Now playing: Everything I Need - Skylar Grey
Tala POV
Nagising na lamang ako na wala si Blake sa tabi ko. Agad na kinabahan ako at binalot ng pag-aalala ang aking dibdib sa dahilang baka napano na siya habang natutulog ako.
Mabilis na bumangon ako mula sa higaan habang hinahanap siya ng aking mga mata sa buong silid. At gayon na lamang ang aking pagkagulat noong makita ko itong nakahandusay sa sahig malapit sa entrance ng kuwarto.
"Oh God! Blake!" Nanlalaki ang mga mata at naginginig ang mga tuhod na mabilis akong lumapit sa kanya.
Awtomatikong bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata noong makita ko itong wala nang malay. Lalo na nang makita ko pa na mayroong dugo sa magkabilaang kamay nito at mula sa gilid ng kanyang labi.
"B-Blake please wake up!" Nanginginig ang boses at ang buo kong katawan habang ginigising siya.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga sandaling ito. Alam ko kasi na iba ang sitwasyon ngayon kumpara noong nawalan siya ng malay sa ulanan.
Natatakot ako. Natatakot ako para sa babaeng mahal ko.
"Baby, please wake up! Please, stay with me." Umiiyak sa pakiusap ko habang yakap siya ngunit walang sign na ito ay magigising pa sa mga sandaling ito. Medyo mahina na rin ang pulse niya kaya wala na akong choice kundi ang sumigaw para makahingi ng tulong.
Hindi nagtagal ay may dalawang guard ang agad pumasok sa loob at binuhat ng mga ito si Blake. Para bang alam na alam na agad ng mga ito ang gagawin at kung saan dapat siya itatakbo.
Habang iyong isang guard naman ay pinindot ang alarm ng na connected sa kwarto ng mga magulang ni Blake.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi rin sisihin ang sarili ko sa mga sandaling ito. Bakit ko hinayaan na makatulog ako at nagpadala sa antok nang hindi sinisigurado muna kung okay ba siya. Edi sana nasamahan at naagapan agad. Edi sana natulungan ko siya o nabigyan ng kamot na kailangan niya.
Bakit kung kailan doon siya nahihirapan at kailangan niya ng tulong ko, doon ako walang kamay-malay at mahimbing na natutulog pa.
Yes! I know everything about Blake's condition. I know what illness she has and I also know how much time she has left in this world.
Kaya ganoon na lamang ang takot ko palagi na mawala at alisin siya sa paningin ko. Except for that one day na pinili kong irespeto ang gusto niya na umalis ako sa harapan niya, dahil ayokong mag-cause pa ng stress para sa kanya.
At napakasakit sa akin na pinipili niyang ilihim ang lahat mula sa akin. Naghihintay lang naman ako na sabihin nito sa akin ang totoo. Na sa tuwing magkasama kami, umaasa ako na ipagtatapat na niya sa akin ang lahat.
Pero hindi niya ginawa.
Hindi n'ya magawa.
Ngunit kahit na ganun ay pinili ko pa ring intindihin ang side n'ya. At ilihim mula sa kanya na matagal ko nang alam ang tungkol sa kalagayan niya.
*Flashback*
"C-Come again? Anong sinabi mo? W-What about Blake?" Nangingilid ang luha na tanong ko sa aking PI matapos nitong sabihin sa akin na si Blake at ang secret admirer ko na madalas nagsesend ng messages sa akin ay iisa.
"I'm afraid to say but Ms. Salor is now suffering from cancer." Pag-ulit nito na siyang ikinalambot ng mga tuhod ko. Dahan-dahan na naupo ako sa pinakamalapit na bench dahil sa pakiramdam ko kusa na lamang naubos ang lakas na meron ako sa aking buong katawan.
"W-What..." Hindi ko na nagawa pang sabihin ang gusto kong sabihin dahil basta na lamang akong napahikbi.
"She is now suffering from stage 3 cancer," He paused. "Leukemia." Pagpapatuloy niya.
Mabilis na napatakip ako sa aking bibig gamit ang kabila kong kamay at mas lalo pa yatang bumuhos ang aking mga luha. Parang bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa. Parang bigla akong sinampal ng paulit-ulit ng mundo sa mga naririnig ko ngayon tungkol kay Blake.
"I-Is this some kind of prank?" Napiyok pa sa dulo na tanong ko sa kanya. Hindi ito agad nakasagot. Rinig kong napahinga ito ng malalim bago nagpatuloy.
"I wish, I am ma'am. Pero lahat ng sinabi ko ay totoo. According to my source, Ms. Salor now only has 1.5 year or less, kung hindi siya mag-uundergo ng different courses of treatment or what we called, chemotherapy. I'm so sorry, ma'am." Mas lalo pa akong nalugmok nang marinig na kokonting panahon na lamang ang meron si Blake na naiiwan dito sa mundo.
Pero parang hindi pa rin ako makapaniwala. Napakalakas niya at halatang healthy naman ang pangangatawan niya. Kahit sa maikling panahon na nagkasama kami, I would have noticed that she should have been sick, but I didn't see even the slightest sign of it in her.
She's healthy, happy, and always excited about everything.
"W-What about her family? Her friend? Do they know about Blake's condition?"
"Ms. Salor has been suffering from leukemia for a long time, ma'am. So yes, they know about her condition. Tanggap na nilang lahat. Her parents, her relatives, and even her friends. Sinusulitin na lamang nila ang mga araw na kasama si Ms. Salor." Paliwanag nito sa akin. "And even Ms. Salor, she has already accepted what fate awaits her, so she doesn't want to undergo any more treatment. Dahil para sa kanya ay aksaya na lamang ito sa pera at oras." Pagpapatuloy pa niya.
Napapailing ako habang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha.
No! No this isn't real, right?
She's healthy.
Noon ko rin napatunayan sa sarili ko na, mahal ko na talaga si Blake. I'm just too scared to commit but I really love her. And now, just now I was afraid that she would disappear forever.
I can't lose her. I really can't.
Hindi ko hahayaan na hindi ko man lamang magawa siyang alagaan. Aalagaan ko siya at sa pamamagitan nito, ipaparamdam ko kung gaano ko siya kamahal.
Kaya naman kahit na kararating lamang namin ni Lexie ng NAIA Airport ay wala akong choice kundi mag-book ulit ng ticket pabalik ng Palawan.
Dahil sisiguraduhin ko this time, na isa ako sa mga mag-aalaga sa kanya.
*End of flashback*
Hindi madali para sa akin na mag-pretend na wala akong ideya sa mga nangyayari sa kanya. Hindi madali na magkunwari na wala akong alam sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya.
Yung gustong-gusto ko siyang alagaan at sabihin sa kanya na magiging maayos din ang lahat at gagaling s'ya, pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil alam kong ang dahilan ng hindi niya pagsabi sa akin ng katotohanan ay dahil ayaw niya na ako ay mag-alala o kaawaan siya.
That's why kahit na alam kong nahihirapan na siya, kahit na alam kong minsan hindi na niya kinakaya, ay pinipili pa rin niyang magpaka-strong sa harap ko. Sa harap ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Kaya lang kasi, 'yung katawan niya ay hindi maitatatgo that she is sick, dahil sa unti-unting pangangayayat at pamumutla n'ya.
Kahit na ilang beses ko nang tinangka na sabihin sa kanya na matagal ko nang alam ang tungkol sa kondisyon niya, hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil ayaw kong isipin niya na kinakaawan ko siya. But the truth is, she's the bravest person I've ever met.
Hindi niya hinahayaan na talunin siya ng sakit na meron siya. Hindi lang alam ni Blake kung gaano niya ako napasaya at pati na rin ang mga taong nagpapahalaga sa kanya, nung nag-decide siyang mag-undergo ng chemotherapy.
Ibig sabihin lamang kasi no'n, bigla siyang nagkaroon ng pag-asa. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para lumaban, para magpatuloy sa buhay, para hindi tuluyang sumuko.
And I am so proud of her.
All I need now is to be strong for her. To stay by her side especially now that she is in the darkest part of her life.
Because she needs someone who will be her light in the dark, someone who will hold her hands and never let her go, and someone who will fight for her even to death.
And I wanna be that SOMEONE for her.
"Tala?"
Napautol ang aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mrs. Salor, ang ina ni Blake. Mabilis na pinunasan ko ang aking luha at agad na napaharap sa kanya.
Katulad ko, bakas ang sobrang pag-aalala sa kanyang mukha at pa rin na rin ang namumugto niyang mga mata mula sa malalang pag-iyak.
Wala pa rin kasing malay hanggang ngayon si Blake magmula nang isininugod namin siya kanina sa dito sa Hospital.
Magsasalita pa lamang sana ako nang bigla na lamang akong yakapin ni Mrs. Salor.
Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking balikat. Pinili ko na lamang ang manahimik at sa halip ay niyakap na lamang din ito pabalik.
"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa'yo, hija." Sinasabi niya ang mga iyon habang nakatingin sa dalawang mga mata ko na tila ba may ginawa akong isang napakalaking bagay para sa kanya.
Naguguluhan naman na tinignan ko siya pabalik sa kanyang mga mata.
"Thank you for repeatedly saving my Blake. You are truly her angel, Tala. Without you, baka mas maaga siyang nawala sa amin." Pagpapatuloy niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang ibig niyang sabihin. "Kaya thank you. Alam kong hindi sapat ang pasasalamat, but please, please help us to convince her more para lumaban pa. Ikaw kasi ang source of her strength. You are the one who gives her light in the world she is running away from." Dagdag pa niya at muli na naman akong niyakap ng mas mahigpit pa.
Kunot noo naman na muling tinignan ko siya sa kanyang mga mata noong muli itong kumalas sa akin mula sa pagyakap.
"W-What are you talking about Mrs. Salor?" Clueless na tanong ko sa kanya. Noon naman dumating si Eli at agad na lumapit sa amin.
"Tita can I talk to Tala for a moment?" Pagpapaalam nito kay Mrs. Salor. Napatango naman agad ito at nag-excuse sandali sa amin ni Eli.
Hinintay na muna ni Eli na makalayo si Mrs. Salor sa amin, bago ito napamusyon sa akin na maupo sa kami sa pinakamalapit na bench. At pagkatapos ay may ibinabot ito sa akin na isang brown envelope.
"A-Ano ito?" Tanong ko nung makuha ito mula sa kanyang kamay. Napalunok muna ng mariin si Eli bago nagsalita.
"You will know." Sagot nito. "Look, I-I just... I just stole it from Blake's laptop. I don't know if it's right to give you that file because I know Blake won't be happy if she finds out, but I think you deserve to know everything about her life, how you've been serving as her angel for so long." Pagpapatuloy nito.
"Kaya magpapasalamat din ako, nagpapasalamat din ako katulad ng mommy Blake, dahil nakilala ka niya." Dagdag pa niya.
"Eli...I don't... I don't understand---" Mabilis na hinawakan niya ako sa aking balikat dahilan para matigilan ako.
"You will know, Tala." Pag-ulit niya sa kanyang sinabi at walang sabi na niyakap din ako.
"Thank you, Tala. Sa pagdating sa buhay ng kaibigan namin." At pagkatapos noon ay sabay na kaming pumasok muli sa room kung saan hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Blake.