Chapter 4 - 02

02

Pagbalik ko rito sa lamesa namin ay inasar kaagad ako ng mga kasama ko. Akala yata talaga nila may nangyari sa amin. Hindi ako gano'n, hindi ko gawain 'yon. Mataas ang respeto ko sa mga babae.

"Ang bilis niyo naman yata, p're?" tumawa si Aaron.

"Ulol! Walang gano'n na nangyari. Nag-usap lang kami tungkol sa panyong pinahiram ko sa kanya dahil sa kapatid ko 'yon." umiling ako bago tumagay.

"Weh?" duda pa nilang lahat.

Umismid lang ako.

Amoy na amoy ko ang pabango niyang dumikit sa damit ko. Mabango siya at amoy mamahalin. Amoy hindi ako papatulan nung may-ari.

"Gusto mo 'yon, 'no?" tukso ni Carl at tinulak pa ang balikat ko.

"Hindi, gagi." bamaling ako sa kinaroroonan ng babae na dire-diretso ang pagtagay niya na parang na sanay siya. Todo cheer naman sa kanya iyong mga kasama niya.

"Pero ang ganda niya." sabi ni Vincent na titig na titig doon sa babae.

Nang muling dumako ang mga mata ko sa kanya ay tila hindi ko na magawang umiwas pa. Halatang mataas ang mga pamantayan sa lalaki. Hindi lang siya maganda, sobrang ganda niya. Sa mukha palang niya halatang may malakas na siyang personalidad. Siya 'yong tipo ng babaeng nakakatakot lapitan at kausapin dahil parang tatarayan ka lang. Totoo naman. Ilang beses na kaya niya akong tinarayan kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Itinali niya pataas ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang kanyang mahabang leeg at ang malalim nitong balagat. Payat siya pero halatang malusog. Maganda ang hubog ng kanyang katawan, kapansin-pansin dahil sa suot niyang kulay itim at halatang mamahaling bestida na saktong-sakto sa katawan niya.

Hinaplos niya pababa ang buntot ng kanyang buhok at binitawan ito kasabay ng pagkrus ng mga binti niya.

"Ganda, 'no?" bulong ni Carl sa tainga ko.

Taranta akong umiwas ng tingin at umayos ng upo. "Ikaw yata may gusto, e." sabi ko at kumuha ng isang hiwang mansanas na kaagad kong pinasok ng buo sa bunganga ko.

"Sino namang hindi magkakagusto sa kanya, e, ang ganda niya?" sabi niya, nasa babae pa rin ang kanyang mga mata. Oo nga naman.

Nagpatuloy kami sa pag-inuman hanggang sa tumigil na ako dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Pinipilit pa nila akong uminom pero nagmatigas ako dahil ayoko na talaga. Gusto ko na umuwi dahil alas nuebe na pero hindi ko naman sila pwedeng iwan na ganito ang lagay nila lalo na't sinabi ni Aaron na siya raw ang magmamaneho mamaya nung sasakyan. Gago ba siya? Lasing na lasing na kaya siya. Gusto yata niyang maagang mamatay.

Hindi ko maiwasang hindi magnakaw tingin doon sa babae kanina. Ang pula na ng mukha niya, lasing na siguro. Umismid ako. Lasing na nga siya pero inom pa rin siya nang inom, ang tataas pa ng tagay niya. Ano bang pakialam ko? Buhay niya 'yan, e.

"Ihi lang ako," paalam ko sa mga kasama ko bato dali-daling naglakad papunta rito sa C.R ng panlalaki.

Mabilis kong binuksan ang zipper ng pantalon ko at kaagad nilabas ang kanina ko pang iniipon na ihi, akala ko kasi aabot sa bahay. Wala naman problema sa akin kung lalaki ang papasok dito sa loob pero babae? Tapos lasing na lasing pa?! Iyong babaeng mataray pa. Dali-dali kong pinasok sa loob ng boxer ko ang alaga ko bago isinara. Buti nakapikit siya.

Hindi niya yata alam na maling C.R ang napasukan niya. Nakasandal siya roon sa dingding at laking gulat ko na lamang dahil may lalaking lumapit sa kanya at gago?! Hinalikan? Mas lalong kumunot ang noo ko nang humalik pabalik 'yong babae at niyapos ang kanyang mga braso sa leeg nung lalaki.

Tahimik at dahan-dahan akong lumabas para hindi ko sila maistorbo sa ginagawa nila pero natigilan ako sa paglalakad nang maisip kung tama ba ang ginawa ko. Lasing 'yong babae, e. Wala sa katinuan 'yon. Pero humalik naman siya pabalik, baka pumayag siguro? Eh, ano naman? Wala naman siya sa tamang katinuan. Lasing na lasing kaya 'yon.

"What the fuck, dude?!" dismayadong sigaw sa akin nung lalaki nang hilain ko palayo itong babae sa kanya. Muntik pa siyang mauntog sa dingding. Sayang naman.

"Iuuwi ko na kasi," sabi ko sa kanya.

"What?!" kumunot ang noo niya at hinila iyong isang kamay nitong babaeng mukhang hihimatayin na sa kalasingan. "We are still making out. Leave us alone!" sigaw niya sa akin at pilit niyang hinihila itong babae.

"Pare, lasing na kasi siya." sabi ko at marahan na hinawakan ang kamay niya para alisin.

Bumaba ang tingin ko rito sa babae na isinandal ang ulo sa dibdib ko at bago pa siya tuluyang matumba sa sahig ay pinulupot ko na ang braso ko sa baywang niya.

"She agreed. She even started it. What the fuck?!" sigaw niya at tinulak pa ang dibdib ko. English siyang nang english. Sabagay, mukha siyang may lahi.

"Lasing kasi, bro. Syempre hindi niya alam ang ginagawa niya and you shouldn't take advantage of a drunk girl." woah! Bigla akong pinagpawisan sa english ko. Tama ba 'yon? Ano naman? Wala namang perpektong tao.

Nanghina ako nang dumapo ang kamao niya sa akin pisngi kaya muntik pa akong matumba pero tinibayan ko ang katawan ko dahil may hawak akong babae. Baka masaktan pa siya kapag natumba kaming dalawa. Pero gago?! Sinapak ako?! Kung wala lang akong babaeng inalalayan ay ginantihan ko na siya. Ang sakit kaya nun!

"Hoy! Gago ka, a!" sinugod siya ni Aaron. Kinuwelyuhan siya nito bago isinandal sa dingding at sinapak sa mukha.

Gagantihan sana siya nung lalaki pero sinapak niya ulit ito sa mukha. Tulog! Haha. Deserve. Ginalaw ko ang panga ko dahil ang sakit talaga nung sinapak niya.

"Pahawak nga 'to," sabi ko kay Aaron.

"Bakit?" kunot-noong tanong naman niya sa akin.

"Sasapakin ko lang 'yan. Ang sakit nung sinapak niya. Ay, huwag na! Iangat mo na lang siya." sabi ko dahil kaya ko naman pala siyang sapakin habang hawak itong babae.

Tumawa naman siya bago inangat ang lalaki at sinandal sa dingding. Pumihit ako kaunti palapit sa kanila at sinapak siya sa mukha gamit itong kanan kong kamao. Tawang-tawa si Aaron na binitawan 'yong lalaki.

"Anong nangyari?" tanong niya sa akin.

"Naghahalikan sila, e."

"Oh? Nagselos ka?" pigil tawa niyang tanong.

"Hindi, ulol. Lasing na lasing siya, e. Syempre hindi niya alam ginagawa niya. Aysus maryosep. Anong gagawin ko rito?" problemadong sabi ko.

Tumawa siya at tinapik ako bago lumabas. "Ingat. Woah, lasing pala ako…" natawa ako nang napasandal siya sa dingding. Hinintay ko muna siyang makalakad.

Tinignan ko muli itong mukha ng babaeng tulog na tulog. Ayos, a? Napailing na lang ako at minasahe ang ilong hanggang sa kumalma ako bago siya binuhat. Siraulong Aaron. Tinuro pa ako sa mga kasama namin kaya pinagtatawanan nila ako ngayon. Walang tunog ko na lang silang minura bago bumaling sa lamesa kanina nitong babae. Kung minamalas nga naman, o! Bakit wala na sila roon? Bumaling ako rito sa buhat kong babae. Yawa! Paano na 'to?

Hindi ko naman alam kung saan bahay nito. Nagtanong-tanong naman ako sa ilang nandito pero hindi rin daw nila alam kung taga-saan siya. Wala rin siyang kahit anong dalang gamit. Ayoko namang gisingin dahil baka mamaya ay sampalin pa niya ako dahil naistorbo ko ang tulog niya. Hay, buhay nga naman! Pasulpot-sulpot na lang ang kunsumisyon at problema sa buhay.

Binabaan ko siya ng tingin ng umungol siya. Saglit na nagsalubong ang kanyang mga kilay bago ito bumalik sa dating ayos.

Inom kasi nang inom hindi naman pala kaya. Umiling na lang ako at muling inilibot ang mga mata ko sa buong bar, nagbabakasakaling may makita akong kahit isa sa mga kasama niya kanina pero wala talaga. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga bago siya hiniga rito sa may sofa, sa dati nilang pwesto kanina. Inalis ko ang suot kong jacket para pantakip sa mga binti niya. Gigisingin ko na lang siya mamaya bago mag-10 pm.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na yumuko nang makita 'yong lalaki kaninang sinapak ako na naglalakad habang nakasapo ang kamay kanyang noo.

"Fuck! Tang ina!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malutong na mura ng babae. Umupo siya at minasahe ang kanyang sintido, halatang may iniindang sakit. Inom ka pang marami, mare.

"Gusto mong tubig?" kalmadong tanong ko sa kanya kahit na kinakabahan na ako. Nadali na nga. Ang sama na naman ng tingin niya sa akin.

"Ikaw na naman? Sinabi ko nang hindi ko ibibigay 'yong panyo ngayon." inis niyang sabi at minasahe ang kanyang sentido. Minsan talaga hindi rin magandang magmagandang loob.

Tumayo ako. "Mukhang kaya mo naman na sarili mo. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo dahil maraming gago sa paligid. Ingat," paalam ko sa kanya at kumaway pa bago naglakad papunta rito sa mga kaibigan ko. Bumaling pa ako sa kanya pero nakayuko lang siya habang minamasahe ang mga sentido niya.

"Oh, bakit mo iniwan?" natatawang tanong sa akin ni Carl.

"E di samahan mo," pabalang kong sabi. "Tara na, tara na. Ihatid ko na kayo. Ako na magmamaneho ng sasakyan, Aaron." sabi ko kay Aaron na nakayuko, nilalabanan pa yata ang antok niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Putang ina. Sabog na sabog na talaga siya.

"Huh?" muntik na siyang natumba, buti nasalo siya ni Vincent na tawang-tawa.

Pinahiga siya roon sa kama at kinuha ko naman na ang susi sa kanyang bulsa. Syempre nagpaalam pa rin ako kahit tulog na yata siya. Buti na lang medyo malayo 'tong pwesto namin doon sa pwesto nung lalaki kanina. Baka magsumbong siya sa mga kasama niya, ang lalaki pa naman ng mga katawan nila.

Si Aaron ang inalalayan ko habang naglalakad kami palabas ng bar. Iyong tatlo ay kaya pa naman nila maglakad pero pagewang-gewang. Tumigil si Carl nang nasa tapat na kami ng pwesto nitong babaeng minamasahe pa rin ang sentido niya hanggang ngayon at tinatampal ang kanyang noo. Nang nagpipigil ng ngiti si Carl ay alam kong may iniisip na naman 'tong kalokohan.

"Bro, iiwan mo ba talaga crush mo rito?" natatawang sabi niya na ikinanlaki ng mga mata ko. Iyong lakas ng boses niya, halatang nagpaparinig.

Bumaling 'yong babae sa kanya kaya bigla akong nataranta.

"Gago, hindi ko siya crush." sabi ko. Hindi naman talaga. Nagagandahan lang ako sa kanya pero hindi ko siya crush.

Tinaasan ako ng kilay nung babae. "Akala mo naman crush kita!" inirapan niya ako at tumayo na siya, nagmartsa palabas. Pagewang-gewang din siya.

Humagalpak ng tawa si Carl. "Hindi ka pa nga nanliligaw, basted ka na."

"Gago!" kung bagay lang 'tong si Aaron baka kanina ko pa binato sa kanya.

"Ako na r'yan. Sundan mo nalang 'yong crush mo, baka mapaano pa." natatawa niyang kinuha sa akin si Aaron. Hinampas ko muna siya sa braso bago sinundan 'yong babae. Baka nga mahulog sa hagdan 'yon! "Hindi pala crush, a!" dinig ko pang pang-aasar niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Hindi ba pwedeng nag-aalala lang ako pero hindi ko siya crush?!

"Fucking heels!" dinig kong inis niyang sabi at tinanggal ang kanyang mga sandal.

Humawak siya roon sa railings ng hagdan at dahan-dahan ang kanyang pagbaba. Mukhang kaya naman niya. Dito na lang ako sa kabilang gilid bumaba habang taimtim siyang pinapanood. Pumihit siya paharap doon sa railings at kaagad akong nagmadaling saluhin siya gamit ang aking mga braso nang unti-unti siyang matumba dahil sa maling pag-apak niya sa hagdan.

"Woah! Kinabahan ako roon, a! Smooth!" sabi ni Carl at humalakhak habang nang-aasar na nakatingin sa amin. Ako rin, kinabahan.

Tulog na naman siya kaya wala akong nagawa kundi muli siyang buhatin.

"Halla! Kinakabahan na ako! Asan na kaya ang babaeng 'yon? Sabi niya C.R lang siya, e!" dinig kong kinakabahang sabi nung babaeng tila may tinatawagan sa kanyang phone. "Her phone is dead!" bigong sabi niya.

Teka! Sila 'yong mga kasama nitong babae kanina, a! Hindi ako sigurado kung sila nga pero parang sila naman.

"Tumawag ka na kaya sa bahay nila?" sabi nung isang babae sa kanya.

"Wala akong number nila sa bahay nila at kung mayroon man, hindi rin ako pwedeng tumawag. Hindi lang si Selene ang malalagot kundi pati tayo, gaga." problemadong sabi nung babae.

"Damn, right! Nakakatakot pa naman si Tita Hera."

Umawang ang mga labi ko at bumaba ang mga mata ko rito sa babaeng binubuhat ko. Si Mayora Hera ba ang nanay nito? Ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig silang dalawa. Hindi nga talaga ako nito papatulan dahil mayaman ang pamilyang pinagmulan niya. Siya siguro 'yong babaeng sinasabi nila noon na anak ni Mayora Hera na wala rito sa Casa Ethereal. Sabi nila ay pangalawang pamilya lang ni Mayora Hera ang pamilya niya ngayon na nandito.

"Ah, Miss. Excuse me…" agaw ko ng atensyon nila nang makalapit ako sa kanila. "Kaibi–"

"Selene! What the fuck?" gulat na sigaw nung isang babae.

"Kaibigan namin siya, Gideon." sabi nung isa. Kilala niya ako?

"Ah, paano 'to?" tanong ko.

"Ano… pabuhat na lang hanggang doon sa sasakyan, please?" pagmamakaawa nitong isa at hinawakan pa ang braso ko, medyo pinisil pa niya. Kailangan niya bang pisilin?

Tumango ako. "Sige. Saan?"

Sinundan ko naman sila. Pagkatapos kong ipasok dito sa sasakyan at isuot ang kanyang seatbelt ay nagpaalam na ako sa kanilang aalis. Nagpasalamat naman sa akin ang dalawang kaibigan. Pinuntahan ko na itong mga kasama ko na nakatambay sa gilid ng sasakyan.

Nagtataka akong bumaling dito kay Carl nang tapikin niya ang braso ko. "Habang maaga pa, mag-move on ka na sa crush mo." sabi niya, halatang nagpipigil pa ng tawa.

"Pinagsasabi mo?!" singhal ko sa kanya. Kanina pa ako naiinis sa panunukso nila sa akin doon sa babae.

"Anak ni Mayora Hera 'yong crush mo, e. Matic na mahirap siyang abutin." sabi niya.

"Ulol ka. Hindi ko naman kasi siya crush," sabi ko at tinulungang tumayo itong si Vincent bago binuksan ang pintuan nitong back seats.

Tinulungan namin sila ni Carl sa pagpasok dito sa kotse. Binuksan ko na rin ang makina nang masigurong ayos sila sa kanilang mga pwesto. Nagdasal na muna ako bago nagsimulang magmaneho. Alam ko namang magmaneho ng ganitong sasakyan dahil tinuruan ako ni Papa noong may kotse pa kami. Binenta namin noon dahil nagkasakit si Ana, kinailangan namin ng malaking pera para sa pagpapagamot niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mababadtrip dito sa mga kasama ko dahil ang lalakas ng loob nilang kumanta pero wala naman sa tono at mali-mali ang liriko tapos sila-sila rin ang nagtatama sa isa't-isa.

"Text ko pala girlfriend ko, p're, nakalimutan ko kanina magpaalam sa kanya." sabi ni Aaron at kinapa ang kanyang selpon sa bulsa niya.

"Lasing na nga." ani Carl at tumawa. Alam kasi naming wala naman siyang girlfriend. Baka 'yong ex na naman niya ang itetext niya.

"Sa birthday ko, p're, mag-b bottle fight tayo para mas maganda at mas masaya. Punta kayo, Carl at Gideon." dinig kong sabi ni Vincent.

"Sige, p're." natatawang sabi ni Carl.

"Anong bottle fight? Magpupukpukan tayo ng bote sa ulo?" nagtatakang tanong ni Marcus sa kaibigan.

"Hindi. Ang bobo mo naman. Iyong paghahaluin natin ang mga pagkain sa dahon ng sa–"

"Gago, doodle fight 'yon!"

"Anong doodle fight? Ginawa mo namang pagalingan tayong mag-drawing!"

Tawang-tawa kami ni Carl sa mga pinagsasabi nilang dalawa. Gulat akong napalingon saglit kay Aaron na tinawagan 'yong ex niyang galit na galit. Nakabukas ang speaker kaya dinig na dinig namin ang pag-uusap nilang dalawa.

"Tang ina mo, Aaron! Huwag kang text nang text sa akin dahil nababadtrip ako. Matagal na tayong hiwalay kaya manahimik ka na r'yan!"

"Ay, hiwalay na pala tayo?" mahinahong tanong nitong si Aaron kaya natatawa ako. Para kasi umaakto siyang ngayon niya lang alam.

"Oo, bobo! Last year pa tayo hiwalay. 'Tsaka mo lang talaga ako naaalala kapag lasing ka. Ang gago mo talaga kahit kailan!" impit nitong sigaw sa kanya.

"Sa tuwing lasing lang ako nagkakaroon ng lakas loob na kausapin ka. Miss na kita, baby…"

"Yuck! Baby mo mukha mo, Aaron!"

"May sasabihin ako."

"Ano?!" galit na tanong nito sa kanya. "Bilisan mo, inaantok na ako."

"Sabihin mo sa tatay mo iinom kami bukas ng alak sa bahay niyo. My treat, my treat. It's me to pay all…" puno ng kumpyansang sabi nito. Naging englishero na nga siya.

"Ulol!" binabaan siya nito ng tawag.

"She's rude," sabi niya sa akin. "She killed the call," dagdag pa niya kaya hindi ko na napigilang tumawa ng malakas, gano'n din si Carl.

Pagkatapos kong ihatid silang lahat sa mga bahay nila, hinatid naman ako ng bagong asawa ng Mama ni Aaron dito sa bahay dahil pauwi na rin namin siya at madadaanan naman niya sa amin. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ako bumaba ng kotse. Si Rainer ang nagbukas sa akin ng pintuan dahil kanina pa raw tulog si Mama. Mabuti kung gano'n.

Kunot-noo at nagtataka akong bumaling sa kapatid kong agresibong sumisinghap, tila may inaamoy.

"Problema mo?" tanong ko at dumiretso rito sa kusina para uminom ng tubig.

"Anong ginawa mo?" nanunuksong tanong niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. "Ano ba?!" tinulak ko siya nang amuyin niya ang damit ko.

"Umamin ka nga, Kuya. Nakipagtot ka ano?" nanunukso sabi niya at hinampas pa ang tiyan. Muli niya akong inamoy. "Amoy babae ka."

"Gago, hindi! Matulog na nga tayo. Kung ano-ano iniisip mo." inakbayan ko siya at isinama sa pagpasok ko dito sa loob ng kwarto.

Tinulak ko ang kapatid ko kaya inis niya akong inambahan ng suntok, ginantihan ko kaya nahiga siya kaagad doon sa kama. Tumalikod ako sa kanya at palihim kong inamoy muli ang damit ko bago ko hinawakan ang tela sa may batok para alisin ang damit ko. Muli kong inamoy bago binato papasok sa lalagyanan namin ng maruming damit.