Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 10 - Chapter Nine

Chapter 10 - Chapter Nine

MAKALIPAS ang isang linggo ay naka tanggap si andrea ng isang invitation card mula kay Lucas para sa darating na birthday party ng ina nitong si donya eloi.

"andeng sana makapunta ka ha.. Gusto ka raw kasi makilala ni Mommy.. Madalas kasi kitang naku kwento sa kanya.."

Saad ni Lucas ng mag kita sila sa canteen. Sabay silang kumakain ng tanghalian. Dalawang araw na ang nakalilipas ng matanggap ni andrea ang invitation card mula sa binata. Sa linggong darating na gaganapin ang birthday party ng ina ni Lucas.

"okay sige.. Huwag kang mag alala darating ako.. Hapon pa naman ang party diba.. Tamang tama makakapag laba pa ako ng mga damit ko.." tugon ni andrea sa binatang si Lucas matapos nitong uminom ng juice mula sa kanyang hawak na baso.

"basta aasahan ko yan andeng ha.. Naku, matutuwa si mommy kapag nakita ka nun.." muli pang saad ni Lucas kay Andrea.

"oo nga.." muli ding tugon ni andrea sa binata.

Ngi-ngiti ngiti naman ang binatang si Lucas habang sumusubo ng pagkain sa bibig. Si andrea naman ay katatapos lang nitong kumain.

DALAWANG ARAW bago ang birthday party ng ina ni Lucas ay nag karoon ng isang importanteng meeting ang Ceo boss ng kanilang kumpanya na si nicko Buenavista at kailangan nitong isama si andrea ang kanyang secretary. Maging si nicko at ang ina nitong si donya Cynthia ay invited din sa gaganaping party ni donya eloi.

Mag kaibagan kasi ang dalawang babae kaya sa tuwing may gaganaping selebrasyon sa bahay nina Lucas del Castillo ay palagi ring iniimbitahan ang mag inang Cynthia at nicko. Kahit noong nabubuhay pa ang ama ni nicko ay naging matalik din itong kaibigan ng ama ni Lucas na si jordan del Castillo. Naging magka klase kasi sa kolehiyo ang kanilang mga ama. Haggang ang kanilang mga ina ay naging mag kaibigan na rin.

Kaya nangako si nicko kay Lucas na makakauwi sila ni andrea bago ganapin ang party ng ina nito. Kasalukuyang nag iimpake ng mga gamit na dadalhin si andrea noon sa kanyang kuwarto. Hapon kasi ang alis nila kaya pinauwi muna siya ng kanyang boss sa kanyang apartment upang makapag handa ng kanyang mga dadalhin sa pupuntahan nilang lugar.

Sa isang hotel sa cebu gaganapin ang meeting nito at manggagaling pa sa ibang bansa ang mga taong ka meeting nito. Katatapos lang ni andrea mag empake ng kanyang nga dadalhin. Kaunting pamalit na damit lang ang kanyang dinala dahil isang araw lang naman sila doon sa Cebu. Maya-maya pa ay may narinig si andrea na kumakatok sa labas ng pintuan ng kanyang sala. Mabilis siyang nag lakad upang pag buksan ang kumakatok sa labas. Naisip niya kasi na baka si mang Delfin na ito ang personal driver ng kanyang boss. Bago kasi siya umalis kanina sa kanilang opisina ay nag sabi ang kanyang boss na ipapasundo nalang siya nito kay Mang delfin at mag kikita nalang sila sa airport.

Hindi kasi sila maaaring gumamit ng helicopter dahil may sakit daw ang piloto ng helicopter na pag mamay ari pa ng yumaong ama ni nicko. Kung kaya sasakay nalang sila ng airplane para makarating sa Cebu.

Nang ganap ng mabuksan ni andrea ang pintuan ay hindi nga siya nag kamali dahil si mang delfin na nga ang taong kumakatok kanina sa kanyang pintuan.

"pinapasundo ka na ni Master ms. Andrea.. Nauna na siya sa airport at doon ka nalang daw niya hihintayin.." bungad sa kanya ni mang delfin.

"ah sige ho mang delfin, saglit lang ho at kukunin ko lang ho yung bag ko sa kuwarto.." tugon ni andrea at pagka sabi niyon ay agad na itong tumalikod at naglakad pabalik ng kanyang kuwarto.

Nang makabalik siya sa sala ay nakatayo parin si mang delfin sa labas ng kanyang pintuan.

" akin na ms. Andrea ako na ang magdadala sa kotse.. Wala ka na bang nakalimutan?.. Mahihirapan kang makabili doon ng mga kakailanganin mo dahil hindi papayag yun si boss na umalis alis ka.. Bukod kasi sayo ay wala na siyang ibang makakasama.. Ako naman ay susundoin ko nalang kayo sa airport pagka balik niyo dito sa maynila.. " paliwanag ng matandang driver kay andrea.

" wala na ho mang delfin.. Okay na ho yang mga dala ko.. " tugon naman ni andrea sa matandang driver.

Matapos na marinig ang sinabi ni andrea ay agad nang nag lakad papunta ng sasakyan si mang delfin bit-bit ang malaking back pack ni andrea. Mabilis ding ini-lock ni andrea ang pintuan ng kanyang tinutuloyang apartment at sumunod na kay mang delfin kung saan naka parada ang sasakyan.

Nang makasakay na si andrea sa likurang bahagi ng kotse, ay agad ding binuhay ni mang delfin ang makina ng sasakyan. Habang nasa biyahe sila papunta ng Airport ay biglang nag salita si mang delfin. Sinipat pa nito ng tingin si andrea sa salaming nasa harapan nito.

"ms. Andrea, kayo na po bahala kay sir nicko ha.. Alam niyo na po ang tungkol sa sakit niya diba.. Nabanggit niya po kasi sakin nung nakaraang araw na bukod sa akin ay may alam na rin daw po kayo tungkol sa kanyang sakit.. Alalayan niyo nalang po si sir nicko ma'am.. Ipa alala niyo sa kanya ang pag inom niya ng gamot.. Minsan kasi ay nakakalimutan kasi nun na uminom ng gamot.. Kaya nung isang araw ay inatake nanaman ito ng sakit niya.. "

" ay ganun po ba mang delfin.. Sige ho, huwag kayong mag alala, ako na hong bahala sa kanya.. " tugon ni andrea kay mang delfin.

Muli pang sumulyap sa kanya si mang delfin mula sa salaming nasa harapan nito.

"ewan ko ba kasi sa batang yun maam.. Matagal na naming sinasabihan na mag asawa na para may mag aalaga na sa kanya.." narinig niya pang saad ni mang delfin.

Napangiti si andrea sa narinig kay mang delfin.

"oo nga naman mang delfin.. Bakit kasi hibdi pa nag aasawa si sir? Sa tingin ko naman ay nasa tamang edad na siya para mag asawa.." tugon dito ni andrea.

"hay naku.. Diko rin maintindihan ang batang iyon.. Masyadong pihikan.. Mula ng mag hiwalay sila ng dati niyang kasintahan na si Monique ay hindi na ito muling nakipag relasyon pa.." kwento kay andrea ng matandang driver.

"eh bakit naman sila nag kahiwalay nung girlfriend niya mang delfin..? Kawawa naman si sir.. Malamang mahal na mahal niya yung Monique at baka hanggang ngayon ay hindi parin naka move on si sir kaya hindi pa siya nakikipag relasyon ulit.." tugon ni andrea sa matandang si mang delfin.

" ang alam ko kasi.. Hindi matanggap nung Monique ang sakit ni sir.. Minsan pa nga kapag mag kasama sila at inaatake ng sakit si sir ay nakikita kung ikinakahiya niya si sir.. Palagay ko isa yun sa mga dahilan kung bakit sila nagka hiwalay.. Na inlove talaga si sir dun kay Monique, kaya nga pinilit pa ni sir na itago niya ang kanyang sakit dito.. Pero wala pa silang isang taon ni sir nun, ay nalaman niya na ang sakit ni sir.. Nang minsang mag bakasyon sila sa palawan at inatake doon si sir ng sakit nito.. Nung una ay akala namin na tanggap ni Monique ang sakit ni sir.. Pero yun nga katagalan dahil sa ako ang personal driver ni sir ay madalas ko rin sila noon marinig na nag aaway. Madalas kasi mahuli ni sir nicko si Monique na may kasama itong lalake.. Ayun, hindi na siguro matiis ni sir ang panloloko sa kanya nung Monique kaya hiniwalayan niya na ito.. Kawawa nga yung si sir eh.. Kasi nakatakda na sana siyang mag propose ng kasal dun sa Monique, kaso yun nga.. Nahuli niya itong may kasamang lalaki.. " mahabang kwento ni mang delfin kay andrea.

Naka patong ang baba ni andrea sa naka tukod niyang dalawang braso sa harapang upuan ng kotse, habang nakikinig sa kwento ni mang delfin.

"kawawa naman pala si sir noh.. Grabe naman yung Monique na yun.. Siguro hindi niya talaga minahal si sir kaya ganun siyang umasta.." saad ni andrea habang salubong pa ang dalawang kilay nito.

"ganun na nga.. Kaya palagay ko ay may takot si sir nicko na makipag relasyon ulit.. Marami namang nagkaka gusto diyan sa batang yan eh.. Ayaw niya lang talagang sumugal ulit... Pero palagay ko, kapag may nakita na yang babae na muling bibihag ng kanyang puso ay doon lang ulit yun maglalakas loob na makipag relasyon.. " muli pang saad ni mang delfin.

Hindi na umimik si andrea tahimik nalang itong naka tanaw sa labas ng bintana. Maging si mang delfin ay hindi na ito muli pang nag kuwento.

May kalahating oras pa ang lumipas ay narating na nila ang airport. Sinamahan ni mang delfin si andrea sa lugar kung saan nag hihintay si nicko dito. Hindi naman sila nahirapan sa pag hahanap sa binatang amo dahil malayo palang ay natanaw na nila itong naka upo habang may kausap ito sa cellphone nito.

Tinapik ng driver sa balikat ang kanyang binatang amo at agad naman itong lumingon sa kanila kahit na nag sa salita parin ito habang naka dikit sa tenga nito ang hawak nitong cellphone. Sumenyas ito sa kanila gamit ang kaliwang kamay nito. Na ang ibig sabihin ay sandali lang. Nag hintay pa si mang delfin na matapos sa kausap nito ang kanyang amo. Naisip kasi nito na baka may sasabihin sa kanya ito kaya hindi na muna siya aalis.

May ilang sandali pa ang naka lipas ng ibaba ng kanilang amo ang cellphone na hawak nito. Agad itong tumayo at tumingin sa kanilang dalawa. May sinabi lang itong ilang mga bilin kay mag Delfin at agad na rin nitong pinaalis na si mang Delfin. Nang tumalikod na si mang Delfin upang umalis ay niyaya na rin nito si andrea na sumakay na sila ng eroplano. Habang bina bay-bay nila ang daan patungo sa kinaroroonan ng eroplanong sasakyan nila ay bahagyang nabigatan si andrea sa kanyang dala dalang back back. Napansin ito ng kanyang boss.

"Give me your bag.. Ako na ang mag dadala niyan." utos nito kay andrea.

Napangiti naman si andrea sa narinig. Naisip niya na gentlemen naman pala ang kanilang amo. Huminto siya sa pag hakbang at agad na inalis ang bag na naka sabit sa kanyang likod. Hindi pa niya ganap na natatangal ito buhat sa pag kakasabit sa kanyang likod ay kinuha na ito ng kanyang boss at ito na mismo ang kumuha ng bag sa kanyang likod.

"thank you sir.." saad niya sa kanyang boss ng may ngiti sa kanyang labi.

Hindi nag salita si nicko at tumango lang ito sa kanyang sinabi. At muli na itong nag lakad papunta sa kinaroroonan ng eroplanong kanilang sasakyan. Agad namang sumunod si andrea kung saan man ito lumiko.