Chapter 23 - TVMAE 22

Chapter 22:

Awakening

3rd Person POV

"Owshiii ang laki na talaga sis ng tiyan mo, apat na lang na buwan, lalabas na 'yan YIIIIEEE!!!" Masayang sambit ni Joli ng makitang bumababa na si Lyn sa hagdan, kagigising lang nito kaya nakalantand ang tiyan nito.

"Kaya nga, nakaka-excite sobra," sang-ayon naman ni Grace sa sinasabi ni Joli.

"Magpa-ultrasound na kaya tayo Lyn?" Suhestiyon ni Annah habang umiinom ng kaniyang coffee.

"That's a great idea sis, para malaman natin kung ano ang gender ni baby," masayang tugon ni Jane sa kanila. Makikita mo talaga kung gaano sila ka-excited at kasaya.

"Tapos after magpa-baby shower na tayo KYAHHHH!!!" Singit ni Elle na galing sa kusina na may bitbit na slice bread.

"HUWAG NA," napatigil sila sa kanilang pagsasaya ng marinig ang sabi ni Lyn. Ang kanina na sobrang saya ngayon ay sobrang tahimik na at may sari-sariling iniisip na.

Dumiretso si Lyn sa kusina para maghilamos at gawin ang morning routines niya. Buti na lang di na siya nagsusuka tuwing umaga, ang pangagati na lang sa tiyan niya ngayon ang iniinda niya. Siguro dahil sa buhok ng baby na unti-unti ng tumutubo.

"Bakit ayaw mo Lyn? Dapat nga masaya ka para sa baby mo naman din ito ahh," sambit ni Elle na nararamdaman sa boses ang pagkakadismaya.

"Bakit? Kailan mo ba balak ipa-ultrasound 'yang tiyan mo ah?"

"Kung kailan magpapanik ka na, gano'n ba Lyn?"

"Mas okay na ang maaga diba,"

"Alam niyo ang sitwasyon ko ngayon," tanging sagot na lamang ni Lyn papasok sa sala na may dalang gatas niya.

"Talaga Lyn, hanggang kailan ka ba magtatago?  Hanggang kailan mo ipitin ang tiyan mo para lang sa inyo ni Evans. Ang selfish mo!" Galit na sabi ni Annah na nakatingin lang sa kawalan.

"Annah shhh bibig mo," awat sa kanya ni Jane pero di niya ito pinansin.

"Hindi hayaan niyo ako, sobra na kasi iyang babae na 'yan," sagot ni Lyn.  Habang si Lyn naman ay nataob sa gilid na hindi alam kung ano ang gagawin niya. Unti-unting pinoproseso kung ano ang sinasabi ni Annah.

"Bawal siya ma-stress girl,"

"Shhhhh hayaan mo na,"

"SIGE KAMPIHAN NIYO 'YAN. KAYA 'YAN NAGKAKAGANIYAN KASI ALAM NIYANG MAY TAONG KAKAMPI SA KANIYA, KAYA SIYA NAGKAKAGANIYAN DAHIL KAMPANTE SIYANG NANDITO TAYO PALAGI SA KANIYA. GINAGAWA NIYO 'YANG BABY PFFTT! SORRY FOR MY WORDS. SADYANG NAPUNO NA AKO EH TSS!" Di napigilan ni Annah kaya sumigaw ito sa galit na ikinanagulat nilang lahat. Natigil sila sa pagkakape at pagkain.

*Boggggs*

Napasindak sila sa paraan ng pagsira ni Annah sa pinto, umalis ito ng walang pasabi sabi. Kailangan niyang palamigin ang ulo niya sa sobrang init nito. Naiinis siya kay Lyn sobra.

"Lyn okay ka lang ba?" Tanong ni Jane ng mapansing nakatayo pa rin si Lyn habang umiiyak.

"Y-yeah okay l-lang ako," nauutal niyang sagot at walang anu-anong umakyat ito sa taas, sa kuwarto niya.

Hindi alam ni Lyn kung ano nga ba ang gagawin niya. Pareho silang mahalaga sa kaniya. Unti-unting nasisira ang pagsasama nila dahil sa kagagawan niya. Nagmahal lang naman siya, kung saan nagmahal na siya at saka pa susubukan ang pagkatatag niya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak sa kama niya.

Lyn POV

M

ugtong-mugto man ang aking mga mata. Bumangon pa rin ako sa kama. Nakapagdesisyon na ako, I will take a risk. Isa lang sa Evans over my squad plus si baby, doon tayo sa marami. One of these days, sasabihin ko na kay Evans ang nangyayari sa'kin. It's wether he will still accept me or he'll leave me. Ackkk!  Sakit naman talaga sa puso ang pag-ibig hayyysss.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili. Magpapa-check up and magpa-ultrasound na lang rin ako na kasama sila. Kapal talaga ng mukha ko para umarte ng ganito, sila na nga lang ang laging nasa tabi ko, mga taong tumutulong sa'kin tapos ganito pa ang gagawin ko sa kanila, wala akong utang na loob.

Pero ang sakit lang naman kasing bitawan ni Evans, sanay na sanay na ako sa kaniya eh. Sobrang sanay na sanay na. At saka legal na kami sa pamilya niya, oo no'ng nakaraang araw pinakilala niya ako. Ang bait sobra ng mama at papa niya, tapos ang sobrang cute ng mga kapatid niya.  Napag-alaman ko na rin na galing pala siya sa America, ang lolo at lola niya ang tinirahan niya doon. At dahil dumating na ako sa buhay niya, lilipat daw siya ng school sa pinag-aaralan namin na imbes kina Zander siya lilipat.

Sana nga makinig siya sa akin. Sana nga kaya niyang tanggapin. Sana nga hindi niya ako isusuko. Sana akin pa rin siya pagkatapos niyang malaman hayyssss sana nga.

Pinahiran ko ang mga nag-uunahang luha at saka pinatay na ang shower. Ganito talaga ang buhay, we need to take a risk para magiging okay na ang lahat, para maayos kami.

Hindi pa rin bumabalik si Annah, thanks to her words natauhan ako. Siguro nagawa ko lang iyon dahil sa pag-ibig, nagawa ko lang iyon dahil ayaw kong mawala si Evans sa piling ko ackkkk ngayon lang ako nakaranas nito pero kailangang gagawin para sa ikakabuti ng lahat. After ni Evans, ilalantad ko na ang tiyan ko.

Lumabas na ako sa banyo at nagbihis na. Di ko nilagyan ng tela ang tiyan ko, nagsuot na lamang ako ng maluwag na damit para di masyadong nahahalata.

Umupo ako sa kama at inabot ang selpon ko. Binuhay ko ito dahil nakapatay, sobrang low bat pala nito kagabi, di man lang nakapag-charge.

"Langga, I miss you!"

"Ga, okay ka lang ba?"

"Bakit di kita makontak Ga?"

" You scared me a lot woman!"

"Answer my damn call!"

"I called Grace and she said you're still sleeping,"

"Gonna fetch you later,"

"Take care always,"

"I love you,"

"May importanteng lakad pa kasi ako ngayon,"

"See you later,"

"*/kiss your forehead mwuah,"

"Eat your breakfast, don't you dare skip it,"

Natatatawa na kinikilig na naiiyak kong basa sa mga texts niya, araw araw may text siya sa akin, my call. Ang cute at showy niya sobra sa kaniyang nararamdaman. Hindi niya ito tinatago. Despite kung gaano siya ka-cool ay ang napakasobrang sweet niyang tao.

Paano mo kaya maiiwan ang ganitong klase ng lalaki hayysss. Sana nga matanggap mo para walang problema. Natatakot ako sobra.

Ang cute ng call sign namin diba. Langga, isa sa mga tawagan ng mga cebuano. Langga it's similar to mahal and love.

Nag-search pa talaga kami niyan tas iyan ang napili niya at nagustuhan ko rin, owshiii I love him so much. :(

Pinahiran ko ang mga luha ko and I sent him a message.  Magiging okay din ang lahat. Sana nga, sana hayyysss.

Annah POV

"Love," tawag sa'kin ni Kajic, kanina pa siya tawag nang tawag, kainis. Alam niyang wala sa mood ang tao tas gumaganyan pa siya. Pumunta nga tayo dito para magpalamig, mas iinit pala tss!

"Oo? Bakit dede ka?" Inis kong sagot sa kaniya habang nakatuon pa rin sa TV ang atensiyon ko, manunuod na lang tayo pampa-chill aishhh!

"Naks oo ba puwede?" Pilyong sagot niya. Para makahalik siya ng unan, langya lang nagiging manyak na ito.

"Ano ka baby? Ang damulag mo na nga ammmp," inis kong sabi sa kaniya. Kainis lang!

" Chuss lang kasi, init talaga ng ulo mo," sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Huwag niya akong dinadaan sa ganito ammmp!

"Ano bang gusto ng mahal ko?  Gusto mo ba ng hugs and kisses ko," langya talaga 'tong bakulaw na ito. Tumahimik na lang ako at di siya pinansin, bahala siya.

"I love you," bulong niya sa tainga ko para tumayo ang mga balahibo ko aishhhh! Langya talaga, nirurufok ako ng bakulaw na ito. Oo alam ko na siya ang kahinaan ko, alam niyang siya ang magpapakalma sa akin.

*Bzztt Bzzt Bzzt!

The moment subsided when my phone vibrated. I took my phone and opened it. It's a message from Lyn

Sorry sa mga nagawa ko na di mo nagustuhan, thanks for your words dahil natauhan ako. Papunta na kami sa hospital, magpapa-check up ako at magpapa-ultrasound na rin. Sorry na, hihintayin ka namin doon. Starting tomorrow gagawin ko na kung ano ang dapat, Iloveyou mwa ^_^|

Natawa na lang ako habang maluha-luha ang aking mga mata. Langya talaga, ganiyan nga Lyn tama 'yan. Di mo talaga ako, kami matiis HUHUHU.

"Yiieee ngingiti na 'yan," asar sa'kin ni Kajic habang sinusundot sundot ako sa tigiliran.

"Huwag ka nga diyan," kunwaring galit ko pero deep inside gusto ko ng tumalon at magsaya. Thank you Lord natauhan na rin si Lyn.

"Asusss kunwari pa eh," asar niya ulit. Ang sabon ko talaga.

Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit at hinalikan sa pisngi. Thank you so much hon for always there for me. I love you too from moon and back.