Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 8 - Chapter Seven

Chapter 8 - Chapter Seven

MATAPOS mailapag ng mga waiter ang pagkain sa lamesa ay isa-isang nag kuhanan ng pagkain ang mga taong nasa loob ng meeting room na iyon. Maging si andrea ay sumabay na ring kumain sa kanila.

Nang matapos na ang lahat kumain ay tumayo na si nicko at nag paalam na aalis na sila ni andrea dahil kailangan pa daw nilang bumalik ng opisina.

"Don't go away.. Let's have some drink iho.. Palagi ka nalang seryoso sa trabaho.. Samahan mo muna kami dito.. Gaya ng sabi mo maraming bagong investors tayo.. Kaya dapat lang na mag celebrate tayo.." saad ng matanda sa kanyang boss na si nicko.

Muling bumalik sa pagkaka upo ang kanyang binatang boss. Nakita ni andrea na nagsasalin na ng alak sa baso ang step dad ng kanyang amo. At isa isang binigay ang baso sa mga taong naroon. Mabuti nalang at hindi kasama sa mga binigyan nito si andrea. Kaya naka hinga ng maluwag si andrea. May naisip kasi siya na plano niyang gawin upang matulungan ang kanyang boss.

Nakikinig lang siya sa mga pinag uusapan ng mga ito. Napansin niyang hindi masyadong nag sa salita ang kanyang boss na si nicko. Nakaka ilang lagay na ng alak sa baso ang mga kausap nito ngunit ang kanyang amo ay isang  beses palang itong uminom sa kanyang baso na may lamang alak.

Katagalan ay napansin na ito ng step dad ng kanyang boss.

"hey iho, bakit hindi ka yata masyadong nainom.. Sige na pag bigyan mo na ako iho ngayon lang ako nag yaya sayo ng ganito.. Ipapahiya mo ba ako sa mga kaibigan natin dito.."  saad nito kay Nicko.

"oo nga naman nicko.. Pag bigyan mo na kami.." sabat naman ng isa sa limang lalaking kasama nila sa loob ng meeting room na iyon.

Hindi nag salita si nicko at tinungga nito ang laman ng kanyang baso hanggang sa maubos niya ito. Nakita ni andrea muling sinalinan ito ng step dad ng kanyang boss. Hindi na nakatiis si andrea at kinuha na niya ang iniinumang baso ng kanyang boss.

"ahmm.. Ako nalang ang iinom para kay sir nick.. Magpapa hatid pa kasi ako sa kanya mamaya.. Baka malasing siya.." saad niya sa matandang nag salin ng alak sa baso ng kanyang boss.

Nag tawanan ang apat na kalalakihang nandoon bukod sa boss niyang si nicko. Tumingin lang ito sa gawi niya ng may pagtatanong sa mga mata nito.

"ang sweet naman ng secretary mo iho, ayaw ka niyang malasing!" saad ng matandang lalaki habang tumatawa parin ito. Maging ang tatlo pang lalaki ay muli pang tumawa ang mga ito.

"ye-yes! Ganun ako sa boss ko.." tanging nasabi ni andrea at tinungga na niya ang laman ng baso.

Nakaka-ilang inom na si andrea at napapansin niyang medyo nag iinit na ang kanyang buong katawan. Napansin siya ng kanyang boss kaya nag salita na ito.

" I think we're going to leave.. We can't take a long time here.. We might not be able to get it back to the office. May kailangan akong pirmahan na mga documents sa opisina ko.." saad ni nicko sa apat na kalalakihang kasama nila doon sa loob ng kuwarto.

"okay sige.. Basta sa susunod iho kailangan mag tagal ka na ha.. Marami pa sana tayong pagku kuwentohan eh.." muli pang saad ng step dad ni nicko.

"In the next few days we'll talk about that. Right now we need to leave.." tugon ni nicko sa kanyang step dad.

Pagka tapos nun ay nag lakad na ito palabas ng kuwarto na iyon. Kaagad din namang sumunod si andrea dito.

Bihira lang kasi silang mag kita ng kanyang step dad dahil sa condo unit nito umuuwi si nicko. Nagkikita lang sila nito kapag umuuwi siya sa kanilang bahay sa Fairview. Kapag dadalawin niya ang kanyang ina. Madalas pa nga ay hindi sila nag kikita ng kanyang step dad dahil itinataun niyang wala ito doon sa kanilang bahay.

Ni minsan ay hindi siya naging malapit sa kanyang step dad. Alam naman kasi niya na may ibang pakay ito kung bakit ni ligawan nito ang kanyang ina. Buhat kasi ng mamatay ang kanyang ama ay bigla nalang sumulpot ito sa kanilang buhay. Nagulat nalang siya ng ipakilala ito bilang nobyo ng kanyang ina. Kalaunan nga ay naging asawa ito ng kanyang ina. Noong una ay ayaw pang pumayag ni nicko na magpa kasal dito ang kanyang ina. Dahil sa simula palang ay hindi na niya ito gusto at masama ang pakiramdam niya dito.

Pilit niya nalang na inunawa ang kanyang ina. Katwiran kasi nito ay kailangan niya din daw ng makakasama sa buhay. Lalo na daw at madalas na siyang hindi umuuwi sa kanilang bahay at kung saan-saan siya pumupuntang lugar upang makipag negosasyon. Mula kasi ng mamatay ang ama ni nicko may limang taon na ang nakakaraan ay nakita niya kung gaano nalungkot ang kanyang ina sa pag kawala ng kanyang ama. Halos ilang buwan itong hindi kumakain at hindi lumalabas ng kuwarto. Ngunit ng makilala nito ang kanyang step dad sa isang mall ay doon niya na napansing unti unting sumigla na ang kanyang ina. Mahal niya ang kanyang ina at bilang nag iisang anak ay hangad niya ang kaligayahan ng kanyang ina. Kaya kahit labag sa kalooban niyang mag-asawa itong muli ay hindi na rin siya tumutol sa bandang huli. Lalo na at nakikita niyang nagiging masayahin na ulit ang kanyang ina.

May isang anak na lalake ang kanyang step dad. Ito ay si Johnson mas bata lang ito sa kanya ng dalawang taon. 31 na siya at ito ay 29 palang. Nung una ay magkasundo sila ng kanyang step brother ngunit sa bandang huli ay unti-unti na ring lumabas ang totoong ugali nito. Pilit lang pala siyang pinakiki samahan nito dahil utos lang ng ama nito ang kanyang step dad. Aksidente niya kasing narinig ang mga ito habang nag uusap malapit sa kanilang hagdan. Hindi namalayan ng mga ito na bumababa siya ng hagdanan. Doon na rin naka tira sa kanila ang step brother niya.

Kaya mas pinili nalang din ni nicko na doon nalang siya sa condo niya mag uwian. Ayaw niya kasing makipag plastikan sa mga ito. Alam naman niya na ayaw talaga ng mga ito sa kanya. Hindi niya lang masabi sa kanyang ina dahil ayaw niyang mag isip pa ito. Basta huwag lang may gagawing masama ito sa kanyang ina. Pinababantayan naman niya ang kanilang ina sa dalawa nilang kasambahay sa bahay. Matagal na ang mga ito sa kanila. Simula bata palang siya ay kasama na nila ang mga ito sa bahay kaya alam niyang mapag kakatiwalaan niya ang mga ito. Bukod sa dalawang lalaking kasama nito sa kanilang bahay. Kaya madalas niyang tawagan ang kanyang ina kahit na bihira niya lang itong pasyalan. Kung hindi man ay ang dalawa nilang kasambahay ang kanyang tinatawagan upang kamustahin ang lagay ng kanyang ina.

Habang nag lalakad sila pabalik sa rooftop ng gusaling iyon. Ay nakaramdam si andrea ng bahagyang pagka hilo.

"nahihilo ako sir.." saad niya sa kanyang boss na kasabayan niyang naglalakad.

Mabagal lang ang hakbang ng kanyang boss kaya kasabay niya lang ang mga hakbang nito. Huminto ito sa pag hakbang at lumingon sa kanyang gawi.

"ikaw kasi.. Bakit mo naman ginawa iyon.. May iba pa namang paraan para matulungan mo ako.. Iyon pa talaga ang naisip mo.." saad nito kay andrea.

Pagka sabi niyon ni nicko ay hinawakan niya si andrea sa bewang nito at itinaas ang kaliwang braso nito at inilagay sa kanyang balikat. At inalalayan ito sa pag hakbang hanggang sa makarating sila sa rooftop. Pag dating nila doon ay nandun parin ang helicopter na sinakyan nila kanina.

Nagulat man ang dalagang si andrea sa ginawa ng kanyang boss ay hinayaan niya nalang ito na tulungan siyang mag lakad. Nahihilo kasi talaga siya. Kahit na sa una ay nakaramdam siya ng inis dito dahil parang siya pa ang sinisisi nito kung bakit ganun ang nangyari sa kanya. Gayong tinulungan niya lang naman ito na maka iwas sa pag inom ng maraming alak. Pero sa bandang huli ay naisipan niya nalang itong balewalain dahil naisip niya na hindi rin naman siguro gusto ng boss niya ang nangyari sa kanya.

Patuloy si andrea na inalalayan ni nicko hanggang sa makarating sila ng rooftop. Maging sa pag sampa ng helicopter ay tinulungan niya rin ito. At ito rin ang muling nag lagay sa kanya ng head phone at seat belt. Bahagya pang naka idlip si andrea habang nasa biyahe sila.

May naramdaman nalang siya na may tumatapik sa kanyang braso. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Hindi niya na makita ang kanyang boss na si nicko. Ang taong tumatapik sa kanya upang magising siya ay ang personal driver ng kanyang boss na si mang Delfin. Nang tinanong niya kung nasaan ang kanyang boss ay nauna na raw ito sa opisina nito. Kung kaya't si mang Delfin nalang ang inutusan nitong tumulong sa kanya na makababa.

Nawala naman ang hilo na naramdaman niya kanina. Dahil na rin siguro sa pag idlip niya habang nasa biyahe. Kung kaya't sinabi niya kay mang Delfin na okay na siya. Na hindi na siya kailangan pang alalayan nito. Nag lakad siyang mag isa hanggang sa marating niya ang 5th floor ng gusali kung saan naroroon ang opisina ng kanyang boss. Pagka rating niya ay hindi muna siya bumalik sa kanyang table. Dumiretso siya sa banyo upang mag palit ng damit. Nang matapos niyang magpalit ng damit ay lumabas din siya kaagad ng banyo at naglakad pabalik ng opisina ng kanyang boss.

Pag balik niya doon ay nasa loob na nga ng opisina nito ang kanyang boss. Narinig niya kasing may kausap ito sa loob. Nang lumabas ang taong kausap ng kanyang boss ay nagulat pa siya ng lingunin niya ito. Si Lucas ang taong kausap ng kanyang boss. May hawak itong mga papel na maa-aring pina pirmahan nito sa kanilang boss.

Nakangiting lumapit sa kanyang kinaroroonan si Lucas.

"hi andeng.. Kamusta ang lakad niyo? Balita ko sumakay daw kayo ng helicopter papunta dun.. Diba may fear of heights ka?... Buti kinaya mong sumakay dun?.." saad nito sa kaniya pag lapit palang nito sa table niya. Itinukod pa nito ang dalawang kamay sa harapan ng kanyang table.

Nginitian niya ito bago nag salita.

" yes.. Okay naman ako.. Ayun, no choice ako eh.. Kaya pinilit ko nalang.. Pinikit ko nalang ang mga mata ko.." tugon niya sa binata ng may ngiti sa labi.

"wow, atlis naka isip ka ng paraan diba kung paano hindi malula.." puri nito sa kaniya.

Tumango tango lang siya sa lalaki nang may tipid na ngiti sa kanyang labi.

"o sige.. Aalis na ako.. Mukhang na pagod ka.. Gusto mo sumabay ka sakin mamayang pag uwi?.. Para maihatid kita sa inyo.." muli pang saad nito.

"hindi na Luke.. Kaya ko naman umuwi.. At tsaka diyan lang naman ang bahay ko.. Malapit lang dito sa opisina.." tugon niya sa binatang si luke.