04
Gaya ng usapan, sinundo ko siya ng bandang alas siyete rito sa tapat ng Province of Chermona State University. Suot niya 'yong P.E uniform nilang bagay na bagay sa kanya. May ilang pasahero pa rito na pwede ko sanang isakay pero hindi ko na lang ginawa para iyong ibang tricycle driver na ang mangsakay sa kanila.
"Buti naman maaga ka? Gosh, uwing-uwi na ako. Ang lagkit-lagkit ko na…" sabi niya nang makapasok na siya sa loob ng tricycle.
"Anong ginawa niyo?" tanong ko at pinaandar na itong sasakyan.
"What's your pake?" mataray niyang sagot kaagad. Hindi ko man nakita pero alam kong nakataas ang isa niyang kilay.
"Nagtatanong lang, e. Sungit." tumawa ako.
"We were doing self-defense. Kaya if you have bad intentions to me–"
"Kung ano-ano iniisip mo. Hindi ako masamang tao," sabi ko.
"Well, in case lang naman. Pwedeng sa Jollibee mo na lang ako ihatid? Nagugutom na ako."
"Ah," tumawa ako. "Pasensya na, Ma'am, pero walang Jollibee rito. Walang mga sikat na fast food chains dito."
"What?! Even Chowking?" sigaw niya.
"Oo, pati McDonald's."
"Ugh! What a boring place."
"Hindi boring dito. May malawak kaming food court dito, sa quadrangle park."
"I didn't ask." mahina niyang sabi.
"Share ko lang para naman alam mo. Masasarap din ang mga paninda roon." pagmamayabang ko. "Saan kita ihahatid? Sa Esmeralda na ba?"
"Malamang!" pagod at inaantok na nga pero may gana pang magtaray. Napailing ako. "Pero nagugutom talaga ako. Sa bakery shop na lang." bawi niya. Hindi lang pala siya mataray, magulo rin.
"Okay, Ma'am."
Pagkahatid ko sa kanya rito sa bakery shop ay inabot na niya sa akin 'yong panyo pero ang bayad niya ay hindi pa.
"Bibigay ko na lang mamaya ang bayad. Puntahan mo ako rito after 20 minutes. Bye!" sabi niya at pumasok na sa loob ng bakery shop.
Napailing na lang ako at nagmaneho paalis para kumuha ng pasahero. Limang pasahero lang ang hinatid ko sa iba't-ibang barangay bago ko siya binalikan dito sa bakery store at sakto naman na nasa labas na siya. Hindi ko naman siguro siya pinaghintay, 'no? May tatlong minuto pa naman ako bago mag-20 minutes.
"Naghintay ka ba? Sorry," paumanhin ko kaagad sa kanya dahil baka sigawan na naman niya ako dahil pinaghintay ko siya.
"No. Kakalabas ko lang din. Tara na," sabi niya at dito na sa may likuran ko sumakay.
Saglit ko siyang tinignan sa side mirror at nang masigurong ayos naman siya roon ay nagmaneho na ako papunta sa Esmeralda.
"Sa dating kanto ba kita ihahatid?" tanong ko.
"Yeah…" pagod niyang sagot.
"Ayaw mong sa tapat ng bahay niyo?"
"How? Idadaan mo itong tricycle mo masikip na hagdan?"
"Sino ba kasing nagsabing ihahatid kita sa tapat niyo gamit itong tricycle?"
"Eh, ano?"
"Maglalakad tayo. Op! Huwag mong bigyan ng malisya, nagmamagandang loob lang ako dahil delikado para sa 'yong maglakad mag-isa sa madilim na daan." sabi ko.
"Lol. Sino ba may sabing bibigyan ko ng malisya? And you don't have to walk me home na dahil kaya ko naman ang sarili ko. I learned a lot from our P.E kanina." proud pang sabi niya.
"Ihahatid pa rin kita." seryosong sabi ko. Sa totoo lang nakakabahala talaga para sa tulad niyang babae na maglakad mag-isa sa ganoong lugar.
"Malayo 'yong bahay namin, malayo ang lalakarin. Bakit ba kasi hindi na lang hindi gumawa ng zipline? Para isang hagisan na lang at para hindi na ako maglakad ng ilan pang metro." ramdam na ramdam ko ang inis sa kanyang boses.
"Bakit hindi ka na lang doon sa apartment ng pamilya mo manirahan para hindi mo na kailangang maglakad ng malayo pagkatapos ng klase?" sabi ko. Sa kanila naman 'yon. At least doon, isang sakayan lang ay nasa tapat na siya ng building ng apartment nila.
"Kung pwede lang, e. Kaso ayaw ni Mommy."
"Bakit daw?" tanong ko.
"Bakit ang daming mong tanong?" ayan na, nagtaray na naman.
"Huwag mong sagutin kung ayaw mo," sabi ko at pinagilid na rito sa may kanto itong sasakyan. Masyado naman kasi akong chismoso sa lagay na 'yon.
"Huwag mo na akong ihatid, ayokong magkaroon ng utang na loob sa 'yo."
"Nagmamagandang loob ako para tulungan ka, hindi para bigyan kita ng utang na loob sa akin. Tara na," sabi ko at hinintay muna siyang bumaba bago ako bumaba. Inabot niya sa akin ang bente pesos na kaaagad ko namang kinuha at pinasok sa aking bag.
"Sure ka ba? After this 5 meters stairs na pababa and 6 meters flat na daan, 5 meters stairs naman na pataas and then bahay na namin." sabi niya.
"Calculated mo, a." sabi ko.
"Duh! I'm not sure about it, though. Baka mas mahaba pa yata."
"Okay lang. Tara na." sabi ko at may kung anong demonyo na naman ang sumapi sa kamay ko kaya medyo naitulak ko ang likod niya. Hindi ko alam kung malakas ba pagkakatulak ko o sadyang mahina lang katawan nito. "Sorry," agad kong paumanhin nang tingnan niya ako ng masama.
Hindi kami kasyang dalawa rito sa daan kaya pinauna ko siya. Binuksan naman niya 'yong flashlight niya kaya mas naliliwanagan ang daan namin. May mga ilaw naman sa labas ng bahay ng mga kabahayan kaso hindi masyadong naiilawan dito sa daan. Iyong buwan naman natatakpan ng mga nasa itaas na kabahayan kaya hindi masyadong umaabot ang ilaw niya rito. May irigasyon sa gilid ng daan na tanging siyang nagbibigay ingay sa buong paligid. Nagpakawala yata sila ng tubig ngayon dahil medyo mataas ito. Hindi naman umulan kagabi.
"Rice terraces dati itong barangay niyo." sabi ko sa kanya. 'Yong mga may-ari kasi ng mga palayan noon ay pinatayuhan nila ng mga bahay nila at binenta sa ibang nangangailangan din ng lupang papatayuhan ng bahay.
"Yeah, halata naman." walang ganang sabi niya. "Buti hindi na-l landslide rito."
"Hindi pa naman, pero sana huwag naman." sabi ko.
"Yeah, I hope so. Ayoko namang natutulog ako nang mahimbing tapos biglang mag-l landslide." rinig ko ang marahan niyang pagtawa.
Nang nasa tapat na kami ng malaking hagdan ay tumigil na muna kami saglit para magpahinga.
"Hawakan ko na 'yang bag mo," sabi ko dahil mukhang mabigat 'yong bag niya. Kanina ko pa napapansin dahil panay ang hawak niya sa mga strap nitong nakapatong sa mga balikat niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" umirap siya at inalis ang kanyang mula sa kanyang mga balikat. "Kanina pa sana. Take care of that, may laptop 'yan sa loob." inabot niya sa akin ng bag.
"Sige, Ma'am." sarkastikong sabi ko at kinuha na itong bag niya bago maingat na sinabit sa mga balikat ko. Mahirap na, wala akong pambayad ng laptop.
"Super tiring akyatin nito. Bakit kasi hindi nalang sila magpalagay ng escalator dito?"
"Wow! Ang yaman mo naman."
"Duh! I'm not mayaman! I'm just saying what's good for the people here, especially iyong mga galing pang work and school. 'Tsaka government naman ang gagastos, not me!" umirap pa siya.
"Asa ka naman. 'Tsaka, masyadong imposible 'yang gusto mo kaya magtiis kang umakyat. Ayaw mo ba nun, exercise?"
"Exercise? Who the fuck wants to exercise after very tiring day because of work and school?"
"Oo nga naman." mahinang sabi ko dahil totoo naman ang sinabi niya. "Tara na," sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. Hindi ko naman sinasadya kaya kaagad ko rin inalis. Demonyo talagang kamay 'to, kung ano-ano na lang ginagawa sa babaeng 'to.
Tahimik na kaming naglakad na dalawa ito sa hagdan. Hindi siguro siya sanay sa ganito dahil wala pang kalahati ay tumigil na siya para magpahinga.
"Kaya pa?" natatawang tanong ko nang umupo siya sa isang baitang at sinandal ang ulo sa may pader, pagod niyang pinikit ang kanyang mga mata.
"Wait lang! You can leave na if you want." sabi niya.
"Hindi pwede. Kargo de konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa 'yo,"
"Bahala ka. Hindi ka na makakapasada. Wala kang kikitain tonight."
"Okay lang." mas mahalagang masiguro kong ayos kang makauwi. Nandito na ako, e, alangan aatras pa ako? Paano kung mamaya may mangyaring masama sa kanya r'yan sa daan? O, e di papatayin ako ng konsensya ko? Na sana hinatid ko na lang siya sa bahay nila.
"Crush mo na ako, 'no?" nagmulat siya kasabay ng pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi.
"Kapal naman ng mukha mo–"
"Anong sabi mo?!" inis niyang sabi.
Bigla akong nataranta dahil sa reaksyon. "Ang sabi ko, ang ganda naman ng mukha mo. Oo, 'yon, 'yon. Kung may narinig ka mang iba, hindi ako 'yon…"
'Yan na naman ang irap niyang unti-unti ko nang nagugustuhan na makita. "Whatever. Uunahan na kita, huwag kang magkagusto sa akin."
"Huh? Sino ba kasing nagsabi sa 'yong magkakagusto ako sa 'yo?" o, e di wag. Wala naman akong balak.
"Sinasabi ko lang kasi hindi pa naman mahirap magkagusto sa akin dahil maganda ako."
Napa-woah na lang ako dahil sa kahanginan mayroon ang babaeng 'to pero totoo naman kasi ang sinabi niya. Sabi niya ni Giandra ang dami raw nagkakagusto sa kanya. Pero hindi naman ako bumabase sa pisikal na anyo at saka wala namang pangit na tao sa mundo. Sa ugali pa rin ako bumabase. Okay lang sa akin mataray basta mabait.
"Hindi ka sanay sa ganitong buhay?" tanong ko sa kanya at sinandal ang braso ko rito sa may pader.
Umiling siya. "Sa City ako tumira buong buhay ko. Hindi ko naranasan maglakad ng ganito kalayo at hindi ko naranasan mag-commute because it's either our driver or my Dad will give me a ride or I will drive the car on my own. Ang laking adjustment." nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga. "I miss my City life." halata sa boses niya kung gaano niya ka-miss ang buhay niyang 'yon.
"Bakit ka lumipat dito kung maganda naman pala ang buhay mo roon?" napansin ko ang pagbagsak ng mga balikat niya. "Huwag mo na sagutin," sabi ko at pinagtupi ang aking mga labi.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad at nang nasa tuktok na kami ng hagdan ay nagpahinga siya saglit bago kami muling nagpatuloy. Masisikip ang daan dito, hindi pwedeng may kasabay kang maglakad. Kung hindi ka maiipit sa pader ang isa sa inyo, mahuhulog naman sa kanal o taniman.
"Do you also find houses like these, uhm, scary? They look so old na." tanong niya habang nakatingin sa mga kabahayan na gawa lahat sa kahoy. Ilang palapag ang ilang dahil ginawa nilang boarding house. Marami kasing mga taga-ibang lugar ang nag-aaral dito sa amin kaya nangangailangan sila ng matutuluyan kaya isa na 'yon sa pinagkakakitaan ng mga ibang tagarito.
"Hindi naman nakakatakot, siguro nakasanayan na namin. Hindi naman masyadong matanda na ang iba. Iyong iba bagong patayo lang din. Tradisyon kasi rito. Nakita ko naman na kahit sa ibang lugar, 'di ba? May mga konkretong bahay naman pero iilan."
"Hindi ba mas maganda sana kong concrete para mas matibay?"
"Matibay din naman ang mga 'yan. Ilang bagyo na nga ang dumaan pero hindi naman sila nayayanig." sabi ko pa.
"Mostly kasi sa mga scary movies, puro ganitong klase ng bahay ang setting kaya hindi ko maiwasang matakot. Funny, 'no? I am planning to be a doctor and then I am afraid of ghosts." bumuntong-hininga siya. Magdodoctor pala siya. Pre-med siguro niya ang nursing.
"Naniniwala ka sa multo?" tanong ko.
"Yeah kasi some of my acquaintances, nakakita na. Ikaw ba?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi hindi pa naman ako nakakakita. Sabi nga nila, to see is to believe kaya hangga't wala pa akong nakikita, hindi pa ako maniniwala."
"Yeah pero ako? I won't wish to see para maniwala." marahan siyang tumawa. Iyong tawa niyang 'yon, hindi ko alam pero gumagaan ang pakiramdam ko kapag naririnig ko.
Hindi ko alam pero bigla akong nanlumo nang nasa tapat na kami ng bahay nila. Maingat kong inabot sa kanya pabalik ang kanyang bag. Bumuntong hininga ako at pinasok ang dalawa kong kamay sa aking bulsa, hinihintay ang sasabihin niya.
"Thank you. Ingat ka," sabi niya at ngumiti sa akin bago niya binuksan ang maliit nilang gate na gawa sa kahoy.
"Bakit ngayon ka lang, Selene?" kumalabog ang dibdib ko at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang nakakatakot na boses ni Mayora. Gusto kong umalis na para hindi niya ako makita pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.
"May P.E kami. 'Di ba I told you na usually 7 pm natatapos kapag Monday, Wednesday and Saturday? I gave you my schedule na nga, e." walang gana niyang sabi.
"Baka naman iba-iba na naman ang ginagawa mo?" sabi ni Mayora.
Umalis na ako nang mapagtantong papunta sa seryoso ang usapan nila. Hindi ako chismoso at hindi tamang masaksihan ko ang gano'ng usapan nila.
"Pagod po ako," pagod na sabi ni Selene bago siya pumasok sa loob.