"Hoy! Bawal ang holding hands, nanliligaw ka pa lang."
Sa gulat ko ay agad kong binawi ang aking kamay na hawak ni Kj. Nahihiya na nilingon ko si Mea at hinila ng bahagya ang kanyang buhok ng maka-upo siya sa aking tabi.
" Maling hinala ka te!" ginawaran niya ako ng mapanuksong tingin, hindi pinansin ang sinasabi ko.
Napalingon ako kay Kj ng kalabitin niya ako. "Akin na ang kamay mo," nagtataka man ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Ipatong mo sa tuhod ko," sinunod ko ang sinasabi niya. Tinalian niya ng panyo ang pulso ko kung saan banda ang masakit.
Kakaibang tuwa ang naramdaman ko sa kanyang ginawa.
Ginawa niya lang ba ito dahil nanliligaw siya? O, baka ganito talaga siya ka maalaga hindi lang sa akin kundi pati sa iba?
"Mahigpit ba?"
"Ha?" sa subrang tuwa ko hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya.
"Mahigpit ba ang pagkatali ko?"
"Ah.Hindi.Sakto lang.Salamat." wika ko at binawi ang aking kamay.
"Napano ang kamay mo,Ri?" Tanong Mea.
"Nanibago lang sa paglaro."
"Namaga ba?"
"Hindi naman.Masakit lang kapag igalaw."
"Hala!Paano yan,may laro kayo ng Volleyball bukas diba?"
"Ayos na'to bukas.Anong oras ang laro niyo?" Tanong ko kay Kj para ma iba ang usapan.Usasira pa naman itong si Mea.
"Mamaya pa. Ala una,manood ka ha," tumango ako bilang sagot.
Ilang minuto pa kaming naka upo habang nanunuod ng laro.Si Mea ay walang tigil sa pag kwento tungkol sa mga nakalaban niya sa chess. Si Kj ay pa simpleng hinawakan ang kamay ko na tinalian niya ng panyo at marahang hinimas iyon.Nginitian niya lang ako nang lumingon ako sa sa kanya.Hindi ko na siya sinuway dahil nababawas ang kirot nito sa paghimas niya.
"Anong oras na ba? Gutom na ako," wika ni Mea at hinimas pa ang tiyan nito.
"Quarter to twelve na.Tara, sa karendeya nalang tayo kumain, " aya ni Kj.Tatanggi pa sana ako ngunit hinila na niya ako patayo at hindi binitawan ang aking kamay.
"Teka lang yong bag ko," doon niya lang binitawan ang kamay ko at sinabing siya na ang kukuha at hintayin na lang namin siya dito.
"Ang sweet naman ni Kj. Kailan mo siya sagutin Ri?"
" Hindi ko alam.Natatakot ako.Nagdadalawang-isip ako. "
I admit na gusto ko siya,pero natatakot ako kung ano ang maging resulta kapag sinagot ko siya.Nagdadalawang-isip ako na sagutin siya kahit pa may gusto ko sa kanya .Baka pagsisihan ko lang ang mga ito sa huli.Ang gusto ko,kilalanin muna namin ng husto ang isa't isa bago kami pumasok sa relasyon.Bata pa ako.Wala pang alam ang puso ko tungkol dito.
"Hintayin mong maging handa ka,hindi naman siguro nag mamadali si Kj,diba?"
"Hindi pa naman siya nag tanong ulit."
Natigil ang pag-uusap namin ng dumating siya.Akala ko ibigay niya sa akin ang bag ko ngunit siya na ang nagdala non hanggang makarating kami sa karendeya.Kaunti palang ang kumakain dahil hindi pa tapos ang palaro.Sa dulong bahagi kami umupo.Magkatabi kami ni Kj,at si Mea sa aking harapan naka pwesto.Adobong manok ang ulam ko kaya hindi na ako bumili.Sina Kj at Mea ay bumili ng kanilang pagkain.
Hindi ako makakain ng maayos dahil nahihiya ako. Ito ang unang beses na magkasabay kaming kumain. Wala akong imik habang kumakain, siya at si Mea lang ang nag-uusap.
"Kaya pala hindi ka mahagilap nakikipag-date ka pala sa pinsan ko, " wika ni Analyn ng makita kami. Muntik pa ako mabulunan sa sinabi niya.
"May boyfriend ka na nagseselos ka parin," sagot ni Kj.
" Ulol mo. Ayosin mo yang pinsan ko," pagbabanta ni Analyn sa kanya.
" Luh,siya. Hindi ko naman ina-ano pinsan mo," pabalang naman na sagot niya.
" Huwag mong sagotin yan Riya."
"Hoy! Hindi ikaw ang mag desisyon kundi si,Iya! "
" Anong pakialam mo kung mag suggest ako sa pinsan ko? Huh! Angal ka?! "
" Nalipasan ka lang ng gutom.Kumain ka na libre ko."
Walang pag-alinlangan na nag order ang pinsan ko ng kanyang pagkain. Kahit magkaibigan sila ay nakaramdam parin ako ng hiya sa pinsan ko. Hindi naman ito bago dahil kahit noong hindi pa ako nag-aaral dito ay ganun na talaga ang dalawa para silang aso at pusa kung magkasama.
"Ang tindi mang black mail yang pinsan mo, " natatawa na komento ni Kj.
"Sorry."
"Sanay na ako sa kanya. Kaya nga naging best friend ko yan e."
~Flashback~
Naka-upo ako sa purok ng 4th year,kasama ko ang pinsan ko na si Analyn.May iba rin estudyante ngunit hindi ko kilala,ang ilan ay pamilyar sa akin ang kanilang mukha.Linibot ko ng tingin ang buong campus hanggang sa nagsawa ako ng may tinawag si Analyn.
" Hoy! Kj!"
Paglingon ko sa gawi ng gate ay natigilan ako sa aking nakita. Isang moreno, matangkad at gwapo na lalaki ang nakatayo doon na nakatingin sa aming gawi. Ang kanyang mapungay na mata. Ang matangos nitong ilong at ang kanyang mapulang labi na nakangiti habang papalapit sa aming pwesto.
"Ang daya mo!Hindi ka manlang nagparamdam buong summer," nagtatampo na wika ni Analyn.
Kinurot niya ang pisngi ni Analyn. "Para ma miss mo ako."
"At nagtagumpay ka, " malungkot na sagot nito.
"Huwag kang mag-alala dahil buong school year mo ako makikita, " ginulo niya ang buhok ni Analyn at nagpa-alam na may pupuntahan ito.
Akala ko magkasintahan sila,hindi pala.Because they were best friend since they were first year.And I like him, since the first day I saw him.
~End of flashback~
Pagkatapos naming mananghalian ay dumiritso na kami sa basketball court.Sa barangay hall kami ni Mea naka pwesto dahil kaharap lang nito ang basketball court. Pinahawak sa akin ni Kj ang kanyang relo, kwentas at cellphone na isinilid ko sa aking bag dahil mag warm up pa sila. Saktong ala una ay nag umpisa laro.Black Tiger versus Blue Scorpion. First quarter palang intense na ang laro dahil parehas na magaling ang dalawang grupo.Bago mag end ang first quarter ay naka three points si Kj,kaya panalo sila.
"Iba talaga kapag inspired."
Namula ako sa sinabi ng kasama niya.Sa amin banda sila naka puwesto,nang makalapit siya ay inalok ko kaagad ng tubig.Buti na lang at may tumbler akong dala.
"Teka-," hindi ko na ituloy ang dapat kung sabihin ng tinungga niya ang tumbler ko.Hindi ba niya naisip na nainuman ko na'yon? Hindi man lang niya pinunasan.Pero hindi naman mabaho hininga ko.
After five minutes break ay naglaro sila ulit.Second quarter palang pero mainit na ang labanan.Buong laro ay kay Kj lang ako nakatutok.Bawat galaw niya.Bawat tira niya ng bola na walang mintis.Tinutukso tuloy siya ng kasama niya tuwing naka puntos siya.Ngunti kahit anong galing niya ay talo parin sila.Magaling ang Black Tiger dahil halos lahat sila ay MVP at sila Homer at Gerald yon.Hinihingal na lumapit si Kj sa amin.Nang makalapit ay inabot ko ang towel niya.Kinuha niya iyon ay pinunasan ang mukha niyang pawis na pawis.
"May extra t-shirt ka?Mag palit ka muna, " sabi ko.
"Nasa kapatid ko ang damit ko,sa kanya ko ipinadala kanina ang kaso hindi ko alam kung na saan siya."
" Paano ka?Iyang damit mo? Surbang basa ng pawis, baka ubuhin ka niyan. "
" Ayos lang. Sanay na ako, " ngumiti siya sa akin to assure na ayos lang siya.
" May extra shirt ako dito,kasya naman siguro to sayo,malaki naman yan," wika ko at kinuha ang damit sa aking pack bag at ibinigay sa kanya, color red naman to at unisex kaya pwede niya suotin.
Tinanggap niya ito. Tumaas ang sulok ng kanyang labi ng tingnan niya ang damit na binigay ko. Literal na nalaki ang mata ko sa gulat ng iharap niya sa akin ang damit.May naka print doon na I LOVE YOU.Hindi ko alam na may print pala iyong damit na dala ko.Nangantong ang tuhod ko nang bumulong siya sa tainga ko.
"I LOVE YOU TOO!"