"Start your day with a smile.Cute lady."
Hanggang matapos ang flag ceremony ay nagpa ulit-ulit sa aking isipan ang kanyang sulat.Pa mysterious pa itong tao na 'to.Nag abala pa sa pagsulat tapos hindi magpapakilala.Weak.
Isang linggo ang lumipas ay walang palya kung magbigay ng sulat kung sino man ang tao na iyon.Misan isang beses sa isang araw.Minsan dalawa,at nitong araw tatlo ang binigay niya.Napansin ko nitong nakaraang araw na may nakasulat na kakaibang letra sa sulat na bigay niya. Hindi ko talaga alam kung ano iyon,hindi ko mabasa.Sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip.Pambihira naman.
"Intsek yata itong secret admirer mo, " sabi ni Mae na naka kunot ang noo habang tinititigan ang letra na hindi namin ma basa.
" Eeehhhh!Kakilig naman 'to!" Parang sinilihan naman ang babae nato kung kiligin may pa hampas pang nalaman ang sakit na ng braso ko. "Sa mga araw na nag daan lalo kitang nagustuhan.Kyahhhh!"
" Ano ba?!Ang sakit na ng braso ko sa hampas mo," reklamo ko ng hampasin niya ako muli,namula na ata to.
Siguro kung kilala ko siya,kung alam ko kung sino siya,baka kiligin rin ako katulad ni Mae sa tuwing makatanggap ako ng letter mula sa kanya.Kaso hindi e.At saka mahirap mag assume,baka pinaglalaruan lang ako.Ginawang katawa-tawa at kapag na hulog na ako sa kanyang patibong ay titigil na siya.Paano ako?Paano ang puso ko kung natutunan ko na siyang gustuhin?Tssk,ano yon,nagka gusto ako pero sa taong hindi ko kilala.Mahirap 'yun , mukha akong tanga kung ganun. Baka nga isa siya sa mga classmate ko. O baka isa siya sa mga kakilala ko. Hindi ko alam, baka nga nagkasalubong na kami tapos pinagtatawanan na pala ako.Hay!
Naka halumbaba ako sa aking upuan habang sa labas ang tingin. Saglit akong natigilan nang makita ko siya na nakatingin sa aking gawi. Hindi ako sigurado kung sa akin ba pero ramdam ko ang mga titig niya. Lumingon ako kay Mae na busy sa kanyang kuko para mawala ang pagka-ilang ko dahil sa titig niya. Kumabog ang dibdib ko ng paglingon ko muli sa kanyang gawi ay ngumiti siya. Kengenang ngiti na yan, nakakabihag ng puso.
"Anong sports ang sasalihan mo sa Intramurals Ri?" Na baling ang atensyon ko kay Mae pero ramdam ko parin ang kabog ng puso ko dahil sa pesteng ngiti na yon.
"Badminton at volleyball.Ikaw ba?"
Badminton is my favorite sport,pero magaling din ako sa volleyball,kaya dalawa ang sport na napili ko.Sasali din sana ako sa Baseball kaya lang baka magka pareho ang oras ng laro hindi rin ako makasali kaya dalawa lang ang sinalihan ko.
"Mag ha-hunting lang ako ng gwapo, " napahagikhik siya sa kanyang sinabi.Parang tanga lang,sarap niyang hambalusin.
Absent ngayon si Ma'am Rosario,A.P teacher namin pero may iniwan naman na maraming isusulat namin.Ang iba kung classmates ay nagsusulat ang iba naman ay natutulog,walang nag-iingay dahil nag lilista ang class president namin at may multa na limang piso sa bawat ingay mo.
"Mae, Fahrhiya first offense."
Sinamaan ko nang tingin si Mae pero ngumiti lang ito sa akin,ang daldal kasi e.Muli akong humalumbaba, tinatamad ako mag sulat,mang hiram lang ako ng notes mamaya at sa bahay ako magsulat.Kinakalabit ako ni Mae pero hindi ko siya pinansin.Iidlip muna ako,ina antok ako.
"Naka move on ka na ba kay Jayvee?" Napa buntong-hininga ako sa tanong ni Mae.
" Naka move on agad ako after naming mag usap noong time na yun. Sa sinabi ni Diane doon ako hindi pa naka move on."
" Grabe naman kasi makapag salita ang babae na yon,siya naman pala ang malandi, " patuloy pa siya sa pagsasalita tungkol kay Diane.Hindi ko siya pinansin bahala siya. Ayoko maka multa sayang ang limang piso.
Dahil sa mga binitawang salita sa akin ni Diane ay nahihiya na akong tumambay sa purok,kadalasan ay dito sa likod ng classroom ako tumatambay. Oo bata pa ako, thirteen years old pa lang ako pero hindi pag la-landi ang tawag sa isang babae kapag nagka-nobyo.
Hindi ba pwedeng curious lang? Hindi ba pwedeng gusto rin namin iyon maranasan? I know my limitations and I know my priority.Sabik lang ako na maranasan ang isang relasyon na sinasabi nila.
Sa amin ni Jayvee,I treated him as a friend.Bakit naman hindi diba? Infatuation lang naman yong sa amin dati at hindi ko na siya gusto, may iba na akong crush. And speaking of crush.Naging mabagal sa aking paningin ang kanyang paglakad, na parang siya lang ang tao sa paligid na aking nakikita.Hindi ko ma iwasan na tumitig sa kanyang nakasimangot na mukha. Ang cute niya.
"Badtrip ka tol?" Ma pang-asar na tanong ng kanyang kaibigan. Naka salubong ang kilay na tiningnan niya ito.At nagpatuloy sa paglakad papuntang library.Hindi man lang lumingon kahit saglit sa room namin.Hmmp.
Ang crush ko na tinutukoy ko ay si Kenneth Jhon Jabilona.Third year Section A,at isang basketball player.Ang dahilan ng paglalambot ko sa tuwing makita ko ang ngiti niya.
"Dalawang subject nalang at uwian na," hiyaw ni Mea ng matapos ang klase. "Sa TLE garden pala tayo ngayon,tara na."
Ang TLE garden namin ay sa likod ng faculty. Each garden have five people,two girls and three boys.At si Mae ang kasama ko.Sa lahat ng grouping lagi ko talaga kasama tong babae na to. Wala naman masyadong gawin dahil wala namang damo sa tanim namin na talong. Ang tatlong lalaki na kasama namin ay nag bu-bungkal, kami ni Mae ay nag wa-walis ng mga tuyong dahon mula sa puno ng mahugani.Ang iba nag ha-harutan lang,nag ku-kwentuhan dahil wala si Sir Rama.Nag punta lang siya dito kanina para mag check attendance at umalis rin ka agad.Buong oras ng subject niya ay doon lang kami.
Sa wakas last subject na.Bago ang last subject ay may five minutes break kami para mag meryenda,mag cr, depende sayo kung ano ang gagawin mo sa limang minuto na break time. Ako? ADito lang naka tambay sa likurang bahagi ng aming classroom.Science garden namin ito ,at dito ako palagi naka tambay dahil presko ang hangin at hindi mainit.Naka upo lang ako sa naka latag na papel sa lupa habang nag re-review ng notes dahil may quiz kami mamaya.Hindi ko na binigyan ng pansin ang mga estudyanteng dumadaan patungo sa cr. Sa gilid ng room namin at ng faculty ang daan papuntang cr kaya ma pansin kaagad ako dahil sa gilid ng daan lang ang tambayan ko.Habang kinakabisado ko ang notes ko ay may pares ng paa na huminto sa harapan ko.Black school shoes.Slacks.Ibig sabihin lalaki ang nasa harapan ko pero bakit juicy cologne na kulay pula ang amoy niya? Nag angat ako ng tingin para malaman kung sino itong amoy juicy cologne na ito pero natigilan ako.Kumurap-kurap pa ako at baka imahenasyon ko lang ang nakita ko pero maka ilang beses na akong kumurap ay nandito parin siya sa harapan ko.Tumikhim siya dahilan bumalik ako sa aking huwisyo.Subrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Isang buwan,pero kahit isang beses ay hindi mo man lang sinuklian."
Literal na kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.Ano ang kanyang ipinapahiwatig?