Chapter 24 - TVMAE 23

Chapter 23:

Almost

Grace POV

"Ohhh sis buti nakapunta ka, akala namin hindi na eh," naagaw ang pansin namin ng marinig naming magsalita si Elle, Annah is here. Glad she came.

"Lyn texted me and told me na nandito kayo," sagot ni Annah sa kaniya. Buti naman, may point naman din kasi si Annah but we need to be careful sa mga actions namin, you know buntis ang tao at isa pa kabilin bilinan ng doctor na bawal siya ma-stress, naku talaga!

"That's good," singit ko sa kanila. Ngumiti lamang siya, and I smiled to her too. Alam kong di nila matiis ang nangyari.

"Sorry guys kung ano ang inakto ko kanina, sorry," hinging paumanhin nito. Naku no issue 'yan sa amin.

"No need to say sorry girl," Elle.

"Yeah, past is past," Joli.

"Huwag mo ng isipin iyon," Jane.

"Talaga, thank you," sambit niya lang, ito talagang si Annah.

"Hali ka nga dito, ang layo mo," aya sa kaniya ni Jane. Kasi naman nakaupo kaming lahat dito sa waiting area while siya nakatayo tapos medyo dumistansiya pa aytt!

"Nasaan na pala si Lyn?" Tanong nito ng makalapit na ito at umupo sa bakanteng upuan.

"Nasa loob na siya nag pa-check up na, kakarating lang din namin," sagot ni Elle habang tumitingin kami sa wall glass. Madami-dami rin kasi ang naka-schedule ngayong magpapa-check up kaya dito na lang kami sa labas maghintay. Baka mapagkamalan pa naku ammp.

"Pagkatapos niyang magpa-check up, direct na agad ang pag-ultrasound, nakaka-excite uwuuu," sambit ni Joli habang tumitingin din doon. Next na si Lyn ang titingnan ng doctor.

May maliit kasi na room sa loob ng room na ito, exclusive lang para sa ultrasound activity kaya definitely di namin makikita kasi may takip na puting tela ayytt.

Beside nagdesisyon din kami na si Lyn muna ang makakaalam sa kung ano ang result ng kaniyang ultrasound para naman ma-excite kami uwuuuu!

"Magpa-baby shower ba raw si Lyn," biglang tanong ni Elle. Ewan, sana nga para naman may party si baby. Excited na talaga ako, sinabihan nga ako ni Zander na gagawa na lang daw kami ng amin, langya talaga. Kahit stable na ang buhay ko, promise ko sa sarili ko na di ako mag-aasawa hangga't di ako naging professional. Alam ni Zander 'yon at alam ko na rin, in love na in love siya sa akin kaya malabong iiwan ako pfffttt yabang self ahh BWAHAHAHAHAHA.

"Sana nga, para maasikaso at masingit sa to do list natin ackkk!" Sagot naman ni Jane. Halos yata kami excited eh, awiiieeee!

"Baka gutom na kayo diyan, sana nagdala kayo ng foods," suggestion ni Annah. Naku 'yan ang ayaw ko talaga. Di ko masikmurang kumain sa hospital. Ang amoy kasi ehh brrr!

"Naku, ikaw na lang sis. Busog pa ako," Jane.

"Same here," Joli.

"Me too," Elle.

Ilang oras na kasi di pa rin tapos si Lyn. Nasa ultrasound section na siya kay hintay-hintay lang talaga, malapit na malapit na talaga. Konting tiis na lang.

"Ikaw Grace?" Lingon sa akin ni Annah. No thanks na lang.

"Nakalimutan mo na ba sis, ayaw na ayaw niyang kumakain sa loob ng hospital," salita ni Joli na imbes ako ang sasagot ayttt she really knows me ahh, tama naman.

"Ohh, tama nga, sorry naman nakalog lang ang utak ko HAHAHAHA," Natatawa niya lang na sagot para tumawa rin ako konti. Sumasabay sa kanila. Si Annah talaga ammmmp!

Jane POV

Few hours later, palabas na si Lyn kaya humanda na kami, owshiiiiii so excited!!!!

Tumayo kaming lahat at inabangan talaga ang paglabas niya.

"Lalabas na si Lyn kyahhh!"

"OMG!!"

"GOSHH SO EXCITEDDD!!!"

"OWSHIIIIII!!"

"PUSTAHAN TAYO GRACE, ANO'NG GENDER SA'YO?"

"NAKU ELLE MUKHA KA TALAGANG SUGAL AMMP,"

"Aytt nice one sis HAHAHAHA,"

"One point,"

"Duhh chuss lang kasi ammp,"

"Tumigil nga kayo,"

"Shhhh!!"

Nakalabas na si Lyn sa pintuan na agad naman sinunggaban namin ng mga tanong.

"Kumusta girl?"

"Ano'ng sabi ng doctor?"

"May gender na ba ang baby?"

"Girl or boy?"

"Okay lang ba ang check up mo?"

"SHHHHH PAANO KO KAYO MASASAGOT NIYAN? ISA ISA LANG SA MGA TANONG BESH, MAHINA ANG KALABAN," reklamo ni Lyn sa amin. Aytttt sorry naman sadyang excited lang kung ano ehh.

"By the way thank you for coming Annah, sorry sa mga nagawa ko," dagdag niya habang tumitingin kay Annah.

"No need to say sorry, it's okay. Pasensiya na rin sa mga nasabi ko," hinging paumanhin din nito. Lumapit sa kanya si Annah at nagyakapan sila. Aytt ang drama naman ng dalawang ito.

"Drama niyo ahh sali kami," singit ko sa kanila at nakiyakap sa kanila tapos sumunod naman ang iba. Yiieee ito ang totoong magkakaibigan.

"So anyway, kumusta ang baby? Okay lang ba?" Tanong ko ulit sa kaniya at kumalas na kami sa pagyayakapan.

"Ok----

"Baby? Who's pregnant? Wazzup guys, what a coincedence,"

0-0

O-O

O-O

O-O

"EVANS?" Koros naming sabi ng makita namin si Evans na nakatayo sa likuran namin. Kanina pa ba siya diyan? Bakit siya nandito?

Nakita ko kung gaano nagulat at nataranta si Lyn ng makita niya ang kaniyang nobyo, goshh this is trouble!

"Yeah the one and only. Hey para naman kayong nakikita ng multo diyan. Hello Langga, akala ko mamaya pa kita makikita," sambit nito at saka lumapit kay Lyn para yakapin. Ngumiti naman si Lyn na halatang pilit lang. Mabuti at ang luwag ng suot niya kaya natatabunan pa.

"H-hi unexpected ah. B-bakit ka p-pala n-nadito," nauutal na sabi ni Lyn habang dali dali itong kumalas sa yakap, goshh!

"May sinamahan lang ako, by the way may narinig akong baby at isa pa prenatal area and ultrasound office ito," sabi niya na para ikagulat naming lahat. Lagot na talaga!

Oo gusto kong malaman ni Evans ang nangyayari kay Lyn pero hindi sa ganitong paraan, nakuuu!!

"So sino'ng magka-baby?" Dagdag nito.

O-O

O-O

O-O

SHAK BAKIT ANG DAMI MONG TANONG MAN Grrrr!!!

Tiningnan ko si Lyn nakita kung paano siya lumunok ng laway ng ikailang ulit, hayyyssss!

"A-ako," nagulat kami ng sumagot si Annah. What the?

"Wew congratulations," sabi ni Evans kay Annah. Halos takasan kami ng dugo sa aming mga mukha dahil sa pamumutla. Juskoo!!!

Di ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Annah dahil niligtas niya si Lyn sa pagkatataon na ito.

"T-thank you," ngiting sagot ni Annah sa kaniya. Naku sis lagot tayo nito.

"You guys so weird, ang tahimik niyo ah," at ang daldal mo rin. Kung anu-ano ang napapansin ehh aishh!

"Sorry Ga, I can't accomapny you. I need something to deal with," rinig naming sabi nito kay Lyn habang hinahawakan sa mukha. Siguro kung di sa ganitong sitwasyon, nagtitilian na kami sa kilig.

"Are you okay? Ang putla mo kasi," tanong nito ng makita ang sinisinta na ang putla nito. Siyempre sino'ng di mamumuta sa sitwasyong ito naku talaga!

"No worries I'm okay. Ingat ka ahh," huminga ng malalim si Lyn. Ayan girl, laban lang!

"Are you sure?"

"Of course,"

"Then I gotta go?"

"Sige ingat ka,"

"Yes I will, ikaw rin," sabi nito sabay halik sa noo ni Lyn. Umay tama na ang ka-sweeet-sweet niyo diyan, kainggit ammmp.

"Bye," sambit ni Lyn at tuluyan ng umalis si Evans.

We just wave our hands to him as goodbye.

"Goshh muntik na iyon ahh!"

"Hohh kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko,"

"Ackk!!"

"That's so nearrrrr!"

"Thanks God!"

"Umayy, thank you sis for saving me," napaupo na lang si Lyn at nagsi-unahan ang mga luha. Ackk pain.

"Nahhh maliit na bagay, palagi mong tatandaan na di ka nag-iisa sa laban. Nandito kaming mga back up mo," sagot ni Annah sa kaniya. Yeah that is true.

"YEAH RIGHT NANDITO KAMI PARA SA IYO," Sabi ni Grace at niyakap si Lyn.

"Hushh ka na diyan,"

"Ang importante, nalampasan na,"

"Hushhh,"

Pakalma namin sa kaniya. Thanks God, you really love us. Salamat at hindi tuluyang nabisto. Oo gusto namin na malaman ni Evans pero hindi sa ganitong paraan. Hinagod ko ang likuran ni Annah habang patuloy ito sa pag-iyak. Magiging okay rin ang lahat Lyn, may awa ang Panginoon. It's almost.