Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 19 - Chapter Eighteen

Chapter 19 - Chapter Eighteen

Naisip ni andrea na kung magre resign siya ay paano na ang kanyang amo. Ngayon pa na pinag kakatiwalaan siya nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pina kawalan ni andrea. Nag pasya siya na hindi na muna magre resign. Hangga't kaya niyang gampanan ang pagiging secretary niya dito at kaya niya pang tiisin ang kanyang mga pinag dadaanan ay sige tuloy lang siya.

Matapos makapag isip ni andrea ay muli niyang tinapik si nicko sa braso nito habang tinatawag ang pangalan. Hindi naman na nabigo si andrea dahil dahan-dahang iminulat ni nicko ang mga mata nito.

Pagka mulat ay sinabihan agad ito ni andrea na lumipat na ng kama. Tango lang ang itinugon ni nicko sa kanya.

Ubod lakas niya itong itinayo. Nilagay niya ang isang braso ni nicko sa kanyang balikat habang hawak ito sa bewang. Pinilit naman ng binata na bigyang lakas ang kanyang mga tuhod upang maka tayo.

Nang ganap ng mailipat ni andrea si nicko sa kama ay nag hanap na siya ng panlinis upang matanggal ang mga kalat na suka ni nicko sa sahig. Maging ang isinuot nitong mga damit ay niligpit niya rin. Kahit malakas ang aircon ay pinag pawisan parin si andrea sa paglilinis. Ilang beses niya kasing pinunasan ang  sahig upang tuluyang mawala ang amoy.

Naka hinga na siya ng maluwang ng matapos na siya. Nakita niya ang kanyang sarili sa salamin. Gulo-gulo na ang kanyang kanina ay maayos na buhok. Halos basa na ito ng pawis, maging ang kanyang katawan ay nanlalagkit na rin sa pawis. Kaya kinuha niya sa cabinet ang nakita niyang pambabaeng roba at tsaka pumasok sa banyo, upang maligo.

Dahil malapad naman ang kama at nasa kabilang dulo naman nakahiga si nicko na noo'y tulog na tulog parin. Doon nalang din sa kamang iyon nahiga si andrea matapos itong maligo.

KINABUKASAN nagising si andrea na may humihimas sa kanyang pisngi. Nang maramdaman niya ito ay marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Nakita niya si nicko naka ngiti ito habang naka upo sa kanyang tabi at naka tingin sa kanyang mukha.

"good morning.. Sorry kung na istorbo kita sa pag tulog mo.. Baka kasi nagugutom ka na.. Halika kain ka na muna.. Matulog ka nalang ulit pagka tapos mong kumain..."

Saad ni nicko sa kanya.

Hindi umimik si andrea dito. Pero marahan siyang bumangon at umupo sa kama. Nang maka upo siya ay nakita niyang naka upo na sa upuan si nicko at may lamesang puno ng pagkain sa harapan nito. Nakita niya pang may umuusok pa na pagkain doon.

"come here let's eat.." tawag sa kanya ni nicko.

Hindi naman na nag dalawang isip pa si andrea. Mabilis siyang nag lakad palapit sa kinaroroonan ni nicko. Kagabi pa kasi siya nakakaramdam ng gutom. Idinaan niya nalang sa pag tulog dahil mas lamang ang pagod at antok na kanyang na raramdaman.

Parehong maraming nakain ang dalawa. Halos maubos nila ang mga pagkaing inorder ni nicko. Narinig niya pang dumighay si andrea.

"Go back to sleep first if you want. We're not going to go to work today.. Pasensya ka na ha.. Alam ko napagod ka sa akin kagabi.." saad ni nicko kay andrea.

"sige po sir.." tugon ni andrea.

Pumasok lang sandali si andrea sa banyo upang mag sipilyo at umihi at pagka tapos ay muli siyang humiga sa kama. Inaantok pa kasi siya ng mga sandaling iyon at pinilit niya lang na bumangon upang magka laman ang kanyang sikmura.

Pagka labas niya ng banyo ay Nakita niya si nicko na naka tayo sa labas ng beranda. Doon lang napansin ni andrea na may beranda pala sa kaliwang bahagi ng kuwarto na iyon.

Naka tanaw si nicko sa malayo na animo'y may malalim na iniisip. Hindi na niya ito pinansin pa at muli na siyang bumalik sa pag kakahiga.

May ilang minuto lang na naka dilat ang mga mata ni andrea at muli na siyang naka tulog. Nagising siya ng alas onse ng tanghali. Nagising siya na mag isa lang sa kuwarto. Naiinis nanaman siya ng mga sandaling iyon. Dahil nakakaramdam siya ng kaba sa tuwing magka sama sila ni nicko.

Narinig niyang may kumakatok sa pintuan. Agad siyang nag lakad upang pag buksan ang taong nasa labas. Naisip niya na hindi ito si nicko, dahil hindi naman na yun kakatok kapag si nicko ang nasa labas.

Nang mabuksan ni andrea ang pintuan ay bumungad sa kanya ang isang lalaking naka uniporme. Isa ito sa staff ng hotel na iyon. Naka ngiti itong iniabot kay andrea ang hawak nitong malaking paperbag.

"ma'am para daw po sa inyo, ipinapa abot ni sir.. Para daw po may pamalit kayo.." saad ng lalaking naka uniporme.

Ngumiti lang si andrea dito at umalis na rin kaagad ito pagka kuha niya ng paper bag dito.

Nang maka balik si andrea sa kama ay binuksan niya ang Paper bag isang bestidang floral na kulay pink ang nakita niya, may tag price pa itong naka sabit at nagulat siya ng Tingnan niya ang presyo. Nagkaka halaga ito ng walong libo at limang daan. Nang mailabas niya ang bestida ay may nakita pa siyang isang box sa ilalim ng paper bag. Kinuha ito ni andrea at binuksan.

Naglalaman ito ng white sandal, may takong ito ngunit hindi naman kataasan. May presyo ding naka dikit pa sa box nito. Nang tingnan niya ang presyo ay nagulat din siya. Mas mahal pa ang presyo nito kaysa sa damit. Nasa sampung libo at pitong daan ang presyo na naka sulat sa box nito. Alam niyang hindi naka sale ang mga iyon, dahil iba ang kulay ng Price tag kapag naka sale ang item.

Sa tuwing bumibili kasi siya sa mall ay yung mga naka sale na item palagi ang kanyang binibili at hindi yung mga, hindi naka sale na kulay puti ang naka lagay na Price tag. Gusto niya kasi ay Madami siyang mabili sa dala niyang pera.

Tumayo si andrea at nag tungo sa banyo upang maligo. Nang makalabas siya ng banyo ay nagulat pa siya dahil nasa kuwarto na si nicko, naka upo sa kama at naka tingin sa gawi niya. Hindi na roba ang suot nito na ipinasuot niya kagabi. Maganda na ang bihis nito. Naka pants ito ng cotton na kulay gray at shirt na kulay blue.

Naka ngiti ito sa kanya. Nakaramdam ng pagka ilang si andrea ng mga sandaling iyon. Akala niya kasi ay wala parin si nicko at sa kama sana siya banda mag bibihis. Nandoon niya kasi ipinatong ang kanyang damit na ibinigay sa kanya ni nicko.

Ngumiti siya ng tipid sa binata. At nag lakad sa kama upang kunin nalang ang kanyang damit at sa banyo nalang siya mag bibihis. Nang nakuha na niya ang damit ay akma na sana siyang maglalakad pabalik ng banyo. Nang marinig niyang nag salita si nicko.

"I'll go out first, so you can get dressed.. Tiningnan ko lang kung gising ka na.." saad nito sa kaniya at pagka tapos sabihin iyon ay nag lakad na ito palabas ng kuwarto.

Napa ngiti si andrea nang maka labas si nicko. Gentlemen talaga ang kanyang boss. Akala niya kasi ay wala na itong balak na umalis. Mabilis naman siyang nag bihis pagka labas palang ni nicko. Nang maisuot niya ang bestida ay humarap siya sa malaking salamin na naka lagay sa tabi lang ng kama.

Napa ngiti siya sa nakita niya. Saktong sakto lang sa kanya ang sukat ng damit at bagay na bagay sa kanya ang kulay at design nito. Isinukat niya rin ang sandal na binili sa kanya ni nicko, saktong sakto lang din sa kanya ang sukat nito at bagay na bagay ang Design nito sa kaniyang paa, maging sa kulay ng kanyang suot na bestida.

Sinubukan niyang ilakad ang sandal na kanyang suot. Natuwa din siya ng mailakad niya ito. Dahil hindi siya masyadong naka ramdam ng sakit sa kanyang paa.

Kahit na mapula pa ang kanyang sakong at may sugat pa ito ay hindi niya masyadong naramdaman ang sakit. Sobrang lambot kasi nito. Dahil na rin siguro sa taas ng presyo nito.

Nag suklay siya ng buhok at nag ayos ng kanyang mukha. Nag lagay lang siya ng kaunting make up sa kanyang mukha.

Maya-maya pa ay nakita na niyang pumasok si nicko mula sa salamin na nasa kanyang harapan. Naka ngiti itong lumapit sa kanya.

"kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito kay andrea.

"dapat po ako ang mag tanong niyan sa inyo sir.. Kagabi lang ay akala ko mamatay na kayo..."

Saad ni andrea kay Nicko at ipinihit niya ang kanyang katawan paharap sa binata. Umiwas ng tingin ang binata sa kanya ng humarap siya.

"okay na ako.. Don't worry about me.." tugon nito sa kaniya na hindi parin tumitingin sa kanya.

"come here.. Give me your foot..." muli pa nitong saad kay andrea at umupo ito sa gilid ng kama sa kanyang tabi.

Doon lang napansin ni andrea na may hawak pala itong maliit na box na nag lalaman ng mga gamot. Nang hindi parin kumikilos si andrea ay ito na mismo ang kumuha ng kanyang paa. Nabigla siya sa ginawa ng binata.

Nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil hawak nito ang kanyang paa na hindi naman kagandahan. Ilang buwan na kasi siyang hindi nakakapag palinis ng kanyang mga kuko. Ipinatong ni nicko ang kanyang paa sa binti nito. At marahang nilinisan ang kanyang sugat. Matapos itong linisan ng binata ay pinahirapan nito ng cream ang kanyang paa sa may parteng may sugat.

Ganun din ang ginawa nito sa kabilang paa,nilinisan at nilagyan nito ng cream. Naka ramdam pa siya ng ginhawa sa nilagay nitong cream. Malamig kasi ang cream at pakiramdam niya ay nag lahong bigla ang sugat niya sa paa. Nilagyan din nito ng bandage ang parteng may sugat. Siguro para hindi matanggal ang gamot na ipinahid nito.

Pagka tapos niyon ay ibinalik nito sa Box ang mga gamot na ginamit nito sa kaniyang paa. At iniabot nito sa kaniya ang box.

"Keep it, so that, when you get a wound again, you have a cure for it.."

Si andrea na ang nag baba ng isa niyang paa at tsaka kinuha ang box na iniaabot sa kanya ni nicko.

"thank you sir.."

"huwag mo na pala akong tawaging sir.. Nick nalang, feeling ko kasi ang tanda ko na.. At tsaka kailangan natin mag panggap na may relasyon kapag kaharap natin ang mga negosyanteng kasosyo natin sa kumpanya.." paliwanag nito kay andrea.

Nang mga sandaling iyon ay naka tingin na ito kay andrea. Hindi maintindihan ni andrea kung bakit pakiramdam niya ay parang napapaso siya sa mga tinging iyon ni nicko sa kanya. Siya na ang nag iwas ng kanyang paningin dito.

"s-sige po nicko"

Tugon ni andrea sa kaharap na hindi parin tumitingin dito. Narinig naman niyang tumawa ito.

"nicko nga ang tawag mo sa akin, may, po naman sa dulo!" saad nito sa kaniya at muli itong tumawa.