Laking gulat ko ng pag angat ko ng tingin ay nakatayo si Kj sa harapan ko.Naka-igting ang panga ngunit blangko ang tingin sa akin.Hindi ko akalain na sundan niya ako rito. Umupo siya sa upuan nasa aking harapan at kinuha ay kamay ko na namaga. Napa-iktad pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay ang ice bag na dala niya.
"Aray!" naka ngiwi na daing ko.
Tiningnan niya ako ng masama.Tingin na abot sa aking kaluluwa.Napaiwas ako ng tingin dahil doon, kinabahan ako sa klase ng tingin niya sa akin.
"Alam mo naman na masakit yang kamay mo naglaro ka pa. Tingnan mo kung ano nangyari, nagama, " sirmon niya.
" Ano naman paki-alam mo kamay ko naman to! "
Huminga siya ng malalim sa tinuran ko at mariin akong tiningnan.Wala siyang sinabi pero ramdam kong galit siya dahil panay ang pag igting ng kanyang panga.Ano naman ngayon?Tssk!Bahala siya.
"Tama na," awat ko at hinila ang aking kamay. "Hindi na masakit."
Alibi ko kahit masakit pa.Ang g*g* hindi man lang nagpumilit na lagyan pa ng ice bag,hinayaan lang ako sa gusto ko.Edi 'wag.
"Umalis kana, matulog pa ako," taboy ko sa kanya at dumukdok sa ibabaw ng lamesa.
"Bakit dito?"
"Bakit naman hindi?"
"Bakit ang sungit mo ngayon?"
"Ano naman paki-alam mo?"
"Galit ka ba sa'kin?"
"May dahilan ba para magalit ako?"
Gusto kong sabihin sa kanya na oo, galit ako.Na naiinis ako dahil sa malamig na trato niya sa akin mula pa kaninang umaga pero ano nga ba ang karapatan ko para magalit sa kanya? Manliligaw ko lang naman siya.
"Kaya nga tinatanong kita kung galit ka ba sa akin," mahinahon sa wika niya. "Kung ano ang dahilan ng galit mo-,"
"Hindi nga ako galit."
"Kung hindi ka galit bakit mo ako iniiwasan?Bakit hindi mo ako kinaka-usap ng maayos?"
" Ay, Wow!? Ako pa ngayon ang umiiwas? E, ikaw nga itong hindi ako pinapansin simula pa kaninang umaga e, " nagtatampo na ani ko.
Ang galing naman,ako pa ang sinisi.Siya nga itong hindi ako pinapansin kahit anong pagpapansin na ang ginawa ko.Hindi siya nakasagot sa aking sinabi,kasi totoo.
Sabi niya gusto niya ako,pero kung tratuhin niya ako kanina parang hindi niya ako kilala.
Muli akong humalumbaba. "Umalis ka na nang maka idlip na ako.
" Nag seselos ka ba? "
Napa angat ako ng tingin. " Ano? "
" Nag seselos ka? "
" B-akit na-man ako mag-seselos? " na uutal sa wika ko. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko.
"Hindi nga-. "
"Shhhh.Quit.Nasa library kayo," sita sa akin ng librarian ng tumaas ang boses ko.
"Hindi ako nag seselos,-"
"Wala kang dapat ika selos.Kaibigan ko lang si Adelah."
I don't know what to say. Ganoon ba ka halata ang galaw ko? Para malaman niya na nagseselos ako sa babae na 'yon? Oo aaminim ko nagseselos ako sa babae na yon,sino naman ang hindi kung makita mo siyang mas masaya pa siya kapag iyon ang kasama niya.Iba ang paraan ng ngiti at tawa niya.Ewan ko.Seguro dahil nagseselos ako kaya kung anu-ano ang napansin ko.
"Huwag ka ng magselos."
"Hindi nga sabi e."
" Huwag kang magselos dahil ikaw naman ang gusto ko."
Natigilan ako. Kahit ilang beses na niyang sinabi na gusto niya ako pero sa tuwing sabihin niya iyon hindi ako makapag-salita.
"Gusto talaga kita,Iya." seryosong saad niya. "Hindi ako titigil sa panliligaw sayo," napa-iktad ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko. " Hindi ako titigil na iparamdam sayo kung gaano kita ka gusto."
" Gusto rin kita," walang pag-alinlangan na sagot ko.Nagpipigil ng ngiti ang g*g*.
"Gusto rin kita kaya sana," yumuko ako at huminga ng malalim." Sana huwag mo akong saktan kapag sinagot kita."
" Sinasagot mo na ako? Girlfriend na kita?" hindi niya naitago ang excitement na kanyang nadarama.Tumango ako bilang sagot, nahihiya ako.Malandi na ba ako?
Hindi man lang umabot ng isang buwan ang panliligaw niya sa akin. Saan na 'yong sinabi ko na saka ko na siya sagutin kapag nakilala na namin ang isa't isa? Hayst! Kapag si puso nga naman ang umiral,wala man lang pasintabi.Sana nga hindi ako masaktan sa padalus-dalos na desisyon ko kahit alam kong hindi iyon imposible.
"Oo. Sinasagot na kita."
"Aray. Ano ba!" daing ko dahil bigla niyang inangat ang kamay ko na namaga at hinalikan ito.
"Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya. Masakit ba? "
" Malamang. Namaga yan e, "nanigas ako ng ilapat niya ang kanyang mainit na labi sa aking kamay upang hagkan ito.Oh my god.Lalo akong mahuhulog na lalaki na 'to.
"Hindi ka na pwede mag laro ng volleyball," wika niya habang tinatalian ng panyo ang namaga kong kamay.
"Ano?!Hindi pwede!"
Tiningnan niya ako ng nagbabanta na tingin. "Sa championship ka na lang mag laro, panigurado naman na pasok kayo."
"Pero may laro ako ng badminton bukas. "
" Kakasabi ko lang Fahrhiya," ma awtoridad na wika niya. Ngumuso ako dahil doon at hindi na nagsalita.
Paano ang laro ko nito bukas ?Talo na ako nito.
"So. Bakit ka galit sa akin?" Tanong niya habang minamase ang kamay ko.
" Hindi nga ako galit," tiningnan niya ako ng mapanuri, buntong-hininga ako. "Hindi mo kasi ako pinapansin simula kaninang umaga. Akala ko galit ka dahil sa nangyari kahapon."
"Nag tampo lang ako kahapon. Ayaw mo kasi na ihatid kita."
"Pagkatapos ng Intramurals pwede mo ako ihatid kung gusto mo, huwag lang ngayon. "
Pinisil niya ang pisngi ko." Opo. Masusunod. "
Sandali pa kaming nag-usap dahil pareho naman kami na wala ng laro. Hindi ko mapigilan ang kaligayahan na nararamdaman ko habang nag-uusap kami.Siya ang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi ko mailarawan.Pakiramdam na para akong nakalutang sa ulap.Pakiramdam na ngayon ko lang naranasan.Sana ganito nalang palagi at wala ng katapusan.
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."
Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko sa bukana ng pintuan si Adelah,ang babaeng pinagselosan ko.
"Kanina pa kita hinahanap tara na," ani nito ng makalapit sa amin.
Nalilito man ay umakto parin ako na balewala lang sa akin ang kanyang presensya.Tumayo si Kj kung kaya't napa-angat ako ng tingin sa kanya.
"Ihatid kita mamayang uwian, hanggang kanto.Alis muna ako," pa alam nito.Hindi pa man ako nakasagot ay lumakad na siya kasama si Adelah.
Wow!Kakasagot ko lang sa kanya tapos iwan niya ako rito?At saka alam niya na nagseselos ako sa Adelah na yon sumama pa siya?Wow.Ang galing naman ng boyfriend ko.Speaking of boyfriend.
'Kyaaaahhhh!' impit na sigaw ko dahil sa kilig.Hindi ako maka-paniwala na boyfriend ko na ang crush ko. "Eehhhh!" Hindi bale, ihatid niya naman ako mamaya pa uwi kaya chill lang.
_______
Nandito ako sa tindahan ni Ante Mona hinihintay si Kj dahil malapit na ang uwian.Ngunit ilang minuto na akong naghihintay ay wala parin siya, hanggang sa nag uwian na ay hindi parin siya dumating.
"Ri,tara na," tawag sa akin ni Gerald ng makita ako.Luminga ako sa paligid baka nandito siya pero ni anino niya ay hindi ko makita.
"G*g*ng Kj,saan na naman kaya iyon nag punta,kanina ko pa iyon hindi ma kita," wika ni Analyn na kakarating lang.
"Nakita ko kanina kasama si Adelah na lumabas ng library," sagot ni Gerald.Kinabahan ako dahil doon,baka nakita niya kami doon.
" Naku!Sabi ko na nga ba e," wika ni Analyn na nagparamdam sa akin ng kaba.