Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 7 - Chapter Six

Chapter 7 - Chapter Six

MABILIS ang mga hakbang ni andrea upang mahabol ang papalayo niyang boss. Agad niya rin naman itong naabutan. Nang makababa na sila ng rooftop ay pumasok sila sa isang malaki at magarang kuwarto. Huminto sa pag hakbang ang binatang amo ni andrea at lumingon ito sa gawi niya. Naramdaman ni andrea na may gusto itong sabihin sa kanya kaya dali-dali siyang lumapit dito. At nang makalapit na si andrea dito ay tsaka ito nag salita. Seryoso ang mukha nitong naka tingin sa kanya.

"ms. Morales.. Kailangan mong mag handa.. May biglaang meeting tayo ngayon.. Sa loob ng 30 minutes ay mag sisimula ito. Kailangan ko ng tulong mo.. Kasama sa meeting mamaya ang step father ko.. At maaaring mag yaya siyang mag inom kami.. Alam mo naman ang tungkol sa kalagayan ko diba..?" matapos na sabihin iyon ni nicko sa kanya ay nag buntong hininga ito ng malalim at muling tumingin sa kanya.

Ramdam ni andrea ang pressure sa batang boss. At nauunawaan niya ang ibig nitong mang yari na gawin niya.

"basta nasa likod niyo lang ako sir.." tugon niya sa kanyang batang boss.

Pumikit ng mata si nicko at marahan itong tumango sa kanya na may tipid na ngiti sa labi nito.

"prepare yourself ms. Morales.. Babalikan kita sa loob ng 30 minutes.. Maiwan muna kita dito.. May kakausapin lang ako sa labas.." saad pa nito sa kanyang secretary na si andrea. Matapos na sabihin iyon ay humakbang na ito palabas ng pinto.

Naiwang mag isa si andrea sa loob ng malaking kuwarto. Umupo siya sa malaking coach na nakalagay malapit sa balkonahe. May ilang minuto pa siyang naka upo ng may kumatok sa pintuan. Kaagad siyang tumayo upang pag buksan ang taong kumakatok. Nang mabuksan ni andrea ang pintuan ay bumungad sa kanya ang isang babae naka uniporme ito nang parang sa isang kasambahay. may hawak ito na malaking Paper bag at iniabot nito sa kaniya ang malaking paper bag na ito.

"para daw po sa inyo ma'am.. Suotin niyo daw po sabi ni Master.." saad nito sa kaniya at nang makuha niya na ang paper bag mula dito ay agad din itong umalis.

Kunot ang noo ni andrea habang naka tingin sa hawak na paper bag. Dinala niya ito sa malaking coach na inupuan niya kanina at doon binuksan ang paper bag. Nang mabuksan niya ang paper bag ay nilabas niya ang laman nito. Isang bistidang kulay pula ang laman nito. Simple lang ang bistida ngunit maganda ang pagkakayari nito.

Agad siyang luminga sa paligid at nag hanap ng banyo sa loob ng magarang kuwarto na iyon. May natanaw siyang isang pintuan na dalawa sa kaliwang bahagi ng kuwarto at sa kanang bahagi naman ay may nakita siyang isang pintuan. Lumapit siya sa nag iisang pintuan sa kanang bahagi at binuksan niya ito. Ngunit hindi ito ang banyo ng kuwarto na iyon kundi isa itong Kitchen. Muli niya itong isinara at naglakad patungo sa dalawang pintuang mag katabi. Binuksan niya ang isa sa dalawang pintuan. At bumungad sa kanyang paningin ang isang malaking kama na may malaking t.v sa harapang bahagi nito. Magara ang mga gamit sa loob ng kuwarto na iyon. Naisipan niyang buksan at tingnan ang katabing pintuan nito.

Pag bukas niya naman ng isa pang pintuan ay nakita niyang isa rin itong kuwarto gaya ng mga gamit na nakita niya sa kabilang kuwarto ay ganoon din ang nakalagay na gamit dito. Pumasok siya sa loob ng kuwarto na iyon at Iginala ang kanyang paningin. Kanang bahagi ng kuwarto na iyon ay may nakita siyang isang pintuan. Naisip niya na baka ito na ang banyo. Naglakad siya palapit dito at binuksan ang pintuan. Nakita niyang ito nga ang banyo. Naisip niya marahil na may banyo rin sa loob ng kabilang kuwarto na binuksan niya kanina hindi niya lang napansin.

Agad na pumasok si andrea sa banyo at nag palit ng damit. Nang tapos na siyang Suotin ang damit na ibinigay sa kanya ng babae kanina ay lumabas na siya ng banyo. May nakita siyang malaking salamin sa loob ng kuwarto na naka lagay malapit sa gilid ng kama. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang suot na damit. Bumagay naman sa kanya ang lagpas tuhod na damit. Medyo hapit ito sa kanyang katawan kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Hindi kalakihan ang kanyang pang upo ngunit malaki naman ang kanyang balakang. Hindi kalakihan ang kanyang dib-dib ngunit maituturing itong standard size. Sleeve less ang bistida kaya kita ang makinis at maliit niyang braso. Sinuklay niya ang lagpas balikat niyang buhok at itinali ito ng mataas. Pinahiran niya ng cream ang kanyang buhok na itinali upang hindi mag silag-lagan ang mga baby bangs niya. Nag Re-touch siya ng make up sa kanyang mukha at pagkatapos ay nag wisik siya ng kanyang pabango.

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang sarili sa malaking salamin na nasa kanyang harapan. Nang nakontento na siya ay kinuha niya na ang kanyang bag at tsaka lumabas ng kuwarto. Muli siyang bumalik sa inupuang coach kanina upang doon niya nalang aantayin ang kanyang boss. Dahil sabi naman nito sa kaniya ay babalikan siya makalipas ang tatlumpong minuto.

Nang maka upo siya sa coach ay sinipat niya ang kanyang suot na orasang pambisig. May tatlumpong minuto na pala ang nakakalipas mula ng iniwan siya doon ng kanyang boss. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag at idi-nial ang numero ng kanyang boss. Ngunit nakaka ilang dial na siya ay hindi parin ito sumasagot.

Narinig niyang may kumatok sa pinto. Mabilis siyang tumayo mula sa pag kakaupo upang pag buksan ang taong nasa labas ng pintuan. Nang mabuksan niya ito ay muli niyang nakita ang babaeng nag bigay sa kanya ng paper bag. Bahagya itong ngumiti sa kanya bago ito nag salita.

"ma'am, pinapasundo po kayo ni master.. Sumunod po kayo sa akin, sasamahan ko po kayo kung nasaan siya.." bungad sa kanya ng babae.

"okay sige.. Wait kukunin ko lang ang bag ko.." tugon niya sa babaeng kausap.

Mabilis ang kanyang hakbang pabalik sa coach na kanyang pinag upuan at dinampot ang bag. Medyo may kaba siya sa kanyang dib-dib ng mga sandaling iyon. Habang nag lalakad kasama ng babaeng inutusan ng boss nila ay umusal siya ng panalangin na sana maging okay ang lahat sa araw na iyon.

Medyo malayo ang kanilang nilakad. Sumakay pa sila ng elevator paibaba. Pagka labas nila ng elevator ay muli pa silang nag lakad. Huminto sila sa harapan ng isang malaking pintuan. Nilingon siya ng babaeng kanyang kasama.

"ma'am, nandito na po tayo.. Hindi ko na po kayo masasamahan pa sa loob.." saad ng babae sa kanya.

"sige.. Thank you.." tugon niya sa babae.

At matapos na sabihin niya iyon ay kaagad na tumalikod ang babae at nag-lakad na ito palayo. Humugot ng malalim na hininga si andrea mula sa kanyang dib-dib at tsaka niya binuksan ang malaking pintuan at humakbang siya papasok dito.

Pagka pasok niya ay bumungad sa kanya ang may kalakihang kuwarto at sa gitna noon ay may mahabang lamesa. At nakita niyang may naka upong limang katao kasama ang kanyang boss.

Napansin niyang naka tingin ang mga ito sa kanya gayon din ang kanyang boss. Ngumiti siya sa mga taong nasa loob at binati niya ang mga ito.

"Good morning everyone!.. I wish I wasn't late.." saad niya ng may ngiti sa labi.

Narinig niyang may nag salita.

"sino siya nicko? Hindi ko alam may maganda ka palang kasama.." Tanong ng isang may edad ng lalaki. Naka suot ito ng Amerikana na kulay asul.

"she's my secretary tito.." narinig niyang tugon ng kanyang boss sa tanong ng lalaking may edad na.

Agad niyang nahulaan na baka ito ang step father ng kanyang boss. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya. Ngumiti rin si andrea dito habang naglalakad na siya palapit sa kinaroroonan ng kanyang boss.

"oh, I thought she was your girlfriend iho.." narinig niyang sabi pa ng matanda habang naglalakad siya.

Hindi na muling sumagot pa ang kanyang boss. Umupo si andrea sa katabing upuan ng kanyang boss. At inilabas niya ang kanyang notebook at ballpen. Narinig niyang nag salita ang kanyang boss. Ngunit tungkol na sa business ang sinasabi nito. Habang nag sasalita ang binatang amo ay biglang nag salita ang matandang lalake na kaninang nag tanong kung sino siya.

"paano ka maka sisiguro iho na kaya mo talagang hawakan ang negosyong ito ng hindi nalulugi..?" Tanong ng matandang lalaki sa kanyang boss.

"matagal ko ng pina pa takbo ang kumpanyang ito.. Oo sometimes humihina ang sales pero mabilis din namang nakaka bawi ang kumpanya.. At don't worry tito.. Hangga't ako ang may hawak nito ay hindi mangyayaring babagsak ang kumpanyang ito.." narinig niyang tugon ng kanyang boss.

" okay.. Let's see at the next few years.." muli pang saad ng kanyang boss.

Hindi na muling tumugon pa ang kanyang boss tungkol sa sinabi ng kanyang step dad. Muli itong nag patuloy sa pag sasalita ng tungkol sa kanilang negosyo. Isa-isa nitong ipinaliwanag sa mga ito ang bago pa nitong project at ang pag dami pa lalo ng mga investors sa kanilang kumpanya.

Hindi na muling nag salita pa ang matandang lalake kanina. Nakikinig lang ito sa mga sinasabi ng kanyang boss. Nang matapos ang kanyang boss sa pag sasalita doon lang nag salitang muli ang matandang lalake.

" basta nandito lang ako nick.. Mag sabi ka lang kung kailangan mo ng tulong ko.." saad sa kanyang amo ng matandang lalake.

"okay let's have our lunch.. I felt hungry after hearing all that nicko said. I'm excited about what I heard from Nicko.." saad ng matanda.

Maya-maya pa ay may pumasok na mga naka unipormeng kalalakihan at may kanya-kanya itong dalang tray na may lamang mga pagkain. Isa-isa nitong nilapag sa mahabang lamesa ang kanilang mga pagkaing dala. Nang mailapag ng lahat ay umalis na rin kaagad ang mga ito.