NATAPOS na ni andrea ang ipina pagawang report sa kanya ni mrs. Santos. Dinampot niya na ang kanyang bag upang umuwi na. Ngunit naalala niyang kumuha muna ng tubig sa itaas upang makainom siya ng tubig. Ramdam parin kasi niya ang uhaw sa kanyang lalamunan.
Naka akyat na siya sa ika limang palapag ng gusali at akma na siyang kukuha ng tubig mula sa dispenser ng may marinig siyang ingay na nang gagaling sa may bandang dulo ng hallway. Nakaramdam siya ng takot dahil wala na siyang ibang nakikita na tao sa palapag na iyon. Maging ang security guard na naka bantay doon kanina ay wala na rin. Nais niya na sanang bumalik nalang sa ibaba at tuluyan ng umuwi nalang.
Ngunit muli nanaman siyang may narinig na ingay. Naisip niya na baka may naka pasok na mag nanakaw o masamang tao. Lakas loob siyang nag lakad sa kahabaan ng hall way. Naalala niyang doon din sa palapag na iyon ang opisina ng kanilang Ceo boss na si mr. Nicko Buenavista. Nawala ang ingay na narinig niya kanina na animo'y may bumagsak na bagay at napalitan ito ng isang sigaw.
Nangunot ang noo ni andrea sa kanyang naririnig ng mga sandaling iyon. Naisip niya na sino naman kaya ang taong sumisigaw sa ganoong oras at sa tahimik na iyon ay bakit kailangan pang sumigaw ng taong iyon. Nahagip ng kanyang paningin ang pintuang bughaw may konting liwanag siyang natatanaw na sumisingit sa ibabang bahagi ng pintuan. Tinitigan niya itong mabuti liwanag nga na nag mumula sa loob ng asul na pintuan. Lakas loob niyang binuksan ang pintuang iyon at dahan-dahang pumasok. Naisipan niyang I-open ang camera ng kanyang cellphone para kung sakaling may mangyari man sa kanyang masama ay kaagad na isisend niya ang video sa kanyang kapatid.
Marahan ang ginawa niyang pag hakbang sa loob ng opisina ng kanilang Boss. Lumakas lalo ang kutob niya na baka may masamang tao ngang naka pasok sa opisina ng kanilang boss. Dahil na alala niya ang kwento ni ms. Suarez kanina na gustong agawin daw ng step father ng kanilang boss ang kumpanya na ipinamana dito ng yumaong ama nito.
Nang marating niya na ang ikalawang bughaw na pinto ay nakarinig naman siya ng kaluskos. marahan niya rin itong binuksan at maingat siyang humakbang papasok na hindi siya maka gawa ng anumang ingay. Medyo madilim ang kuwarto ng kanyang boss dahil tanging liwanag lang na nag mumula sa nakabukas na lamp shade na naka patong sa ibabaw ng table ng kanilang boss ang naka bukas. Medyo may kalakihan ang opisina ng kanilang boss kaya hindi sapat ang liwanag na nag mumula sa naka bukas na lamp shade.
Ngunit kahit medyo madilim ang kuwarto na iyon ay kitang-kita parin ni andrea ang mga kalat sa sahig at mga basag na bubog. Muli nanaman siyang naka ramdam ng takot sa kanyang dib-dib.
Nakaka dalawang hakbang palang siya ng mahagip ng kanyang mata ang isang bulto ng tao na naka upo sa swivel chair.
Naka yuko ito na animo'y may kinukot kot sa kanyang harapan. Marahan siyang humakbang palapit dito habang naka tutok ang camera ng cellphone niya sa gawi ng taong iyon.
"si-sino ka? Anong ginagawa mo dito? Siguro magnanakaw ka noh!? " lakas loob na tanong niya sa taong naka yuko. Ngunit hindi sumagot ang taong naka yuko.
"siraulo ka ba?! Tinatanong kita.. Bakit ka nandito? Opisina ng boss ko to.." muli niyang tanong sa taong naka yuko. Ngunit hindi parin ito lumilingon sa kanya.
Hanggang sa naisipan niya na itong yug-yugin sa kanang balikat nito gamit ang kaliwa niyang kamay habang ang kanang kamay naman ay nakahawak parin sa kanyang cellphone na naka video mode.
Nang niyug-yog niya na ang taong naka yuko ay doon lang ito lumingon sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata ng mapag sino kung sino ito. Ang kanilang boss na si nicko Buenavista. Puro dugo ito sa kamay at maging ang damit nito ay puro dugo rin. Ang buong itsura ng kanyang boss ay nakuhanan ng video ng kanyang camera.
Pagka kita sa itsura ng kanyang boss ay tumakbo siya palabas habang nagsisi sigaw si andrea sa takot. Hindi siya takot sa dugo ngunit sa nakita niyang itsura ng kanyang boss na animo'y may pinatay ito sa dami ng dugo nito sa damit. Kaagad naman siyang hinabol ng kanyang boss at sinusubukang pigilan na lumabas ng gusali. At dahil mas mabilis sa kanyang tumakbo ang kanyang boss ay agad din siyang nahabol nito at nahawakan sa kamay.
"please no, huwag kang matakot sa akin..." pakiusap nito sa kaniya habang hila-hila siya sa kamay pabalik ng opisina nito.
Pilit parin ang pag pupumiglas ni andrea na makawala sa pagkaka hawak sa kanyang kamay ng kanilang boss. Nang malapit na siya nitong maipasok muli sa opisina nito ay ubod lakas niyang hinila ang kanyang kamay dito. Ngunit pareho silang nadulas sa sahig at napa ibabaw siya sa katawan nito. Aksidente ding nag dikit ang kanilang mga labi at nag tama pa ang kanilang mga paningin. Hindi kaagad naka huma si andrea at maging ang kanyang boss sa nangyari.
May narinig silang bumagsak na bagay mula sa loob ng opisina ng kanyang boss at doon lang sila nahimas masan. Dali daling tumayo si andrea mula sa pagkaka dagan niya sa kanyang boss at doon lang din naka tayo ang kanilang boss ng tuluyan na siyang maka alis sa ibabaw nito.
"please ms. Morales huwag kang matakot sa akin.. Wala akong gagawing masama sayo.." muling saad sa kanya ng binatang boss.
Hindi sumagot si andrea. Hinagod niya ng tingin ang kanyang sarili at napa tili siya ng makita niyang mayroon na ring bahid ng dugo ang kanyang suot na Blouse. Nagkataon kasi na kulay puti ang suot niyang Blouse kaya madikitan lang ito ng konti ay maaari na itong mahawa ng ibang kulay.
"ano ba yan sir! Tingnan mong ginawa mo sa damit ko! huh... Paano ako nito uuwi! Bakit naman kasi puro dugo ka sir?.. Diyos ko naman mag papakamatay ba kayo?!.." kaagad na saad ni andrea sa kanyang boss pagka kita niya sa itsura ng kanyang suot na blouse at napa lamukos siya ng kanyang kamay sa kanyang mukha.
"i—im sorry ms. Morales... Let me explain please.. Let's go inside of my office..." paumanhin sa kanya ng kanilang boss.
Hindi nag salita si andrea dito ngunit sumunod siyang nag lakad at pumasok muli sa opisina ng kanilang boss. Pagka pasok nila sa opisina nito ay doon lang binuksan ng kanilang boss ang ilaw sa loob ng opisinang iyon at mas nakita ni andrea kung gaano ka gulo ang loob ng opisina nito.
Niyaya siyang umupo ng kanyang boss sa sofa na medyo malayo sa mga nag kalat na bubog. Nang maka upo na silang pareho sa sofa ay napansin ng kanyang boss na naka bukas ang video camera ng kanyang cellphone.
"anong ginagawa mo?! Bakit naka tutok sa akin ang camera ng cellphone mo?!" kaagad na tanong nito sa kaniya at akma na nitong aagawin ang kanyang cellphone ng mabilis na inilagay ni andrea sa loob ng kanyang blouse ang kanyang cellphone. Inipit niya ito sa kanyang bra.
Naisip niya kasi na hindi naman siguro kukunin iyon doon ng kanilang boss dahil nararamdaman niyang hindi naman ito ganoong tao. Lalo na at nilagay niya ito sa kanyang private parts.
"subukan mong kunin to sir! Kakasuhan kita!" agad na saad niya sa kanyang boss.
Natawa ang kanyang boss sa kanyang sinabi. Nakita niya pang tumaas ang kanang sulok ng labi nito.
"burahin mo yan ms. Morales.." utos nito sa kaniya.
Hindi naman pinansin ni andrea ang sinabi ng kanyang boss at pinanlakihan niya ito ng kanyang mga mata.
"sabihin mo muna sa akin kung bakit ganyan ang itsura niyo?.. At tsaka bakit may mga dugo kayo?!" Tanong niya sa kanyang boss at ipinag ekis niya pa ang kanyang kamay sa gitna ng kanyang dib-dib.
Narinig niyang nag buntong hininga muna ang kanyang boss bago ito nag salita.
" okay fine ms. Morales.. Hindi po dugo ang nasa damit ko.. Tumalsik na strawberry juice po itong nasa damit ko.. Kahit amoyin niyo pa po.."
"eh bakit Tumalsik sa damit niyo yan?! At tsaka bakit ang gulo ng opisina niyo? Parang dinaanan ng bagyo.." tugon niya sa sinabi ng kanyang boss.
Matapos na sabihin iyon ni andrea sa kanyang boss ay Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito. Nakita niyang may sugat ang kanang kamay nito at may tumutulo pang dugo. Agad niyang kinuha ang kamay nitong may sugat.
"tingnan niyo may sugat talaga kayo sa kamay.. Sabihin niyong hindi yan dugo sir!" saad niya sa kanyang boss at ipinakita dito ang kamay nito na may sugat.
Hindi sumagot ang kanyang boss sa halip ay nag yuko ito ng ulo.
Nag alala si andrea sa nakita niyang itsura ng kanyang boss. Batid niyang may mabigat itong dinadala sa dib-dib nito.
"may gamot ba kayo dito sir? Para magamot ko yang sugat niyo.." Tanong niya sa kanyang boss sa mahinahong tono.
Tumango naman kaagad ang kanyang boss at itinuro nito ang puting cabinet na nasa taas ng inuupahan nilang sofa. Binitiwan ni andrea ang kamay ng kanyang boss at agad siyang tumayo upang buksan ang puting cabinet na itinuro ng kanyang boss. Dahil hindi niya ito abot ay umapak siya sa upuang kanilang kina uupuan upang mabuksan niya ang cabinet. Pagka bukas niya ng cabinet ay agad niya namang nakita ang kulay puti ding box. Hinila niya ito at binuhat. Nang tuloyan niya itong makuha ay muli siya umupo at tumabi Malapit sa kanyang boss. Muli niyang kinuha ang kamay nito na may sugat at maingat niya itong nilinis. Nang matapos niyang linisin ito ay tsaka niya lang pinahiran ito ng gamot.
" ano ba talagang nang yari sir? Bakit nagka sugat sugat yang kamay niyo?.. Sige na sir.. Sabihin niyo na sa akin para kahit papaano ay gumaan yang pakiramdam niyo.." saad niya sa kanyang boss habang pinapahiran niya ito sa kamay ng gamot.