Chapter 32 - Chapter 31

Now playing: I Believe in You - Michael Bublé

Blake POV

Makalipas ang isang linggo magmula nang makalabas akong muli ng Hospital, ay hindi ko mapigilan ang hindi maging mainitin ang ulo. Para bang lahat ng mga nakikita ko, lahat ng nasa paligid ko, kinaiinisan ko.

Naging bugnutin ako na hindi naman ako dating ganun. Maging sina Eli At Faye, kung minsan ay nauubos na ang pasensya sa akin. Ang mga magulang ko naman eh hindi ko naman masyadong nakakasama, pero sa tuwing nandiyan sila, isa sila sa mga pinagbabalingan ko ng init ng ulo at pagkatapos ay agad na na-fe-feel bad din naman ako.

Paulit-ulit lamang na ganun ang nangyayari sa araw-araw ko. Pero si Tala, kahit na minsan ay nasisigawan ko na rin siya, wala akong narinig na kahit na anong reklamo mula sa kanya. Kapag alam niyang mainit na ang ulo ko, sinisimulan na niyang kalmahin ako, inilalayo na nito sa akin ang mga bagay na pwede kong mahawakan, masira o mabasag.

Kahit na minsan nasasabihan ko na siya ng masasakit na salita, never kong narinig na sinagot niya ako pabalik. But I know deep inside, sobrang nasasaktan ko na rin siya. I know deep in side, nadudurog ko na siya ng sobra.

Alam kong mas pinipili na lamang nito na intindihin ako dahil sa kalagayan ko, dahil sa siwasyon ko. At sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil ramdam na ramdam ko ang napakahaba niyang pasensya sa akin, lalo na ang pag-aalaga niya na parang halos kulang na lang ay dito na siya tumira sa Villa para lamang may magsilbi sa akin.

Isa iyon sa dahilan kaya minsan bigla na lang akong naiinis sa kanya. Wala kasi akong magawa sa katotohanang kailangan kong magpaalaga. Wala akong magawa na kailangan ko ng makakasama, na kailangan ko siya.

Lalo na ngayon, ayaw ko siyang nawawala sa paningin ko, gusto ko palagi lang siyang nandito. Pero minsan, 'yung inis ko sa sarili ko ay sa kanya ko naibabaling.

Gusto kong umiyak at gustong magwala. Ayaw na ayaw ko kasing nahihirapan siya. Hindi ko naman siya ginirlfriend para mayroon akong taga alaga, naging nobya ko siya dahil ang gusto ko, siya ang alagaan ko, ang pagsisilbihan ko, pero sa nangyayari kasi ngayon, siya lang itong nagsasakripisyo para sa amin dahil sarili ko mismo, hindi ko na maalagaan pa.

Oo, ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko ngayon. Alam kong kumakalat na talaga ang white blood cells sa katawan ko. Napapadalas na rin ang pagsuka ko at pag-ubo ng dugo. Pero para sa mga mahal ko sa buhay, hinding-hindi ako susuko.

Kaya ako na mismo ang nagpasya na ibalik na lamang nila ako sa Hospital. Para kahit papaano ay mabawasan ang pagpupuyat at pag-aalaga sa akin ni Tala. Mayroong regular na mag-che-check sa akin na eksperto. At least kahit papaano ay makapagpahinga siya.

Dahil sa akin, nakakalimutan na niyang may sarili rin siyang buhay. Nakakalimutan na niya ang kanyang sarili dahil sa pag-aalaga lamang sa akin. At doon ako nasasaktan na naman lalo. Iyong makitang unti-unting gumuguho ang mundo niya, para lamang maalagaan ako.

Pakiramdam ko ang selfish ko ng sobra. Pakiramdam ko, napakawala kong kwenta dahil nangyayari ang lahat ng ito sa kanya dahil sa akin.

Ngunit kahit na ganoon, mas lalo kong napapatunayan na napaka-blessed ko talaga ng sobra dahil dumating siya sa buhay ko. Nasa kanya na ang lahat.

Masaya parin ako kahit papaano dahil kahit na ganito ang kalagayan ko ay nakikita at nagkakasama pa rin kami. Nagkakaroon pa rin ako ng pagkakataon na matitigan ang maganda niyang mukha, marinig ang maganda niyang boses at makita ang magaganda niyang mga ngiti.

Hindi lahat ng nasa sitwasyon na meron ako ay nagkakaroon pa ng ganitong pagkakatao, 'yun bang masulit at masakama pa ang mga taong mahal nila. Pero ako, dahil kay Tala, dahil sa mga taong nagmamahal sa akin, sinusubukan kong lumaban at bumangon ngayon para sa kanila. Kahit napaka imposible na gumaling pa ako.

And today, I decided to shave my hair. Unti-unti na rin naman kasing naglalagasan ito so what's the point pa na hindi ko i-shave, hindi ba?

Ngunit ang labis na ikinagulat ko ay ang mag-insist si Tala na siya na ang gagawa non para sa akin.

"A-Are you sure?" Nag-aalangan na tanong ko sa kanya ngunit binigyan lamang niya ako ng isang assurance smile bago ito nag-excuse sa nurse na siya na ang gagawa.

Dahil doon ay sandaling iniwanan na muna kami ng nurse at babalik na lamang daw after 1 hour. Habang si Tala naman ay agad na sinimulan na niya ang bagay gusto niyang gawin para sa akin.

Napansin siguro nito na aligaga ako at hindi alam kung magsasalita ba o hindi, kaya paulit-ulit siyang nagkukwento ng mga bagay na nakakatawa, pero ang totoo, hindi naman talaga ako natatawa dahil sa sobrang kaba sa magiging itsura ko.

Ewan ko rin ba? Pero ganun na lamang yata kalakas ang dating ni Tala sa akin until I caught myself laughing at her jokes. Natural na nga yata kay Tala ang mapagaan palagi ang kalooban ko sa anumang sitwasyon ng buhay ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan na kanina pa pala siya tapos sa pag-shave sa aking buhok. Binigay nito sa akin ang salamin para makita ko ang new look ko. Hindi siya umaalis sa likuran ko at nanatili lamang doon na nakaupo. Agad naman na kinuha ko ang salamin sa kamay niya.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin noong makita ko ang bago kong itsura ngayon. Hindi ko rin mapigilan ang mapatawa ng mahina dahil bagay naman pala sa akin kahit na walang buhok.

Tatawa-tawa pa ako ng mahina, hanggang sa masulyapan ko ang mukha ni Tala sa salamin na nakatingin din pala sa akin mula likod.

She gave me a smile that warmed my heart, but her eyes couldn't hide the sadness she felt at this moment as she looked at me.

Dahil dito ay kusa na lamang naglaglagan ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang biglang maging emotional, habang paulit-ulit na binibitiwan sa kanya ang salitang, 'Sorry'.

Mabilis na niyakap niya ako mula sa likod. Iyong yakap na alam kong paulit-ulit na hahanapin ko dahil ito lamang ang isa sa nakakapagpakalma sa akin.

Hindi nagtagal na umikot siya at pumwesto sa harapan ko. Napaluhod ito at ini-level niya ang kanyang mukha at katawan sa akin. Mataman na tinitigan niya ako sa aking mukha at pagkatapos ay sandaling iniangat ang kanyang labi para halikan ako sa aking ulo. Sa mismong bagong shaved na ulo ko.

"Ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko at dito," Sabay turo niya sa kanyang puso. "Mananatili kang panalo rito. Okay?" At muli na naman niya akong binigyan ng ngiti kasabay ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya.

Inabot nito ang pisngi ko at marahan na hinaplos niya ako roon.

"Kasama mo ako sa laban na ito. At kasama mo akong ipapanalo ito. I love you so much, Blake." At pagkatapos ay niyakap niya ako.

Hindi ko rin alam, pero nung marinig ko sa kanya ang huling kataga ng mga salita na binitiwan niya ay mas lalo yata akong naging emotional. Iyon kasi yata ang kauna-unahan na sinabi at binitiwan niya sa harap ko ang mga salitang iyon.

Hindi ko mapigilan ang lihim na magpasalamat sa Maykapal. At least, bago man lamang ako mawala, nagkaroon ako ng pagkakataon na marinig mula sa babaeng mahal ko ang salitang matagal ko nang hinahangad na marinig mula sa kanya.

Mahigpit na niyakap ko rin siya pabalik na halos kulang na lang ay humagulhol ako.

"Thank you for believing in me, Tala. I don't know how to win this but thank you for not leaving me. Ikaw ang higit na kailangan ko ngayon, without you, I don't know how to move forward." Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay kumalas ito sa pagyakap sa akin. Muling tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko.

"You shouldn't be thanking me. I'm just doing my duty as your girlfriend, as your future wife. Remember? Magiging misis pa natin ang isa't isa kaya alam kong malalampasan din natin ito. Kapit lang mahal ko." At isang matamis na halik sa labi ang ibigay nito sa akin pagkatapos.

Tama si Tala, malalampasan din namin ito. At oras na gumaling lang ako, kahit konting panahon lamang ay pagbigyan kami ng mundo, pakakasalan ko siya agad. Sa ngayon, kailangan ko munang magpalakas, para sa kanya. Para sa future naming dalawa.