Now playing: Enchanted - Taylor swift
Tala POV
"Lex, do I look good?" Kinakabahan na tanong ko kay Lexie dahil naka ilang palit na yata ako ng damit na susuotin ko para sa simpleng date lamang na ito.
At finally, nakahanap din ako ng masusuot ko para sa date namin ni Blake tonight. Isang simple fitted maroon dress na hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Habang ang aking buhok naman ay hinayaan lamang ni Lexie na nakalugay. Siya kasi ang nagsilbing makeup and hairstylist ko tonight dahil mas excited pa siyang ma-meet ko ang parents ni Blake kaysa sa akin na mismong girlfriend.
"Tala, you are stunning!" Sagot nito habang napapalakpak pa. "At kailan ka ba di nagmukhang maganda? Eh kahit yata magmukhang gusgusin ka pa, palagi ka pa ring maganda sa paningin ni Blake." Dagdag pa nito.
Muli kong tinignan ang aking sarili sa salamin sa huling pagkakataon. Napahinga ako ng malalim noong makita na tila ba hindi yata ako itong nakikita ko ngayon.
Sana lang talaga hindi ako sungitan ng mga magulang niya. Lalo na ngayon na unang beses ko silang makikita.
Lumapit sa akin si Lexie at iniharap ako sa kanya.
"Just be yourself, Tala. Aba! Wala pang tumatanggi sa karisma ng best friend ko, no?" Pagpapalakas nito ng loob ko. Kaya naman napatawa na lamang ako.
"If there's anything happen, babalitaan mo ako okay? Tatawagan mo ako agad." Napatango ako sa paalala niya.
"Opo, ma." Isang malutong na tawa naman ang pinakawalan nito pagkatapos.
"Baliw! Mag-ready ka na at maya-maya lang ay nandiyan ang sundo mo." Sabi nito bago ako tinalikuran na para tawagan ang kanyang boyfriend.
Habang ako naman ay muling naupo at sinamantala ang sarili na muling kalmahin ang sarili. Masyado lamang din siguro kasi akong na-e-excite na makilala ang mga magulang ni Blake kaya ganito.
Pero hindi mawawala sa puso ko na masaya akong nakabalik na kami ngayon ng Manila. Yes! isinabay na kami ni Blake noong nagpasya itong bumalik na ng Manila dahil namimiss na raw nito ang kanyang mga magulang.
Ngunit ewan ko ba, pakiramdam ko ay may itinatago sa akin si Blake. At kung ano man iyon, alam kong malalaman ko rin. Nirerespeto ko naman kung hindi pa man niya itong kayang sabihin sa akin ngayon.
Basta sa ngayon, ang kailangan ko ay paghandaan ang gabing ito dahil hindi ko alam kung magiging maayos ba ang kahihitnan ng 'meeting the parents' na mangyayari ngayon.
Napatalon ako sa gulat noong marinig ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas ng bahay nina Lexie. Patunay lamang na dumating na ang sundo ko.
Iniisip ko pa lang ang suot ni Blake ngayon hindi ko na mapigilan ang kiligin. Siguradong napakaganda na naman niya lalo at syempre, hot. Hehe.
Agad na nagpaalam na ako kay Lexie at excited na lumabas na ng kanilang bahay.
Nakita ko ang kulay gray na sasakyan na nakaparada sa tapat ng mismong bahay nina Lexie, agad na lumapit ako rito with wide smile on my face.
Ngunit noong tuluyang makalapit na ako ay hindi ko mapigilan ang mapasinghap sa gulat noong bumaba ang driver at iniluha nito si Faye.
Napangisi ito at umikot sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan.
Pero parang tanga lamang ako na nakatingin sa kanya at hindi magawa na muling ihakbang ang mga paa.
"Don't be too surprised and get into the car." Mataray na sabi nito sa akin bago napairap pa.
Noon naman ako parang natauhan bago napatikhim at dali-daling pumasok na sa loob ng tuluyan.
Muling umikot ito sa driver seat pagkatapos at tahimik na binuhay ang makina.
"Seat belt, please." Paalala nito sa akin noong magsimula na siyang magmaneho.
"Ah, yeah, sorry." Paghingi ko ng paumanhin at lihim na sinasaway ang sarili dahil tila ba nawalan ako ng gana noong makita ko si Faye.
I mean, don't get me wrong. Hanggang ngayon kasi wala pa ring explanation ang nangyari noong gabi na nakita kong hinalikan siya ni Blake. Kahit isa sa kanila ay walang nagsasalita.
Like duh! Siguro naman tao lang ako na kailangan ng paliwanag sa mga bagay-bagay, right? O baka sadyang binalewala na lamang nila ang nangyari dahil hindi naman SILA ang nasaktan at nag-o-overthink hanggang ngayon---
"Look, I'm sorry." Bigla akong bumalik sa realidad noong marinig kong nagsalita si Faye at humingi ng tawad. Napalingon ako sa kanya ngunit naka-focus lamang ang kanyang mga mata sa kalsada.
Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang kasunod na sasabihin niya.
"You probably already know what I'm talking about." Simula nito bago sandaling napasulyap sa akin at muling ibinalik ang mga mata sa kalsada. "I'm talking about the night you saw Blake and I kiss." Dagdag pa niya.
Napalunok ako ng mariin at tila ba parang gusto kong manabunot ng tao sa mga sandaling ito. Ngunit nanatili akong kalmado.
"It wasn't Blake's fault. It's my fault. I forced her to do that." Pagpapatuloy niya. "Because I know it's obvious and maybe you also noticed that I have feelings for my best friend. And I know I-I shouldn't do that, that's why I-I'm sorry. Pero hindi intensyon ni Blake na masaktan ka." Napalunok ako ng mariin.
"But why?" Iyon lamang ang tanging lumabas sa labi ko at hindi ko rin sinasadya.
Napakunot ang noo nito. "Why?"
"Bakit hindi nagpaliwanag si Blake? Bakit ngayon mo lang sinasabi lahat ng ito?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. Hindi ito agad nakasagot.
"Maybe she has a reason. And whatever it is, I know she will also tell you at the right time." Paliwanag niya na mas lalo lamang yatang nagpagulo sa aking isipan.
So, mayroon ngang itinatago sa akin si Blake. Pagkumpirma ko sa aking sarili.
"But hey, Blake loves you, okay?" Saad nito. "Ngayon lang kaya siya naging ganito ka-praning sa isang tao." Napapangiti na dagdag pa niya. "I mean, ngayon lang siya nagmahal ng ganito sa tanang buhay niya. It's like she would risk everything just for the love she has for you, I wish you knew that."
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti kahit papaano sa mga sinasabi niya.
"Bakit mo sinasabi lahat ng ito ngayon sa akin? Hindi ka na ba nagseselos?" I teased her.
Napatawa naman ito. Actually, ito ang kauna-unahang narinig ko na napatawa si Faye na ako ang kausap n'ya. Mas lalo pa nga siyang naging maganda eh. Hindi naman kasi pangit si Faye, maganda siya sa maganda. Humahanga nga ako sa paraan kung paano siya manamit eh, napaka fashionista kasi. Kahit anong damit yata babagay sa kanya.
"Because I gave up?" Patanong na sagot nito.
"Agad-agad?" Tanong ko sa kanya habang nangingiti. Hindi dahil gusto kong makipagkompitensya sa kanya kundi dahil gusto kong marinig ang magiging sagot niya.
Sa akin naman kasi eh, kung mahal ang isang tao dapat ipaglaban mo, di ba? Do your best until the end. Para wala kang regrets, kasi alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat para sa kanya.
"Yup! Hindi naman kasi lahat ng pagmamahal kailangang ipaglaban lalo na kung alam mong talo ka na umpisan pa lang. Atsaka importanteng alam mo rin kung kailan ka susuko." Paliwanag nito bago napangiti ngunit may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata.
"Masaya na akong masaya na si Blake ngayon. Ang mahalaga, best friend pa rin niya ako. Hindi siya tuluyang mawawala sa buhay ko." Dagdag pa niya.
"Faye..."
"It's alright, Tala. Kaya..." Napaharap ito sa akin. "Tell me anything if something is bothering you. I can be your friend too."
Napangiti ako ng mas malawak pa dahil sa sinabi niyang iyon.
"Ay! Gusto ko yan!" Natatawa na wika ko bago inilahad ang aking kamay kahit na alam kong abala siya sa pagmamaneho.
"Friends?" Kagat labi na sabi ko.
Awtomatikong napailing naman ito bago napangiti at tinanggap ang kamay ko kahit na nasa kalsada pa rin nakatutok ang kanyang mata.
"Friends!"
Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang aming destinasyon. Muli akong pinagbuksan ni Faye ng pintuan bilang pambawi raw doon sa nagawa niya.
Inihatid din ako nito hanggang sa loob ng Villa kung saan pag-aari ng pamilya nina Blake. At kung saan sila kanina pa naghihintay.
Hindi ko mapigilan ang mapanganga sa sobrang ganda at gara sa loob. Para akong napunta sa isang ancient roman upper class house na hindi ko alam sa tanang buhay ko eh mapupuntahan ko. Lalo na sa isang katulad kong lumaki sa hirap at bago pa lamang unti-unting nakakaahon sa buhay dahil sa aking pagsusulat.
"So, paano ba yan? Hanggang dito na lamang kita masasamahan." Bigla akong natigilan noong marinig iyon mula kay Faye. Paano ba naman kasi ang laki-laki ng lugar na ito para mahanap ko kung saan si Blake.
Eh kahit yata buong araw at magdamag akong maglibot rito eh hindi pa rin kami magkakakitaan ni Blake.
"Don't worry, someone will assist you to the area where Blake is waiting for you." Paliwanag nito bago napasulyap sa kanyang wrist watch. "I gotta go! By the way," sandaling tinignan muna ako nito sa aking kabuohan.
"You look amazing!" Pagkatapos ay walang sabi na tinalikuran na niya ako.
Sandali lang naman! At saan ko matatagpuan si Blake sa napakalaking lugar na ito? Wala man lamang akong makita na ibang tao na pagala-gala sa paligid na pwedeng pagtanungan.
Naglakad pa ako sa may unahan pero pero bigo pa rin akong makita si Blake or kahit na sinong taong nandirito.
Hanggang sa may biglang napatikhim sa likod ko dahilan para mapatalon ako sa gulat.
"Ay palaka!" Hindi ko mapigilang bulalas at mabilis na napaharap kanya.
Agad naman na bumungad sa akin ang isang medyo may katandaan nang babae na nakasuot ng puting uniform. Naka-ponytail ang kulay itim nitong buhok. Medyo may katangkaran ng konti kaysa sa akin. Maganda ang tindig at postura at halata mong medyo istrikto.
Isa siguro siya sa lubos na pinagkakatiwalaan nina Blake dito sa Villa.
Napangiti ito sa akin kaya napangiti na rin ako.
"Naliligaw po ba kayo, Miss?" Tanong nito sa akin. Nahihiya naman na napatawa ako ng mahina bago napakamot sa aking batok.
"Ah, oo eh. Pwede niyo ho ba akong samahan kung saan ko matatagpuan si Blake?" Tanong ko sa kanya. Mahinhin na napatango naman ito agad bago napamusyon sa kabilang direksyon kung saan ako papunta. Napapikit ako sa sobrang kahihiyan na nararamdaman.
"Kayo pala ang hinihintay niya. Ikaw ba si Miss Tala?" Magalang na tanong nito sa akin. Napatango ako.
"Napakaganda niyo naman ho. Bagay na bagay ka kay Blake." Dagdag pa niya.
Hindi na ako napagsalita pa nang sabihin niya iyon. Parang nabubusog na kasi ako sa papuri bago pa magsimula ang date namin ni Blake.
Hanggang sa hindi nagtagal ay narating na nga namin ang kinaroroon ng girlfriend ko. Para bang slow motion na napaharap siya sa akin bago nagpakawala ng isang nakakakilig na ngiti at dahan-dahan na lumapit sa akin. Awtomatiko naman na gumuhit ang ngiti sa aking labi at hindi man lang magawang alisin sa kanyang magandang mukha ang aking mga mata. Ganoon din si Blake sa akin na animo'y ako ang pinakamagandang babae sa mga mata niya.
Napahinto s'ya sa harap ko at pagkatapos ay napalunok ng mariin.
"Hi!" Agad na pagbati niya habang ako naman ay hindi maiwasang mapakagat sa aking labi para pigilan ang mas lumalawak kong pag ngiti.
Enebeee! Kinikilig na naman ako hanggang ovaries! Acckk!
Andiyan na naman kasi 'yung mga titig niyang nakakatunaw at nakakalaglag panty. Pigilan niyo ako baka hindi ako makapagtimpi at mahubaran ko ang sarili ko dito ng disoras.
"Hi!" Ganting pagbati ko rin sa kanya pabalik. Hindi pa rin maitago ang kilig sa aking mukha, lalo na nung lumapit ito para bulungan ako sa tenga.
"You look hot makes me wanna undress you right now." Pagbulong nito na siyang ikinamatis ng buong itsura ko. Hindi ko tuloy alam kung anong i-re-react ko.
Mabuti na lamang at agad na hinapit ako nito sa aking beywang palapit sa kanyang katawan at iginaya sa lamesa na sadyang ipinaayos pa talaga nito para magmukhang romantic.
There are candles on the table, two glasses, and a bottle of expensive wine that I don't know what it tastes like, also includes a medium size bouquet that has different types of flowers. Iniabot agad iyon ni Blake sa akin.
Ipinaghila niya rin ako ng upuan na dapat ako ang gagawa para sa kanya. Ni wala nga akong nadala na kahit na anong gifts para sa kanya. Hays.
Hindi nagtagal ay may dumating na isang may katandaan na rin na lalaki na nakasuot ng chef's hat. Matipuno ito, maganda ang tindig, gwapo pa rin kahit na matanda na, at aakalain mong may lahi.
Malawak ang ngiti na lumapit ito sa amin at magalang na binati ako.
"G-Good evening din po." Pagbati ko rin pabalik.
Kasunod nito ang limang maids na mayroong kanya-kanyang dala na putahe ng pagkain. Hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil sa biglang pagkalam ng sikmura ko.
Habang abala ang mga ito sa paghain ay napansin ko na dalawa lamang ang upuan na meron sa lamesa kung nasaan kami ni Blake. Akala ko lang kasi ma-me-meet ko ang parents niya ngayon.
"You look nervous. Are you okay?" Tanong ni Blake. Napatango naman ako.
"O-Oo naman." Pagkatapos ay napangiti ng may pagkaalanganin. Kinakabahan talaga ako.
"I'm sorry." Biglang paghingi nito ng tawad. Awtomatikong napakunot ang noo ko.
"First date natin pero dito kita dinala---"
"Blake! Ano ka ba ang ganda-ganda ng lugar n'yo eh." Putol ko sa kanya. Kasi totoo namang napaka-perfect ng lugar. Isa pa, mas gugustuhin ko naman na dito ang first date namin kaysa sa mga mamahaling restuarant.
Narinig kong napatawa siya.
"What? Stop laughing, Blake. You make me even more nervous." Saway ko sa kanya. Hindi nagtagal ay isa-isa nang nagsisialisan ang mga maid, ganoon din ang chef na sa tingin ko ay personal chef talaga ng pamilya nina Blake.
Si Blake na mismo ang naghiwa ng steak na nasa plato ko at nagsalin ng wine sa baso ko.
"Please, eat well my love. Because you will need a lot of energy tonight." Pagkatapos ay pilyang napa kindat pa ito sa akin. Dahil doon ay muli ko na namang naramdaman ang pangangamatis ng mukha ko.
Hmp!
"Ikaw kainin ko d'yan eh!" Bulong ko sa aking sarili ngunit hindi sinasadyang napalakas pala kaya napangisi agad ang girlfriend ko, bago tuluyang isinubo ang kanyang pagkain habang may mapang-akit na tingin sa akin.
Ugh! That was hot!
---
"Uhmmm, Blake?" Pagtawag ko sa kanyang pangalan. Tapos na kami sa aming pagkain at ini-enjoy na lamang ang moment habang magkasama.
"N-Nothing. I just thought I was going to meet your parents tonight." Sagot ko sa kanya. "Napansin ko kasi kanina pa na dadalawalang upuan lang ang meron sa table natin. And I've been waiting for them for a while but there's no sign of them coming yet." Dagdag ko pa.
Ngunit sa halip na sagutin ako ay napangiti lamang ito na parang ewan. Iyon bang akala mo ay may nakakatawa sa sinabi ko.
"Ganun ba? Well, as I expected alam kong aasahan mo ang pagdating nila." Parang lalo naman yata akong kinakabahan sa sinasabi ni Blake ngayon, kaya naman walang nagawa na napainom na lamang ako muli ng wine. "At hindi ka nabigo, my love. Because you have met them."
At pagkatapos ay mabilis na naibuga ko rin ang aking iniinom nang marinig ang sinabi nito.
"WHAT?!" Gulat na bulalas ko. Napatango si Blake.
"The woman you were with earlier who brought you here is my mother, and the man in the chef's hat is my father. They are just in disguise. And all of this... this dinner date was their idea because they are so obsessed with meeting you in person." Dire-diretsong paliwanag nito sa akin.
Habang ako naman ay parang gusto ko nang himatayin dahil sa kahihiyan.
Na-meet ko na ang mga future biyanan ko ng hindi ko na-re-recognize kung sino ba talaga sila. Naluluha na nakatitig lamang ako kay Blake habang siya ay tatawa-tawa lang sa reaksyon ko.
Nakakahiya kaya!
"Blakeee!!!" Inis at na naiiyak na sambit ko kaya mas lalo siyang napatawa.
Argghh!! Ni hindi ko man lamang sila nabati ng maayos dahil akala ko ay isa lamang sila sa mga nag-aalaga ng Villa.
Hays!
Nakakaiyak talaga! Huhu.