Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Madly Inlove With Mr. Playboy

🇵🇭diena
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19.4k
Views
Synopsis
Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Ri may sulat ka," kinikilig na wika ni Mae at inabot sa akin ang nakatuping papel.

"Smile before open," basa ko sa nakasulat sa harapan nito.

Love letter na naman.

Wala namang bago,halos araw-araw nga ako nakakatanggap ng mga love letter at isa lang ang dahilan.Gustong makipagkilala pero nahihiya kaya idinaan nalang sa sulat, ang babaw diba?

"Buksan muna,tingnan natin kung sino."

Wala sa plano ko na ang buksan iyon lalo na ang basahin kung ano ang naka sulat kaso mapilit si Mae kaya ibinigay ko nalang sa kanya para siya ang magbukas at magbasa ng sulat tulad nang kagawian niya lagi.May boyfriend na ako ayoko na mag intertain pa ng iba.

"Kyahhhhh!!" tili nito.

Kinikilig sa sulat na binabasa niya,kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Iba itong secret admirer mo Ri ang lakas magpakilig,abot hanggang kalamnan. "

"Ano ba ang sabi?" Tanong ko at kinuha sa kanya ang sulat para tingnan ito.

"Kahit nasa malayo ka hindi ko maiwasan na titigan ang maganda mong mukha."

" Kyahhhhh. Oh my god. Oh my god. " tili ni Mae nang basahin ko ang naka-sulat.Hinampas pa ako sa braso kulang nalang sabonutan ako.

Simple letter that made me cringe. Sino ba ang hindi kilabutan dito? Somebody watching me from a far. Hindi ko kilala at ngayon ko lang nalaman kung hindi pa nagbigay ng sulat.Kailan pa kaya siya nagsimula na titigan ako mula sa malayo? Mapa Oh my god ka talaga.

Tiniklop ko muli àng sulat at isinilid sa aking bag. I'll keep this for remembrance kasama nang ibang sulat galing sa mga hindi ko rin kilala.Minsan napatanong ako,bakit sila mahiya na makipagkilala kung una palang iyon lang ang gusto nila?Diba? Hindi naman ako mataray, friendly nga ako e,sila lang 'yong may problema,kung ayaw nila ng personal na makipagkilala edi 'wag.

"Hindi ka ba mag responce sa secret admirer mo?"

"As if naman na kilala ko."

"Kaya nga secret admirer diba?Duh!"

"Yon na nga. Paano ako makapag response e hindi ko nga kilala, " pinitik ko ang noo niya." Kanino ko iyon ibibigay, ha? "Napa-kamot siya sa kanyang ulo, hindi naka sagot sa sinabi ko.

Kahit naman kilala ko wala parin sa loob ko na mag response, aksaya lang iyon sa oras at sayang sa papel at tinta ng ballpen wala naman silang ambang para pambili non.

"Baka may pangalan hindi mo lang nabasa tingnan natin ulit," kinuha ko ulit ang sulat at ibinigay sa kanya dahil alam ko hindi ako titigilan kapag tumangi ako.

"Ayaw mo pa maniwala, sabi ng wala e."

Hilaw siyang tumawa at inabot muli sa akin ang sulat, "naniniguro lang ito naman,. Tara tambay tayo sa purok. "

Dito sa purok namin kami tumambay,kaunti lang ang estudyante dito sa loob ng campus dahil lunch break pa.Walang canteen dito kaya halos sa labas ng campus ang ibang estudyante kumakain. Ang iba dito sa purok, ang iba naman sa loob ng classroom,. Kami ni Mae doon sa likod ng classroom namin,may herbal garden doon at doon ang paborito naming tambayan ngayon lang kami nagawi dito sa purok para mag tambay.

"Ikaw 'yong shinota ng boyfriend ko?"

Nagulat ako ng may babaeng lumapit sa amin at kinumpronta ako.Kulot ang buhok.Bilugan ang mukha.Singkit ang mata at pandak,parehas lang yata kami ng height at hindi ko siya kilala.Hindi ako naka sagot sa tanong niya.Wala akong ma i-sagot dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

"Alam mo na may girlfriend na 'yong tao tapos pumatol ka pa! "

I don't know what to say. Nakatanga lang ako sa kanya at pinoproseso ang mga sinabi niya dahil wala talaga akong alam sa kanyang sinasabi at hindi ko siya kilala.

"Kaya pala nakipaghiwalay siya sa akin dahil nilandi mo siya!"

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya namumula na siya sa galit.Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili.

"Miss hindi ko alam ang pinagsasabi mo at huwag mo ako matawag na malandi dahil wala akong nilandi, " mahinahon ngunit madiin na sabi ko.

"Nag maang-maangan ka pa.Ha!Ang kapal ng mukha mo. Mang-aagaw!.Malandi!"

Sa lakas ng boses niya napatingin sa amin ang ibang estudyante,ang iba ang naki-usyuso pa kung ano ang nangyari.

Nanginginig na ang kalamnan ko,ang init ng pakiramdam ko na anumang oras ay sasabog na ako sa galit. Gusto ko siyang sagutin pero ayoko lumala ang sitwasyon.Hindi ko alam ang sinasabi niya.Pinagtitinginan na rin kami ng iba, pero wala siyang paki-alam at patuloy parin niya akong pinagsalitaan ng masakit na salita.

"Tama na 'yan Diane," awat sa kanya ng kasama niya."Pinagtitinginan na kayo bata pa iyang kalaban mo." Sasagot pa sana iyong babae na nag ngangalang Diane ngunit tumunog na ang bell.

"Pasalamat ka at nag bell na," pagbabanta niya pa at lumakad paalis.

"Ri," tawag ni Mae sa akin.Gulat,awa at nag tatanong niyang mga mata ang aking nakita nang tingnan ko siya.

"Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ko alam ang pinag-sasabi niya, " sabi ko at iniwan siya.

Nagmamadali ako sa paglakad patungo sa classroom, narinig ko pa ang pagtawag niya ng pangalan ko, ngunit hindi ko siya nilingon at tumakbo para makarating agad ako sa classroom ,nabangga ko pa ang classmate ko pero hindi ko iyon pinansin.

Sa buong buhay ko ngayon lang may umaway sa akin na ganito. Away na nang dahil sa lalaki na hindi ko naman alam kung sino. Isa lang ang boyfriend ko, at wala ng iba na nanliligaw sa akin. Oo, maraming nagbibigay ng love letter sa akin pero ni minsan, ni isang beses hindi ako nag response dahil loyal ako sa boyfriend ko. Tapos ito ang maranasan ko? Bigla nalang may susugod sa akin at sabihin na malandi at mang-aagaw ako. Nakakahiya dahil hindi naman iyon totoo.

"Ri," napa-angat ako ng tingin ng umupo si Mae sa harapan ko.

"Hindi mo kilala si Diane?" umiling ako sa tanong niya.

Isang buwan palang mula noong pasukan ako nag-aaral dito kaya kaunti palang ang kilala ko at isa si Diane sa hindi ko kilala.

"Forth year na 'yon at boyfriend niya si Jayvee Mirambel ng second year luna."

Nanigas ako sa aking kina-upuan sa narinig. Pinoproseso kung tama ba ang aking narinig at baka na mali lang ako ng pandinig. Hindi ko na rin narinig ang iba pang sinasabi ni Mae dahil nag mistulang sirang plaka sa aking isipan ang huli niyang sinabi. Hanggang sa uwian na ay lutang parin ako.Hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari sa araw na ito.Natigil ako sa aking paglakad ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na naka-upo sa lupa di kalayuan sa akin.Nakayuko ang kanyang ulo na may malalim na iniisip. Lalagpasan ko sana siya ng hawakan niya ang kamay ko.Blangko ko siyang tiningnan.

"Pwede ba tayo mag-usap kahit saglit lang?" Nagsusumamo na saad nito. Walang salita na umupo ako sa kanyang tabi. Husto ko malaman ang sasabihin niya dahil hindi ako matatahimik kung magmamatigas ako.

"Sorry kung nag sinungaling ako sa'yo," panimula niya. Hindi ko siya nilingon. Hindi ako sumagot hinayaan ko lang siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. "Sasabihin ko sana sa'yo ang kaso-,"

"Naduduwag ka or gusto mo lang ako paglaruan, " putol ko agad sa dapat na sabihin niya.

" Siguro ganun nga Ri,na duwag ako pero hindi kita pinaglaruan," nakita ko ang pagsisi sa kanyang mukha." Hiwalay na kami noong panahon na niligawan kita."

" Kung ganun bakit niya ako pinag-salitaan ng ganun kanina?" Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata, humarap ako sa kanya." Pinag mukha mo akong tanga Jayvee."

He wipe my tears. "I'm sorry.Sorry hindi ko kaagad sinabi sa'yo. Sorry Ri."

"Nasaktan na ako Jayvee.Napahiya na ako,hindi na iyon mabura ng sorry." I smile at him weakly. "Alam ko naman na mahal niyo pa ang isa't isa, ako na ang mag paraya."