Now playing: Tell Me - Hunter Hayes -
Blake POV
Nagising ako na sobrang nananakit ang aking buong katawan. Daig ko pa yata ang binubog at hinampas ng paulit-ulit ng latigo, ganoon din ang aking ulo na animo'y mabibiyak sa kirot. Ang init ng pakiramdam ko, pati na rin ang bawat paghinga ko na parang may inilalabas na apoy.
Sandaling pinakiramdaman ko pa ang aking sarili bago dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata. Kusang napakunot ang aking noo nang magtama ang aking paningin sa magandang mukha ng babae na nakaupo sa gilid ng aking kama habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay.
Mahimbing na natutulog ito at medyo naririnig ko rin ang mahina niyang paghilik.
Malungkot na napangiti ako sa aking sarili nang makita na ang itsura nito ang una kong nasilayan. Ngunit hindi mapigilang malungkot ng aking puso dahil sa nakikita niya ako sa ganitong kalagayan. Susubukan ko sanang hawiin ang ilang hibla ng buhok nitong humaharang sa kanyang mukha nang iminulat nito ang kanyang mga mata.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha nang magtama ang aming mga mata.
"Blake, you're awake!" Tila ba biglang nabunutan ng tinik sa dibdib na sabi niya bago napatayo.
"A-are you okay? May masakit ba sa'yo? D-Do you need anything---"
"Tala, I'm fine." Putol ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito upang tuluyan na siyang kumalma at para na rin maniwala siyang ayos na ako. Lalo na dahil nasa tabi ko siya.
Muli itong naupo sa kanyang upuan bago napangiti ng may pagkaalanganin.
"I'm sorry, about last night." Paghingi nito ng tawad habang nakayuko. Ako naman ay muling napaiwas ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.
Hindi ako kumibo at nagkunwari na wala lamang sa akin ang mga pangyayari.
Hindi ko naman kasi alam kung ano ang dapat na sabihin.
Unang-una, ayaw ko sanang makikita niya ako sa ganitong sitwasyon. Pero nangyari na at mukhang nagpuyat pa siya sa kakabantay sa akin buong gabi. Pangalawa, hindi dapat siya ang nag-so-sorry ngayon kung hindi ako.
Pero hindi ko naman alam kung anong idadahilan ko sa kanya. Kung bakit kailangan kong humingi ng tawad dahil kitang-kita ng dalawang mga mata niya na naglapat ang mga labi namin ni Faye. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tunay na dahilan. So I remained silent and chose to give her a cold shoulder.
Napahinga ako ng malalim bago napalunok ng mariin.
"Pwede umalis ka na?" Pakiusap ko sa kanya in a serious tone. Iyong madadama niyang ayaw ko na muna siyang nandito.
I don't know. Sa tingin ko lang ay kailangan ko siyang ipagtabuyan ngayon dahil nasasaktan ako sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
"B-Blake." Pagbanggit nito sa pangalan ko. Halatang nabigla sa sinabi ko.
"Please." Muling pakiusap ko pa sa kanya ngunit hindi pa rin makatingin sa kanyang mga mata. Pinilit ko rin ang aking sarili na iharap ang aking katawan sa kabilang direksyon ng kama. Kasabay noon ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang din ang pagtayo nito, ang kanyang mga hakbang papalayo mula sa akin. Ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng aking kuwarto.
Hindi ko mapigilan ang mas lalong maging emosyonal.
I don't want to push her away, but I have no choice. Bukod kasi sa nasasaktan lang ako eh hindi ko rin mapigilan ang makonsensya dahil sa hindi ko magawang sabihin sa kanya ang kondisyon na meron ako. I cannot. I just can't.
Noon naman narinig ko na muling bumukas ang pintuan ng aking kuwarto. Kaya agad na pinigilan ko na ang aking sarili sa paghikbi at agad na pinunasan ang luha sa aking pisngi.
"We uhmmm..." Napalunok ako nang marinig ang boses ni Eli. "We didn't tell her. Don't worry." Pagpapatuloy niya.
"Paulit-ulit siyang nagtatanong kagabi, kung anong nangyari. And she's just keep telling na walang tao ang basta-basta na lang mahihimatay sa gitna ng ulanan. Pero nagdahilan na lang si Auntie Nora." Dagdag pa niya.
"I'm sorry, Blake. But do you think she can't really know yet? I mean, siya na lang kasi ang bukod tanging hindi pa nakakaalam sa situation mo. And she cares for you a lot." Ngunit hindi ko pa rin hinaharap si Eli at nananatiling nakahiga lamang sa aking kama habang nakatalikod sa kanya.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog muli nang hindi ko namamalayan.
Nagising ako na si Auntie Nora na ang naka upo sa pwesto kung saan nakaupo si Tala kanina. Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal na nakatulog muli.
Napahinga ako ng malalim habang naluluha na naman ang mga mata.
Fuck this eyes! Pagmura ko sa aking sarili.
"A-Auntie..." Pagtawag ko kay Auntie na abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Akala mo naman talaga may signal dito. Tss!
Agad naman itong napatingin sa akin.
"Jusko kang bata ka! Pinag-aalala mo kaming lahat!" Pagkatapos ay kinapa nito ang noo ko. "Bumaba na ang lagnat mo." Sabi niya.
Hinawakan ko ang kamay nitong nakalapat sa noo ko at mataman na tinignan siya sa kanyang mga mata.
"Pwede na bang...pwede na ho ba akong bumalik kina mommy at daddy?" Tanong ko sa aking tiyahin na halatang nabigla sa kanyang narinig. Muli akong napalunok.
"N-Namimiss ko na po kasi sila eh." Dagdag ko pa at kasabay noon ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Pilit naman na napatawa ako ng mahina.
"At mamimiss din kita rito." Emosyonal na sabi ng aking Auntie bago ako niyakap.
"Wala naman akong magagawa kung gusto mo nang bumalik sa kanila. Pero, sure ka na ba d'yan?" Tanong nito sa akin. Napangiti lamang ako atsaka napatango.
Buo na ang pasya ko. Nararamdaman ko kasing miss na miss na rin nila ako.
---
Tala POV
Isang araw na ang nakalilipas magmula nang huling beses kong makita si Blake. Ayaw ko kasing puntahan muna ito dahil baka lalo lang siyang ma-stress dahil sa akin.
I mean, hindi ako nagtatampo. Nirerespeto ko lang din ang kagustuhan niya. Kilala ko rin kasi si Blake na isa sa malalakas na taong nakilala ko. Marahil ayaw lamang nito na nakikitang alagain siya. Lalo na at ayaw niya na makikita ko siyang mahina.
Pero minsan, iniisip ko sana naman huwag na niya akong ipagtabuyan sa susunod ng ganun. Lalo at wala naman akong ibang gusto kundi ang alagaan siya.
Ilang beses naman nang pumunta dito si Eli para ibalita sa akin kung kumusta na si Blake. Sa ngayon ang sabi niya, okay naman na daw si Blake. At malakas na siyang muli at hindi na nilalagnat pa.
Pero hindi pa rin kasi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikita. Kaya kahit na ayaw pa man niya akong makita ngayon, pupuntahan ko na siya. Hindi kasi ako mapakali nang hindi nakikita ng dalawang mga mata ko na masigla nang muli ang kanyang katawan.
Palabas na sana ako ng aking kwarto nang biglang mayroong kumatok sa bintana. Kunot noo na napalingon ako rito at mabilis ang mga hakbang na nilapitan ito para pagbuksan dahil natitiyak kong si Blake ang kumakatok.
At hindi nga ako nagkamali, noong bumungad sa akin ang kanyang magandang mukha, habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang labi at pagkatapos ay may iniabot sa akin na isang stem ng color pink na rosas na halatang pinitas lang na naman nito sa kung saan.
Hindi maitago na mas maputla siya ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. Medyo nanlalalim din ang ilalim ng kanyang mga mata. Isama mo pa na tila ba nanunuyo ang mga balat nito. Ngunit kahit na ganoon ay hindi iyon nakabawas sa taglay niyang kagandahan. Napakaganda pa rin niya.
Kaya napangiti na rin ako ng tuluyan. At least ngayon, alam kong okay na nga siya.
"I came to say I'm sorry." Wika nito at mabilis na dumukhang para bigyan ako ng isang matamis na halik sa aking labi. "I'm sorry---"
Ngunit hindi ko na ito pinatapos pa nang hawakan ko siya sa magkabilaan niyang pisngi at siniil ng isang mas matamis at mas matagal na halik.
"You are forgiven," I whispered between our lips.
Pagkaraan ng ilang sandali ay pinapasok ko na ito nang tuluyan sa loob ng aking kwarto. May ilang minuto rin yata kaming binalot ng katahimikan. Siya habang nakatulala sa kawalan at pinaglalaruan ang kanyang daliri, at ako naman ay tinititigan lamang ang rosas na bigay nito sa akin.
"Gusto ko lang namang alagaan ka." Pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot sa amin. Hindi ko alam kung napano ka, nag-alala ako ng sobra. Ang taas taas ng lagnat mo---"
"Hey, I'm fine." Putol nito sa akin at mabilis akong niyakap para kumalma. "Okay na ako." Malambing na dagdag pa niya.
"I'm glad you're okay now." Wika ko at marahan na hinalikan siya sa kanyang noo. Napangiti ito.
"Thank you, for staying with me that night." Pagpapasalamat nito sa akin. "I love you, my Tala." Dagdag pa niya na siyang nagpabilis bigla ng pagtibok ng aking puso.
Napangiti lamang ako bago ito muling niyakap. Until now, I still can't let go of the words she wants to hear. Ang mga salita na magsasabi ng milyon-milyong nararamdaman ko para sa kanya. Pero hinding-hindi ako magsasawang ipadama sa kanya.
Isa pa, hanggang ngayon kasi ay paulit-ulit pa rin na bumabalik sa aking isipan ang mga nasaksihan ko noong gabi na iyon. Kung bakit at paano niya nagawang halikan si Faye, knowing na nasa isang relationship na siya.