Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 18 - Chapter Seventeen

Chapter 18 - Chapter Seventeen

Sinundan nila ang video kung saan nakita si nicko. Habang tumatagal itong nag lalakad ay napansin ni andrea na hirap na itong mag lakad at pinipilit lang nito. Katagalan pa ay nanginginig na ang binata.

Doon na naalarma si andrea. Pumasok na sa kanyang isipan na inaatake nanaman si nicko ng kanyang sakit. Binalot ng kaba ang kanyang dib-dib ng mga sandaling iyon.

Hanggang sa nakita nila na may pinasukang kuwarto ang binata.

"ma'am, naka check in po ba dito ang asawa niyo?"

Tanong ng officer kay andrea.

"h-hindi ko po— alam sir eh.. Ah, hindi po kasi kami mag kasama kahapon.. Baka kahapon po nagpa book po siya dito.." tugon ni andrea.

"kasi ma'am, mukhang naka check in siya dito, dahil nakita niyo naman po na may susi siya nung kuwartong pinasukan niya.. Kaya malamang po nakapag check in siya dito.."

"ah okay po.. Eh sir, pwede ko bang malaman yan, kung saang floor yan at anong room number?.. Mu—mukhang inatake na naman po ata ang asawa ko.. Kailangan mapuntahan ko siya agad.."

"o sige po ma'am sandali"

Nakita ni andrea na kumuha ng maliit na papel ang lalaking Officer at may isinusulat ito doon. Nang tapos na itong mag sulat sa papel ay iniabot nito kay andrea.

"ito po ma'am.. Sinulat ko po diyan ang floor at room number na pinasukan ng asawa niyo.."

"sige ho kuya, maraming salamat po! Pupuntahan ko na po muna siya.. Salamat po ulit"

Pagka sabi niyon ni andrea ay hindi na niya narinig pa ang isinagot ng lalaki sa kanya. Agad na kasi siyang tumalikod at nag lakad palabas ng cctv room.

Dahil sa hindi na niya talaga kaya ang sakit ng kanyang paa, ay nag desisyon na si andrea na hubarin nalang niya ang kanyang sapatos. Bahala na kung pag tinginan man siya ng mga taong nakaka kita sa kanya. Ang importante ay mapuntahan niya kaagad si nicko sa kuwartong pinasukan nito. Hinihiling niya nalang na sana hindi ni-lock ni nicko ang kuwarto na pinasukan nito. Dahil kapag naka lock ito ay mas matatagalan pa siyang maka pasok doon sa kuwarto.

Halos takbuhin na ni andrea ang ika labing anim na palapag ng hotel na iyon. Doon kasi nakitang pumasok si nicko. Malapit lang pala ito sa meeting room na dinaluhan nila kanina.

Mula sa ground floor ng hotel ay sumakay siya ng elevator pa akyat ng ika labing anim na palapag ng hotel. Maswerte siya dahil pag tapat niya palang ng elevator ay bumukas kaagad ito dahil may bumaba na mag asawa. Marahil ay mga naka check in din ang mga ito doon.

Nang marating ni andrea ang ika labing anim na palapag ay patakbo na niyang pinuntahan ang numero ng kuwarto na naka sulat sa papel.

Nang mahanap na niya ay mabilis niyang pinihit ang siradura ng kuwarto. Nag buga siya ng hangin mula sa kanyang bibig at itinulak ang pintuan ng kuwarto. Mabuti nalang at hindi naka lock ang kuwarto kaya pag pihit palang niya ng siradura ay alam niya na kaagad na hindi ito naka lock.

Agad siyang pumasok ng kuwarto at mabilis na iginala ang kanyang paningin. Naka amoy siya ng malansa at maasim na amoy na di niya malaman kung saan nang gagaling. Tinatawag niya ang pangalan ni nicko. Ngunit wala siyang narinig na sagot mula dito. Naisipan niyang buksan ang pintuan ng banyo. Baka naroon kasi sa loob ito. Ngunit nabuksan na niya ang banyo ay wala naman doon si nicko.

Pag pihit niya ng kanyang katawan ay nanlaki ang mga mata ni andrea sa kanyang nakita.

Naka handusay si nicko sa ibaba ng kama. Hindi ito gumagalaw at naliligo ito sa sarili nitong suka. Nasa sahig din ang cellphone nito.

Mabilis na nilapitan ito ni andrea. Inilapag niya sa sahig ang hawak niyang laptop at pati na rin ang kanyang bag.

Pinipilit niyang gisingin si nicko. Kinapa niya ang pulsuhan nito. Naka hinga naman ng maluwag si andrea ng maramdaman niyang humihinga pa ang binata.

Pilit niya itong ginigising habang tinatawag ang pangalan nito. Bahagya lang dumilat ang mata nito at may sinasabi ito ngunit hindi niya masyadong maintindihan kaya minabuti niyang ilapit ang kanyang tenga sa bibig nito habang nag sasalita.

"my medicine.."

Narinig niyang sinabi ni nicko sa nanginginig na boses. Naramdaman niya ring nanginginig din maging ang katawan nito. Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan ni nicko na naka sabit lang sa suot na pantalon nito.

"okay sir, just wait here.. I will get your medicine!"

Matapos na sabihin iyon ni andrea ay mabilis ang kanyang kilos na lumabas ng kuwarto at patakbong bumalik ng Parking lot kung saan naka park ang sasakyan ni nicko.

Hindi na alintana ni andrea ang kanyang antok, pati na rin ang kanyang hilo. Maging ang mga naka tinging tao na kanyang nakaka salubong. naka paa parin kasi siyang tumatakbo pabalik ng Parking area.

Nang marating na ni andrea ang parking area ay halos liparin na niya ang kinaroroonan ng kotse ni nicko at agad na binuksan ito ng kanyang marating.

Hindi naman siya na hirapang hanapin ang mga gamot ni nicko na naka lagay lang sa harapan ng kotse. Nasa tabi lang ito ng manibela. Naka lagay ito sa isang medicine box.

Nang makuha ni andrea ay patakbo ulit siyang nag lakad pabalik ng hotel.

Nang maka balik siya ng kuwarto ay agad na nilapitan niya si nicko upang Iabot dito ang mga gamot nito at kumuha siya ng tubig. Mabuti nalang dahil may nakita siyang water dispenser sa loob ng kuwartong iyon. May naka lagay na ring mga baso at tasa malapit dito.

Nang maka kuha siya ng tubig na ipapa inom kay Nicko ay agad siyang nag lakad pabalik sa kinaroroonan ng binata. Ngunit nakita niyang naka higa parin ang binata sa sahig. Nakita niyang hirap na maka Bangon ng mga sandaling iyon si nicko. Pilit itong bumabangon, ngunit natutumba lang ulit ito.

Nang maka lapit siya dito ay inilapag niya muna ang baso ng tubig na kanyang hawak at tinulongan si nicko na maka upo sa sahig.

Nang maka upo na ito ay doon lang ito naka inom ng gamot. Nanginginig parin ang ulo nito at maging ang katawan nito. Nang pina inom pa nga niya ito ng tubig ay nag katapon tapon pa ang lamang tubig ng baso at halos kalahati nalang ang natira.

Mabuti nalang at naka inom ito bago tuluyang maubos ang laman ng baso.

Nang matapos nang maka inom ng mga gamot si Nicko ay napa salampak sa sahig si andrea. Doon niya lang naramdaman na nanginginig rin pala ang kanyang mga kalamnan. Marahil sa pagod at sa sobrang nerbiyos. Hindi na niya namalayang tumulo ang kanyang mga luha.

"thank you..." narinig niyang nag salita si nicko na naka upo parin sa sahid at naka sandal ang likurang bahagi nito sa paanan ng kama.

Marahang ibinaling ni andrea ang kanyang paningin dito. Kahit malabo ang paningin ni andrea ay nakita niya ang binata na umiiyak din ito. Sa kalaunan pa ay nakikitang na niyang humagulhol pa ito ng iyak.

Hindi na ni andrea magawang lapitan ang binata. Dahil ramdam na niya ang pananakit ng kanyang katawan. Maging ang  kirot sa kanyang magka bilaang paa na parehong namumula ang sakong.

Hindi namalayan ni andrea na naka idlip na pala siya habang naka upo sa sahig.

Nang maalipungatan siya ay tumingin siya sa gawi ni nicko. Naka higa na ulit ang binata sa sahig. Nakita niya pa ang bakas ng mga luha na natuyo na sa magka bilaang pisngi nito.

Pinakiramdam ni andrea ang kanyang sarili kung may lakas na ba siyang maka tayo ulit.

May limang minuto pa siyang naka upo lang sa sahig at naka tingin lang kay Nicko na tingin niya ay naka tulog na rin ito. Marahil ay epekto na rin ng mga gamot na ininom nito.

Maya-maya pa ay nag desisyon na si andrea na lapitan si nicko. Basang basa kasi ito ng suka at nadag dagan pa ng natapong tubig kanina.

Pikit mata siyang dahan-dahang tinatanggal ang mga damit ni nicko. Kailangan niya kasi matanggal ang mga damit nito. Kundi matutuyo na sa buong katawan niya ito. Malakas pa naman ang aircon ng kuwarto.

Halos maubos ang natitira niyang lakas sa pag tanggal ng mga damit ni nicko. Tulog parin kasi ang binata. Kinabahan pa si andrea ng pantalon na nito ang kanyang huhubarin. Mabuti nalang naka suot ng boxer short ang binata at hindi nabasa ang boxer short nito kaya hindi na niya sinama sa pag hubad.

Luminga si andrea sa kabuuan ng kuwarto. Nakita niyang may cabinet na mahaba ang naka lagay sa likurang bahagi ng kama. Lumapit siya dito. Mag babaka sakali siyang may laman itong mga damit. Ngunit pag bukas niya ay wala siyang nakitang kahit na anong damit doon.

Ngunit may nakita naman siyang dalawang roba. Ang isa ay pang babae at ang isa naman ay pang lalaki. Kinuha niya ang pang lalaking roba. At ipinasuot kay Nicko.

Mahaba ang roba na halos umabot sa tuhod ni nicko. Ibinuhol niya ang magka bilaang tali ng roba upang hindi ito bumukas.

Pagka tapos ay sinusubukang gisingin ni andrea si nicko. Papa lipatin niya kasi ito sa kama. Upang malinis niya na rin ang sahig na nalagyan ng suka ni nicko.

Maging siya kasi ay nasusuka talaga sa amoy ng suka ni nicko. Kaya wala siyang magagawa kundi ang linisin ang nag kalat na suka ni nicko sa sahig, para hindi na niya maamoy pa ang suka nito.

Ilang minuto na niyang ginigising si nicko ngunit hindi parin nagigising ang binatang amo. Halos naiiyak na naman si andrea. Naiisip niya na kung palagi nalang ganito ang mangyayari kay nicko sa tuwing mag kasama sila nito, ay kawawa naman siya.

Hindi naman iyon ang pinangarap niyang maging trabaho. Oo naaawa siya sa amo niya,pero hanggang kailan sila magiging ganoon. Sa tuwing magka sama sila nito ay palagi nalang siya kinakabahan. Paano pa pala kung mas madalas pa ang pakikipag meeting nito. Wala naman siya magagawa kundi ang sumama dito dahil sekretarya siya nito.

Habang iniisip niya iyon ay naka tingin siya sa mukha ni nicko. Nanghihinayang siya dahil gwapo pa naman ito at bilang amo naman ay mabait naman din ito sa kanya, kahit na may pagka istrikto ito.