Chereads / Madly Inlove With Mr. Playboy / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

"Isang buwan pero kahit isang beses ay hindi mo man lang sinuklian."

Nagulat ako ng pag angat ko ng tingin ay si Kenneth Jhon Jabilona pala ang nasa harapan ko, ang aking crush.I don't know what to say.Ano ba itong pinagsasabi niya.

"A-no?"

Na utal pa ako.Sino ba ang hindi mautal kaharap ko si crush.

"Yung sulat."

I can't explain how I felt when he said about the letter.All this time siya pala ang nagbibigay nang sulat sa akin na walang pangalan.At sa tuwing makatanggap ako ng sulat,how I wish it was from him.And my wish has come true.Dahil siya ang secret admirer ko.

"Paano ako makapag response wala namang pangalan kung saan galing ang sulat.? "

" Pwede mo naman iabot doon sa nagbigay sa'yo ng sulat."

"Hoy!"

Hindi ko na ituloy ang dapat kung sabihin nang ma realize ko na bakit siya nakikipagtalo sa akin tungkol doon sa hindi ko pag response nang sulat niya?

"E,ano ngayon kung hindi ko ginawa?" Hindi ko na napigilan ang pag tataray ko.

Humingi siya ng tawad sa kanya inasta. "Sasabay ako sayo pa uwi mamaya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Nakatunganga parin ako sa aking pwesto.Totoo ba 'to?Baka nag i-imagine lang ako. "Aray," daing ko nang kinurot ko ang aking pisngi . Totoo talaga, hindi ko ito imahenasyo. 'Ahhhhhh!' Pag tili ko sa aking isipan. Pumasok na ako sa aming room at pinipigilan ang sarili na ngumiti.

"Ri,masakit ba t'yan mo?" Nag-alalang tanong ni Mae ng maka pasok ako.

"Ha.Hindi,bakit?" Takang tanong ko at umupo sa aking upuan.

"Yong mukha mo kasi para kang na tatae."

Napangiwi ako. Kinuha ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tiningnan ang mukha ko. Putek! Ang panget ko. Mukha nga akong na tatae sa expression ko.Sinubsub ko ang aking mukha sa armchair upang mailabas ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan.Ganito pala ang pakiramdam kapag na pansin ka ni crush,abot hanggang langit ang saya.Sa iba kong crush hindi ko naman ito naramdaman.

"Ri, sigurado ka ayos ka lang?" Sinilip niya pa ang mukha ko. Sinandal ko sa bintana ang aking ulo at nahihiyang tumingin sa kanya.

" Kinikilig ako," I can't stop myself to smile. "Alam ko na kung sino ang nagbibigay lagi sa akin ng sulat."

Namilog ang kanyang singkit na mata, ngunit nag dadalawang-isip kung maniwala ba siya. "Weeh?! Sigurado ka?Sino?"

Sinabi ko sa kanya kung sino ang lalaki na iyon.Ang bruha,kulang nalang ang sakalin ako dahil sa kilig. Sinabi ko rin sa kanya na matagal ko ng crush si Kenneth na lalong nagpakilig sa kanya, inalog pa ako sarap bigwasan.

"Oh my god! Kinikilig ako! ." She said giggley. " Ang haba ng hair mo te. Ang secret admirer mo ay ang crush mo. Wow!Dream come true. "

" Hindi nga rin ako maka paniwala e. Pero alam mo parang nagtatampo yong tono ng boses niya kanina nang sinabi niya sa akin na pwede ko naman daw i abot ang response ko doon sa nagbigay ng letter sa akin, " hindi sa assume-ra ako pero ganun talaga ang pandinig ko kanina.

" Wew,matampuhin pala ang soon to be bf mo," tukso niya pa.

" Gaga! Advance ka mag-isip,te, " natatawang saad ko.Na tigil ang aming kwentuhan ng dumating si ma'am.

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi parin ako maka-paniwala na siya ang nagbibigay sa akin na love letter . Hanggang sa matapos ang last subject namin ay lutang ako at parang tanga na naka-ngiti.Mabuti nalang at na kansela ang quiz dahil panigurado wala akong ma isagot sa kalutangan ko.

"Anong kulay ng damit ang suotin mo bukas?Para terno tayo."

Ganiyan siya palagi,dapat terno kami ng kulay ng damit tuwing sevillian day, kambal raw kasi kami.

"Hindi ko pa alam e. "

"Ano bayan," reklamo niya at pinanggigilan ang damo na binubunot niya.

Nag bu-bunot kami ng damo sa maliit na garden namin dito sa harap ng aming classroom.Gawain namin ito tuwing uwian upang ma maintain ang linis nito.Ang iba naming classmate ay nagwawalis,ang iba naman nag-igib ng tubig para ipang dilig sa halaman..

"Pula na t-shirt ang suotin ko bukas,tapos black pants,at rubber shoes.Ikaw?"

"Tingnan ko kung may pula pa akong damit.Mag flat sandal ako bukas,sumasakit na paa ko sa kaka suot ng sapatos.Nagka paltos na ata ako."

"Sigi mag sandal na rin ako,basta pula na t-shirt ha. "

Kanya-kanya na kaming uwian matapos ang flag retreat.Sa tindahan ni Ante Mona ay naghihintay sina Analyn sa akin nagulat pa ako kung bakit nandoon rin si Kj.

"Umuwi kana.Uuwi na kami," pagtataboy ni Analyn sa kanya.Tinutulak pa niya ito pa alis. "Kanina kapa sunod nang sunod para kang langaw."

"Brad,patahimikim mo nga 'yang syota mo,ako na naman pinag-initan di ko naman 'yan ina ano, "natatawang sabi ni Kj at todo iwas naman siya kay Analyn.

"Ewan ko sayo.Para kang langaw, " na una ng maglakad si Analyn hinabol naman siya ni Lester, ang kanyang boyfriend. Tinutuyo ang pinsan ko.

Nakasunod lang ako sa kanila na walang imik,iniisip parin ang nangyari kanina, hindi parin ako maka paniwala. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at naglakad ng matulin.

"Hintayin mo ako."

"Santisima!Anak ka ng nanay mo!" Pa sigaw na ani ko dahil sa gulat ng may nagsalita sa tabi ko.

Nagpipigil siya ng tawa sa reakyon ko.Sh*t nakakahiya.

Nang ma realize ko kung sino ang kasabay ko ay napatigil ako sa paglalakad.Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas maglakad muli.Ilang beses pa akong napakurap at baka namalikmata lang ako pero hindi.Ilang dipa lang ang layo naming dalawa,napa-kamot siya sa kanyang batok nag-aalangan na muling magsalita.

"Bakit?"

Mahinang tanong ko. Hindi ko alam kong narinig niya ba iyon dahil tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.Nabibingi ako sa tibok nito na subrang lakas.Pakiramdam ko ano mang oras ay lalabas ito.Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang puso ko.Tubig ata ang kailangan ko.

"Ihahatid kita."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo ako ihahatid?"

" Diba sabi ko sayo kanina,sasabay ako sayo pa uwi."

"Bakit?" Takang tanong ko ulit. Bakit siya sasabay e, magkaiba ang daan namin at saka wala akong matandaan na pumayag ako. "Hindi pwede. "

"Bakit hindi pwede?"

Bobo ba siya?Malamang pa south ang daan niya pa uwi at pa north kami.

"Kasi magkaiba ang daan natin.Bahala ka nga sa buhay mo,huwag kang susunod sa akin, " pagbabanta ko pa.Hindi ba niya naisip na nahihiya ako? Hindi pa nga ako maka get over doon sa rebelasyon niya tapos ihahatid pa niya ako pa uwi.

Lakad takbo ang ginawa ko dahil malayo na sa akin ang mga kasama ko may kadiliman pa naman dahil hapon na . Paglingon ko ay nandoon parin si Kj nakatayo kung saan ko siya iniwan.Nang ma abutan ko ang mga kasama ko ay saka palang siya tumalikod at naglakad pa alis.

Napalingon ako kay Homer ng umakbay siya sa akin. "Pinopormahan kaba ni Kj?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Hala hindi a," tangi ko ka agad,dahil hindi naman talaga.Ayoko sabihin na binibigyan ako ng sulat ni Kj at gusto niyang sumabay sa akin sa pag uwi ngayon lang.

"Chik boy 'yon."

Anong pakialam ko kung chik boy siya,kahit ilan pa maging girlfriend niya wala akong paki-alam.At saka ayoko may maka-alam na crush ko siya maliban sa kay Mea,baka ipagsabi pa nila iyon at makarating sa kanya edi patay ako sa mga girlfriends niya.

Hindi ko naman alam na may lahing chik boy pala siya.Edi doon siya sa mga girlfriends niya

'Tunog bitter ka self.' Kastigo ko sa aking isipan.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagpupuyos ko.Pagdating ko sa bahay ay padabog kong inilapang ang bag at librong dala ko.Wala pa si nanay baka may ka tagpo na iyon sa bukirin namin.Nawalan na ako ng gana kumain kahit gutom na gutom ako kanina pa.Nagbihis na ako at nag luto ng kanin,nagwalis at sinagutan ang mga assignment ko.Habang inaayos ko ang aking bag,nakita ko ang mga sulat na galing kay Kj.Kinuha ko lahat ng mga sulat, mayroon pa pala akong hindi na buksan.Dumapa ako at binuksan ang naka tuping papel.

"ISANG ANGHEL NA BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA."