Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 9 - Chapter Eight

Chapter 9 - Chapter Eight

KINABUKASAN ay Nagising si andrea na masakit ang ulo at ramdam niya rin ang pag hapdi ng kanyang sikmura. Dahil kasi sa mga nainom niyang alak kahapon ay kaagad siyang humiga sa kanyang kama pagka lapag pa lang niya ng kanyang bag sa lamesa. Hindi niya na nga nagawang mag bihis pa. Nag hubad lang siya ng sapatos at kaagad na inilapat ang kanyang katawan sa pang isahan niyang kama.

Lulugo lugo siya na tumayo mula sa pag kakahiga. Sinipat niya ang maliit na orasan na naka patong sa table na malapit sa pintuan ng kanyang kuwarto. Mag aalas siyete na ng umaga at may isang oras nalang ang natitira sa kanya. Agad siyang nag init ng tubig mula sa electric kittle na kabibili niya lang noong isang araw. Habang nag iinit ng tubig ay naisipan niyan lumabas muna sandali ng kanyang apartment upang tingnan kung may nagtitinda ba ng pang agahang pagkain sa may kanto malapit lang sa kanyang tinutuluyang apartment. Hindi na siya nag abala pang mag hilamos. Nag tanggal lang siya sandali ng muta sa kanyang magkabilaang mata. At inayos niya lang sandali ang kanyang buhok na naka tali na nagulo na sa pag kakahiga. Bahagya niya lang sinulyapan ang kanyang sarili sa salaming naka sabit malapit sa pintuan ng kanyang sala. Nang makalabas ay napa ngiti siya sa natanaw. Mula kasi sa inuupahan niya ay matatanaw mo na ang kanto kung saan may mga nag titinda ng pag kain. Nakita niyang maraming taong bumibili kaya mabilis ang kanyang hakbang na nag lakad palapit sa nag titinda ng mga pagkain.

Nang dumating siya doon ay halos paubos na ang mga tinda nitong pag kain. Pansit at sopas nalang ang natira sa mga paninda doon. Kaagad siya dumukot ng singkwenta pesos mula sa kanyang wallet na dala.

"sopas nga po ate.. Dalawang order po.." kaagad na saad niya sa Aleng nag babantay.

Dalawang order na ang binili niya dahil pakiramdam niya ay kukulangin sa kanya ang isang order lang. Ramdam niya kasi ang gutom niya. Kaya malamang ay mauubos niya ang dalawang order na iyon. Kaagad namang nag balot ng dalawang order na sopas ang babaeng tindera. At matapos na mabayaran iyon ni andrea ay dumaan siya saglit sa bilihan ng mga tinapay na malapit lang din doon. Bumili siya ng pandesal para may pang partner niya sa biniling sopas. Dinamihan niya na ang pag bili ng pandesal dahil naisipan niya ring mag baon sa trabaho para sa meryenda niya ng hapon. Malayo kasi ang canteen sa opisina nila. Matatagpuan pa ito sa ground floor ng building na iyon. Dati nung hindi pa siya na lilipat sa opisina ni nicko ay medyo malapit lang siya sa canteen. Ngunit ngayong nasa ika limang palapag na siya naka puwesto ay nalalayuan na siya.

Matapos maibigay sa kanya ang binibili niyang pandesal ay dali-dali ng nag lakad pabalik ng apartment si andrea. Kaagad niyang nilapag sa pang dalawang lamesa ang mga binili niyang pagkain at agad na nag timpla ng kape. Inilagay niya sa mangkok ang kanyang biniling sopas at tsaka kumuha ng kutsara. Pagka upo palang niya sa upuan ay kaagad niyang hinigop ang sabaw ng sopas. At sinundan iyon ng muli pang pag higop ng sabaw. Sarap na sarap siya sa sopas. Ilang minuto lang ang lumipas ay kaunti nalang ang laman ng mangkok. Doon niya lang naalala ang pandesal na kanyang nabili. Kumuha siya ng pandesal at tsaka isinaw saw sa kapeng kanyang tinimpla. Naka limang pandesal din siya bago niya naramdamang busog na siya. Sinimot niya nalang ang kaunting sopas na nasa mangkok at kasunod niyon ay muli din niyang hinigop ang tirang kape. Matapos masimot ang sopas at ang kape ay dumighay ang dalaga sa busog. Napa ngiti siya sa kanyang sarili. Dahil kanina lang ay halos manginig na siya sa gutom at ngayon naman ay halos nasobrahan siya sa busog. May dalawang minuto pa siyang umupo muna bago nag pasyang tumayo na. Hinugasan niya lang sandali ang kanyang mga pinag kainan at pagkatapos niyon ay mabilis na niyang tinungo ang banyo at mabilisan siya naligo.

Nang matapos na maligo si andrea ay mabilis na siyang nag bihis. Nag suklay lang siya ng buhok at nag bahid ng manipis na Lipstick sa kanyang labi. Nag spray ng kaunting pabango at kaagad na dinampot na ang kanyang bag at lumabas na ng apartment. Sinipat niya ang kanyang orasang pambisig, may kinse minutos nalang ang natitira sa kanya bago sumapit ang alas otso ng umaga.

May nakita siyang nag hahabal habal na nakatambay sa kanto. Agad siyang sumakay dito dahil kung hindi niya iyon gagawin ay tiyak na mali late siya sa trabaho. Mabuti nalang at walang trapik kaya may limang minuto palang ay nakarating na siya sa mismong gusali na kanyang pinapasukan. Agad siyang nag bayad sa habal habal na kanyang sinakyan at pagkatapos niyon ay patakbo niyang tinunton ang daan papuntang elevator. Sakto pag tapat niya sa mismong pintuan ng elevator ay bigla itong bumukas. Hinintay niya lang na makalabas ang sakay nito at dali-dali na siyang pumasok ng elevator. Pag dating niya sa ika limang palapag ng gusali ay natanaw niya pa si nicko na nag lalakad palapit na ng bughaw na pintuan. Mabilis ang kanyang mga hakbang palapit sa kanilang opisina.

Akma ng bubuksan ni nicko ang pintuan ng mapansin siya nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na wari bang ini eksamen ang kabuuan niya.

"good morning sir!" kaagad na bati niya dito pag kalapit niya palang sa kanyang boss.

"good morning din ms. Morales.. Akala ko ay mali late ka ngayon..don't worry hindi naman ako ng expect na maaga ka ngayon dahil alam kong napagod ka kahapon.." saad ni nicko kay Andrea sa baritonong boses nito. Ngumiti ito ng tipid kay andrea at tsaka tuluyan ng binuksan ang pintuan at nauna na itong pumasok sa kanya.

Sumunod na ring pumasok si andrea dito at dire deretso na siyang lumapit sa kanyang table. Pagka upo niya sa kanyang swivel chair ay sandali siyang nag punas ng kanyang pawis. Kahit kasi hindi siya nag lakad ng malayo ay pinag pawisan parin siya. Hindi kasi siya nakapag babad ng matagal sa tubig ng maligo siya kanina. Nang matapos na siyang mag punas ay agad na niyang binuksan ang kanyang laptop at nag simula na sa kanyang trabaho.

Nang dumating ang lunch at akma na siyang tatayo upang mag tungo na ng canteen ay biglang bumukas ang pintuang nasa kanan niya. Bumungad doon si Lucas, naka ngiti itong nag lalakad palapit sa kanya.

"hi andeng.. Tara sumabay ka na sa akin papuntang canteen.. Sabay tayong mag lunch.." saad sa kanya ng binata na may ngiti parin sa labi.

" oo ba.. Sakto pababa na rin talaga ako.." tugon niya sa binata ng may ngiti rin sa labi.

Pagkasabi niyon ay may narinig silang tumikhim. Nang lingunin nila ito ay si nicko pala. Nakalabas na ito ng kanyang opisina ng hindi nila namamalayan. Seryoso ang mukha nito na naka tingin sa kanilang dalawa. Naka pasok pa sa bulsa nito ang kanan nitong kamay.

"at kailan ka pa pumapasok dito Lucas ng wala naman akong sinasabi?.." kaagad na tanong nito kay lucas.

"hi sir, dinaanan ko lang po si andeng.. Isasabay ko na po siya pag punta ng canteen.. Galing kasi ako diyan sa record department kaya naisipan kung silipin kung nandito pa si andeng.." tugon dito ni Lucas na naka ngiti. Ngunit ang kanilang boss ay seryoso parin ang mukha nito na naka tingin sa kanilang gawi. Nakita lang nila na tumango tango ito at hindi na muling nag salita pa. Pagka tapos ay nag lakad na ito palabas ng isa pang pintuan.

"let's go andeng.." muling yaya sa kanya ni Lucas at hinila na siya sa kanyang kamay. Nagpa tianod nalang si andrea sa ginawang pag hila sa kanyang kamay ni Lucas.

Nakaramdam siya ng kuryente sa pag dikit ng kanilang palad ni Lucas. Napapangiti siya habang hawak hawak nito ang kanyang kaliwang kamay. Pag dating nila ng elevator ay si Lucas na ang pumindot ng numero ng elevator. Huminto at bumukas ang elevator pag dating ng ika apat na palapag. Nagulat pa si andrea ng makita niyang si nicko ang pumasok ng elevator.

Tumingin ito sa kanya pagka pasok nito ng elevator. Nginitian niya lang ito. Tumayo ito sa kanyang tabi habang si Lucas naman ay naka tayo sa kanyang kaliwa. Napansin niya sinipat sila ng tingin ng kanilang boss. Sinundan niya kung saan huminto ang paningin nito.

Nakita niyang naka tingin ito sa kamay nila ni Lucas na magka hawak parin. Agad niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pag kakahawak ni lucas. Napa lingon naman sa kanyang gawi ang isa. Nakita niya pa itong ngumiti pagka hila niya ng kanyang kamay. Matapos niyon ay sinipat niya ng tingin ang kanyang boss na kanyang katabi. Hindi na ito naka tingin sa kanilang dalawa ni Lucas.

Hindi niya kasi namalayan na hawak hawak parin pala ni lucas ang kanyang kamay. Ayaw niya rin kasi isipin ng kanyang boss na easy to get siyang babae. Baka isipin kasi nito na bago palang siya sa kumpanya ay mayroon na kaagad siyang karelasyon dito.

Hindi naman sa ikinakahiya niya si Lucas. Bukod sa gwapo ang binata ay gusto niya rin naman ito. kaso ay may isang linggo palang ata itong nanliligaw sa kanya. Nag tapat ito sa kanya ng nararamdaman ng magkasabay silang kumakain sa canteen noong isang linggo lang. Ayaw niya naman na sagutin si Lucas ng ganun kabilis lang. Aba maganda kaya siya at ligawin. Andami kaya niyang naging manliligaw noong college days niya. Pero dahil sa istrikto ang kanyang papa ay hindi siya nagkaroon ng kahit isang karelasyon. Palagi noon sinasabi sa kanya ng kanyang mga magulang na unahin muna ang kanyang pag aaral. Papayag lang daw silang makipag relasyon siya kapag natapos na niya ang kanyang pag aaral.

Naisip niya na kung nakikita siya ngayon ng kanyang mga magulang ay hindi na siya pipigilan ng mga ito na makipag relasyon. Ngunit sa isiping hindi pa naman talaga niya kilala ng matagal si Lucas ay bakit niya ito sasagutin kaagad.