08
Kakakuha lang namin ang sweldo namin ngayong buwan sa grocery store at niyayaya ako ng mga kaibigan kong pumunta sa AHTC para uminom ng alak pero tumanggi ako dahil may mahalaga akong pinaglalaanan ng sweldo ko. Ewan ko sa dalawang 'yon, nagtatrabaho lang yata sila para may pambili sila ng alak. Pera naman nila 'yon at sariling pagod ang binuhos kaya bahala sila kung saan nila gustong gastusin. May kaya ang mga magulang nila pero mas pinili na lang nila magtrabaho dahil tinatamad daw silang mag-aral. May pribilehiyo silang mag-aral pero sinasayang nila samantalang ang daming bata ang hindi makapag-aral sa mundo kahit na gusto nila dahil kapos si sa pera. Buhay nila 'yan kaya hindi ko dapat sila pinapakialaman.
"Ma, pangbayad ng kuryente tapos utang natin kila Tita Lea. Bigas din pala, Mama." abot ko sa kanya ng sweldo ko ngayong buwan sa grocery store.
"Lahat ba 'yan ng sweldo mo, nak?" tanong niya at tumango ako. "Naku, magtira ka naman para sa sarili mo. Kasya naman 'yong sweldo ko ngayon."
"Eh, Mama, may kinikita naman ako sa pamamasada kaya huwag niyo na po akong isipin." sabi ko at binigyan siya ng malapad na ngiti.
"Sigurado ka ba?" naninigurong tanong niya at alanganin pa sa pagkuha sa akin ng pera.
"Oo, Mama. Kapag kulang, sabihin niyo lang sa akin, a? Magbibigay pa ako."
"Tama na 'to, nak. Wala naman tayong masyadong utang kila Lea ngayon. Ako na bahala sa iba. Maraming salamat, anak, a?"
"Walang anuman, Mama. Kain na po tayo, mamamasada pa ako mamaya." hagikhik ko at inakbayan na siya papunta rito sa kusina. Saktong tapos naman na ayusin ni Rainer ang hapag-kainan.
Lunes ngayon. Hindi kami nagkita kahapon ni Selene dahil wala siyang pasok. Gusto ko siyang padalhan ng mensahe sa Messenger dahil gusto ko siyang makausap pero nahihiya ako. May usapan na kaming dalawa na sa akin na siya sasakay lagi sa tuwing uwian niya ng hapon, hinahatid ko rin siya mismo sa bahay nila para masiguro kong ligtas siyang makauwi. Buti na lang talaga hindi ko pa nakakaharap si Mayora kapag hinahatid ko ang anak niya, mahirap na baka makaihi ako sa saplot ko pang-ibaba.
"After isang practice, retdem na kaagad! Limang checklist ang imememorize namin at limang procedures ang gagawin…" reklamo niya sa akin at sumimangot, pinaglalaruan ang fishball niya.
Nakaupo siya sa tricycle ko habang nakaupo naman ako rito sa gawa sa konkretong upuan na nakapalibot sa malaking puno. Dito kami madalas naghihintay ng pasahero. Sabi naman niya, magmeryenda na muna kaming dalawa dahil stressed na stressed daw siya. Stress reliever daw niya ang pagkain.
"Para hindi niyo makalimutan kaagad," sabi ko bago sumubo ng isang kikiam.
"Yeah…" tamad siyang tumango. "Pero hindi naman lahat makakabisado kaagad. Kaya inaabot ako hanggang madaling araw para magmemorize at magpractice. Hirap na hirap na ako sa kurso ko. Pahirap nang pahirap." nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga bago sinubo ang isang pirasong fishball.
"Kaya mo 'yan. Wala namang madaling kurso, lahat mahihirap at mahihirap din ang pagdadaan bago makamit. Isipin mo na lang kung ano 'yong makakamit mo pagkatapos ng paghihirap na kinakaharap mo ngayon."
Bumuntong hininga siya. "Yeah, right…" inabot niya sa akin 'yong plastic cup. "Gusto mo pa? Ayoko na,"
Umismid ako. "Ubusin mo na 'yan bago kita ihatid sa bahay niyo." sabi ko at kaagad na sinubo ng sunod-sunod ang tatlong fishball. Uminom ako ng kaunting suka habang nakatingin sa kanya na pinapanood ako na parang gusto talagang kunin ko 'yong inaabot niya. Dinilaan ko ang mga labi ko. "Ubusin mo na. Stressed ka, 'di ba?" ngumisi ako.
Umirap lang siya bago sunod-sunod na kinain ang fishball niya. Humigop siya ng kaunting suka bago inabot sa akin ang plastic cup. Kinuha ko naman at tinapon dito sa basurahan bago ako bumalik sa kinaroroonan niya.
"Tara na ba?" tanong ko at hinawakan ang manibela ng sasakyan ko at itong silong sa itaas, yumuko ng kaunti para makita ng buo ang mukha niya.
"Bakit? Gusto mo pa ba akong makasama ng mas matagal?" taas kilay na tanong at pinagkrus ang kanyang mga braso.
Umismid ako. "Hatid na kita, mag-a alas siyete na." sabi ko at sumakay na ako sa sasakyan bago mabilis na pinaandar at nagmaneho papunta sa Barangay nila.
"Sa summer break, gusto kong puntahan ang mga tourist spots dito at ikaw ang gusto kong maging tour guide ko."
"Hindi libre, may bayad." sabi ko.
"Yeah, I know. Basta siguraduhin mo ang safety ko kapag aakyatin natin ang mga mountains dito. Casa Ethereal has three mountains, right? Mount Zaltana, Mouth Aglaia and Mouth Thalia. I never experienced hiking because I don't want to tire myself so much."
"Pero mawawala lahat ng pagod mo kapag nakatungtong ka na sa dulo kasi maganda ang tanawin ang makikita mo."
"Yeah… Sea of clouds and sunrise,"
"Sunset pa. Hindi mo makikita kapag nandito ka dahil natatakpan ng mga buntok pero kapag nasa tuktok ka ng bundok, makikita mo at sobrang ganda."
"I love sunrise. It signifies a new beginning…" ramdam ko ang matinding lungkot sa boses niya. "The day of my father's death, I lost half of me and I felt like it's already the end of my life, too…" kumunot ang noo ko at pinagilid ang sasakyan ko rito sa gilid ng tulay. "I don't know what to do with my life since the day I lost him. I never thought of losing him, that's why I never prepared myself… I was so lost, I was so hopeless. I lost everything that I had. Siya lang 'yong mayroon ako sa buhay who treated me like a princess and who made me feel na walang kulang sa buhay ko kahit wala akong Mommy sa tabi ko… Siya iyong naging Nanay at Tatay sa akin. Everytime I sleep before, I always wish that I wouldn't wake up anymore, so that I would be with my Dad in our next life. I want my life to end but I don't want to do it myself… Maybe, there's still a part of me that pushes me to stay alive." marahan siyang tumawa. Umupo ako patagalid dito sa sasakyan. "The sunrise… It always wakes me up in the morning. Parang sinasabing 'hey, Selene. Get up and start your day'." mahina siyang tumawa. Bumaling ako sa kanya at sa ilog lamang siya nakatingin. Tinukod ko ang siko ko rito sa binti ko at pinatong ang pisngi ko sa aking palad habang taimtim siyang pinagmamasdan. "I chose to continue my life without my father physically. But I know he is always with me dahil nangako siya…" ngumiti siya at bumaling sa akin. Umayos ako ng upo at tumingin sa ilog na nasisinagan ng sinag ng buwan.
Paniguradong sobrang tindi ng hirap na pinagdaanan niya sa buhay. Lumaki siyang walang ina sa tabi niya at iyong ama niya, namatay. Kahit mahirap lang kami, sobrang swerte ko dahil mayroon akong isang ina na sobrang magmahal at mag-alaga ng anak, at hindi kami tinalikuran gaya ng ginawa ng gago naming Tatay.
"Hangga't may rason ka para mabuhay, piliin mong mabuhay. Ayos lang maging mahina panandalian basta huwag na huwag kang susuko sa buhay. Paniguradong gusto rin ng Daddy mong magpatuloy ka kahit wala na siya…"
"Yeah… He said he will never leave me. He promised that he will stay beside me until the end of the universe, until I will reach all my dreams. But life has an end, that's the fact that we can't stop, and we really don't know when…" bumuntong-hininga siya. "The only reason I have right now is to reach our dream for myself and for Daddy. Pangarap namin ni Daddy na maging isa akong Neurosurgeon."
Hinawakan ko ang kanang braso niya at mahinang niyugyog. "'Yon naman pala, e. Kaya kahit mahirap 'yang daang tinatahak mo papunta sa pangarap mo, may hangganan din 'yan kaya magpatuloy ka lang para sa sarili mo at para sa Daddy mo." pagpapagaan ko ng loob niya.
Tipid siyang ngumiti at bumaling sa ilog. "But you know… I am happy that I showed and told Dad how much I love him and how lucky I am that he is my Dad when he was still alive."
Maiksi lang ang buhay natin sa mundo kaya dapat iparamdam natin sa mga mahal natin sa buhay kung gaano natin sila kamahal para sa huli, wala tayong pagsisisihan. Alam kong naiparamdam ko kay Papa kung gaano ko siya kamahal kahit na may tinatago akong galit sa kanya noon palang. Kahit naman galit tayo sa isang tao, hindi naman mawawala ang pagmamahal na mayroon tayo sa kanila.
"My Dad's life is like a sunset…" bumuntong-hininga siya. "It ended beautifully somehow. You know why? Because I know he went to heaven when there's no pain and suffering because he ended it here. My Dad is the kindest and the most genuine person I've ever met in my entire life, Gideon…" masayang sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. Bumaba siya ng sasakyan at nagtungo sa gilid ng tulay, tumingal sa madilim na kalangitan. "Hai, Daddy! How are you up there? Do you miss your gorgeous daughter already? Because I miss you so much, Daddy! Your gorgeous daughter misses you so much. I wish I could hug you tight right now. Wait for me there, okay? We will see each other again but I hope not now…" tumawa siya. "Because I still want to reach our dreams. I will always bring you on my journey. Please, always guide me, Daddy! I love you so much!"
Naiinggit ako sa kanya dahil nagkaroon siya ng isang mapagmahal na ama. Halata naman sa kanya kung gaano naging mabuting ama ang Daddy niya sa kanya.
Tumayo ako rito sa gilid niya, nagkatinginan kaming dalawa. "Gusto mong yakap?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Sus, chansing ka lang, e. Crush mo na ako, 'no?" napaatras pa ako dahil sa pagkurot niya ng tiyan ko.
"Ikaw yata ang gustong mananching dito, e. Sorry, hindi kita crush…" sabi ko at tumawa.
Tiningnan niya ako ng masama. "Ikaw lang talaga may lakas loob na sabihin 'yan sa harapan ko. Sa gandang kong 'to, hindi mo ako crush?" hindi makapaniwalang sabi niya at humalukipkip.
"Gano'n talaga, magkakaiba kami ng taste." sabi ko at humalukipkip din.
Ngumiwi siya. "So, hindi ako pasok sa taste mo? Ano bang gusto mo sa isang babae?" sa totoo lang pasok siya sa taste ko pero hindi naman ako pasok sa taste niya kaya walang aamin.
"Bakit mo gustong malaman?" kaagad kong tanong sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Type mo ako, 'no?" biro ko.
"What? Of course not! Tara na nga!" sabi niya at naglakad na papunta sa sasakyan, doon siya sa loob. Hindi naman ako na-hurt, malayo sa bituka.
Tumawa lang ako at bumalik na rin rito sa sasakyan. Hindi raw ako type. Awts, pain, pighati, lumbay, hinagpis, kirot, sakit, iyak, lungkot, dalamhati.
Ako ang naghahatid kay Selene sa bahay nila hanggang sa summer break. Wala naman kaming masyadong napag-uusapan kundi ang mga reklamo niya sa kurso niya. Pinapakinggan ko lang naman siya habang pinagmamasdan ang reaksyon niya dahil ang cute niya kasing mainis. Pigil tawa nga ako dahil baka mahampas niya ako. Hindi ko alam pero natutuwa ako dahil nagsasabi siya sa akin ng mga reklamo niya sa buhay. Puro lang talaga siya reklamo pero sabi ni Giandra ay Dean's Lister siya.
"Hindi ka ba sasali?" tanong ni Zelo sa akin, naghahanap na kasi sila ng mga players para sa darating na Inter-Barangay league.
Umiling ako. "Pass muna, p're. Hindi ko kasi ako makakapag-ensayo dahil may trabaho ako hanggang alas diyes ng gabi. Kayo na lang muna," sabi ko at tinapik ang balikat niya.
Tumango naman siya. "Sige. Pero update mo ako kapag nagbago isip mo."
"Oo. Si Lucio at Lendon baka gusto nila."
Tumango siya. "Nagpalista na sila. Tryouts muna sabi ni Coach dahil ang daming gustong sumali ngayon. E, 12 members lang naman ang kukunin."
Tumango ako. "Sige, good luck sa inyo."
"Sana makakita kami ng kasing galing mong setter," sabi niya at mahinang tumawa.
"Marami roon panigurado." tumawa ako.
Pumasok na ako rito sa loob nang magpaalam na silang magbahay-bahay para magtanong kung sino gustong sumali ng tryouts. Si Rainer naman sa basketball sumali, sumali na siya ngayon ng tryouts at sana makuha siya dahil talagang gustong-gusto niyang maglaro ng basketball.
Dahil may trabaho si Mama at wala si Rainer sa bahay, sinama ko si Ana rito sa grocery store. Nandoon lang naman siya sa counter kasama si Giandra. Malapit ang loob nila sa isa't-isa dahil ilang beses ko na rin na sinama si Ana rito at si Giandra ang kasama niya lagi. Hindi naman makulit si Ana dahil sa nakaupo lang siya roon at sa selpon lang naman siya nakapokus, naglalaro kung ano-ano roon.
"Gideon, may chat si Selene!" sabi ni Giandra at binigyan ako nang nanunuksong ngiti.
Umismid ako. "Ano?" tanong ko at naglakad palapit sa kanya.
Inabot niya sa akin ang cellphone niya at pinakita ang mensahe ni Selene "Pasuyo raw, kukunin niya mamaya. Listahan ng pinapabili niya sa 'yo."
"Ang haba naman. Kukunin ko ba selpon mo?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Oo. Huwag mo na istorbohin si Ana," sabi niya at bumaba ang tingin kay Ana na tuwang-tuwa sa nilalaro niyang hill climb racing. Nakakatuwa siyang panoorin dahil pati ulo at katawan niya gumagalaw habang kinokontrol 'yong sasakyan.
"Sige," sabi ko at nagsimulang kunin itong mga pinamili ni Selene.
Lagi siyang ganito sa akin kada linggo dahil tinatamad siyang umikot para hanapin at kunin ang mga bibilhin niya. Pupunta lang siya rito kapag kukunin niya na 'to o hindi naman ay ihahatid ko sa roon sa may kanto. Napailing nalang ako. Pasalamat siya mabait at masipag ako ako kaya nagagawa ko ito para sa kanya.
"Pads with wings…" 'yon lang ang nakalagay.
Ngayon lang siya nagpakuha sa akin ng ganito. Eh, anong hiyang niya? Baka iyong makuha ko hindi pala niya hiyang. Si Mama kasi iisa lang ang brand ng pads ang hiyang niya.
Giandra Louisse Mercado Amore: anong hiyang mong brand ng pads? si Gideon 'to.
Habang hinihintay ko ang reply niya ay kinuha ko muna itong iba bago kinuha 'yong brand ng pads na sinabi niya.
Andromeda Selene Valenierra Cervantes: kukunin ko mamayang hapon d'yan sa grocery store, may tryouts kasi kami ngayon ng volleyball.
Bumilog ang mga labi ko sa gulat at tuwa. Hindi ko alam na mahilig din pala siyang maglaro ng volleyball. Bagay sa kanya dahil matangkad siya at malakas ang hampas niya.
Giandra Louisse Mercado Amore: sana makuha ka.
Andromeda Selene Valenierra Cervantes: sarcasm ba 'yan?
Giandra Louisse Mercado Amore: hindi, a. seryoso ako. anong posisyon mo?
Andromeda Selene Valenierra Cervantes: middle blocker. magsisimula na kami. bye!
Binalik ko na kay Giandra ang selpon niya at Iniwan ko muna roon sa counter pagkatapos kong bayaran bago ako bumalik muli sa pag-aayos ng mga de latang nagulo.
"Kapag 'yang kapatid ko nahulog, Aaron, malalagot ka sa akin." banta ko sa kanya nang dumaan siya rito sa kinaroroonan ko na buhat-buhat ang kapatid sa kanyang leeg. Tuwang-tuwa naman si Ana at sinusubukan pang inaabot iyong bobida.
"Wala ka bang trust sa akin, friendship?" mayabang niyang sabi at ngumisi pa.
"Basta ingatan mo 'yang kapatid ko." tinalikuran ko na sila.
Pagkatapos ng trabaho ko sa grocery store ay dumiretso kami rito sa Esmeralda para ihatid ang pinamili ni Selene. Sakto naman na padating ko ay nandoon na siya, hinihintay ako.
"Alas singko pa lang, a. Matutulog ka na?" biro ko dahil may nakasuot na siya ng ternong pantulog.
"I'm so tired today kaya I need to sleep early. Thank you rito." sabi niya pagkatapos kuhanin sa akin ang supot kung saan nakalagay mga pinamili niya. Kinuha ko ang bayad na inabot niya.
"Musta tryouts?" tanong ko at binulsa itong bayad niya sa bulsa ko.
"Okay naman, tiring." nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga. "Marami rin magagaling na middle blocker ang posisyon kaya I don't know if makukuha ako," bumuntong-hininga siya.
"Oo 'yan, tiwala lang. Hindi ka man lang nagsasabi na naglalaro ka pala ng volleyball," ngumisi ako.
"You didn't ask. But I do play volleyball kahit noong nasa DLSU pa ako."
"Lady spiker ka pala, e."
Umismid siya. "Amara Floirendo is from here, right? One of the best players of UST Golden Tigresses."
Bumuka ang bunganga at dahan-dahan na tumango. "Oo, volleyball star din kasi talaga 'yon dito sa amin."
"She is a good player and very kind."
"Casa Ethereal pride 'yon." proud kong sabi.
Nanliit ang mga mata niya sa akin. "You like her, don't you?"
"Huh? Hindi, a! Pinupuri lang gusto na kaagad? Ma-issue ka." ngumisi ako.
"Whatever. I have to go na. Ingat kayo." bumaling siya sa likuran ko. "Hai," kaway niya sa kapatid kong sumisilip.
Ngumiti naman siya si Ana. "Hai, Ate. Ang ganda mo po,"
"Aw… Thank you. Ang ganda mo rin."
Humagikhik naman si Ana na tila kinilig sa sinabi ni Selene.
"Nga pala, kailan ka mamamasyal dito?" tanong ko at binulsa ang isang palad ko.
"I think after na lang ng Araw ng Casa Ethereal."
Tumango ako. "Okay, sige. Message mo na lang ako kung kailan ang saktong araw. Una na kami. Magpahinga ka na kaagad pagkauwi mo sa bahay niyo." sabi ko.
Hindi ko na siya ihahatid ngayon dahil kasama ko si Ana at maliwanag pa naman ang paligid.