"Hindi ako kontento na hanggang sulat lang tayo, sa ayaw at sa gusto mo mag-uusap tayo ng harapan."
"Ahm-," hindi ko alam kong ano ang sasabihin. Hindi rin ako maka tingin ng diritso sa kanya. Dahil hanggang balikat niya lang ako ay sa doon sa dibdib niya lang ako nakatingin.
"Hindi mo ba ako gusto?"
"Hindi-,"
"Gusto mo ako, ramdam ko at nakikita ko," namula ako sa sinabi niya. Masyado na pala akong halata kung ganon. "Gusto rin kita, hindi naman kita kukulitin kung hindi kita gusto,Iya."
Hindi naman bago sa akin na may nagtapat na gusto ako, pero bakit nang siya ang nagtapat parang kinikiliti ang puso ko?Nawawala ako sa huwesyo? Kinukutkot ko ang aking palad para mawala ang tensyon na nararamdaman ko.
"Hoy! Kj, sa library daw tayo!" Tumango lang siya sa kanyang classmate at sinabing susunod siya. Tumingin siya ng diritso sa akin, napa iwas naman ako ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig.
"Liligawan kita,"
ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. Sa gulat ko ay hindi ako naka galaw.Agad siyang umalis at hindi man lang hinintay ang pag-apruba ko tungkol sa sinabi niya.
"Kahit naman hindi ako pumayag, manliligaw parin 'yon," saad ko sa aking sarili at bumalik sa aming silid-aralan.
Isa siyang playboy. Handa ba ako mapabilang sa listahan niya? Pero gusto ko siya.At wala naman ako nabalitaan na may nobya siya dito sa loob ng campus.Wala naman siguro masama kung pumayag ako,manligaw pa lang naman siya.Hayst!Kainis!
"Anyari sa'yo,maganda kong bff?" wika ni Mea ng kalabitin ako.
"Liligawan niya raw ako," naka nguso na sumbong ko sa kanya.
Para naman siyang sinilian sa kanyang kina-upuan hindi mapakali dahil sa kilig na naramdaman.
Makaraan ang isang linggo ay tinutuo nga ni Kj ang kanyang panliligaw sa akin.Wala akong idea kung paano ang ligawan ng isang lalaki.Hindi naman kasi nanligaw si Jayvee sa akin noon ng personal.Tinanong niya ako sa sulat at sinagot ko rin sa pamamagitan ng sulat.
"Meryenda ka na raw sabi ng manliligaw mo," wika ni Mea at inabot sa akin ang isang piraso ng banana cue at buko juice.
Ibang klase siya manligaw,may pa meryenda si mayor.Buntong-hininga na tinanggap ko iyon.Hindi ako nakalabas ng recess time dahil tinapos ko pa ang project ko at ang mga lessons na hindi ko na tapos isulat.Kailangan ko ito matapos dahil kung hindi wala akong grades, malapit narin ang Intramurals namin.Nang tanghalian ay sa loob ng classroom lang ako kumain at tinatamad na akong lumabas.Sa aking kina-upuan ay umupo ako ng paharap sa field at nakamasid sa kapaligiran. Sa aking pagmamasid ay may nakita akong hindi inaasahan. Napa-arko ang kilay ko ng makita si Kj na nakipagharutan sa babaeng kaklase niya.
Kung kanina ay ayos lang pero habang tumatagal ay naiinis ako. Naiirita.Nagagalit,dahil nagpapahaplos,at ngumingiti rin siya sa babae na para bang may magnet sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko alam kung friendly ba siya o may gusto siya sa babae na yon. Nalilito ako dahil ang sabi niya ay gusto niya ako.Paanong gusto niya ako tapos may gusto rin siyang iba?Pwede bang magkagusto ng subra sa isa?
Hindi ko akalain na posible akong makaramdam ng ganito. Ito ang unang beses na hindi ko alam kung paano panghawakan ang damdamim ko.Para akong sasabog at ayaw ko iyon mangyari.Hindi ko na iyon kayang tingnan kaya umiwas ako ng tingin.Nang tumunog ang bell ay inayos ko ang aking upuan.Nakayuko ako.Hindi ako nagtaas ng mukha kahit pumasok na ang mga kaklase ko.Wala kaming teacher dahil absent si Ma'am Del Rosario pero kailangan nasa loob lang kami at hindi mag-ingay.
Si Mea na kakapasok lang ay agad nag tanong sa akin. "May problema ba?"
"Wala naman."
"Ang manliligaw mo nasa labas," hindi ko pinansin ang kanyang sinabi.Nagpanggap ako na walang pakialam pero ang puso ko parang sasabog na sa lakas ng tibok nito. "Puntahan mo muna."
Wala parin akong imik.Naiinis parin ako.Nagagalit parin ako sa aking nakita.Bahala siyang maghintay doon hindi ako lalabas.
"Galit ka?" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang baritong boses niya.Napa-igtad pa ako sa gulat dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.
Napanganga naman ako. "Ha?"
"Galit ka ba sa akin?" Ulit nito na namumungay ang kanyang mata.
"Bakit naman ako magagalit?" maang na tanong ko habang unti-unti akong nabibingi dahil sa palakas nang palakas na kabog ng dibdib ko.
"Galit ka sa akin,Iya.Bakit ka galit sa akin?"
" H-indi nga ako galit."
Mas lumapit pa siya akin,kaya umiwas ako ng tingin. " Sigi nga ngitian mo nga ako."
Mas lalo akong umiwas ng tingin sa kanya.Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya,para akong natutunaw.Paano pa kaya kung ngumiti ako sa kanya.Hindi ko kaya.
"Galit ka nga?Bakit ka galit?Anong nagawa ko?Kung ano man 'yon sorry na agad o."
Gusto kung sabihin na galit ako dahil sa pagdikit niya sa babae na yon.Gusto sabihin sa kanya naiirita ako sa tuwing ngumingiti siya dahil sa iba.Pero anong karapatan ko? Manliligaw ko lang siya.Kaya pinili ko lang na itikum ang aking bibig at hindi na sumagot.Nakakahiya kaya.
Humarap ako sa kanya ngunit nakayuko ang aking ulo. "Hindi ako galit,wala naman dahilan para magalit ako sayo."
" Kung ganun bakit hindi ka makatingin sa akin ng diritso? "
" Dahil nahihiya ako," muli akong dumukdok sa armchair. " Pumasok kana sa room niyo."
Ayaw pa sana niyang umalis pero tinawag na siya ng kanyang kaklse.Doon lang ako muling nag-angat ng tingin ng maka alis na siya.Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
_______________
Intramurals:
"Porket Intrams ngayon kailangan na magpa-late?" Bungad ni Mea pagpasok ko ng classroom.
" Na traffic pa ako sa himpapawid,ang layo ba naman kasi ng paaralan na'to." wika ko at inilapag ang aking bag.
" Si Principal nga late rin e."
" Sino ba ang hindi ma late? Pangalan palang ng school natin na Arizona National High School,ma la-late ka talaga.Eroplano ba naman ang sasakyan gamitin mo dito sa lupa, " komento ko at sabay kaming tumawa dalawa.
9 am ang laro ko sa badminton at bukas ng hapon ay ang volleyball naman.Si Mea ay chess at running ang sinalihan.Sa unang laro ko ng badminton ay Black Tiger ang kalaban ko.Syempre dahil magaling ako,panalo ako.Tatlo ang kalaban ko.Ang Blue Scorpion at Yellow Tamaraw at na talo ako ng Yellow Tamaraw.Pagod na umupo ako sa gilid ng pathway sa tapad ng classroom namin.Mag-isa lang ako dahil si Mae ay hindi pa tapos sa laro niyang chess.Naka-yuko ako habang pinipisil ang kanang kamay ko, nanibago dahil matagal na akong hindi nakalaro. Nagulat ako ng may tumabi sa akin ay kinuha ang kamay ko upang pisilin iyon. Pag lingon ko,ang seryosong mukha ni Kj ang aking nakita,naka suot pa siya ng jersey na damit at short.
"Ako na, " awat ko dito at hinila ang kamay ko.
Hinila niya uli ang kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa kanya,buti nalang at sa balikat niya ako tumama.
"Ako na.Huwag kang malikot."