Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 13 - Chapter Twelve

Chapter 13 - Chapter Twelve

KINABUKASAN alas sais palang ay nagising na si andrea. Tumawag kasi sa kanya si nicko na dadaanan siya nito sa kanyang kuwarto ng alas sais ng umaga,upang sabay silang mag agahan. Kaya ng mag alarm ang kanyang cellphone ng alas sais ay dali-daling bumangon si andrea ng kanyang kama at agad na pumasok sa banyo upang mag hilamos ng mukha at mag sipilyo ng ngipin. Mamaya nalang siya maliligo pag balik nila matapos kumain. Kasalukuyan na siyang nag susuklay ng kanyang buhok nang makarinig siya ng mahinang katok mula sa kanyang pintuan.

Mabilis ang kanyang hakbang papunta sa may pintuan. Nang buksan niya iyon ay si nicko na nga ang kumakatok. Gaya niya ay naka suot pa ito ng pambahay. Tanging short na kulay abo ang suot nito at puting T-shirt.

"good morning sir.." bati ni andrea dito ng makita niyang ito ang kumakatok.

"good morning!" bati naman nito sa kaniya.

"lets go? Mag break fast na tayo.." yaya nito kay andrea.

"sige po sir.." tugon ng dalaga sa kanyang amo at agad na ni-lock ang kanyang pintuan.

Nang umagang yun habang nag lalakad sa labas ng hotel ay doon lang mas higit na napansin ni andrea ang ganda ng resort na kanilang pinuntahan. Mas malaki pala ito kaysa sa kanyang inaakala. Nakita niyang nag sisimula palang lumabas ang araw at nakita niya ring madaming tao na ang naka tambay sa dalampasigan upang masilayan ang pag labas ng haring araw.

Tahimik lang si nicko na nag lalakad at si andrea naman ay pa linga-linga parin sa paligid. Naisip niya na sana pwede siyang mag swimming kahit na sandali lang. Bago man lang sana sila umuwi ni nicko. Habang nag lalakad ay hindi mapigilan ni andrea na mag selfie. Mabilisan niyang kinukuhanan ng litrato ang kanyang sarili. At sa tuwing malayo na ang agwat nila ni nicko ay patakbo siyang nag lalakad para maabutan ito.

Habang hawak niya ang kanyang cellphone ay panay rin ang pag picture niya sa paligid. Maging si nicko na nag lalakad ng naka talikod ay hindi niya rin ito pinalampas,maging ito ay kinuhanan niya ng litrato nang wala itong kaalam alam.

Huminto sila sa isang restaurant na napapalibutan ng mga puno. Nakita niyang nag lakad si nicko papasok kaya sumunod nalang siya dito. Pagka pasok nila ay may isang waiter na ang kaagad na lumapit sa kanila. Itinuro sila nito sa isang table na kung saan ay matatanaw mo ang mga ibat ibang uri ng bulaklak na naka tanim sa labas ng restaurant na iyon.

Nagulat pa si andrea ng makita niyang may mga pagkaing naka lagay na sa lamesang kanilang nilapitan. Naisip niya na marahil ay nag order na si nicko ng kanilang kakainin habang nasa kani kanilang kuwarto palang sila.

"wow sir, andami niyo naman pong inorder na pagkain.. Mukhang tataba ako agad kahit isang araw lang tayo dito.."

Hindi sumagot si nicko sa kanyang sinabi. Narinig niya lang na tumawa ito. Nang makita ni andrea na nag simula ng kumain si nicko ay tsaka palang siya kumuha ng kanyang makakain. Naisip niya na marami na naman siyang makakain ng umagang iyon. Sa kanyang apartment kasi ay kaunti lang ang kanyang naka kain dahil wala naman siyang kasabay na kumain doon. Napapa rami lang ang kain niya sa canteen kapag sinasabayan siyang kumain ni Lucas. Mas magana kasi siya kapag may kasabay siyang kumain.

Na unang matapos na kumain sa kanya ang kanyang boss. Habang inaantay siya nito na matapos ay may kausap ito sa kanyang phone. English ang salitang ginamit nito. Naisip ni andrea na marahil yun na ang magiging ka meeting nila mamaya. Nang makontento na si andrea sa laman ng kanyang sikmura ay doon lang siya tumigil sa pag kain. May kausap parin sa cellphone ang kanyang boss. Kaya si andrea naman ay iginala nalang ang kanyang paningin sa loob ng restaurant na kanilang kinakainan. Napansin niyang maraming kumakain sa restaurant na iyon, mas marami kaysa sa kinainan nila kagabi na restaurant. Halos wala ng bakante sa loob ng restaurant.

Kaya naisip niya na mabuti nalang at nag order ng maaga ang kanyang boss ng kanilang kakainin. Hindi mapigilan mapa ngiti ni andrea habang naka upo. Naisip niya rin kasi para pala silang nagdi date ni nicko. Dahil sila lang naman dalawa sa mesa na kanilang kinakainan. Naka ramdam si andrea ng pagka ihi. Tumingin siya kay Nicko, nakita niyang may kausap pa ito sa cellphone. Kaya hindi na siya nag paalam dito at tumayo siya upang mag tungo sa banyo. Maraming pintuan siyang nakikita kaya medyo nalilito siya kung saan ang papuntang banyo, kaya nag tanong siya sa naka salubong niyang waiter.

"ahmm.. Excuse me, saan banda ang c.r niyo?"

"doon po mam, pagka lapit niyo po doon ay nasa kanan po ang pambabae." tugon ng waiter na kanyang napag tanungan.

Habang papalapit sa c.r ay naramdaman ni andrea na sumasakit din ang kanyang tiyan. Kaya mabilis niyang tinunton ang c.r ng mga babae. Pag labas ni andrea ng c.r ay hindi na niya nakita si nicko sa lamesang pinag kainan nila kanina. Hindi niya namalayan na naka lapit na pala ang waiter na napag tanungan niya kanina.

"ahmm.. Mam, sabi po ng boyfriend niyo sa labas nalang daw po niya kayo hihintayin.." agad na saad kay andrea ng waiter.

"okay sige thanks.." tugon niya sa waiter. Hindi na niya Inabala pang itama ang sinabi ng waiter na hindi niya ito boyfriend kundi boss niya. Naisip niya kasi para saan pa, pauwi na rin naman sila mamayang hapon.

Pag labas ni andrea ay kaagad niyang nakita si nicko naka pa mewang ito habang naka sandal sa puno. Agad siyang nakita nito.

"okay ka na? Pwede na tayong bumalik ng hotel?" Tanong nito kay andrea pagka lapit palang ni andrea dito.

"opo sir.." tugon ng dalaga sa kanyang amo.

Nang maka balik sila ng hotel ay dumiretso na si andrea ng banyo at naligo na. Babalikan daw kasi siya ni nicko ng alas siyete imedya. Matapos na maligo ay kinuha na niya ang hinanda niyang susuotin kagabi palang.

Nag suot lamang siya ng isang simpleng bestida. Hanggang tuhod niya ang haba ng bestida na kulay Maroon. Sleeve less ito kaya pinatungan niya ng kulay puting blazer at tenernohan niya ng kulay puting sapatos na may dalawang pulgada ang taas ng takong.

Nag pahid siya ng pulang Lipstick sa kanyang labi. At nilugay niya lang ang kanyang buhok na lagpas balikat ang haba. Nag lagay lang siya ng puting Clip sa isang side ng kanyang buhok, at nag wisik ng kanyang pabango. Naisip niya na kailangan niyang maging presentable sa harap ng kanilang ka meeting lalo pa at taga ibang bansa pa ang mga ito.

Makalipas pa ang may kinse minutos ay narinig niya nang may kumakatok. Dinampot niya na ang kanyang bag at ang kanyang notebook na may naka dikit na ballpen tsaka nag lakad upang buksan ang pintuan. Pagka bukas pa lang niya ng pintuan ay naamoy niya na ang mabangong pabango ng kanyang binatang amo. Seryoso ang mukha nitong naka tayo sa labas ng pintuan.

"let's go.." narinig niyang saad nito.

Kaya kaagad na lumabas na si Andrea at muling ini-lock ang kanyang pintuan. Nauunang mag lakad sa kanya si nicko habang nasa likuran lang nito si andrea na nakasunod lang dito. Hindi na sila lumabas ng hotel na iyon kung saan sila naka check in. Umakyat lang sila sa ika sampung palapag ng hotel. Nang makarating sila sa ika sampung palapag ng hotel ay may pinasukan silang malaking kuwarto. Na may mahabang lamesa at mga upuan sa palibot nito. Carpeted ang sahig nito at may malaking white board at mga makina na nakalagay sa isang may kalakihan ding lamesa. Nang makarating sila ni andrea sa loob ng kuwartong iyon ay wala pa ang kanilang mga ka meeting. Inilabas na ni nicko ang kanyang personal laptop para sa kanyang presentasyon na gagawin. Mga investors kasi na mula sa ibang bansa ang kanyang kakausapin.

Mag tatayo din kasi siya ng iba pang branches sa ibang bansa at kailangan niya ng dagdag pa na pondo, Kaya kailangan niyang makumbinsi ang mga Foreign investors na makipag sosyo sa kanya. May ilang minuto pa ang lumipas ng isa isang dumating ang mga ito. Nang makumpleto na ang lahat ay nag simula na si nicko na mag paliwanag sa mga ito. Nasa walong investors ang dumating. Tahimik ang mga itong naka tingin lang at nakikinig sa mga sinasabi ni nicko.

Humanga si andrea sa nakitang galing ni nicko sa negosyo. Mahusay ang pagkaka sabi nito ng bawat kataga. Halos wala ng maitanong dito ang walong mga bisita. Lahat ng detalye at mga dapat malaman ng mga investors ay nasabi na ni nicko. Kaya sa bandang huli nang matapos itong mag paliwanag. halos lahat ng mga dumalo sa meeting na iyon ay nakapag desisyon kaagad na sila'y mag iinvest sa kumpanya ni nicko. Isa lang ang hindi nag invest at ang pito na naroroon ay mga nag sipag invest.

Nang matapos ang meeting ay nauna nang umalis ang isang hindi nag invest. At ang natitirang pito naman ay naiwan pa. Upang mas matuwa pa ang mga ito ay lumabas si andrea sandali at pag balik niya ay may mga pumasok ng apat na waiter, may dala dala ang mga itong tray na nag lalaman ng pag kain. Naisip niya kasi na medyo mahaba ang naging diskasyon ni nicko kaya malamang ay nauhaw o nakaramdam ng gutom ang mga ito. Habang isa isang nilalapag ng mga waiter ang mga pagkain ay nag salita ang isa sa pitong mga investors.

" thank you ms. Beautiful.. It doesn't seem to be the only thing to do if it comes to the Philippines. The Filipinos were so nice...When I arrived at the airport I was excited about the people I met... It's a good deal to deal with and it looks like it's here to find the woman I love.." saad pa nito na si andrea na ang kanyang tinutukoy.

Napa ngiti naman ang iba pang investors na naka rinig sa sinabi nito. Medyo bata pa ang investors na nag salita. Halos kaidaran lang ito ni nicko kung titingnan. Matangkad din ito ngunit medyo may pagka chubby