Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 12 - Chapter Eleven

Chapter 12 - Chapter Eleven

HABANG naka higa ay narinig ni andrea na tumutunog ang kanyang cellphone. Mabilis siyang bumangon upang kunin sa loob ng kanyang bag ang kanyang cellphone. Naisip niya kasi na baka ang kanyang boss na si nicko na ang tumatawag. Ng makuha niya ang kanyang cellphone ay nakita niya sa harapan ng kanyang cellphone na si Lucas pala ang tumatawag sa kanya.

Sinagot niya ang tawag at bumalik siya sa pag kakahiga sa kama. Naka de kuwatro pa ang kanyang dalawang paa habang naka higa.

"andeng, kamusta kayo diyan? Nasa hotel na ba kayo?.." kaagad na bungad sa kanya ni Lucas.

"yes, nandito na kami sa hotel.. Kakarating lang namin.. Grabe ang layo pala nito.." tugon niya kay Lucas.

Maya-maya pa ay narinig ni andrea na may kumakatok sa pintuan, muli niyang binuksan ang pintuan upang alamin kung sino ang taong kumakatok sa labas. Habang naka dikit parin ang kanyang cellphone sa kanyang kanang tainga. Pag bukas niya ng pintuan ay nakita niyang si nicko na ang kumakatok at niya-yaya na siya nitong lumabas upang makakain na sila ng hapunan. Tumango lang si andrea dito dahil nag sa salita sa kabilang linya si Lucas.

Mabilis na kinuha ni andrea ang kanyang Sling bag na naka patong sa kama At kaagad na ni-lock ang kuwarto. Nauna nang naglakad si nicko at si andrea naman ay naka sunod lang sa likuran nito.

Hindi mapigilang tumawa ni andrea sa kanyang kausap na si Lucas, nag ku-kwento kasi ito ng mga nakakatawa.

"hahaa!haaa!.. Ikaw talaga Luke ang lakas mong mag patawa noh! Bakit hindi ka nalang naging comedian!" saad ni andrea sa taong nasa kabilang linya.

Bahagyang lumingon sa kanyang likuran si nicko. Malakas kasi ang pag tawa ni andrea at maging ang mismong boses nito habang nag sa salita ay malakas rin. Kaya dinig na dinig ni nicko ang pinag uusapan nila ni Lucas.

May ilang sandali pa silang nag lakad ay narating na nila ang restaurant na kanilang kakainan. Umupo nalang sila sa kanilang table dahil agad ng may lumapit sa kanila upang kumuha ng kanilang order. Si nicko na ang umorder ng kanilang pag kain dahil nakita niyang abala parin si andrea sa kausap nito sa kabilang linya. Nais niya sanang tanungin ito kung ano ang gusto nitong kainin ngunit ayaw niyang maka istorbo sa kung sino mang kausap nito sa kabilang linya. Hindi parin nawawala sa kabilang linya si Lucas. Patuloy parin ang kanilang kuwentohan ni andrea. Hanggang sa dumating na ang pagkaing inorder ni nicko para sa kanilang dalawa.

Nang tuluyan ng ma ilapag lahat ng mga taga pag silbi ang dala dala nilang pag kain ay napansin ni andrea na salubong na ang kilay ng kanyang kaharap na si nicko. naisip niya na baka naiingayan na ito sa kanila ni Lucas. Panay parin kasi ang tawanan nila. Kaya nag pasya na si andrea na mag paalam na muna kay Lucas.

"o sige na Luke.. Dumating na yung pagkain.. Tsaka ka nalang tumawag ulit.." paalam niya sa binatang nasa kabilang linya.

Nang mawala na sa linya si Lucas ay ibinaba niya na sa gilid ng lamesa ang kanyang hawak na cellphone. Tumingin siya sa kanyang boss na kasalukuyang kumakain na ng mga sandaling iyon. Seryoso itong kumakain ng hindi tumitingin sa kanya. Si andrea naman ay nag simula ng sumubo ito. May nakita siyang steak at ito ang una niyang tinikman. Bihira lang kasi siya maka kain ng karne dahil doon sa probinsiya nila ay gulay ang madalas na kinakain.

Patango tango si andrea ng kanyang ulo habang ngumu-nguya ito. Sarap na sarap siya sa steak na nauna niyang tinikman. Ng maubos ay muli siyang kumuha dito. May nakita pa siyang pasta at kumuha din siya. Hindi na siya kumuha ng kanin dahil sa dami ng inorder na pagkain ng kanyang boss ay halos lahat ay gusto niyang tikman. Naisip niya na Kung kukuha siya ng kanin ay madali siyang mabubusog at baka hindi na niya matikman ang lahat ng pagkaing nasa harapan niya ngayon.

Masarap din ang pastang kinuha niya.

"ang sarap sir nung steak.. Pati nitong pasta nila.." saad niya sa kanyang boss upang maputol ang kanilang ka tahimikan.

Umaasa siya na ka kausapin siya nito. Masyado kasing seryoso ito sa pagkain.

" good to her that.. Nagustohan mo pala yung mga inorder ko.. Bising bisi ka kasi kanina kaya hindi na kita pina pili.." tugon nito sa kaniya.

Sandali lang ito tumingin sa kanya at muli na naman itong yumuko upang sumubo ng pagkain.

"ah.. Si Luke po yun sir.. Tinatanong niya po kung dumating na daw ba tayo.." paliwanag ni andrea kay Nicko at tumingin siya sa gawi nito.

Muling itong sumulyap sa kanyang gawi ngunit mabilisan lang. Hindi na ito nag salita pang muli at tumango tango nalang ito bilang tugon sa kanyang sinabi. Halos sabay lang silang natapos na kumain.

"are you done?.." Tanong ni nicko kay andrea.

"ay opo tapos na po ako.. Salamat sa masarap na hapunan sir.. Busog na busog po ako.." tugon ni andrea sa binatang boss.

"welcome.. Let's go na para makapag pahinga na.." yaya nito sa kaniya.

Ngumiti si andrea dito at tumango bilang tugon sa sinabi sa kanya ni nicko.

Nang makita na niya itong tumayo ay tumayo na rin siya. Magka sabay muli silang nag lakad pabalik ng kanilang kuwarto. Dahil nasa unahan lang ang kuwarto ni andrea ay nauna siyang naka pasok ng kuwarto sa kanyang boss.

Pag pasok niya sa kanyang kuwarto ay umupo lang siya sandali. Ilang minuto lang ang naka lipas ay pumasok na ng banyo si andrea at naligo. Naka aircon man ang kanyang kuwarto at ang restaurant na kinainan nila kanina ay ramdam niya parin ang lagkit sa kanyang katawan. Pinag pawisan parin kasi siya kanina habang nag aabang sila ng taxi kanina sa airport. Nang matapos na siyang maligo ay nag suot lang siya ng maiksing Short at plain na round neck t-shirt. Sinusuklay niya ang kanyang buhok habang naka upo sa upuang nasa gilid ng kanyang kama habang naka tingin sa salaming naka lagay din doon. Nang biglang may naalala siya. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang imahe ni mang delfin, habang nag sasalita ito kanina ng sunduin siya nito sa kanyang apartment. Hindi niya nasabihan ang kanyang boss na huwag kalilimutang inumin nito ang kanyang gamot.

Nang matapos na siyang mag suklay ng kanyang buhok ay kinuha niya ang kanyang cellphone at idi-nial ang numero ng kanyang boss na si nicko. Nakaka ilang dial na siya ay hindi parin ito sumasagot kaya nag pasya na siyang puntahan nalang niya ito sa kuwarto mismo nito, upang masabihan na huwag nitong kalilimutang uminom ng gamot.

Tinuro naman nito sa kaniya kanina ang kuwarto nito ng dumating sila kaya alam niya kung saan ito pupuntahan. Nang marating ni andrea ang kuwartong tinuro nito kanina ay agad siyang kumatok dito. Ngunit naka anim na katok na siya ay hindi parin ito sumasagot. Muli pa siyang kumatok habang tinatawag ang pangalan nito. Ngunit naka lipas na ang dalawang minuto ay hindi parin ito nag bubukas ng pinto. Naisip niya na baka lumabas ito ng kuwarto. Akma na sanang aalis si andrea upang bumalik nalang sa kanyang kuwarto. Nang maisip niyang pihitin ang siradura ng pintuan nito.

Agad niyang hinawakan ang siradura nito at dahan-dahang pinihit ito. Nagulat siya ng hindi naman pala ito naka lock. Kaya naisip niya na imposibleng lumabas ng kuwarto ang kanyang boss ng hindi Nilo-lock ang kuwarto nito. Sandali siyang nag isip at naka hawak parin ang isang kamay sa siradura ng pintuan. Alam niya namang maraming dalang importanteng gamit ang kanyang boss kaya imposible talaga na iwanan nitong naka bukas ang kanyang kuwarto ng walang tao sa loob.

Nakaramdam ng kaba si andrea. Naisip niya na baka may nangyaring hindi maganda sa kanyang boss. Mabilis niyang muling pinihit ang siradura ng pintuan nito at dahan dahan siyang humakbang papasok sa loob ng kuwarto nito. Luminga siya sa kabuuan ng kuwarto upang hanapin ang kanyang boss. Hindi niya ito makita. Tinawag niya ang pangalan nito. Hinala niya na baka nasa banyo ito. Ngunit naisip niya na hindi siya pwedeng basta bastang pumasok ng banyo.

"sir nicko.. Nandito ka ba? Kamusta ka sir?.." tawag niya sa pangalan ng kanyang boss.

Mag sasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niyang naka hubad at naka tapis lang ng tuwalya ang pang ibabang bahagi ng katawan nito. tumutulo pa ang tubig sa katawan nito. Maging ang binata ay nagulat din sa kanya.

"anong ginagawa mo dito andrea?! Bakit hindi ka man lang kumatok?" Tanong ni nicko kay andrea.

"n-naku sir! Kanina pa po ako kumakatok sa labas. Sinubukan ko pong pihitin ang siradura ng pintuan ninyo at naka bukas po ito.. Pinag alala niyo po ako.. Akala ko po ay may nangyari ng masama na sa inyo dahil hindi kayo sumasagot.." tugon ni andrea kay Nicko nang naka talikod dito.

Agad kasi siyang tumalikod ng makitang naka hubad si nicko.

" ah- s—sige po sir! Lalabas na po ako, okay naman pala kayo.. " muling saad ni andrea at humakbang na ito palabas ng pintuan.

Ngunit hindi pa siya tuluyang nakaka labas ng pintuan ng marinig niyang nag salita ang kanyang boss.

"sandali, eh bakit ba kasi nag punta ka dito?.." Tanong ni nicko kay andrea.

"eh sir.. Gusto ko lang po sanang paalalahanan kayo na huwag niyo kalilimutang inumin ang mga gamot niyo.." tugon ni andrea sa binata ng hindi parin lumilingon dito.

"ah yun lang pala. Eh bakit hindi ka nalang tumawag? Para hindi ka na nag punta pa dito.." muling tanong ni nicko kay andrea.

Naramdaman ni andrea na nasa likuran na niya naka tayo si nicko dahil ang lapit na ng boses nito. Amoy niya pa ang mabangong sabon na ginamit nito sa pag ligo.

"tumatawag po ako sa inyo kanina sir pero hindi rin naman kayo sumasagot.." tugon ulit ni andrea kay Nicko.

"sandali.." narinig ni andrea na saad sa kanya ni nicko.

Naka talikod parin siya sa gawi ng binata. Narinig niyang tumawa ito. Na curious si andrea sa pag tawa ng kanyang boss kaya umikot siya paharap dito.

"sorry, naka silent pala ang phone ko.." paliwanag nito kay Andrea habang hawak parin nito ang kanyang cellphone.

"sige sir, aalis na po ako.. Basta yung mga gamot niyo po huwag ninyong kalilimutang inumin ha.." bilin ni andrea kay nicko.

Matapos niyang sabihin iyon ay muling tumalikod si andrea dito at nag lakad na palabas ng kuwarto ni nicko.

"salamat Andrea.." narinig pa ni andrea na saad sa kanya ni nicko, hindi na niya ito muli pang nilingon kaya hindi na niya nakita ang sumilay na ngiti sa labi nito.