May isang oras na silang naka upo at umiinom ng alak kasama ang mga business man na ka meeting nila kanina ay nakita niyang tumayo si nicko at wala itong sabi sabing bigla nalang nag lakad palabas ng kuwarto na kanilang kinaroroonan.
Naisip ni andrea na baka magba banyo lang ito kaya hindi na nag sabi sa kanya.
Ngunit halos may kinse minutos na ang nakakalipas ay hindi parin bumabalik ang binatang amo, kaya nag desisyon na si andrea na sundan na ito kung saan man ito nag punta. Nag paalam siya sa mga lalaking naiwan sa loob na mag babanyo lang. Tumango lang ang mga ito sa kanya, dahil abala ang mga ito sa pagku kuwentohan ng tungkol sa negosyo.
Nang ganap na maka labas si andrea ng meeting room ay kaagad niyang hinanap ang comfort room, dahil doon niya lang naisip na maaaring nag punta si nicko. Lakas loob siyang nag tanong sa mga taong nasa loob ng panlalaking comfort room kung nandoon ba si nicko. Diniscribe niya ang itsura at kasuotan ni nicko.
Ngunit lahat ng mga taong naroroon sa loob ng panlalaking comfort room ay nag sasabing wala si nicko doon sa loob. Inisip ni andrea kung saan pa niya maaaring hanapin ang kanyang amo. Naisip niya na baka nagka mali ito ng pinasukang comfort room at sa pang babae ito naka pasok.
Nang marating niya ang pang babaeng comfort room ay wala din ito doon. Binuksan niya ng lahat ng cubicle, ngunit wala siyang nicko na nakita. Doon na niya naisipang tawagan ito at tanungin nalang kung nasaan ito. Ngunit nakaka ilang dial na siya ng numero nito sa kaniyang cellphone ay out of coverage area ang sinasabi ng operator.
Nag tanong na rin siya sa lahat ng mga security guard na naka duty sa loob ng hotel na iyon, ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung nasaan si nicko. Lakad takbo na ang ginawa ni andrea upang kaagad na mahanap si nicko.
Hanggang sa napagod na siyang mag hanap. Bigla siyang huminto sa pag lalakad ng maalala niyang naiwan nga pala ang kanyang laptop sa loob ng meeting room, kaya dali-dali siyang nag lakad pabalik ng meeting room upang balikan ang kanyang naiwang laptop. Bago siya muli pumasok ng meeting room ay hindi siya maka isip ng idadahilan kung ano ang idadahilan niya sa mga taong nasa loob kung bakit wala parin si nicko. Malamang kasi ay uusisain siya ng mga taong nasa loob, lalo na sina mr. Hamilton at ang step dad ni nicko. Tatanungin ng mga ito kung bakit hindi pa bumabalik si nicko.
Naisip ni andrea na bahala na. Ang importante ay makuha niya ang kanyang laptop na naiwan dahil maraming importanteng mga files ang naroroon.
Humugot muna ng malalim na hangin si andrea mula sa kanyang lalamunan bago ito nag lakad pabalik ng meeting room. Nang maka pasok na siya muli doon ay ngumiti siya sa mga taong naroon dahil isa isa itong tumingin sa kanya.
Muli siyang umupo sa dati nilang puwesto ni nicko. Agad naman siyang tinanong ng step dad ni nicko kung nasaan na nga ang binata. Mabuti nalang at may naisip ng idadahilan si andrea ng mga sandaling iyon.
"ah si nicko po.. May mga kausap po kasi siyang mga business man din.. Na naka check in po dito sa hotel.. Kaya pinapa sabi niya po na matatagalan daw po siya sa pag balik dito.."
Hindi na nag salita pa ang step dad ni nicko, nang marinig nito ang paliwanag ni andrea tungkol kay Nicko.
Matapos na sabihin iyon ay may naisip ulit na dahilan si andrea kung paano ulit siya makakalabas ng kuwarto na iyon. Nag panggap siya na nag chat sa kanya si nicko na pinapapa punta siya nito. Mukha namang naniwala sa kanya ang mga taong naroroon dahil naka ngiti ang mga ito sa kanya ng muli siyang mag paalam.
Mabilis niyang kinuha ang laptop na nakalapag lang sa upuan. Marahan siyang nag lakad palabas. Nang tuloyan na siyang maka labas ay doon na bumilis ang kanyang hakbang. Hindi niya na kasi alam kung paano pa hahanapin si nicko.
Nag pasya siyang puntahan ang sasakyan ni nicko sa parking lot, baka makita niya ito doon. Ngunit laking dismaya niya ng pag dating niya doon ay wala rin ito doon. Ilang minuto ng naka tayo si andrea sa parking lot habang naka sandal sa sasakyan ni nicko. Ngunit hindi parin dumarating ang binata doon. Naisipan niyang muli itong tawagan ngunit wala Paring signal ang cellphone nito. Wala pa naman siyang alam na ibang number para pag tanungan kung saan maaaring nag punta si nicko.
Ipinadyak padyak ni andrea sa semento ang kanyang paa sa inis. Kung bakit kasi hindi pa sinama nalang ni nicko si mang delfin at hinayaan nalang ito na ipag drive sila. E di sana may kasama siyang nag hahanap ngayon kay Nicko. Katwiran kasi ni nicko kanina kaya hindi na niya sinama si Delfin ay dahil may kasama naman daw siya. Kaya hindi nalang nag pumilit pa na sumama si mang delfin.
Mas lalo pang kinabahan si andrea dahil isang oras na siyang naka tayo doon sa parking lot. Naisip niya na maaaring tapos ng mag kuwentohan ang mga business man na naiwan nila sa meeting room at baka makita siya ng mga ito doon na hindi niya kasama si nicko. Pagdududahan siya ng mga ito na nag si sinungaling lang siya sa mga ito.
Madilim na rin ng mga oras na yun dahil ilaw lang ng parking lot ang nag sisi-silbing liwanag sa kanyang kinatatayuan. Medyo natatakot na rin siya dahil mag isa lang siyang tao roon. Puro mga sasakyan ang kasama niya. Napa hilamos si andrea sa kanyang mukha.
"pambihira naman! Pinapapak na ako ng lamok dito! Saan ko kayang lupalop hahanapin ang nicko na yun.. Bakit kasi, hindi man lang kasi nag paalam sa akin kanina. Maano bang kahit bulongan manlang ako.. Hay naku!"
Saad ni andrea na walang ibang kausap kundi ang kanyang sarili. Naka ekis pa ang dalawa niyang braso sa kanyang dib-dib, habang salubong ang kanyang mga kilay. Inaantok na rin kasi siya at nahihilo na. Hindi naman niya puwedeng iwanan si nicko doon, dahil baka kung anong nangyari na rin dito.
Hanggang sa maya-maya pa ay hindi nga siya nagka mali ng iniisip dahil nakikita na niya mula sa kanyang kinatatayuan ang mga business man na kasama nila ni nicko kanina sa meeting room. Nagku kwentohan pa ang mga ito, habang nag lalakad papasok ng parking lot. Dali-daling kinuha ni andrea ang laptop na nilapag niya sa ibabaw ng kotse ni nicko at mabilis na nag lakad palayo. Nag tago muna siya sandali sa isang kotse na naka himpil din. Medyo malaki ang kotse kaya hindi siya kita kahit na naka tayo siya.
Inantay niya na munang umalis ang nga business man na kasama nila kanina. Doon lang siya naka hinga ng maayos ng nakita niyang naka alis na ang mga ito. Maingat siyang nag lakad palabas ng parking lot. Palinga linga parin siya sa paligid, dahil naisip niya na maa-aring may maka kita parin sa kanya dahil hindi naman lahat ng business man na kasama nila kanina ay nakita niyang umalis na.
Nang tuluyang maka labas ng parking area ay muli siyang pumasok ng hotel. Naka simangot na si andrea habang nag lalakad sa loob, gusto na niya kasing matulog at dinag dagan pa ng masakit niyang sakong. Bago kasi ang suot niyang sapatos, kaya hindi niya akalain na mag susugat ang kanyang paa.
Gusto na niyang tanggalin ang kanyang sapatos dahil sobrang sakit na ng kanyang paa. Pero hindi niya matanggal dahil tiyak na pag titinginan siya ng mga taong nakaka salubong niya. Puro sosyalin pa naman ang mga taong nakaka salubong niya. Habang nag lalakad si andrea ay hindi niya alam kung saan patungo ang kanyang pag lalakad.
Hanggang sa may naririnig siyang tumatawag sa kanyang likuran. Huminto siya sa pag lalakad upang alamin kung siya nga ang taong tinatawag nito. Agad niyang nilingon ito. Mabilis ang mga hakbang ng lalaking naka uniporme papunta sa kanyang gawi. Naalala niyang isa ito sa mga security guard na pinag tanungan niya kanina.
"ma'am.. Hindi niyo parin po ba nakikita ang taong hinahanap niyo kanina?.." agad na tanong ng lalaki sa kanya pagka hinto nito sa kaniyang harapan.
Hindi na kinaya pa ni andrea na ngitian ito, kahit pa na naka ngiti itong naka tingin sa kanya. Hindi na talaga maganda ang kanyang pakiramdam.
"oo kuya eh.. Hindi ko na nga alam kung saan yun hahanapin.. Hindi ko rin kasi makontak ang cellphone niya.."
"ma'am kung gusto niyo po ay sumama kayo sa akin.. Pwede po kayong mag request na tingnan sa cctv, para makita niyo kung saan nag punta ang taong hinahanap niyo.. Pero sana lang ma'am ay nahagip siya ng cctv..at sana po ay mapa payag niyo ang officer namin na ipakita sa inyo ang record ng cctv.. "
"sige nga kuya please.. Samahan mo ako.."
Nabuhayan ng loob si andrea ng marinig ang sinabi ng lalaki. Kahit hirap na mag lakad ay pinilit ni andrea na sumama sa lalaki. Mag babaka sakali siyang makita sa cctv kung nasaan si nicko.
Dinala siya ng lalaki sa isang kuwarto na puno ng mga cctv. May ipinakiusap ito sa kanyang lalaki din na mukhang mataas ang posisyon. Halos maiyak na si andrea na paki usapan ang lalaki, ayaw kasi nitong pumayag na tingnan nila ang record ng cctv, dahil labag daw iyon sa patakaran nila. Pwede lang daw nilang ipakita ang record ng cctv kapag may memo galing sa mga pulis. At dahil wala naman itong memo ay ayaw nitong pumayag sa hiling ni andrea. Ngunit nag matigas si andrea. Hindi parin siya umalis sa harapan ng lalaking kanyang kausap.
"k-kuya kasi.. Ganito yun eh.. May sakit po kasi yang lalaking hinahanap ko... Baka po kasi ano nang nangyari sa kanya.."
"eh ano po ba ninyo yun mam? Bakit alalang alala kayo sa kanya?.."
"kuya kasi asawa ko yun.. Ilang beses na kasing inatake yun.. Hindi ko kakayanin kuya kapag nawala siya. Magpapa kamatay talaga ako kuya kapag nawala sa akin ang asawa ko..."
Pagkatapos na sabihin iyon ni andrea sa lalaking kaharap ay napa kamot ito sa ulo.
" sige na nga ma'am.. Baka ako pa sisihin niyo kapag may nangyari sa asawa niyo.. " saad ng lalaki kay andrea na kumakamot parin ng kanyang ulo.
Napilitan ito na pinapasok nalang si andrea sa loob ng cctv room.
"basta ma'am, huwag niyo nalang po ipag sabi na pinapasok ko kayo dito. Kundi mawawalan po ako ng trabaho.." saad pa nito habang nag lalakad sila palapit sa mga naka hilerang cctv.
"oo kuya, huwag kang mag alala.. Hindi naman kita ipapahamak.." tugon ni andrea.
Nang makalapit sa mga cctv ay isa isang tiningnan nila ang bawat sulok ng hotel at umaasang makikita nila agad si nicko.
May sampung minuto pang naka tingin sina andrea sa monitor ng cctv ng makita nila ang isang record na nag lalakad si nicko. Nakita niyang gumigewang na ito habang nag lalakad. Biglang kinabahan si andrea.
"ito po ba ang asawa niyo ma'am?"
"opo kuya, yan nga po ang asawa ko.. Sige po sundan natin kung saan siya dumiretso.."