Chereads / Madly Inlove With Mr. Playboy / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

"ISANG ANGHEL NA BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA."

Sumubsob ako sa unan upang tumili. Simpleng salita pero ang lakas ng tama sa akin. Ramdam ko na namula ang aking magkabilang pisngi,at nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko. Binasa ko pa ulit ang sulat at impit na tumili, pero agad rin itong nabura.

" Ano kaya ang ibig sabihin nitong sulat niya?" tanong ko sa sarili." BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA,naka tadhana na ano?" Nalilito na tanong ko sa sarili, bahala na nga.

Niligpit ko ang aking mga gamit.Ang kanyang mga sulat ay isinilid ko sa isang kahon kasama nang mga sulat galing sa iba, itago ko ang mga ito for remembrance. Pati ang mga sulat ni Jayvee sa akin noon ay nandito rin, darating ang araw bubuksan ko uli ito at babasahin.Matulog na sana ako ng maalala ko ang usapan namin ni Mea,agad akong bumangon at lumabas ng kwarto,manghiram ako ng damit ni kuya.

"Kuya!" tawag ko. Narinig ko ang boses niya sa labas,pag dungaw ko ng bintana,ayon nagbilyard na naman.

"Pahiram ng damit mo kulay pula. "

"Hanapin mo doon,baka nasa labahan yon," sagot nito habang sinisipat ang bola na titirahin.

Hindi ko na siya sinagot at dumiritso agad ako sa labahin.Laglag ang balikat ko ng makita na nandoon ang pulang damit niya.Dumiritso ako sa kanyang kwarto para maghanap baka mayroon siya doon,nasa labahan rin kasi ang akin.Nang maka pasok ako,nahiya naman ang kwarto ko sa kwarto ng kuya ko.Malinis at ang ayos ng gamit,hindi halata na kwarto ng isang lalaki dahil organized lahat ng gamit niya.Pati ang kanyang mga damit ay naka organized rin,bawat helira ay iisang kolor,kung wala lang girlfriend itong kuya ko mapagkamalan ko itong bakla base sa ayos ng gamit niya.Ika nga nila 'Dont judge the book by it's cover' naks,baka nga bakla talaga ang kuya ko at pinilit niyang magka girlfriend para pagtakpan ang kanyang tunay na pagkatao.Kinilabutan ako sa aking inisip, kinuha ko na lang ang pakay ko at lumabas ng kwarto.Mabuti pa't matulog na,maaga pa ako bukas.Ngunit ako ay tinanghali ng gising dahil hindi ako makatulog ng maayos dahil sa rebelasyon ni Kj.Tinanghali tuloy ako.

"Twinny!" na gagalak na tawag sa akin ni Mea ng makita niya ako.

Naka-abang siya sa gilid ng gate.Red stripe shirt ang suot niya, naka black pants at rubber shoes.Mahilig talaga sa rubber shoes ang babae na'to.Sa birthday niya rubber shoes ang iregalo ko dito.

"Halatang hindi sa'yo ang damit,kanino mo inarbor 'yan?" puna niya kaagad ng makalapit ako.

"Sa kuya ko."

Hindi agad kami pumasok,hindi naman kami cleaners kaya tumambay muna kami dito sa gilid ng gate sa tapat ng pader at nag-uusap ng kung anu-ano. Tungkol sa isyu namin ni Diane, naglaho lang iyon na parang bula,tatlong araw mula noong insedente ay wala na akong narinig na tsismis tungkol doon at ipinag pasalamat ko iyon.At hindi narin siya nag tangka na lumapit sa akin, ngunit iniismiran niya ako sa tuwing makita niya ako.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Mea ay may nag-abot ng nakatuping papel sa akin.Napa hugot ako sa aking paghinga ng pag-angat ko ng tingin ay si Kj pala ang nag-abot niyon.Si Mea nasa aking tabi ay ang laki ng ngiti at nagpipigil sa kanyang kilig.Walang salita na lumabas sa aking bibig, tiningnan ko ang sulat na inilahad niya at balik tingin uli sa kanyang gwapong mukha. Bakit ang perpekto naman pagkahulma ng mukha na'to.

"Wow, couple shirt sila o!"

Agad akong tumingin sa aking damit at sa damit ni Kj, parehas nga kami. Red shirt na may naka print na Levies sa bandang dibdib. Class A lang itong akin, huwag kayong ano. Sinamaan ko ng tingin si Mea pero ang gaga sinuklian ako ng mapanuksong tingin.

"Mag response ka."

Iyon lang ang sinabi niya at kinuha ang kamay ko upang ilagay ang sulat. Pakiramdam ko na kuryente ako ng sandaling mag dikit ang aming kamay. Hanggang sa maka-alis na siya ay ramdam ko parin ang mainit niyang palad sa aking kamay. Ang lambot ng kamay niya, nahiya naman ang magaspang kung kamay.

"Ang gwapo niya parin kahit mukhang masungit."

" Crush mo ba siya?" Wala sa loob na tanong ko.

"Oo naman syempre," napatingin agad ako sa kanya dahil sa kanyang sagot.Mahina niya akong hinampas sa braso at niyakap ako. "Crush ko siya dahil gwapo siya at ang lakas ng sex appeal,hindi dahil crush ko siya in a romantic way, "umangkla siya sa aking braso. " Ayoko maging karibal ang kambal ko."

" Pwede bang sakalin kita kahit isang beses lang?" Pabiro na tanog ko sa kanya at sabay kaming tumawa.

Noong flag ceremony namin,ay third year ang nakatuka na mag taas ng watawat,at kasama si Kj doon. Sakto naman na nasa unahan kami ni Mea banda kaya kitang kita namin siya.Tinutukso pa ako ni Mea sa likuran ko dahil pasulyap-sulyap si Kj sa aming puwesto.

"Kapag tayo nakita ni Principal, good bye friendship talaga tayo," pagbabanta ko sa kanya at epektibo naman dahil tumigil siya.

Pahilim na sinulyapan ko si Kj, seryoso ang kanyang mukha,ngunit kay sarap titigan hindi nakakasawa. The perfect shape of his jaw, his pointed nose, and his eyes that make me seem to melt every time he looks at me.

"Baka matunaw 'yan,kabahan kana at baka your dream will never come true. "

Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko sa gulat ng bumulong si Mea sa akin. Hawak ang aking dibdib ay lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin, tina-asan lang niya ako ng kilay. Paano kung may sakit ako sa puso edi agad akong namatay dahil sa gulat.Ang pangit naman ng cause of death ko.

"Ang lalim naman ng imahinasyon mo bff," na nunukso na sabi nito, "tapos na po ang flag ceremony,tulaley ka parin."

Nahihiyang nilibot ko ang aking paningin,isa-isa ng nagsisi-alisan ang mga estudyante sa kanilang linya.

"Ge, imagine pa," panunukso niya pa.

"Hindi a," tanggi ko at na unang maglakad.

"Sos, deny ka pa, halata kana oi!"

"Hindi nga kasi, may iniisip lang ako."

"Ano ang iniisip mo? O, sino ang iniisip mo?" Humarap siya sa akin at patalikod na naglakad.

"Kung maka pasa ba tayo sa long quiz ni Ma'am Nuñez mamaya, " sabi ko at nilampasan siya.

"Patay, hindi ako nag review ka gabi," nag pa-panic na sabi niya at nag madali sa paglakad at na una sa akin.

Pagdating ko sa classroom, seryoso na nagbabasa si Mea ng kanyang Science notebook.Ang iba naming classmate ay nag ku-kwentuhan,may nag sa-soundtrip,may nag-aasaran.Para kaming nasa palengke sa subrang ingay,umupo ako sa aking upuan at lumingon kay Mea na nagbabasa parin hindi alintana ang ingay ng aming mga classmate.

"Tama na yan,wala si Ma'am, walang long quiz."

Inambahan niya ako ng suntok pero na una na akong tumayo at tumakbo palabas ng room,hindi naman siya ka agad nakasunod dahil ang sikip ang mga upuan.Dumiritso ako sa likod sa aking tambayan at kinuha sa bulsa ng pants ko ang sulat ni Kj.

I couldn't help but to smile reading the letter he gave me.

Sa sandaling nag response ako ng sulat niya ay hindi na iyon na tigil pa.We talk through writing, sa kadahilanang nahihiya ako sa tuwing lalapit siya sa akin.

Writing is our way to talk to each other, hanggang sa.

"Hindi ako kontento na hanggang sulat lang tayo, sa ayaw at sa gusto mo mag-usap tayo ng harapan." Sabi nito na nagpa-kabog ng puso ko.