Chereads / Madly Inlove With Mr. Playboy / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

"I LOVE YOU TOO."

Nanigas ako sa aking kinatayuan. Alam kong biro niya lang iyon pero lintek, subrang lakas ng tibok ng puso ko. Ginulo niya ang aking buhok at nakangisi na tumalikod sa akin upang mag palit ng kanyang damit. Pigilan ko pa sana siya para bawiin ang damit na pinahiram ko ngunit dumiritso na siya sa cr. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit kasi hindi ko tiningnan ang damit,baka ano pa ang isipin non.Arggh!.

"Pssst!May hindi ka sinasabi sa akin," nang uuyam na wika ni Mea.

"Bat ka nang gugulat?" Napa hawak ako sa aking dibdib sa gulat.

"Kayo na ni Kj no?Tapos sinekreto niyo."

" Anong pinagsasabi mo?"

" Sus!Kayo na no?"

" Walang kami.Ano ba pinagsasabi mo?" Na iinis na ako sa babae na'to.Bakit paaminin niya ako sa isang bagay na hindi naman totoo.

"Wala pang kayo pero kinikilig na ako sa inyo.Paano pa kaya kung kayo na. Oh my god! I cannot imagine. "

"Aray ko! Ano ba?! " angil ko nang alogin niya ako." Required ba na alogin ang katabi kapag kiligin?"

Pinang-gigilan niya ang braso ko kaya nakatikim siya ng kurot sa akin.Ang sadista ng babae nato kung kiligin. Paano kaya kapag nagka boyfriend to, kawawa kung ganun,bugbog sarado siya.

Ginapang ng kaba ang puso ko ng makita ko si Kj na papalapit sa amin. Suot ang damit na pinahiram ko na may printed na I Love You.Sakto lang ito sa kanya. Nag pupunas siya ng kanyang basang buhok habang naglalakad patungo sa diriksyon ko. Naging mabagal sa aking paningin ang kanyang galaw. Pati ang ingay sa paligid ay nawala, tanging narinig ko lang ang kabog nang dibdib ko na palakas nang palakas. Hindi ko matukoy ang kaba na naramdaman ko. Kinakabahan ako na naiilang sa kanya. Pakiramdam ko namutla ako.

"Tara. Balik na tayo sa campus."

Nakatanga lang ako. Blangko ang isipan ko. Nabalik lang ako sa huwesyo ng kunin niya ang bag ko.

" A-ano. A-ko na ang mag dala ng bag ko, " wika ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nauutal ako.

" Akin na," wala na akong magawa dahil kinuha na niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya .

"Sana all," Mea said bitterly.

Pumantay ng lakad si Kj sa akin. "Crush ka ni Jovan," na nunukso na sabi niya kay Mea.

Napa-igtad ako nang masagi ang kamay niya sa kamay ko. Kinalma ko ang aking sarili at umakto na wala lang sa akin iyon.

"Ano!? Si Jovan? Iyong matangkad at maitim mong classmate?" Hindi makapaniwala na sagot ni Mea. " Jusko! Mahabanging langit! Iyong mukhang kapre?!"

Hindi ko napigilan ang matawa sa komento ni Mea. Si Kj ay natawa rin. Si Mea ay hindi maipinta ang mukha, hindi maka-paniwala na ang nagka gusto sa kanya ay kalahi ng isang kapre. Grabe naman kung maka discribe si Mea kay Jovan. Moreno si Jovan, matangkad. Kunting ayos lang yon at mag mukhang tao na iyon.

"Bagay naman kayo. Siya mukhang kapre, ikaw naman duwende. Maputi ka, pandak naman, " komento ko at mabilis na nag tago sa likod ni Kj nang sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ikaw? Pandak ka rin naman a."

"Hindi ko naman itinanggi. "

Para kaming mga bata na naglaro ng habol-habulan. Habang naglalakad ay naghabulan kami. Naiinis siya dahil hindi niya ako maabutan.Nasa likod siya ni Kj at ako ay sa harapan. Natawa nalang si Kj sa aming dalawa.

"Ayaw mo non? Meant to be kayo, " natatawa na wika ko.

" G*g*.Ayoko. Kapag mag date kami sa gabi akalain ng mga tao baliw ako na nagsasalita mag-isa dahil hindi siya makita dahil maitim siya, " gigil na sambit niya at pilit na inaabot ako.

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Hinihingal na ako sa ginagawa namin. Wala sa aming dalawa ang magpapatalo. Pakiramdam ko nahilo na si Kj sa ginagawa naming dalawa ni Mea.Hindi naman siya nag reklamo at tumatawa pa. Malapit na kami sa campus at ganun parin kami dalawa. Natigil lang kami ng makita ni Mea ang grupo nila Jovan na patungo rin sa loob ng campus.May lihim na pagtingin siguro itong babae nato. Deny pa more.

"Akala ko ba si Homer ang crush mo."

Namilog ang kanyang singkit na mata at namutla. Nahiya ang g*g*.

"Friendship over na tayo," wika nito at nagpatiuna sa paglakad.

Wala pang limang segundo ay bumalik siya sa gawi namin.

"Aray!" natatawa na angil ko nang hilahin niya ang buhok ko.

"Bakit mo sinabi. May usapan tayo e!"

"Bakit naman hindi? Alam na nga ni Homer e. Aray!"

"Nakaka-inis ka naman e!" Ma ngiyak-ngiyak na wika niya. Hinimas ko naman ang bahagi ng ulo ko kung saan banda niya hinila.

"Totoo nga kasi. Alam na ni Homer, matagal na."

"Seryoso?" Hindi maka-paniwalang tanong niya.

"Oo nga! Sinabi ko sa kanya. Awat na. Masakit na anit ko," awat ko sa kanya ng sabunutan niya sana muli ako . "Sabi niya ayos lang daw. Normal lang daw na may magkagusto sa kanya dahil pogi siya. Pero hindi raw siya papatol sa mas bata sa kanya at baka mapagkamalan daw siyang kuya. "

Sasagot pa sana siya nang maalala na kasama namin si Kj, kaibigan slash classmate pa naman sila. Dahil wala na kaming sports sa sasalihan ay umupo kami sa field sa harap ng Science Laboratory dahil hindi mainit dito. Volleyball at sipak takraw ang naglalaro sa field.Blue Scorpion at Yellow Tamaraw ang magkalaban. Bukas pa kami ng hapon, at Black Tiger ang kalaban namin.Si Mea na naka upo sa aking tabi ay walang imik, nagtatampo yata.Si Kj ay wala ring imik na naka upo sa tabi ko, seryoso lang siyang nakatingin sa naglalaro.Hindi ko tuloy ma iwasan na titigan siya.Naka indian set siya at naka patong ang dalawang siko sa kanyang tuhod kaya malaya ko siyang ma titigan.Nang lumingon ako kay Mea ay nakahiga na ito.Bermuda grass naman ito kaya hindi madumi.

"Blue Scorpion ka.Bakit naka red t-shirt ka?" Ani ni Analyn ng maka lapit sa amin.

"Hindi na ako Blue Scorpion," sagot ni Kj.

"Lol!Gusto mo lang makasama pinsan ko e."

Minsan hindi ko maintindihan itong pinsan ko.Minsan pakiramdam ko ayaw niya si Kj para sa akin.Minsan suportado.Nakakalito.Siya lang naman naka-kilala kay Kj kaya alam niya ang takbo ng utak nito.Kung wala lang boyfriend itong pinsan ko baka isipin ko na may gusto siya kay Kj kaya ganun ang trato niya kapag makita kami ni Kj na magkasama.Pero hindi ko naman nakitaan ng senyales na kahit kaunti na may gusto siya kay Kj, dahil ganito na raw talaga silang dalawa.

"Ihatid kita pa uwi," nagulat ako ng nagsalita si Kj.

"H-a? Huwag na. Pagod ka na, umuwi ka na lang agad para makapag-pahinga ka."

"Kahit isang beses hindi mo pa ako pinayagan na ihatid ka pa uwi."

"Ma papagod ka lang kasi. "

" Basta ihatid kita, " pagmamatigas niya.

Nang uwian na ay nag talo pa kaming dalawa. Ayoko na ihatid niya ako dahil mapapagod lang siya pero talagang mapilit. Ako na ang sumuko dahil ayaw niya magpatalo. Nag bangayan pa sila ni Analyn ng malaman nito na sasabay si Kj sa amin. Kaya nag pahuli ako ng lakad. Ano ang silbi ng paghatid niya sa akin marami naman akong kasama.

" Bumalik ka na huwag mo na ako ihatid, mapapagod ka lang, " pangumbinsi ko.

" Babalik lang ako kapag sinagot mo na ako, " wika nito.Napalingon ako sa kanya,at nagulat sa kanyang sinabi.

Walang salita na lumabas sa aking bibig.Nakatayo lang ako.Naka-tingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.Ginulo niya ang buhok ko at bahagyang pinisil ang aking pisngi.

"Biro lang," natatawang sabi niya nang ma pansin na nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Ibang klase ka mag biro. Makalaglag ng puso," wika ko at tinalikuran siya.

Hindi magandang biro iyon ha.