Ako iyong tipo ng tao na kontento na sa lahat ng bagay.
Kahit lumaki kami na masagana ang buhay ngunit hindi kami sinanay ng aming mga magulang na kung ano ang gusto namin ay kailangan ibigay. Kundi tinuruan kami kung paano maging kontento at kailangan paghirapan ang inaasam namin na isang bagay. Kaya noong nawala si papa sa amin hindi ako nanibago sa pagbago ng takbo ng aming buhay.Mabuti nalang at sinanay ako sa simpleng buhay dahil si mama nalang ang kumakayod para sa araw-araw naming pangangailangan.Kagaya ngayon kontento na ako sa paliwanag ni Analyn sa akin.
"Sorry talaga pinsan."
"Hindi nga ako galit," natatawa na ani ko sa kanya.Hindi naman kase talaga ako galit,na inis lang ako sa kanila kanina.
"Maganda kasi ang lahi natin e, ayan tuloy maaga kang nagka-jowa."
Paano naman nasali ang pagiging maganda ng aming lahi sa pagkeringking ko ng maaga? At saka hindi naman ako maganda. Cute lang.
"Umiyak si Diane kahapon sa room namin,nag break daw sila ni Jayvee."
" Bakit daw?"
" Ewan ko.Iyon lang ang narinig ko kahapon sa usapan nila ng kaibigan niya.Baka dahil sayo."
" Hala!Ano naman kinalaman ko doon?Hindi na nga kami nag-uusap si Jayvee e."
Huwag lang siya magkamali na sisihin ako dahil papatulan ko na talaga siya.
" Patay na patay ang g*g*," natatawa na wika niya. " Palibhasa bumukaka agad,ayan ang napala niya sa pagiging malandi niya."
" Seryoso?" hindi makapaniwala na tanong ko.
" Akala niya siguro kapag binigay niya ang kanyang sarili ay hindi na siya iiwan ni Jayvee.Bihira nalang ang lalaki na hindi ka iiwan kahit laspag ka na.Kaya ikaw,kahit kiss huwag mong pagbigyan."
" Hindi ako ganon," mabilis na sagot ko.
"Alam ko.Pinapaalala ko lang,kasi sa kiss nag sisimula ang lahat."
Alam ko ang limitasyon ko. Alam ko ang dapat at hindi dapat gawin, pero masaya ako kasi may pinsan ako na walang sawa na paalalahanan ako. Ang swerte ko dahil may pinsan ako na kapatid ang turing sa akin I am blessed and thankful.
"Ate!" Tawag ko sa ate ko ng makita ko siya sa gate ng aming bahay.
Akala ko hindi pa siya maka uwi, bakit nandito siya? Isang kasam-bahay si ate Lanie sa Manila.Sa isang taon isang beses lang siya maka uwi dito sa amin kaya nagulat ako dahil nandito siya,pero subrang tuwa ko dahil miss na miss ko na siya.
"Ate," mangiyak na saad ko at yumakap sa kanya.
"Ate Lanie, kamusta?" si Analyn at nakipagbiso kay ate.
"Mabuti naman. Ikaw kamusta na?"
"As usual magada parin," pabirong sagot niya at tumawa.
"Tara sa loob ng bahay. "
" Mamaya na ate, diritso muna ako sa bahay hatid ko lang itong mga gamit ko. "
" Pero pupunta ako mamaya sa bahay niyo," sabat ko.
" Sige, hintayin kita sa bahay, tapos sabay tayo babalik dito mamaya. "
Pumasok kami ni ate sa loob ng bahay nang maka alis si Analyn, nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin na lumabas galing sa kusina.
" Ito ang bunso mong kapatid mhie? " Nakangiti na tanong niya at lumapit sa amin.
" Si Rowel pala Ri, boyfriend ko," pakilala ni ate. Lumapit ako sa kanya at nag mano.
"Isama mo siya sa Manila pagbalik natin mhie," wika ni kuya.
" Saka na kapag nakatapos na ng high school."
" Doon ako mag college?"
" Kung doon mo gusto mag-aral sa college dalhin kita doon."
Wala paman ay excited na ako.Pangarap ko ang maka punta ng Manila,kung hindi lang umalis si papa siguro sasama na agad ako kay ate at hindi ko na paabutin pa ang makatapos ako ng high school.
"Akin na'to?" Tanong ko at sinipat ang cellphone na bigay ni ate.
"Basta ayosin mo ang pag-aaral mo.Kapag nabalitaan ko na pinabayaan mo ang pag-aaral mo dahil sa cellphone,babawiin ko iyan."
" Opo ate, promise.Salamat dito ate."
Hindi ko hiniling na magka cellphone ako, hindi ako humingi kay ate pero binilhan niya ako.May mga bagay na hindi ko hinihingi pero kusa nilang ibinibigay sa akin at ipinagpasalamat ko iyon.Ang tanging maisukli ko lang sa ngayon ay ang mag-aral ng mabuti at maging mabuting kapatid at anak.Balang araw masuklian ko rin ang lahat ng ito at maging proud sila sa akin.
Malayo palang ako sa bahay nila Analyn ay tinawag ko na siya.
"Pinsan!"
"Pinsan!"
"Ano! Bakit? Nagsaing ako. Sigaw ka ng sigaw."
Dumiritso ako sa kanilang kusina at nadatnan ko siya na busy sa pagbantay ng kanyang sinaing.
"Diba may cellphone si Kenneth?"
Tumingin siya sa akin. " Oo, mayroon bakit?"
"Kunin ko sana number niya."
"May cellphone ka?"
"Oo, binilhan ako ni ate," saad ko at pinakita sa kanya ang aking cellphone.
"Wow! Ang taray. Sana all spoiled."
"Hindi naman," sagot ko at inabot sa kanya ang cellphone.
"Marunong kana gumamit nito?"
"Oo, tinuruan ako ni Kuya Rowel ang soon to be husband ni ate. "
Nagulat siya sa aking sinabi.Kahit ako nagulat kanina ng hingin ni Kuya Rowel ang kamay ni ate sa harap ni mama at sa aking mga kuya. Wala kaming pagtutul dahil mabait naman si kuya at nasa hustong edad na rin si ate at nakasiguro kami na nasa mabuting kamay si ate mapunta.
"Kailan daw ang kasal?"
"Saka na raw kapag umuwi si papa."
Noong nakaraang araw narinig ko sila Kuya at mama na gusto ni papa na umuwi na dito pero ayaw ni kuya Wayne.Galit siya kay papa at kung maari ay huwag na lang pa uwiin si papa.Pero sumabat si mama na pa uwiin nalang si papa dahil kahit saang anggulo tingnan magulang parin namin siya, papa parin namin siya. Alam ko masakit parin kay mama ang nangyari sa kanila,pero bilang asawa niya ay kailangan niya paring tanggapin si papa alang-alang sa kanilang sinumpaan sa harap ng altar at sa aming mga anak nila.
"Pumayag si mama mo?"
"Umm. Si kuya Wayne lang ang ayaw."
"Para saan pa at maging maayos din ang lahat."
I hope someday maging ma ayos din ang lahat na nangyari sa aming pamilya. Iyon ang lagi kong dasal na gusto kong mangyari na maging buo uli ang aming pamilya.
" Ito ang number ng jowa mo, tawagan mo na. Naku! Ang sinaing ko, ma lintikan ako ni mama nito kapag na sunog yon."
Natawa ako sa kanya.Takot iyon kay tita dahil parang machine gun ang bunganga non kapag nagalit.
" Itext ko lang siguro siya baka busy iyon."
"Kaya nga tawagan mo baka hindi niya ma basa ang text mo."
Bahala na nga.
Kinabahan ako.Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang call button.Naka dalawang ring pa bago niya sinagot.
"Hello? Sino 'to?"
"Ah.Umm,nandiyan ba si Kenneth?"
" Naglalaro siya ng basketball.May kailangan ka?"
" Kayo na ulit ni Kj, Adelah?"
Pakiramdam ko naka lunok ako ng tinik sa aking narinig sa kabilang linya.Kung ganon si Adelah ang kausap ko.Magkasama sila.Kaya hindi niya ako hinatid kanina dahil ito pala ang sinasabi niya na pupuntahan niya.