Now playing: Kumpas - Moira Dela Torre
Blake POV
Hindi ko magilang manggigil habang sinisundan ng tingin ang bawat paggalaw ni Tala at pati na rin ang amazed na mukha nito habang tinitignan ang mga naka-display na portraits ng aming pamilya dito sa Villa. Magmula pa kasi ito sa mga Lolo at Lola ko sa tuhod, hanggang sa amin ng mga pinsan ko.
Kung hindi kasi ito mapapatawa ng mahina ay manggigil din siya. Lalo na nang makita nito 'yung mukha noong sanggol pa lamang ako, bigla ba namang lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko.
Sakit kaya! Napapa-pout na relakmo sa aking sarili.
"Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala kayaman ang pamilya ninyo, Blake." Humahanga na sambit nito bago muling ibinalik sa akin ang kanyang mga mata.
"But look at you. Sobrang down to earth. Nakaka-proud naman itong girlfriend ko!" Awtomatiko naman na naramdaman ko ang pag init ng magkabilaang tenga ko dahil sa sinabi niya.
Napailing lamang ako habang nakangiti sa kanya. Sa totoo lang kasi, wala namang magagawa 'yung yaman ng pamilya namin sa maraming bagay. Nagiging useless lamang ito. Katulad na lang nitong sakit ko. Kahit na anong yaman pa ng pamilya namin, hindi pa rin kayang bayaran ng pera ang paggaling ko.
Walang magawa ang aming pamilya kundi tanggapin na lamang ito, tanggapin na lahat ng tao ay sa kamatayan din papunta.
Bago pa man tuluyang lumalim ang gabi ay marahan na hinawakan ko si Tama sa kanyang braso.
"I want to show you something." Matamis ang ngiti na sabi ko sa kanya.
I waited a long time for this day. I also spent several years looking for the right person and opportunity for this. At ngayon nga, finally, ay nagkaroon na ng pagkakataon.
Pumunta kami sa paborito kong spot dito sa sa Villa, which is sa loob ng aking kwarto. Kung saan punong-puno ng doodle art ang buong wall ng kwarto na ako mismo ang gumawa.
Malambing na tinignan at muling binigyan ko ng ngiti si Tala nang tuluyang marating namin ang pintuan ng aking kwarto. Napamusyon ako sa kanya na siya na mismo ang magbukas ng pinto.
Napalunok ito ng mariin ngunit sinunod naman ako. Hanggang sa tuluyang makapasok na nga kami sa loob.
Awtomatiko itong napasinghap at agad na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Hindi rin nito napigilan ang mapatakip ng kanyang bibig. Lalo na nang makita nito ang isa sa pinakamagandang art na naka-draw sa wall ko.
I smiled with joy in my heart. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod pagkatapos ay hinalikan siya sa kanyang pisngi. Nanatili kami sa ganoong posisyon at sinamahan siya na titigan ang pinakamagandang art na nagawa ko.
Ilang taon ko rin itong ginawa bago tuluyang natapos, 'no? Every summer kasi ay binibigyan ko talaga ito ng oras at importansya. And there was a time when I spent an entire whole summer putting art in my room. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili habang inaalala ang mga araw na iyon.
Iyon kasi ang mga araw na hirap na hirap akong yayain nina Faye at Eli sa paggala dahil abala ako sa aking ginagawa. Ilang beses din nila akong tinanong kung bakit ko iyon ginagawa.
Ang totoo? Hindi ko rin alam ang sagot. Basta ang tanging alam ko lamang ay masaya akong ginagawa iyon. Hanggang dumating sa puntong naisipan kong i-draw pati na rin ang sarili ko as an doodle art. 'Yung nakaharap sa mismong entrance ng kuwarto kung saan makikita agad kung meron mang papasok dito. Isa pa, iyong mukha ko ang naka-emphasize sa lahat ng art. Aba, syempre, ako ang may-ari ng kwarto, 'no?
But there was something missing in my art so I can't finish it. Isang art na babagay sa mukha ko, sa mismong tabi ng mukha ko. Maraming beses kong inisip at ni-researched kung ano ang bagay na pwedeng babagay sa art na meron ako, but I just got tired. Until I decided to leave it alone at hinayaan na lamang na hindi ito natatapos.
"Until I met you." Sabi ko kay Tala at marahan na iniharap ito sa akin.
"You are the only missing peace in my art, ikaw lang pala 'yung bubuo rito, just like how you complete my life, Tala." Dagdag ko pa bago pinunasan ang luha nito na dumadaloy sa kanyang pisngi at hinalikan siya sa kanyang noo.
"And when we came back from Palawan, I decided to finish this art of mine. Because I really want to show it to you. At sa lahat ng art na nandito, itong mukha natin ang paborito ko." Nakangiting dagdag ko pa bago napatawa ng mahina dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya.
Kusa naman na tinignan ako nito ng masama, pagkatapos ay hinampas sa aking balikat ngunit agad din naman niya akong niyakap.
"Nakakainis kaaaa!!! Bakit ang perfect mo? Bakit ang sweet mo masyado?" Reklamo niya habang naluluha pa rin dahil sa saya. "Kapag ikaw pinagpalit mo ako, ako mismo ang magtatanggal ng mukha ko d'yan sa pader mo!" Pabirong pagbabanta niya.
Napatawa lamang ako bago siya niyakap pa ng mas mahigpit pa. Ang cute lang kasi niya. Haaaay!! Sabi nga nila kapag mahal mo ang tao, okay lang paluhain siya, basta sa sarap at saya.
"Hindi yun mangyayari, Sa'yo lang kaya ako!" Pagbibigay ko ng assurance sa kanya bago kumalas muli sa pagyakap at hinalikan siya sa tungki ng kanyang ilong.
"Thank you, Blake." Buong puso na pasasalamat nito habang nakatingin sa mga mata ko. Awtomatiko naman na nangamatis ang aking itsura kaya napakagat na lamang ako sa aking labi para itago ang kilig na nararamdaman.
Hindi nagtagal ay kumalma na rin si Tala. Katulad ko ay hindi na mabura pa ang ngiti sa kanyang labi ngayon, habang nakayakap ito sa akin at nakasiksik ang kanyang mukha sa leeg ko.
Handa na rin kami pareho sa pagtulog. Nakabihis na kami pareho ng pantulog.
Ang sarap lamang sa feeling na yakap ko siya palagi ng ganito. Para bang ayaw ko nang matapos pa ang gabi na ito. Kung pupwede lang nga, ayaw ko na siyang mawala pa sa tabi at paningin ko eh.
Ganito pala talaga kapag totoong mahal mo ang tao, nagiging mabilis ang pagtakbo ng bawat oras kaya parang gusto mong pigilan ito.
Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan tungkol sa aming mga pangarap sa buhay. Nakakagaan sa feeling dahil mas nakikilala namin ang isa't isa. Mas nalalaman namin ang gusto at ayaw ng bawat isa.
"So, magaling ka pala talagang mag-draw." Komento nito noong malaman niyang Architect ang natapos kong kurso.
Ngunit dahil sa kondisyon na meron ako kaya naka-pause na muna ngayon ang mga pangarap at career na gusto kong makamit ko.
"Sakto lang." Kibit balikat na sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang dulo ng kanyang buhok.
"Hmmm. Humble! Can you draw me?" She teased. I bit my lower lip.
"Of course, but I can only draw if you are naked." Pilyang sabi ko rin sa kanya. Napatangad ito habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Then I'll be naked for you." Sagot nito. Napangiti ako ng nakakaloko.
"But I doubt you can afford it." Pagmamayabang ko kunwari.
"Hmm. Magkano ba at babayaran ko kahit gaano pa kamahal yan."
"It's costly." Sagot ko.
"Magkano nga?" Pangungulit pa niya.
"Hindi mo nga kayang bayaran." Pagmamatigas ko rin pabalik.
"Please?" Napahinga ako ng malalim bago siya tinitigan ng may ilang segundo.
"Okay, I will draw you." Tuluyang pagpayag ko at pag-gave up na rin. "But you will pay me. For the rest of your life, I want you to be mine. ONLY MINE. Deal?"
Mabilis itong napatango nang may excitement sa kanyang mga mata.
"Deal." Kagat labi na sabi niya bago ako binigyan ng isang matamis na halik sa aking labi. "Promise yan ha!" Dagdag pa niya.
"Yes, Ms. Author!" Tugon ko at muling hinalikan siya sa kanyang noo. "But for now, matulog na muna tayo." Paalala ko sa kanya. Bigla na lamang din kasi akong nakaramdam ng antok.
Napatango ito.
"Good night, maganda kong girlfriend." Matamis na sabi nito. Muli akong napangiti dahil sa kilig.
"Good night, future misis ko!" Tugon ko naman. Tumangad ito sandali para bigyan ako ng isang matamis na halik sa aking labi na agad ko rin namang ginantihan. At pagkatapos ay muling nagsumiksik ito sa akin.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog kahit na sobrang antok na antok na, ay hinintay ko na muna na maunang makatulog si Tala. Gusto ko lang talagang titigan siya, kabisaduhin ang kanyang mukha, halikan siya ng marahan at maingat, iyon bang hindi siya magigising at paulit-ulit na ibulong sa kanya ang salitang, 'mahal kita'.
I have never loved like this in my entire life. I have never been this open to anyone. I didn't let anyone enter my heart before, because I was so afraid of being hurt. But everything changed because of Tala.
Dahil sa kanya, naramdaman ko kung gaano kasarap ang magmahal. Natutunan ko kung paano magbigay ng walang hinihingi na ano mang kapalit, except for that one thing na hinahangad ng lahat, 'love'.
Love is an emotion that makes us feel so many things. It's the butterflies in our stomachs, our hearts beating fast in our chests and our palms sweating whenever that special someone is near. Lahat ng iyon... lahat ng iyon ay naramdamdan ko lamang when she came.
And swear, wala akong pinagsisisihan na nakilala at minahal ko siya. Sa naiiwan na sandali ng buhay ko dito sa mundo, wala akong hangad kundi ang ibigay ang pinaka-the best memories na kasama ko siya. That's why I am doing all of these because of her.
I want her to feel that she is very special to me. Gusto kong maramdaman niya kung gaano ka-pure ang pagmamahal at intensyon ng isang Mary Blake Salor para sa kanya. Gusto kong maramdaman niya na ay isang tao na handang ibigay ang lahat para sa kanya, hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Iyon bang kahit na mawala man ako, hindi siya malulungkot masyado dahil naiwan sa kanya ang pagmamahal ko, ang puso ko.
Kaya bukas? Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Hindi ko na rin naman kaya pang itago sa kanya ang lahat. Nakahanda na ako sa anumang magiging reaksyon niya. Kahit na natatakot at kinakabahan pa rin ako, kailangan ko nang sabihin sa kanya. Besides, deserve niyang malaman ang totoo. Tama?
Hindi ko mapigilan ang muling mapangiti sa aking sarili noong marinig ko na ang mahina at cute na paghilik ni Tala. Hahalikan ko na sana siyang muli sa medyo nakaawang niyang labi nang bigla na lamang may mainit na likidong dumaloy at tumulo mula sa aking ilong.
It's my blood.
Mabuti na lamang nga dahil tumama iyon sa kanyang braso at hindi sa kanyang mukha, kundi baka nagising ko siya. Mabilis na pinunasan ko ang aking ilong gamit ang palad ko, at dahan-dahan na umalis mula sa tabi niya.
Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako papalayo mula sa kama nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo. Umiikot ang paningin ko at nimo'y biglang nanlambot ang mga tuhod ko.
Pero hindi ako basta-basta susuko. Sinubukan ko pa rin sa abot ng makakaya at lakas ko na makarating sa pintuan ng kwarto, nang bigla na lang akong bumagsak at nasubsob sa sahig. Mabuti na lamang at carpeted ang buong floor ng kwarto ko.
Napaubo ako habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko dahil baka marinig ako ni Tala at magising ko ito. Noon din ay may nakita ako na dugo mula sa magkabilaang kamay ko, na nanggaling sa bibig ko.
Nanginginig ang dalawang kamay ko habang napapatitig rito, hanggang sa napalunok ako at agad na nalasahan ang sariling dugo. Pagkatapos ay unti-unti nang pumikit ang dalawang mga mata ko, kahit na gusto pa ng isip ko ang lumaban, pero hindi ko na kaya.
Kasabay noon ang dahan-dahan na pagtulo ng mga luha ko. Habang hirap at walang lakas na binibigkas ang pangalan ng babaeng minamahal ko.
"T-Tala.."
Hanggang sa naramdaman ko na lamang ay para bang nakalutang na lamang ako sa hangin, at tuluyan nang nawalan ng malay.