?"

"I was using my phone inside the simulation room."

"Deserve…" mahinang sabi ko pero narinig niya yata.

"Ano?!"

"Wala. Sabi ko, next time 'wag ka nang gumamit ng selpon kapag may klase kayo."

"Pinapangaralan mo ba ako?"

"Sinasabi ko lang para hindi ka na ulit maglinis ng C.R, Ma'am."

"Whatever.

"Anong ginagawa niyo roon sa simulation room?"

"We were having return demonstrations. Sa food court nga tayo. I want to eat halo-halo. May halo-halo ba roon?"

"Mayroon. Ang lamig, kakain kang halo-halo?"

"So what? Hindi naman ikaw 'yong lalamigin and I want to eat something cold." sabi niya. "And you have to come with me dahil hindi naman ako pamilyar doon. I will pay you nalang, same with the usual na kinikita mo every night sa pamamasada." sabi niya.

Easy money. Hindi ko na kailangan mamasada at para hindi na rin maubos iyong gasolina ko.

"Sige. Dalawang daan kinikita ko madalas,"

"What? Ang liit naman yata."

"Malaking bagay na 'yon para sa amin kasi hindi naman gano'n karami ang pasahero tuwing gabi."

"You know what? Dapat taasan nila iyong fare kasi ang mahal na ng gasoline ngayon."

"Naipatupad na yata. Pero hindi ko alam kung kailan magsisimula."

Tahimik na ulit kaming dalawa hanggang sa marating kami rito sa may quadrangle park. Gusto niyang iwan iyong bag niya dahil mabigat pero sinabi kong bubuhatin ko na lang dahil baka may gago pang magnakaw. Kinuha ko rin ang jacket ko para may ipahiram ko sa kanya kung sakali mang lamigin siya.

"Ano bang laman ng bag mo?" tanong ko.

"Tatlong book tapos isang laptop and some other school supplies. Ang dami namang tao." sabi niya habang nakatingin sa mga taong nasa foodcourt, nagsisibilihan at nagsisikainan. May mga bangko at upuan naman sa paligid na pwede nilang gamitin kapag kakain sila.

"Doon tayo." sinabit ko ang palad ko sa kanyang balikat para iharap siya sa pupuntahan naming direksyon.

Binitawan ko na siya nang magsimula ulit kaming maglakad at saglit na napatigil nang may lumapit sa aming ilang kakilala.

"Nag-aaral ka na ulit?" tanong ni Ciara.

Umiling ako. "Ah, hindi." marahan akong tumawa. "Sa kanya 'tong bag," turo ko kay Selene.

"Hai, Selene. Magkakilala pala kayo," sabi niya.

"Feeling close siya," sabi ni Selene na ikinalaki ng mga mata ko pero natatawa ako kalaunan. Wow! Sino kaya nagyayang samahan ko siya rito sa foodcourt?

"Gusto raw niya kasi akong makasama kaya pinagbigyan ko." ganti ko na mas lalong nagpagulat na nagpagulo sa kanila maliban kay Selene na nanlaki ang mga mata.

"What?! Ang kapal mo! It's not true!" tarantang sabi niya kila Ciara bago siya bumaling sa akin. "You are just joking, right? Right?" masakit itong paraan nang pagpisil niya sa braso ko kaya tumango na lang ako sa kanila. Umayos siya ng tayo at ngumiti sa kanila. "See? He's just joking."

"Oh," tumawa si Ciara. "Una na kami. Ingat kayo," sabi niya sa amin.

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. "Ingat din kayo." sabi ko.

Nang makalayo sila ay pinaghahampas ako ni Selene sa aking braso. Tumatawa ako habang iniilagaan dahil ang ganda niya kasing pagmasdan na asar na asar sa akin.

"Bakit? Ikaw nauna!" sabi ko at hinawakan na ang mga kamay niya para tumigil siya.

Inirapan niya ako at binawi ang kanyang mga kamay mula sa akin. "Oh my, gosh!" pulang-pula na ang kanyang mukha, stressed yata sa sinabi ko. Sorry naman.

"Sorry." sabi ko at tumikhim.

Umirap siya. "Whatever. Let's go." siya na ang humila ng braso ko hanggang sa makarating kami rito sa nagtitinda ng halo-halo.

Gusto niya ako ilibre pero sinabi kong huwag na, namilit pa siya pero wala rin siyang sinabi sa akin. Nakakahiya na, 'no. Ayoko namang mamihasa. Kapeng barako at hotcake ang inorder ko para sa gabing malamig, espesyal na halo-halo naman ang inorder niya. Buti pa 'yong halo-halo, espesyal.

May isang lamesa pa naman na bakante rito kaya rito na kami pumwesto, doon siya sa kabilang bangko at dito naman ako sa kabila.

"Baka pagalitan ka na naman ni Mayora," sabi ko habang hinahalo itong kape ko.

"Maybe but I don't want to think about it. Huwag mong sirain ang pagkain ko ng halo-halo." sabi niya at tinikman iyong ube ice cream sa tuktok ng ice. "Woah! It's so good. Tikman mo," sabi niya at nagulat pa ako dahil nilapit niya sa bunganga ko ang kutsara. Maging siya ay nagulat din yata sa ginawa niya dahil medyo nanlaki ang mga mata niya. "Tikman mo na. Ang dami nang nakatingin sa atin." mahinang sabi niya.

Tumikhim muna ako bago sinubo. Tahimik siyang umayos nang upo at nahulog niya 'yong kutsara kaya yumuko siya para kunin. Kaagad ko namang itinakip itong isang palad ko kanto ng lamesang malapit sa kanya para hindi siya direktang mauntog dito kung sakali man. Inalis ko na rin nang makaupo na siya nang maayos at nagpaalam para kumuha ng bagong kutsara.

Nang pabalik na siya rito ay may isang pamilyar na lalaking lumapit sa kanya. Nag-uusap silang dalawa hanggang sa kinuha ni Selene ang selpon na inabot nung lalaki at inabot din ito pabalik bago dumiretso na rito.

Hindi pa niya nakakalahati iyong halo-halo niya ay napansin kong medyo nanginginig na siya sa lamig pero patuloy pa rin siya sa pagkain nung halo-halo. Inalis ko na 'tong jacket ko at inabot sa kanya. Nagtataka naman siyang tinaasan ako ng kilay.

"Isuot mo na 'to kung gusto mong maubos 'yang halo-halo nang hindi nanginginig sa lamig." sabi ko.

"Uh…" marahan niyang binaba iyong kutsara sa mangkok bago kinuha sa akin 'tong jacket ko. "Thank you." sabi niya niya, tumango naman ako. Sumimsim ako sa kape ko habang pinapanood siyang sinusuot 'to. Halatang malaki sa kanya pero bagay naman niya.

Binaba ko ang tingin ko rito sa hotcake bago dinilaan ang aking mga labi para alisin ang kapeng naiwan dito.

"May lahi ka?" tanong niya sa akin.

"Sino bang wala?" pabalang kong sabi. Mahina akong natawa nang tingnan niya ako ng masama. "Half-Italian si Mama. Half-Roman 'yong Papa ko." tapos half-bwakanangshit.

Tumango siya. "I see. That's why you have green eyes and aquiline nose. So, your wavy light brown hair is natural?"

Tumango ako sa kanya. "Oo." sagot ko at tumikhim.

Tumango siya at dinilaan ang kanyang mga labi bago bumaba ang tingin niya sa kanyang halo-halo. Bumaba ang mga mata ko rito sa hotcake habang kagat labing nagpipigil ng ngiti. Sinuklay ko patalikod ang buhok kong nakapusod gamit ang aking mga daliri at bumuntong-hininga. Magulo na ang buhok ko ngayon dahil marahil sa hangin, may ilang hibla nang nakawala sa noo ko at harap ng mga tainga ko.

Bumaling siya sa akin. "Bakit ka tumigil sa pag-aaral? You have the right to remain silent and you are not obliged to answer if you don't want to."

Marahan akong tumawa. "Kailangan ko kasing tulungan si Mama sa paghahanap-buhay dahil hindi kasya ang buwanang sahod niya para sa mga gastusin sa bahay at sa pag-aaral ng mga kapatid ko."

"Where's your father?"

Tila bumarado ang lalamunan ko. Binaba ko ang aking tingin dito sa hotcake na tinusok-tusok ko gamit itong tinidor. "Sumama siya sa babae niya," sumiklab ang galit ko kay Papa. Hindi ko matanggap na gano'n niya lang kami kadaling itapos para sa babae niya.

"Oh, I'm sorry to hear that."

Bumaling ako sa kanya. "Okay lang. Gano'n talaga, may walang kwentang tao talaga sa mundo."

"Yeah. Anyway, let's not talk about it. So, aside working as a tricycle and working at the grocery store, ano pang trabaho mo?" tanong niya.

"'Yon lang." sabi ko at tumango lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay diretso ko na siyang hinatid dito sa tapat ng bahay nila. Maingat kong inabot sa kanya pabalik itong bag niya matapos niyang buksan 'yong maliit na gate. Buti na lang walang Mayora na tumambad sa kanya ngayon.

"Thank you. Huwag ka na pumasada ngayon," binigyan niya ako nang naninimbang na tingin.

Natatawa akong tumango ako. "Sige. Pumasok ka na."

"Yeah. Sa isang araw ko na lang ibabalik 'tong jacket mo. Thank you ulit and ingat ka. Bukas sa 'yo ulit ako sasakay and sa isang araw. Hihintayin kita."

"Uhm, s–sige." nauutal ko pang sabi. "Pero kung matagalan ako, sa iba ka na lang sumakay." pero syempre susubukan ko pa rin na agahan para maihatid ko siya sa tapat ng bahay nila at hindi mag-isang maglakad pauwi.

Tumango lang siya at ngumiti bago pumasok sa loob. Ngumiti ako at umiling bago nagsimulang maglakad paalis.