Dalawang linggo na ang lumipas mula noong sinagot ko si Kenneth at naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Ayaw nga lang niya na tawagin ko siyang Kj, kaya Kenneth or Ken ang tawag ko sa kanya. Naiilang parin ako sa endearment na tawag niya.
"May practice ba kayo mamaya bhe?"
"Oo mayroon, bakit?"
"Hanggang anong oras?"
" Isang oras lang daw sabi ng trainor. Mga 5:30 siguro kami matapos. Bakit?"
" Baka hindi kita ma ihatid mamaya-, "
" Bakit parang natatakot kang sabihin sa akin na hindi mo ako maihatid? "
" Baka kasi magalit ka. Magtampo. "
Tinaasan ko siya ng kilay.Iyon talaga ang akala niya,na magalit ako?Mag tampo?Dahil hindi niya ako maihatid pa uwi,kung batukan ko kaya siya.
"Bakit naman ako magalit at mag tampo? Ha?"
Tulad ng sinabi ko noong nakaraan, pagkatapos ng Intramurals ay doon niya ako ihatid pauwi kung gusto niya hindi ko siya pipigilan. Walang araw na hindi siya pumalya sa paghatid sa akin pero hanggang sa bukana lang siya ng aming barangay. Hindi pa ako handa na isama siya hanggang bahay. Hindi pa ako handa na ipakilala siya kay mama at sa kuya ko. Bata pa ako, at panigurado ayaw iyon ng mga kuya ko. At baka sabihin ng mga tao na ang bata ko pa pero kumeringking na ako. May problema na nga si mama dadagdag pa ako.
"Okay lang sayo na hindi kita ihatid?" nag-aalangan na tanong niya.
Gigil na pinisil ko ang tungki ng ilong niya. " Okay lang. Kasama ko naman si Mabel. Ano ka ba."
Kasama kami ni Mabel na napili sa Volleyball para sa District Meet kaya tuwing hapon may practice kami. Kasama rin si Kenneth na napili sa basketball pero ewan ko kung bakit hindi sila nag insayo.
"Hello! Love birds," naka ngisi na wika ni Mabel.
" Na ngangamoy LQ," si Analyn.
"Huwag mo ng patulan,baka ma high blood na naman 'yan," inunahan ko na si Kenneth ng sagutin niya sana ito.
" Ayaw mo ba sa akin para sa pinsan mo Lyn?" diritsang tanong ni Kenneth.
Hindi ako mapakali sa aking kina-upuan dahil sa tanong ni Kenneth.Hindi nga niya pinatulan sumagot naman.Nice.Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Kahit magkaibigan tayo hindi kita gusto para sa pinsan ko. "
Naging mabigat sa aking pakiramdam ang kanyang sagot. Kung ganun ano ang kanyang dahilan?
" Bakit Lyn? Ano ang dahilan mo para hindi mo ako magustuhan para sa pinsan mo? "
" Alam mo na ang sagot Kj, huwag mo akong tanungin. "
" Dati ba kayong magkasintahan? " sabat ko sa kanilang dalawa.
" G*g*," sabay na mura nilang dalawa.
Tiningnan ko sila ng may pagtataka. May hindi ba ako alam tungkol sa kanilang dalawa?Sumugod sa akin si Analyn at agad namang humarang si Kenneth para hindi niya ako maabot.
" Umalis ka Kj kundi makakatikim ka sa akin, " pagbabanta ni Analyn. Lumingon sa akin si Kenneth na may nakakalukong ngiti sa labi.
" Iyon talaga ang iniisip mo bhe? "
"Bakit?Hindi ba?"
" Fahrhiya halika dito.Halika dito at ng ma kurot kita," nang gigigil sa wika niya at pilit akong inaabot.
"Ano ba tumabi ka nga," inis na sabi niya kay Kenneth at tinulak ito.Napa atras naman si Kenneth kaya na bangga ako dahil nasa likod niya ako.
"Hoy!Hala,bakit kayo nag-aaway tatlo?" gulat na sambit ni Mabel ng makita niya kami.
" Ayos ka lang Ri?" tanong niya at tinutulungan ako na tumayo dahil na tumba ako.
"Bhe!?"
"Ri!?"
Gulat silang dalawa ng makita ako na tinutulungan ni Mabel na makatayo.Hindi ko sila pinansin.Naguguluhan ako sa kanilang dalawa.Pinagpagan ko ang aking pwetan na nadumihan at niligpit ang aking gamit sa ibabaw ng mesa.
"Ri."
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Analyn.Ayaw niya pala kay Kj bakit hindi niya sinabi noong una pa lang.At saka maintindihan ko naman kung ano rason niya.Isa pa itong lalaki na'to wala man lang sinasabi kung ano ang namamagitan sa kanila ni Analyn.
"Pasok na ako," pa alam ko kay Kenneth.Kahit sulyap sa kanila ay hindi ko ginawa at nagmadali na umalis.
"Bhe," tawag nito ngunit hindi ko siya pinansin.
"Saka mo na kausapin si Fahrhiya,Kj.Pag untogin ko kayong dalawa e," rinig kong sabi ni Mabel.
Gulong-gulo ako.Tama ang hinala ko na ayaw ni Analyn si Kenneth para sa akin, pero ano ang dahilan?May gusto ba siya kay Kenneth?Dati ba silang may relasyon?Ginagamit lang ba ako ni Kenneth para maka ganti kay Analyn?Sh*t!Hindi ko alam.Hindi ko alam kong alin ba riyan ang kanilang dahilan.Baka nag gagantihan silang dalawa at dinamay ako.
"Anong nangyari sayo maganda kong bff? Bakit naka busangot ka? LQ?" Tanong sa akin ni Mea ng maka pasok ako sa silid-aralan.
"Ha. Hindi kami ng away," sagot ko at inabala ang sarili para maka iwas sa kanyang tanong.
Kahit kaibigan ko siya hindi parin ako komportable na mag kwento sa kanya lalo na sa personal kong buhay. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya, nahihiya lang ako na may ibang tao na makaalam bukod sa sarili ko. Iniisip ko na rin na, paano kung may problema rin pala na iniisip ang taong pinagsabihan ko? Paano kung mas kailangan niya ng karamay? Imbis na sariling problema lang niya ang kanyang iisipin dumagdag pa ako. Kaya pinili ko na lang na sarilinin, kaya ko naman e.
"Sigurado ka?"
"Oo nga.Never naman kami nag-away non e. "
Simula noong sinagot ko siya hindi ko matandaan kung na galit na ba ako sa kanya. Nagtatampo lang pero hindi man lang umabot ng isang araw. Hindi ko kaya. Ako ang hindi mapakali kapag hindi kami okay. Ako ang nagtatampo pero ako ang sumusuyo sa kanya.Siya ang tipo ng boyfriend na hindi marunong mag suyo sa girlfriend na tinutuyo .
"Pinsan.Sorry."
"Ang may kasalanan lang ang humihingi ng sorry,pinsan.Sa pagkakaalam ko wala kang kasalanan sa akin."
Akala ko na una na siyang umuwi, nagulat ako ng makita ko siya sa tindahan ni Ante Mona hinihintay kami ni Mabel.Hindi ako hinatid ni Kenneth tulad ng sinabi niya kanina,okay naman sa akin kasi nag-usap na kami kanina tungkol sa hindi niya pag hatid sa akin.Ang hindi okay ay hindi man lang niya ako kinausap simula kanina.Kahit sorry ay wala.
"Sorry sa nangyari kanina.Pero sa totoo lang gusto kitang sabunutan kanina," tinaliman niya ako ng tingin." Wala akong gusto sa mukhang unggoy na 'yon.At hindi kami nagkaroon ng relasyon," gigil na dugtong niya."Napagkasunduan kasi namin na wala siyang maging girlfriend Kahit isa sa mga pinsan ko,kaya lang hindi siya nakinig.Hindi siya sumunod sa usapan."
Iyon pala ang rason niya kung bakit ayaw niya si Kenneth para sa akin.Pero parang may kulang,may gusto pa akong malaman pero naging kontento nalang ako sa kanyang paliwanag,ang mahalaga wala akong tao na muling masaktan.