Chapter 33 - Chapter 32

Now playing: Muli - Ace Banzuelo

Blake POV

Dahil sa gusto ko na munang maglakad-lakad at lumanghap ng preskong hangin kaya naisipan ko na muna ang pumunta sa may garden ng Hospital. Ngunit itinaon ko na gabi dahil kapag umaga ay maraming tao ang pumupunta rito.

Gusto ko kasi sana rin muna ang mapag-isa, manood at pagmasdan ang mga bituin ng mag-isa at e-enjoy ang moment na ganito dahil alam kong mamimiss ko ang mga ganitong sandali oras na mawala ako.

Sa totoo lang, ramdam ko na mas lalo akong nanghihina ngayon. Iyon bang kahit na ilang beses ko pang kumbinsihin ang sarili ko na kaya ko pa, pero 'yung katawan ko, ramdam kong pahina na ng pahina at isa iyon sa bagay na wala na akong magawa pa, kahit pa nga siguro ang pinakamagaling na Doctor pa.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakaupo at nakatambay dito sa garden nang dumating si Tala. Agad na binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti bago siya tuluyang naupo sa tabi ko.

Tahimik lamang na hinawakan nito ang kamay ko, napatingala siya sa kalangitan at doon ay gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. Awtomatiko na muling napangiti rin ako habang lihim na pinagmamasdan siya.

Isa kasi ito sa mga moment na natitiyak kong mamimiss ko. 'Yung makasama si Tala, maramdaman ang presensya niya, makita ang mga ngiti at magaganda niyang mga mata, marinig ang boses niyang parang musika, marinig ang salitang 'mahal kita' mula sa kanya. 'Yung mga maiinit na yakap niya, iyong init ng hininga niya sa tuwing nagtatama ito sa balat ko at higit sa lahat, 'yung walang kasing tamis na mga halik niya.

Hindi pa ako nagmahal ng ganito. Wala pa akong ibang minamahal ng ganito sa tanang buhay ko. Siya lamang ang bukod tangi at hanggang sa huling sandali ng aking buhay, masaya ako dahil binigyan kami ng pagkakataon na magkakilala, na maging masaya sa piling ng isa't isa. Masaya ako na bago pa man ako pumanaw at tuluyang lisanin itong mundo, hinayaan pa rin ni Kupido na magmahal ako at mahalin ng totoo.

Wala akong ibang gusto para kay Tala kundi ang makita siyang masaya. At kung dumating man ang araw na magmamahal siyang muli, I willingly accept that and I will be happy for her because I know someone will take care of her. After all, she won't be alone anymore, someone will stay by her side, someone who will fulfill the things that I couldn't do for her.

Wala akong ibang hangad kundi ang may taong pipiliin siya ng paulit-ulit kahit na sa pinakamahirap pa na sitwasyon. Alam ko kasi na hindi ko na magagawa ang mga iyon. Gustuhin ko man na ako ang nandiyan para sa tabi niya, sa mga oras na masaya, malungkot at nahihirapan na siya, humawak sa mga kamay niya hanggang sa pagtanda, makitang maubos ang mga ngipin niya, pumuti ang mga buhok at kumulubot ang balat niya...alam kong hindi ko na iyon masasaksihan pa.

Magiging totoo na ako ngayon sa sarili ko. Tanggap ko nang hindi ko na matutupad pa para kay Tala ang mga bagay na pinapangarap ko para sa aming dalawa, para sa kanya.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha noong maramdaman ko ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata at pagkatapos ay pasimpleng pinunasan iyon.

Noon din ay napalingon ito sa akin. Napalunok siya ng mariin bago tuluyang nagsalita.

"I-Itigil na natin 'to?" Biglang sabi nito sa akin at napiyok pa sa dulo. Kasabay noon ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata at napalunok ng mariin. Mabilis niya namang pinunasan iyon gamit ang kanyang palad.

Para bang mas lalo akong nanghina sa sinabi niya.

Nakikipaghiwalay na ba siya sa akin? Hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili at kusang naramdaman ang kirot na gumuhit sa aking dibdib.

"T-Tala..." Halos pabulong nang pagbanggit ko sa kanyang pangalan at muling namuo ang luha sa aking mga mata.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya. Bigla na lamang kasi itong tumayo mula sa kanyang pag upo at agad na napaluhod sa harap ko.

Pagkatapos ay isang kulay silver na singsing ang inilabas nito mula sa pantalon na kanyang suot. Mas lalong lumakas pa ang kabog sa dibdib ko, kasabay noon ang tuluyan na muling pagpatak ng mga luha ko habang napapailing.

Tatayo na sana ako para pigilan siya nang muli itong magsalita.

"Itigil na natin ito, please lang. Please, maging misis na kita." Pakiusap nito sa akin habang patuloy sa kanyang pagluha.

Hindi ko naman pigilan ang mapahikbi. Para akong bata ngayon na umiiyak sa harapan niya habang pinapahid ang sarili kong mga luha.

"T-Tala, you know what's gonna happen---"

"Marry me, Blake." Putol nito sa akin. Halatang ayaw marinig ang gusto kong sabihin..

"A-And promise me that you'll live and you're gonna spend the rest of you life with me. Please, mangako ka na aalagaan kita...h-hanggang pagtanda, hindi 'yung ganito. Hindi ka lang hanggang dito. Please lumaban ka naman oh. K-Kasi ako...kasi ako hindi ko kakayanin... hindi ko kakayanin pag nawala ka." Umiiyak at ngumangawa na pagpapatuloy niya.

"S-Sabi mo 'di ba? Sabi mo magiging misis mo ako at magiging misis kita. P-Paano mangyayari yun kung hindi ka lalaban? Kung mawawala ka na?" Napapakagat na lamang ako sa aking labi para pigilan ang aking paghikbi pero iyong mga luha ko, ayaw na talaga nilang papigil pa.

Nadudurog akong makita na ganito si Tala ngayon. Nasasaktan ako ng sobra dahil nakikita kong nahihirapan na siya. At alam kong hindi pa talaga siya handa sa kung ano mang pwedeng mangyari. Hindi ko siya pwedeng iwan ng ganito. Hindi ko kakayanin. Pero anong magagawa ko?

Ang sakit sakit na.

Kung sana kaya ko na lang gumawa ng himala. Kung sana kaya ko lang pagalingin ang sarili ko at habaan pa kahit konting taon ang buhay ko, ginagawa ko na, 'wag ko lamang siya makita na nasasaktan ng ganito.

"Please. Just please lumaban ka. Kaya natin 'to. N-Nandito lang ako. H-Hindi kita iiiwan, hindi kita pababayaan, aalagaan kita." Paulit-ulit na pakiusap nito sa akin.

Nahihirapan na siya sa paghinga dahil sa sobrang pag ngawa at paghagulhol. Kaya naman wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. Yakapin siya sa pinakamahigpit na kailangan niya, higpit ng yakap na kaya kong maibigay sa kanya hanggang sa tumahan at kumalma siya.

Ramdam ko rin ang panginginig ng buong katawan niya, dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya sa mga sandaling ito.

Oh, God! Huwag n'yo naman po siya masyadong pahirapan at mas matanggap niya na sana ng maaga. Hindi bale nang ako, ako na lang ang mahirapan kasi ako tanggap ko na. Tanggap ko na at handa na ako anumang oras. Pero si Tala... hindi ko kinakaya na nakikita siyang ganito.

Ang sakit sakit at ang sikip sa dibdib na marinig ang mga pakiusap niya sa akin na animo'y kaya kong ikontrol ang mga nangyayari.

"A-Ayaw ko sa iba Blake. Ayaw ko na ng iba. Gusto ikaw lang. H-Hindi ko kaya makita na sa iba ako ikakasal just because sumuko ka. Dahil lang sa pinili mong sumuko... Please. H-Hindi ko nakikita na hindi ikaw ang naghihintay sa dulo na dapat ay nandoon ka. Ayaw ko, Blake... kaya please pakiusap, lumaban ka. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa dulong pinapangarap ko." Basang-basang na rin ang suot ko mula sa may parteng balikat dahil sa sobrang pagluha niya.

"I just want you to promise me, promise me. 'Di ba? Nangako ka rin na magiging forever tayo? Kaya please...B-Blake---" Naramdaman ko ang mas mahigpit na pagyakap nito sa akin habang patuloy pa rin siya sa kanyang pagluha.

Patuloy lamang kami na nag-iiyakan na para bang ayaw namin parehong tumahan. Parehas kaming nasasaktan sa mga sandaling ito, natatakot sa katotohanang baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Sa dulo na pinapangarap niya, baka may ibang tao talaga ang naghihintay sa kanya at isa lamang ako sa mga paraan para iyon ay marating niya.

"Please, please promise me." Muling pag-ulit nito sa kanyang sinabi.

Napahikbi ako lalo at pagkatapos ay napatango habang yakap pa rin siya. Ramdam ko pa rin ang sobrang panginginig ng katawan niya. Ang takot niya na baka tuluyan na akong mawala sa kanya.

"I'll be with you forever...I-I promise." It takes a lot of courage for me to make a promise that I don't know if I can keep or not. I just want to give her an assurance that I know she will hold on to, both of us will hold on to.

And I will do everything to fulfill the promise I made to her to the best of my ability even though I can feel my body slowly giving up.

Hindi nagtagal ay kapwa na rin kaming tumahan at tuluyang kumalma. Kapwa mugto at namamaga ang aming mga mata at magkahawak kamay na bumalik sa aking kwarto. Suot ko na rin ang singsing na ginamit nito sa pag-proposed sa akin kanina.

Kahit naman papaano, naging maayos pa rin ang pagtatapos ng gabi na ito para sa aming dalawa.

Ang kaso sobrang nanghihina na kasi talaga ang katawan ko at ramdam ko na oras na makahiga ako sa aking higaan ay makakatulog na lamang ako ng hindi ko namamalayan. Iyong tila ba kahit paghinga yata, wala na rin akong lakas pa. Pakiramdam ko rin, antok na antok na ako ng sobra.

Kaya naman agad na akong nahiga sa aking higaan nang makarating sa loob ng kwarto. Pero dahil nauuhaw ako, kaya sandaling nanghingi na muna ako kay Tala ng pwedeng mainom. Sinabi ko na kung pwede pumunta muna siya sandali sa nurse station para makahingi ng maiinom.

Agad naman na sumunod ito, ngunit noong palabas na siya ng kwarto ay muli kong tinawag ang pangalan niya. Awtomatiko naman itong napalingon sa akin.

I gave her my warmest and sweetest smile as I told her how much I loved her.

Agad naman na lumapit ito sa akin at marahan na hinalikan ako sa aking noo.

"I love you more than you could, Blake." Buong puso na sabi niya. "Kukuha lang ako ng maiinom mong tubig. Babalik ako agad." Dagdag pa niya.

Napatango ako at pinanood siya sa paglabas ng kuwarto habang sinasabi ang mga katagang...

"H-Hihintayin kita." Kahit na alam kong hindi naman niya ako naririnig pa kasabay ang muli at huling pagpatak ng aking mga luha.

---

Tala POV

Magaan na ang aking loob at nakangiti na pumunta ako sa nurse station para manghingi ng tubig na pwedeng mainom ni Blake. Napasulyap ako sa wall clock malapit sa akin, mag aalas onse na ng gabi, kaya naman pala ganoon na lamang ang antok na nararamdaman ni Blake.

Isa pa, baka dahil na rin sa sobrang pag-iyak naming dalawa.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang hindi matakot sa tuwing naiisip ko na mawawala na siya sa amin, sa akin. At totoo ang lahat ng sinabi ko kanina, hindi ko na nakikita pa ang sarili ko na ikakasal sa iba, dahil wala akong ibang hangad na makasama, kundi siya lamang talaga. Wala ng iba.

Pabalik na ako sa kwarto kung nasaan si Blake nang mapansin ko na may nagtatakbuhang mga nurses patungo sa kuwarto ni Blake. At kasama sa mga ito ang Doctor niya.

Awtomatikong nabitiwan ko ang hawak kong bottled water na para kanya at pati na rin ang isang cup ng coffee na para rin sana sa akin. Kusang nagsimula na naman sa paglaglagan ang aking mga luha, habang nanginginig na naman ang buong katawan sa takot at sobrang pag-aalala, atsaka napatakbo na rin ng tuluyan patungo sa kuwarto niya.

Halos madapa na ako dahil sa bilis ng aking pagtakbo at panlalabo ng aking mga mata dahil sa sobrang pagluha. Ramdam ko rin ang panlulumo ng mga tuhod ko sa mga sandaling ito. Papasok na sana ako sa kanyang kwarto nang pigilan ako ng isang nurse dahil sa hindi raw ako pwedeng pumasok pa muna.

Walang nagawa naman na napapatakip na lamang ako ng aking bibig, lalo na nung makita ko ang straight line mula sa minitor ni Blake at habang pina-pump siya ng kanyang Doctor.

Paulit-ulit na napapailing ako at halos hindi ko magawang tignan siya sa ganoong kalagayan. Noon din dumating na rin ang naghihikahos sa pagtakbo na kanyang mga magulang, sina Faye at Eli kasama si Lexie.

Humahagulgol na niyakap ako ni Lexie habang lumuluha rin ito. Ganoon din sina Faye at Eli, lalong lalo na ang ina ni Blake. Nabalot ng mga iyakan namin ang buong hallway hanggang sa tuluyang makita namin na napailing ang Doctor nito.

Doon napasundok sa pader ang ama ni Blake.

"Time of death, 11:10 pm." Rinig naming sabi nito. "I am so sorry." Paghingi nito ng paumanhin sa mga magulang ni Blake.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang awtomatikong mapaluhod sa sahig dahil sa hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin at kung papaano ilalabas ang sakit na nadarama.

Ang sakit sakit!

Parang pinipiga at pinipitpit ng paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Umaasa na sana panaginip na lamang ang lahat, pero hindi. Totoong wala na siya. Totoong iniwan na niya ako. Totoong sumuko na siya.

"Ahhhhhh!!!" Napapasigaw na napaupo ako sa sahig habang yakap at kinakalma ni Lexie. "Ang sakit sakit Lex... W-Wala na siya."

She promised me. Pero ba't ganun?

Paano na ngayon? Paano ako magpapatuloy hawak ang mga pangako niya kung ako na lang mag-isa at pinili na niyang sumuko? Ang daya niya. Pinili niya sumuko at iwanan ako mag-isa.