Now Playing: We The Kings - Sad Song
Tala POV
Limang araw nang nakaburol ang labi ni Blake pero hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas ng loob na harapin at puntahan siya.
Hindi ko kaya na makita siyang nasa loob ng isang puting kahon na iyon. Habang napapalibutan ng mga taong nag-iiyakan at nagdadalamhati dahil sa pagkawala niya.
Hindi ko kaya na makitang nasa loob siya ng kahon na iyon na wala ng buhay pa, na hindi na humihinga.
I just can't see her like that.
Parang pinupunit ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi ko kayang tanggapin, hindi ko kayang paniwalaan na wala na siya. Ayaw kong maniwala na iniwan na niya ako dahil nangako siya sa akin. Nangako siya eh.
Hindi ko siya kayang harapin, not like this. Hindi talaga.
Paulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko kung minsan, baka kasi nananaginip lamang ako. Baka kasi binabangungot lamang ako. Baka isa lamang itong masamang panaginip. Pero dahil alam kong bukas na ang araw ng libing niya, mas lalo akong nadudurog.
Hindi ko alam kung papaano pa ilalabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit-sakit na ng sobra. Bakit kung kailan naman nagmahal akong muli doon naman naging ganito?
Hindi ko na rin alam kung paano magpapatuloy. It's like everything in my life has become so useless since she passed away. She left me, she left me and she will never come back kahit pa ilang beses ko pang hilingin na bumalik na siya.
Ang sakit sakit! Para akong unti-unti na ring namamatay sa loob. Humahagulgol na napayakap akong muli sa unan na mayroon niyang picture. Binigay ito ni Eli sa akin noong araw na inilabas ng hospital ang bangkay niya. Paboritong unan daw kasi iyon ni Blake.
Para na akong mababaliw sa lungkot at sakit. Halos lumuwa na rin ang mga mata ko sa sobrang pag-iyak. Alam mo 'yung pinipilit kong matulog, para man lang kahit sa panaginip makita ko siyang muli, mahawakan at makasama, pero bakit kahit sa pagtulog hindi ko siya matagpuan?
Hindi ko siya makita.
It's like she's completely disappeared and I can't really see her again.
Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang humugot ng lakas ng loob, mula sa mga masasayang memories naming dalawa na magkasama. Magmula sa simula, noong gabi na unang beses kaming magkita.
Hanggang sa pangalawang encounter namin sa Baryo Maligaya na hindi ko aakalain noon na siya ang babaeng nakatalik ko noon, at pati na rin ang babaeng araw-araw na nagpapadala sa akin ng messages ay iisa.
Mula umpisa, sa kanya na agad umiikot ang mundo ko, na inakala ko noon na magkakaibang tao, pero lahat ng iyon pala ay Blake lamang lahat.
Siya at siya lamang lahat. Siya lamang palagi.
"If my eyes stole all your words away...can I steal you from the future then?"
"What kind of question is that? Is that another way to say, 'please stay with me for a while? 'Cause am scared to be alone here."
"Tala, wait. Looks like you dropped something, my heart."
"You've got a lot of beautiful curves,"
"Don't start, Blake." Saway ko. Ngunit tinignan lamang ako ng mataman sa aking mukha. "but your smile is my favorite."
"You know, someone told me that kissing is a language of love, would you mind starting a conversation with me?"
Muli na naman akong napahagulhol dahil wala nang Blake na mag-pi-pick up lines pa para lamang mapatawa at mapangiti ako. Wala nang magpapakilig palagi sa puso ko like Blake does to me.
Na kahit na ilang beses ko pang hilingin na sana bumalik na siya, na sana hindi totoo ang lahat, pero alam ko sa sarili ko, sa puso kong wala na siya. Tuluyan na niya akong iniwan at pati na rin ang mga pangako namin sa isa't isa.
"The stars, they are all shining like you. But you are the brightest star I have ever seen."
"I wish we could stay like this forever. You and me--- wake up in each other's arms, feelin' the warmth of your breath and body, and then, we will have breakfast together."
"Gosh! I could see and imagine myself with you already. I can already see my life with you for 20 to 40 years."
"S-Sinungaling ka. Hindi mo naman pala ako sasamahan. Iiwan mo lang din pala akong mag-isa sa dulo." Humihikbi na bulong ko sa aking sarili nang maalala ang mga sinabi niya noon.
"Just let me hold your hand, Tala. Hinding-hindi ko yun bibitawan. At maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na."
"Because this time I will make sure that you will never forget what we will do. My face, my caress, the feeling of making love with me, touching you down there, and even my kisses on every inch of your body. I will make sure you will never forget this time."
"I love you, Tala. And I want you to be mine."
"Tala, I love you. At hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa'yo."
"Stop asking why I love you because the only thing that can answer you is my heart. At kailangan mong panindigan 'to!"
"Whether you like it or not, sa akin lang ang bagsak mo. Like the moon destined for the sun."
No more sweet words, make love, sweet smiles, cuddles, kisses, and hugs from her. Kasi hindi na siya babalik pa. Kasi umalis na siya at hindi na talaga babalik pa.
Ang sakit na ng sobra. Hindi ko alam kung paano mapapawi ang sakit at kirot na nararamdaman ko ngayon, na kahit saan pa ako bumaling ng tingin, palaging siya ang nakikita ko, ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya.
"Promise me this is forever. You and me, forever."
"Forever."
Iniwan niya rin ako katulad ng kapatid ko. Kaya ba ganoon na lamang kalungkot ang mga mata niya noong gabing nalaman niya kung anong dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko? Dahil alam niya na isang araw, aalis din siya at hindi na babalik pa?
Ang daya lang kasi eh. Iniwan niya kasi ako na mayroong maraming alaala niya. Iniwan niya ako kasama ang mga pangako niya na hindi naman na pala matutupad pa.
Patuloy lamang ako sa aking pag-iyak hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na naman ako sa ganoong posisyon. Nakabaluktot sa ibabaw ng aking kama, luhaan, hopeless habang yakap ang unan ni Blake na may mukha niya.
---
Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa isang pamilyar na boses na pauloy na tinatawag ang pangalan ko.
"Tala!"
"Tala, wake up!"
"Tala, wake up. I'm here." Kusang naramdaman ko ang paglapat ng malambot na labi sa aking noo kaya naman, dahan-dahan na iminulat ko ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin ang maganda niyang mukha.
Nakangiti siya sa akin na para bang walang nangyari. Bumalik na rin ang mahaba niyang buhok na ako pa mismo ang nag-shave. Hindi na siya maputla, hindi na rin nanlalalim ang mga mata niya, hindi na nangangayayat na para bang wala na siyang sakit pa.
"B-Blake?" Nagsimula na naman sa pagpatak ang aking mga luha, but this time, dahil sa saya na. "B-B-Buhay ka!" Biglang nabuhayan na wika ko at pagkatapos ay mabilis na niyakap siya. 'Yung mahigpit na mahigpit na para bang ayaw ko na siyang bitiwan pa kahit na kailan.
Agad na niyakap din ako nito pabalik. "I'm here." Bulong niya sa akin bago sandaling kumalas mula sa pagyakap at muli akong hinalikan sa aking noo.
Habang ako naman ay lumuluha pa rin na tinititigan lamang siya dahil sa takot na bigla siyang maglaho at tuluyan na namang mawala.
Mataman na tinitigan ako nito sa aking mukha, bago ako nito binigyan ng isang matamis na ngiti na sobrang namimiss kong makita mula sa kanya. Iyong ngiti na nagpapakalma palagi ng kalooban at puso ko sa tuwing nalulungkot ako, at pagkatapos ay marahan na hinawakan ako nito sa magkabilaang pisngi ko.
"I'm here to say goodbye, Tala." Kasabay noon ang isa-isang paglaglagan ng mga luha mula sa mga mata niya.
Agad na napailing ako ng mariin habang patuloy din sa pag-agos ang aking mga luha.
"N-No! Y-You will never leave again. Please." Mahigpit na hinawakan ko siya sa magkabilaan niyang kamay na hanggang ngayon ay nasa pisngi ko pa rin.
"It's time, Tala. But this is only a temporary goodbye. I will wait for you, I know it will take a long time but I will wait for you." Tuloy-tuloy na sabi niya. "I just want you to accept it. I'm so sorry to leave you alone in this world."
"No. No. No. Please...please, I don't want to let you go. Please. I don't want you to go."
Muling niyakap ko siya ng mahigpit. Iyong mahigpit na mahigpit na hindi na siya makakawala. Ngunit siya na mismo ang kusang kumakalas mula sa pagyakap ko at muling tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.
"I want you to be happy, my love. But to do that, you just have to let me go. Hindi na kita paaasahin pa, dahil hindi na ako babalik pa. And swear, I am happy to leave this world because I was allowed to be loved by the one and only Kristala Olarte. I love you so much, my Tala." At pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang akong nagising sa katotonanan.
Mabilis na napabalikwas ako mula sa aking higaan habang binabanggit ang pangalan ni Blake. Para akong baliw na agad na bumaba sa higaan at pilit na hinahanap siya sa buong silid kahit na alam ko naman talaga sa sarili ko na isang panaginip lamang ang lahat.
Dinalaw nga niya ako sa panaginip ko, nagpakita nga siya, pero iyon ay dahil nagpapaalam na siya ng tuluyan.
Walang nagawa na napaluhod na naman ako at napaupo sa sahig habang luhaan na niyayakap ang aking sarili. Noon ko rin naalala na ngayong araw ang libing niya.
Hindi ko pa kaya na tuluyang magpaalam sa kanya, kasi hindi ko talaga kaya. Pero iyon ang isa sa bagay na gusto niyang gawin ko para sa kanya. How can I let go of someone I really want to love and hold forever even though she no longer exists in this world?
Pero alam ko rin kasi sa sarili ko na isa ito sa realidad na kailangan kong harapin. Kaya kahit na mahirap para sa akin, sinubukan ko pa rin na ayusan ang sarili ko, nagbihis ako at sinuot ang damit na suot ko kung kailan kami unang nagkita noon.
Hinintay ko muna at tiniyak na wala nang tayo sa sementeryo kung saan siya inilibing, saka ako pumunta roon. Pasado alas kwatro na nang makarating ako at wala nang mga tao katulad ng inaasahan ko.
Pakiramdam ko, para akong zombie na naglalakad mula sa aking sasakyan patungo sa puntod niya. Ang bigat-bigat ng mga hakbang ko, nanginginig ang mga tuhod at kalamnan ko habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha, hanggang sa tuluyan akong huminto sa tapat ng kanyang puntod.
Mas lalo pa akong napaluha noong makita ko ang nakangiti niyang mukha, mula sa picture frame na naka-display at iniwan mula rito. Mas lalo ko lamang kasi siyang namimiss at mas lalo lamang nag-si-sink in sa akin na wala na talaga siya, na hindi na talaga siya babalik.
Napalunok ako ng mariin para makapagsalita at inilabas ang singsing na ginamit ko nung nag-proposed ako sa kanya. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng puntod niya, kung saan malapit sa may picture frame niya.
"B-Blake..." Pag banggit ko sa pangalan niya na napiyok pa sa dulo. "I'm sorry..." Nanginginig ang boses na paghingi ko ng tawad.
"I'm sorry pero hindi ako pumunta rito para magpaalam tulad ng inaasahan mo. Dahil hindi kita i-le-let go agad agad. Hayaan mo muna sanang damhin ko ang sakit, hanggang sa unti-unti at tuluyang mawala." Napapahikbi at para bang awtomatikong nanlumo ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako sa harap ng kanyang puntod.
"Tulungan mo naman ako oh. P-Please." Ngumangawa na pakiusap kong muli kasabay ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. "Panahon ang kailangan ko, p-para tuluyan kong matanggap, p-para tuluyang kitang ma-let go. But not now, Blake. Please! Hindi ko pa kaya." Napapailing na wika ko.
M-M-Masyadong masakit pa. Ang sakit-sakit pa..."
"20 years...40 years, sabi mo magkakasama pa tayo ng ganyan katagal, pero iniwan mo na agad ako. Ang daya naman eh. Sabi mo, forever... pero asan na? Sumuko ka. S-Sumuko ka, Blake." Patuloy lamang ako sa pag ngawa hanggang sa pakiramdam ko para na akong mag-co-collapse dahil sa sobrang pag-iyak.
Noon din bumuhos bigla ang malakas na ulan. Pero wala akong pakialam dahil sa parang namamanhid na ang buo kong katawan at wala nang maramdaman. Iniyak at inilalabas ko lamang lahat ng sakit at kirot na aking nararamdaman. Gusto kong umiyak lang ng umiyak, dahil hindi ko na talaga alam kung paano pa gagaan ang aking pakiramdam, kundi ang ibuhos lamang ang lahat ng sakit.
Hanggang sa narinig ko na lamang ang boses ni Faye na tinatawag ang pangalan ko. Tumatakbo ito patungo sa akin habang may dalang payong. Mabilis na niyakap ako nito at pagkatapos ay pilit na itinatayo.
Kasama nito si Eli na ngayon ay tumatakbo rin sa ulanan papalapit sa amin. Napapahinga ito ng malalim na tinignan ako sa aking mukha na animo'y hindi na nila ako kilala pa, dahil sa pamumugto ng aking mga mata.
Niyakap ako ni Eli ng mahigpit, katulad ko ay umiiyak na rin sila ni Faye.
"Let's go home, Tala. Blake doesn't want to see you like that. We will come back here tomorrow, the day after tomorrow, we can come back here every day to be with her. Hanggang sa tuluyang matanggap mo na. Okay?" Atsaka ito kumalas mula sa pagyakap sa akin.
Inalalayan nila ako ni Faye pabalik sa aking sasakyan. Si Faye na rin ang nagmaneho dahil sa totoo lang wala na talaga akong lakas pa. Habang binabaybay namin ang daan papalayo sa sementeryo, unti-unti na namang naglalaglagan ang aking mga luha.
Hanggang sa sinabi ni Faye na matulog na muna ako at gigisingin na lamang kapag nakauwi na.