Chapter 31 - Chapter 30

Now playing: I need you - LeAnn Rimes

Tala POV

Isa kasi palang USB flash drive ang laman ng brown envelope na ibinigay ni Eli sa akin.

Dahil sa hindi ko pwedeng iwanan si Blake at ayaw ko naman talagang umalis pa sa tabi niya, kaya nakisuyo na lamang ako kay Lexie na kung pupwede ay dalhin na muna nito sa akin 'yung laptop ko na naiwan ko sa bahay nila.

Agad naman itong sumugod sa Hospital para ihatid ito sa akin pati narin ang iba pang mga gamit na kakailanganin ko. Sinamahan na rin siya ng kanyang boyfriend na si Eli para masiguradong safe din na makakarating ito sa akin.

Hindi naman na sila nagtagal pa dahil agad na rin silang umalis para sunduin si Faye na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila makontak at walang kaalam-alam sa nangyari kay Blake.

Habang ako naman ay kinakabahan at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang laptop para makita ang file na gustong ipakita sa akin ni Eli.

Sa totoo lang wala pa rin akong ideya hanggang ngayon sa ibig nitong sabihin. Clueless pa rin ako at hindi pa rin mapagtanto hanggang ngayon kung bakit ganoon na lamang ang pasasalamat nito sa akin at pati na rin ng ina ni Blake.

Palakas ng palakas ang kabog sa aking dibdib, lalo na nung makita ko na walang ibang laman na file ang USB, kundi ang nag-iisang file lamang doon na mayroong title na "I'M IN LOVE WITH MS. AUTHOR".

Napasulyap ako sa walang malay pa rin na si Blake, habang napapalunok ng mariin. Alam ko kasi na itong unfinished book.

Kusa na lamang din na nagsimulang maglaglagan muli ang aking mga luha. Hindi ko pa nga ito nasisimulang basahin pero punong-puno na agad ako ng emosyon.

Pilit na kinalma ko na muna ang aking sarili bago nagsimula na sa pagbasa.

---

I'm Mary Blake Salor, I'm just no one who wants to share my life story with the world. I am happy to say that I have just over a year to live. I have stage 3 cancer, Leukemia.

Isn't that amazing? The more than a year of life that I have is something I am still very grateful for. Kasi pwede naman akong mawala na agad in just one snap. Pwedeng mag-collapse at tumama ang aking ulo sa matulis na bagay o kung hindi naman ay mabagok.

But here I am, still kicking. Haha! Kidding aside.

So I want to share my story with you before I leave this world. And I will share it with you by writing this book.

There is one person who is the reason why I thought of writing a book. Because everything started with her.

Yes, HER. The biggest plot twist of my life story started with her.

You know they say that someone will come into our lives unexpectedly. Someone who will change all our beliefs and bring a smile and light to our hearts, and our world. A person who will open a new chapter in our lives because we thought our life story was about to end. Someone who will give a plot twist, to the level of our lives.

Makikilala natin siya sa panahon na pinagtatabuyan na tayo ng mundo, sa panahon kung kailan akala natin hanggang doon na lang tayo. Darating s'ya sa panahon na hindi naman natin kailangan ng makakasama, but it turns out na lahat pala talaga tayo dito sa mundo, KAILANGAN ng makakasama, that no one is really an Island in this world.

The truth is I don't believe it. I don't believe that everyone needs a companion. Lalo na kung nasanay ka nang mag-isa, lalo na kung nasanay ka nang hinaharap ang mga bagay na walang kasama, lalo na kung nasanay ka nang nagdedesisyon ng para sa sarili mo lamang, iyon bang sapat na sa'yo ang mga kaibigan at pamilya.

So yes, I didn't believe in that saying until she came into my life. Until I felt something magical the first time our eyes met. Until I voluntarily envisioned myself that she would be the one to be with me and the one who would give light to my dark world.

Until I met Ms. Author, the person who gave a special chapter, with a plot twist in my life, that I thought was coming to an end.

Pwede pala yun 'no? 'Yung akala mong black and gray na buhay mo ay biglang magkakaroon ng kulay dahil lamang sa isang tao.

Hindi ko akalain na 'yung Author na hinahangaan ko lamang ng palihim noon dahil sa mga obra na gawa niya, dahil sa mga magaganda niyang libro na ginagawa ay magiging isang malaking parte ng buhay ko. Yes, I am a silent reader who always looks forward to and buys her new books.

Hindi ko akalain na SIYA ang magiging life savior ko.

Tanggap ko na eh. Tanggap ko nang mawawala ako sa mundo nang wala man lamang nangyayaring special sa buhay ko. Itinuon ko na lamang kasi ang atensyon ko sa pamilya at dalawang best friend ko, dahil gusto kong mag-iwan ng best memories with them kapag pumanaw na ako.

Ini-enjoy ko na lang ang buhay nang mag-isa at hindi na rin naghahangad ng ibang bagay pa dahil sapat na sa akin ang pagmamahal na ibinibigay nila.

Until one night, habang naglalakad ako galing sa loob ng isang bar kung nasaan sina Faye at Eli nag-iinuman ay nangyari ang gabi na pinaka hindi ko malilimutan.

Iyon kasi ang araw kung kailan sinabi sakin ng Doctor at sa pamilya ko, na nasa stage 3 na ang cancer ko, at mayroon na lamang akong 1.5 year or less na mabubuhay.

I'm not sad anymore, I've accepted it for a long time. Pero hindi ko maiwasang masaktan para sa mga magulang at kaibigan ko. Kahit naman pinapakita nila sa harap kong strong sila, alam kong kapag hindi nila ako kasama ay sobrang nadudurog sila.

Dahil doon ay nasasaktan ako para sa kanila. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Mabilis na pinunasan ko ang aking mga luha at pilit na kinakalma ang sarili. Agad na dumiretso ako sa aking sasakyan at papasok na sana sa loob nang may biglang nang halik sa akin.

You know what? I smiled.

Yes, I smiled because that was my first kiss. I just thought that I would die without experiencing being kissed. But that night the universe gave it fulfillment. So I kissed her back.

First time kong mahalikan at makahalik, means wala pa ako kahit na anong experience. But still, I gave my very best so that I could satisfy her and give her the pleasure she needed because she was begging for it that night.

Until I decided to take her to a Hotel and there we continued what we started inside my car. Hindi ko pa mapigilan ang mapangiti, paano ba naman kasi, hindi ako makapaniwala na lahat ng first time ko, ay ma-e-experience ko lamang pala sa isang parking lot at sa loob ng kotse ko pa.

After my wildest dream that she made come true, I couldn't stop staring at her beautiful face, that's when I noticed, she wasn't just a stranger to me.

I know her, she's the Author I have admired for a long time. I can't believe that I made love with her. I MADE LOVE with her and I don't consider it SEX or just a mistake because this night is very special to me.

Ms. Author is my first in everything.

Pero alam kong para sa kanya, isa lamang akong stranger na naka-one night stand niya ngayong gabi. Hindi ko siya masisisi, kaya bago pa man siya tuluyang makatulog dahil sa pagod sa aming ginawa at dala ng kanyang kalasingan, hiningi ko ang contact number nito.

I also immediately followed her on all her social media accounts. I think she has made me look like a stalker. Funny, but true. Right?

Since that night, I have been sending her messages every day. To greet her good morning and good night, kahit na wala akong natatanggap na replies mula sa kanya, ayos lang. Ang importante, napaparamdam ko sa kanya na mayroong isang tao na palaging concern sa kanya, hindi lamang bilang reader n'ya.

I became a part of her every day even if she didn't know me, or worst she wasn't interested in knowing who I was.

Noon then na-realized ko, hindi lamang ako basta humahanga sa kanya, hindi ko lamang gustong suportahan ang mga libro na gawa niya, kaya araw-araw ay gusto kong maging parte ng buhay niya at iyon ay dahil... mahal ko na siya.

Yes, I'm in love with Ms. Author.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa isang katulad niya. Lalo na at ako lamang yata ang nag-iisang tao na binigyan ng pagkakaton na maka-encounter siya ng ganito. I think fate and the world itself made a way for both of us.

But that's also the time na nag-decide ang parents ko na pumunta ako ng Palawan. Ang buong akala ko naman kasi ay mayroong signal sa pupuntahan ko, pero wala. Na-stuck ako sa lugar kung saan hindi ko na siya pwedeng mapadalhan ng morning and good night messages.

Araw-araw tuloy ay para akong lalagnatin sa sama ng loob dahil sa hindi ko man lamang na mapapaldahan ng messages si Ms. Author. Baka kasi masyado niyang ma-mamiss ang mga message ko at ipahanap na n'ya ako.

But I guess the world is kind to me because even though it's impossible to happen, ang mundo na mismo ang nagdala kay Ms. Author sa akin.

One day, I was just surprised that she was in front of me again, I was once again drowned in her seductive, gorgeous, and sparkling eyes of her. Hindi ko man alam kung anong dahilan ng mundo kung bakit mula siyang inilapit nito sa akin.

But swear, it feels so good to see her again. I expected that she wouldn't remember me, especially the special thing that happened to us that night, but it's okay because I know the day will come when she will remember it.

Isa pa, sa tingin ko wala pa rin siyang ideya kung sino ang palaging nagpapadala ng messages sa kanya. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na mas mapalapit pa sa kanya. Ginamit ko iyong pagkakataon na mas makilala pa siya, withour her even knowing na nagkasama na talaga kami noon pa.

At hindi lang basta nagkasama, we DID make love.

With her, I forget the reality of my life. I forget all the things that are happening around me. I forget that I only have a little time in this world.

I forgot that sooner or later, I was going to disappear. I forgot that I would hurt her completely if I continued to love her.

The longer I spend my time with her, the deeper I fall in love with Ms. Author. It's hard to stop and I can't help kundi ang magpadala sa agos nito.

For the first time in my life, apart from my family and friends, I included one person in my prayer. Someone who brought light to my world.

Ms. Author, Tala.

Iyon din ang kauna-unahang beses na hiniling ko na sana ay habaan pa ng Diyos ang buhay ko, na sana ay bigyan niya kahit konting extension ang buhay ko, kahit na alam kong imposible, paulit-ulit na hiniling ko sa kanya na sana this time, pagbigyan niya ako.

I don't know how but I want to marry Ms. Author, I want her to become my wife. I want to explore the world with her. I want to be by her side in times of happiness and sadness. I want to be with her every time she achieves something with her dreams. I wanna be there for her forever.

Pero magagawa ko lamang lahat ng iyon kung magkakaroon ng miracle at maipapanalo ko ang laban na ito. That's when I decided na mag-undergo na ng chemotherapy, na para sa family at friends ko ay isang napakalaking himala.

Ayoko na kasi talaga sanang ipagamot ang sakit ko. Lahat naman kasi ng tao mamamatay naman, mapapaaga nga lang sa akin. At least nagkaroon ako kahit papaano ng chance na mabuhay at makita ang ganda ng mundo.

That was my belief then. But all that changed because of Ms. Author. At lahat ng tungkol sa kanya, ay masayang ibinahagi ko sa parents at mga kaibigan ko. Hindi ako nag-alinlangan na sabihin at ikwento si Ms. Author sa kanila, dahil ang totoo, siya naman talaga ang binigay at nagsilbing miracle sa buhay ko.

Kailangan ko palang makipaglaban para manalo. Na hindi lamang pala hanggang dito dapat ang buhay ko. Na hindi pala dapat ako basta sumusuko. Lalo na kung may isang tao ka na gustong makasama hanggang dulo, lalo na kung may isang tao ka na hindi mo hahayaan na maging isang alaala ka na lamang sa kanya.

Dahil sasamahan ko siya hanggang sa kanyang pagtanda. Kailangan kong maikasal sa kanya. At pakakasalanan ko siya. Magpapagaling ako dahil siya ang nagbigay ng rason sa akin kung gaano kasarap ang mabuhay sa mundo.

---

Hanggang doon pa lamang ang naisusulat ni Blake. At sa aking pagbabasa, hindi ko alam kung gaano na karaming luha ang naibuhos ko dahil sa aking mga nalaman.

Agad na lumapit ako sa kanya na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Marahan na hinalikan ko siya sa kanyang noo habang patuloy sa pag-agos ang aking luha, bago kinuha ang kaliwang kamay nito at idinikit sa mukha ko.

"Pakakasalanan kita. Basta please....p-please Blake, lumaban ka ha?" Parang tanga na kinakausap ko siya kahit na hindi naman niya ako naririnig.

"Sorry, sorry kung wala man lamang akong magawa para mabawasan ang hirap na nararamdaman mo ngayon. P-Pero kasama mo ako ha? Kasama mo ako sa laban na ito at h-hinding-hindi kita hahayaang mag-isa." Humihikbi na dagdag ko pa pagkatapos ay napasinghot.

"Ako na naman ngayon, Blake. Ako na naman ang paulit-ulit na magdadasal para sa'yo at para sa atin. M-May kasama ka nang mananalangin, na sana habayaan pa N'ya ang buhay mo. Dahil tutuparin natin lahat ng gusto mo. Please...p-please." Patuloy na pakiusap ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita. Sobra. Ayokong mawala ka sa akin. H-Hindi ako makapapayag." Muling dagdag ko habang hinahaplos ang pisngi niya at pinunasan ang luha na biglang tumulo mula sa mga mata niya.

Alam kong naririnig niya ako. Alam kong pagbibigyan kami ng mundo. Alam kong makakayanan naming lampasan at labanan ito hanggang sa dulo.

Magdamag akong gising at binabantayan lamang si Blake. Hanggang sa hindi na kinaya pa ng mga mata ko at kusa na lamang na pumikit ito, dala na rin siguro ng pagod at puyat. Ngunit kahit na gano'n, hindi ko mawagang bitiwan ang kamay nito, gusto ko kasi kapag nagising siya ay agad na magigising na rin ako.