Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 14 - Chapter Thirteen

Chapter 14 - Chapter Thirteen

"Thank you sir.. I am happy because you enjoyed the way we treated you.." tugon ni andrea sa sinabi sa kanya ng isang foreigner.

Hindi na muling nag salita pa ito. Ngunit habang kumakain ay panay ang sulyap nito kay andrea. Nang matapos na kumain ang lahat ay isa isa na ring nag paalam sa kanila ang mga ito. Isa isa silang nakipag kamay kay Nicko at maging kay andrea ay nakipag kamay rin ang mga ito. Ngunit nag pa huli ang lalaking kaninang pumuri kay andrea.

Nag paalam na ito kay Nicko at nang lumapit na ito kay andrea ay may sinabi ito kay andrea na hindi niya alam kung pag bibigyan niya ba ito o hindi.

"I would have liked to know you better..Can you be invited to eat later outside?.." Tanong nito kay andrea.

Hindi alam ni andrea na nakikinig lang pala si nicko sa pag uusap nilang dalawa ng lalaki. Akma na sanang mag sasalita si andrea ng narinig niyang tumikhim si nicko at nag nag salita ito.

" sorry mr. Hamilton, Me and my girlfriend also have a place to go later.. And I'm a very jealous person.. I didn't want her to talk to another guy. I hope you understand me mr. Hamilton.." singit ni nicko sa pag uusap nilang dalawa ng Foreign investors.

Hindi kaagad ito nakapag salita ng marinig ang sinabi ni nicko.

" Oh I'm sorry mr. Buenavista, I didn't know that this beautiful lady is your girlfriend.. I'm going to leave.. I'm going to find another beautiful lady outside.. Nice to meet you both.." tugon nito sa sinabi ni nicko sa kanya.

Matapos na sabihin iyon ay nakangiti naman itong lumabas ng meeting room na iyon. Na patingin naman si andrea kay Nicko. Nag hahanap siya ng kasagutan dito kung bakit iyon sinabi ni nicko doon sa lalaking kausap niya kanina. Naramdaman naman ni nicko kung ano ang kahulugan ng tingin na iyon ni andrea.

"kilala ko si mr. Hamilton.. Babaero ang lalaking iyon. Kahit ngayon ko palang siya na meet ng personal ay pina imbestighan ko lahat ng ka meeting natin ngayon, kaya alam ko ang background ng bawat isa sa kanila.." paliwanag ni nicko kay andrea.

Nang marinig ni andrea ang paliwanag sa kanya ni nicko ay tumango lang siya dito ng may ngiti sa labi. Naisip niya na marahil ay ayaw lang siyang mapa hamak ni nicko. Kaya naisipan nitong mag panggap na magka sintahan sila.

Nang kinahapunan ay nag desisyon na si nicko na mag biyahe na sila pabalik ng maynila. Kinabukasan na kasi ang birthday ni donya eloi. Naisip niya na kailangan pa nilang mag handa ng kanilang mga susuotin para sa party.

Kasalukuyan silang naka sakay ng eroplano ng mga sandaling iyon. Mag katabi ulit sila ni andrea. Pagka sakay palang nila ng eroplano ay kusa na siyang umupo sa may tabing bintana. Alam naman kasi niya na magre request nanaman sa kanya ang kanyang secretary. Habang umaandar na ang sakay nilang eroplano ay may iniabot sa kanya si andrea. Nang yumuko siya upang tingnan ito ay nakita niya ang kanyang panyo.

"binabalik ko na po sa inyo sir.. Nalabhan ko na po yan.. Maraming salamat po.." saad sa kanya ni andrea.

Tumango lang si nicko sa dalagang secretary at kinuha na niya ang kanyang panyo. Habang nasa biyahe ay wala silang imikan na dalawa. Gusto sanang tanungin ito ni nicko nang tungkol sa back ground nito. Kinuha niya itong secretary ng wala siyang alam sa pinanggalingan nito. Magaan ang loob niya sa bagong sekretarya na hindi niya mawari kung bakit.

Nang lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano sa airport ng maynila ay agad niyang tinawagan si Delfin na sunduin na sila sa mismong Airport. Kaya naman pagka labas palang nila ng gate ng airport ay nandoon na kaagad si Delfin na nag hihintay na sa kanila. Naka ngiti itong sumalubong sa kanila. Kinuha nito ang back pack ni andrea na dala dala ni nicko.

Pagka sakay palang nila ng kotse ay nangumusta na sa kanila si mang delfin.

"kamusta naman ang lakad niyo iho?.."

"okay naman ho uncle.. Pito sa walong investors na naka meeting namin ay pumayag na mag invest sa kumpanya.."

"wow, congratulations iho! Sabi ko na nga ba may good news kayo pag balik niyo dito.. Suwerte yata sayo si andrea.." tugon ni Delfin at tumingin ito kay andrea na naka upo sa likurang bahagi ng kotse.

"hindi naman po mang delfin.. Magaling lang ho talaga si sir nicko mag salita.. Humanga nga po ako sa kanya.."

Tugon naman ni andrea at tumingin siya kay Nicko. Hindi niya alam na naka tingin pala ito sa kanya. Nag tama ang kanilang paningin.

"dapat nating I-celebrate yan! Lalago nanaman ang negosyo ni nicko at napa tunayan mo na naman diyan sa step dad mo na magaling ka talaga.. Kaya kahit kailan ay hindi niya makukuha ang kumpanya mo.."

Saad pa ni mang delfin kay Nicko.

"oo nga uncle.. Kapag hindi na ako busy ay mag ce-celebrate tayo.." tugon ni nicko.

Habang nasa daan ay sinabihan na ni nicko si Delfin na idaan nalang nila si andrea sa inuupahan nitong apartment. Nang makarating na sila sa paupahan ni andrea ay si Delfin na ang muling nag buhat ng bag ni andrea at inihatid pa niya ito sa mismong pintuan ng apartment. Si nicko naman ay hindi na bumaba ng sasakyan at doon niya nalang hinintay si Delfin na makabalik. Tinatanaw nalang niya ang dalawa sa salamin ng bintana.

"sige ho mang delfin, maraming salamat po sa pag hatid.." saad ni andrea ng mabuksan na niya ang kanyang apartment.

Pagka sabi niyon ay umalis na rin si Delfin at bumalik na ito ng kotse.

Kinabukasan ay araw na ng party sa mansiyon ng mga del Castillo. Dahil wala namang sasakyan si andrea ay sumakay na lamang siya ng taxi. Nahihiya naman kasi siya kung jeep ang kanyang sasakyan papuntang mansiyon. Naka suot kasi siya ng long dress na inupahan niya pa sa isang tailoring shop na malapit sa kanyang inuupahang apartment.

Kulay brown ito na mayroong slit sa magka bilaang hita. Maganda ang tela ng damit na talagang sinusuot sa party. Hindi kagandahan ang hubog ng katawan ni andrea ngunit may kalakihan ang kanyang dib-dib kaya bumagay sa kanya ang korte ng gown at nag mukhang sexy parin siyang tingnan. Medyo tumaba kasi siya ng mag trabaho siya sa Maynila. Konti nga siyang kumain kapag nasa apartment niya siya. Pero pag dating naman kasi sa trabaho ay maya't maya ang nguya niya ng kung ano ano sa kanyang table sa office.

Nagpa ayos siya ng buhok sa isang parlor na malapit sa kanila. Nag pa tuwid siya ng buhok at nagpa lagay na rin ng kulay. At mas lalong pumusyaw ang mamula mula niyang balat. Hindi Kaputian si andrea ngunit ang balat nito ay mamula mula lalo na kapag siya ay tumatawa. Ang mukha niya ay nagiging pinkish. Biniyayaan din siya ng magandang mga mata. Parang naka ngiti ang kanyang mga mata kahit na naka simangot man siya at ang kanyang ilong ay matangos na maliit, maging ang kanyang labi ay magandang lagyan ng Lipstick dahil hugis puso ito na bumagay sa maliit niyang mukha.

Hindi katangkaran si andrea nasa 5'2" ang kanyang taas, kaya nag suot siya ng sandals na nasa 3 inches ang taas. Hapit sa kanyang katawan ang suot niyang long dres. At kahit na may mga baby fats siya sa tiyan ay hindi gaanong halata dahil sa dark ang pagka brown nito.

Binagayan niya ito ng kulay rose gold na sandals at rose gold ding kulay ng hand bag. Nag pahatid siya sa mismong tapat ng mansiyon ng mga del Castillo. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil maayos na naituro sa kanila ng bantay na guard sa gate ang mismong lokasyon ng mansiyon ng mga del Castillo. Ganap na alas kuwatro ng hapon siya dumating sa party. Ipinakita niya sa guard na naka bantay ang ibinigay sa kanyang invitation card ni lucas.

Kaagad naman siyang pinapasok ng mga guard. Pagka pasok ni andrea ay medyo nahihiya siyang mag lakad. Tingin niya kasi ay mayayaman talaga ang mga taong naroroon. Naririnig niya pa ang mga itong nag uusap ng salitang ingles. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Lucas dahil sa laki ng bahay ng mga ito. Marami na ring tao sa mismong lokasyon ng party.

Naisip niyang kunin ang kanyang cellphone sa loob ng bag at tawagan nalang si Lucas. Naka tingin na kasi sa kanya ang karamihan dahil may ilang minuto na siyang nag iikot sa loob ng mansiyon. Nahihiya naman siyang mag tanong. Nakita niya rin kasing mabilis ang kilos ng mga naka unipormeng kasambahay doon na wari bang may hinahabol ang mga ito.

Hawak na niya ang kanyang cellphone ng kusa itong tumunog. Agad niyang tiningnan ang screen ng kanyang cellphone at pangalan kaagad ni Lucas ang kanyang nakita. Agad niya itong sinagot.

"hey andeng, nasan ka na?.." agad na tanong sa kanya ni Lucas, pagka sagot palang niya ng tawag nito.

"nandito na ako Luke.. Kaso madaming tao.. Hindi kita mahanap..." tugon niya kay Lucas.

"alright, tell me kung saan ka banda ako nalang ang pupunta sayo.."

Agad naman na sinabi ni andrea kung saan siya banda naka tayo. May tatlong minuto lang siyang nag hintay at natatanaw na niya si Lucas na palapit sa kanyang kinatatayuan. Naka ngiti ito habang nag lalakad. Napaka gwapo ni Lucas sa kanyang paningin ng mga oras na yun.. Para itong si Leonardo de carpio na naka suot ng magarang damit. Kinikilig si andrea habang palapit sa kanya ang binata.

"hi, Andrea! You look so beautiful today!.. Ang swerte ko naman dahil ikaw ang parner ko ngayon.. Tiyak na matutuwa din si mommy, dahil makikilala ka na niya.." agad na saad ni Lucas pagka lapit palang nito kay andrea.

Hindi naman naka imik si andrea sa sinabi sa kanya ni Lucas. Mas lalo kasi siyang nakaramdam ng kilig ng purihin siya nito.

"let's go na.. Ipapa kilala muna kita sa birthday celebrant.." yaya sa kanya ni Lucas.

Ngumiti ng malawak si andrea kay Lucas at humawak sa palad ng binata na naka lapag na sa kanyang harapan. Magka hawak sila ng kamay habang nag lalakad. At halos lahat ng nakaka salubong nila ay mga naka tingin sa kanila. Pakiramdam tuloy ni andrea ay para silang magka sintahan ni Lucas, gayong hindi pa naman niya ito sinasagot.