Chereads / Madly Inlove With Mr. Playboy / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

Mahirap mag panggap na hindi ko siya na mimiss. Na ayaw ko siyang makasama dahil ngayong magkaharap kaming dalawa gusto ko siyang yakapin dahil sa subrang pananabik ko sa kanya.

"Bhe."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.Kunti nalang bibigay na itong lintik kong puso ko na ang dali makalimot na nag sinungaling pala itong lalaki na 'to.

Tumayo ako ngunit humarang siya kaagad sa harapan ko.

"Bhe," nagsusumamo na saad niya.Hindi ako sumagot, tinititigan ko lang ang kanyang mukha.

"Hatid na kita."

"Hindi na.Huwag mo na ako ihatid," tanggi ko at tinalikuran siya.

Hindi siya nag pumilit at hinayaan ako. Bahala siya, ganyan naman siya parati. Kainis.

Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak sa inis dahil sa kagagawan ko.Imbis na kinausap na magpa hard to get pa.Ayan self mag dusa ka.

"Ri," lumingon ako sa kanya ng tawagin niya ako. " Na iwan mo," saad nito at nilahad sa akin ang libro.

"Ingat ka," wika niya at tumalikod sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit. Ang akala ko kukulitin niya ako para kausapin siya para maging maayos na kaming dalawa pero hindi ganon ang nangyari hinayaan niya lang ako sa gusto ko katulad ng kagawian niya.

Nag short cut ako ng daan pa uwi hindi naman niya ako susundan kaya ano pa ang silbi. Sinadya kong iwan ang libro ko para may dahilan siya upang sundan ako.Sumunod nga pero inabot lang sa akin ang libro at umalis din. Siguro mas gusto niya na ganito kami na hindi nagpapansinan para may chance siya na ma kasama iyong Adelah na yon.At saka Ri? As in Ri, talaga? Nasaan na 'yong tawag niya sa akin na Bhe? Lalong tumulo ang mga luha ko, ang sakit pala nito. Lintik na pag-ibig.

"Huwag ka nga umiyak Fahrhiya ikaw naman ang may pasimuno na huwag siyang kausapin e," sabi ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Ayaw mo kasing magpa-kumbaba ayan ikaw rin ang nasasaktan."

"Tahan na. Tahan ka na Fahrhiya," pag-aalo ko sa aking sarili.Kasalanan ko naman e.

Kinalma ko ang sarili ng matanaw ko ang mga kapwa ko estudyante sa kanto.

"Sabi sa inyo e hindi sila aabot ng tatlong buwan e."

"Panalo ako cheng, akin na ang bayad."

"Hindi pa nga sigurado e, diba tol?"

"Mga sira ulo kayo kami parin Iya, hindi niya lang ako pinapansin. Hindi ko alam kung ano ang rason niya."

Mga sira ulo talaga itong magkaibigan na ito. Pinag pustahan ba naman kung aabot kami ng tatlong buwan. Nag kunwari akong walang narinig at tahimik na dumaan sa kanilang harapan. Nagulat silang tatlo lalo na si Homer na pasimuno ng pustahan.

"Una na kami tol, nandito na bebe mo," mapang-asar na saad ni Homer.

Binilisan ko ang paglakad ngunit napa hinto ako ng hawakan ni Archie ang aking bag.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko. Kita niyang nagmamadali yong tao e.

"Kausapin mo na si Kj para hindi na yan araw-araw maging kj," si Homer.

Gusto kong ma tawa sa kanyang sinabi, ayaw pa naman si Kenneth na tawagin siyang Kj mabuti at hindi nag react ang isa pang sira-ulo.

"Ako na magdala nito," sigunda nito at kinuha ang libro ko.

Magsalita sana ako ng pinigilan niya ako.

"Sumbong kita sa kuya mo kapag nagmatigas ka pa," banta nito at hinila si Archie pa alis.

"Bakit ako mag dala, ikaw nag presinta kanina e," reklamo ni Archie ng inabot ni Homer sa kanya ang libro.

"Alam mo, hindi ka tunay na kaibigan. Ayan hati tayo, ang bigat kaya, " wika niya at binigay kay Archie ang tatlong libro.

"Kaya hindi tumatangkad yang si Fahrhiya kasi laging mabigat ang dala-. Aray! " Hiyaw ni Archie ng tumama sa kanyang likod ang bato na tinapon ko.

" Para kayong mga bubuyog, bumulong nalang ang lakas pa."

Nagsisihan pa silang dalawa kung sino ang may malakas na boses kung kaya't na rinig ko ang kanilang usapan.Sa huli ay nag habulan ang dalawa dahil walang magpatalo kung sino ang may mali e parehas lang naman silang dalawa.Ang tanda na kung umasta parang mga bata.

Napabuntong-hininga ako.Wala akong choice kundi ang sumabay sa lalaking lagi nalang nagpalito sa nararamdaman ko.Parang kanina lang umiyak ako pero ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko, kinikilig ako sinundan pa talaga ako.

"Anong ginagawa mo dito?Bakit nandito ka?" Tanong ko dahil parang wala parin siyang balak na kausapin ako.

"May nakalimutan ka."

"Ha?Wala naman akong nakalimutan a."

" Meron."

" Ano?"

" Ang puso ko."

" G*g*!"

Parang tanga naman 'to. Alam niyang madali lang ako kiligin bumanat pa.Dukutin ko kaya iyang puso niya.

" Ang pasmado ng bibig mo kailangan ng linisin yan-, "

" Sige subukan mo ng maka tikim ka nitong kamao ko."

" Ito naman hindi ma biro.Huwag ka kasi mag mura bad yon."

"Alam ko."

Ikaw ba naman ma bigla tingnan natin kung hindi ka mag mura. Hindi na siya sumagot ayaw makipagtalo. Naging tahimik ulit kami at nag patuloy sa paglalakad.

"May cellphone ka pala bakit hindi mo sinabi sa akin," wika niya.

Na feel siguro na ang boring mag lakad kapag parehas kayong pepe ng kasama mo.

"Na laman mo na,e bakit ko pa sasabihin?"

He cleared his throat and massage the bridge of his nose.Na pikon na yata sa pagiging mataray ko, pasensya naman ganito ako kapag kiligin e.

"Galit ka ba sa akin bhe?Kung galit ka,pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?Kung ano ang dahilan ng galit mo?Isang linggo mo na akong hindi pinapansin.Isang linggo mo na akong iniiwasan na hindi ko alam ang dahilan," biglaang tanong niya.

Gusto kong sabihin sa kanya kung ano ang dahilan ko.Gusto kong sabihin na nasaktan ako kaya umiwas ako.Gusto kong sabihin na tumawag ako sa kanya pero si Adelah ang sumagot.Gusto kong sabihin ang lahat pero natatakot ako.Natatakot ako na baka kapag nalaman niya ang rason ko ay siya naman ang uniwas sa akin.Natatakot ako sa mangyari kapag sasabihin ko sa kanya,kaya ko naman kalimutan ang lahat huwag lang mangyari ang kinakatakutan ko dahil hindi ko kaya.Kung akala niya natiis ko ang isang linggo na umiwas sa kanya ang totoo ay hindi.Walang araw na hindi ko inasam na sana kausapin niya ako.Na sana soyuin niya ako dahil hindi siya makatiis ng ganon,pero hindi niya ginawa,kinaya niya na hindi ako pansinin hinayaan niya lang ako sa gusto ko kahit alam niya na may cellphone ako at pwede niya ako kontakin doon.Pero tapos na 'yon kahit magsabi pa ako kahit sisihin ko pa siya wala namang mag bago hindi na maibalik ang araw na nagtiis ako para soyuin niya.

"Kung ano man ang kasalanan ko,kung may kasalanan man ako, hindi pa naman siguro huli para humingi ako ng sorry sayo?"