Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 5 - Chapter Four

Chapter 5 - Chapter Four

Narinig niyang nag buntong hininga muna ang kanyang boss bago ito nag salita.

"ahmm.. May problema kasi ang company.. Despirado ang step dad ko na makuha ang company.. At hinahanapan niya ako ng butas para makuha ito.. May sakit ako na hindi ko makontrol..." Pagka sabi niyon ay muli itong nag yuko ng ulo.

" i have a tourette syndrome... At hindi siya ordinaryong tourette syndrome na gaya ng sa iba.. Mas madalas umatake ang sakit ko kapag nakakaramdam ako ng galit at sobrang pagod.. Epekto na rin ng sakit ko sa puso.." muli pang kwento ng binatang amo kay andrea.

" a-alam po ba ng step dad niyo ang tungkol sa sakit niyo?.. " Tanong ni andrea sa kanyang boss.

" hindi niya alam.. Walang sino mang nakaka alam bukod kay mommy at sayo... Kaya hindi pwedeng malaman ng step dad ko ang tungkol sa karamdaman ko.. Lalo lang niyang iisipin na hindi ko kayang hawakan ang kumpanyang ito.. May koneksyon siya sa lahat ng mga investors dahil isa rin siya sa nag invest sa company na ito.." paliwanag pa ng kanyang boss.

" eh— sana nga po hindi sabihin ng mommy ninyo ang tungkol sa sakit ninyo sa step dad niyo.. " tugon ni andrea sa binatang amo.

" walang problema kay mommy... Ang problema ko ay ang sayo... Ngayong alam mo na ang tungkol sa sakit ko.. Ay huwag kang mag kakamali na traydorin ako.. " matapos itong sabihin ng binatang amo ay tumitig ito sa kanya ng may pag babanta  sa mga mata nito.

" huwag po kayong mag alala sa akin sir.. Makaka-asa po kayong wala akong pag sasabihan.. Nauunawaan ko po ang kalagayan ninyo... "tugon ni andrea sa sinabi ng kanyang boss.

" mabuti naman kung ganun.. Aasahan ko yan ms. Morales.. " tugon din nito sa kanya na hindi parin inaalis ang tingin nito sa kaniya.

Tumango ng may ngiti sa labi si andrea bilang tugon sa sinabi ng kanyang boss.

Pagka tapos niyang magamot ang kanyang boss ay sinabihan siya nitong umuwi na siya dahil lumalalim na ang gabi. Nag sabi pa ito sa kanya na ipapahatid siya sa driver ngunit tumanggi ang dalaga na mag pa hatid. Aniya Malapit lang naman ang Kanyang bahay mula sa kanilang opisina kaya ilang minuto lang ay nasa bahay na siya kaagad. Hindi naman na nag pumilit pa ang kanyang boss at tumango nalang ito sa sinabi ni andrea.

Matapos na makapag paalam sa kanyang boss ay agad ding kinuha ni andrea ang kanyang bag at lumabas na ng opisina ng kanyang boss at umuwi na.

ISANG LINGGO ang lumipas pagka pasok palang ni andrea ng trabaho ay nagulat siya ng magpalak pakan ang mga kasama niya sa opisina. Isa isa siyang binati ng mga ito. Dahil na promote daw siya bilang bagong secretary ng kanilang CEO boss at mas malaki daw ang kanyang sasahurin. Kahit nagulat man si andrea sa kanyang mga narinig ay natuwa naman siya sa kabilang banda. Naisip niya na mas makakapag ipon siya ng mas malaki para sa kanila ng kapatid niya. Kaagad na pumasok sa isipan niya ang nangyari ng nag daang gabi.

Maya-maya pa ay nag patawag ang kanilang CEO boss ng meeting at sa meeting na iyon ay ipinakilala siya sa lahat bilang bagong secretary nito. Nag palak pakan naman ang lahat ng kanyang ka trabaho. Bukod sa isang tao na naroon din. Ang papalitan niya bilang Secretary ng kanyang boss na si Sheena. Masama itong naka tingin sa kanya habang pumapalak ito.

Nang matapos siyang ipakilala ng kanyang boss sa lahat ng kanyang nga ka trabaho ay agad ding nag sipag balikan ang lahat sa kani kanilang mga puwesto. Maging si andrea ay muling bumalik sa kanyang pwesto bukas pa kasi ang naka takdang araw ng kanyang pagiging secretary sa kanilang boss.

Nang dumating ang kanilang lunch break ay nakita ni andrea si Lucas na palapit sa kanyang kina kainang table. Batid niyang sasabay itong kumain sa kanya.

Naka ngiti ito habang palapit sa kanya at ng mailapag na nito ang tray ng kanyang pagkain ay doon lang ito nag salita.

"hi, Andrea.. Congratulations! I'm happy for you!.. At dahil diyan sabay tayong kumain ha.." saad nito sa kaniya.

"o sige ba luke.. No problem.." ganting tugon ni andrea kay luke habang naka ngiti din ito.

"hindi na natuloy ang panonood natin ng sine.. Yayain sana ulit kita mamaya eh.." muling saad ni Lucas kay andrea pagka upo nito sa upuang naka harap kay Andrea.

"oh sige.. Mamaya tuloy na tayo.." napapangiti si andrea habang sinasabi niya iyon.

Gusto niya rin kasing lumabas kasama si Lucas. Ilang araw niyang hindi nakita ito kaya naka ramdam siya ng pagka miss dito. Gusto niya ang lalaki dahil masaya siya kapag kasama niya ito. Masayahing tao kasi si lucas. Pala ngiti ito at pala kwento kaya hindi ka makaka ramdam ng pagka bored kapag kasama mo ito at yun ang nararamdaman ni andrea kapag kasama niya ang lalaki.

"o andrea, kumain ka pa.. Ito tikman mo tong ulam ko.. Masarap to! Luto to ni mommy!.." pagka sabi niyon ay nag lagay siya ng baong ulam niya sa plato na kina kainanan ni andrea.

Muling napa ngiti ang dalagang si andrea sa ginawa ni lucas.

"ay! Hindi ako kumakain niyan luke!.." biro niya sa lalaki.

Nabigla ang lalaki sa sinabi niya.

"ay naku, sorry! Sorry talaga andeng.. Dapat pala tinanong muna kita kung kumakain ka nito.."

Pagkasabi niyon ay akma na nitong kukunin muli ang nilagay niyang ulam sa gilid ng plato ni andrea.

"pero sige! Dahil sa nilagay mo yan at sinabi mong masarap yan, titikman ko luke.." saad ni andrea sa lalaking kaharap na may malapad na ngiti sa labi.

Na pangiti din ng malapad si Lucas sa kanyang narinig mula sa dalagang kaharap. Matapos naman sabihin iyon ni andrea ay agad siyang kumuha sa ulam na inilagay ni Lucas sa kanyang plato at tinikman ito. Hindi siya umimik habang ngumunguya. Sa halip ay muli siyang kumuha ng ulam at sinamahan niya ito ng kanin bago niya isinubo sa kanyang bibig. Blanko parin ang kanyang mukha habang ngumunguya at patango tango ang dalaga habang patuloy parin sa pag nguya ito. Nang maubos ang lamang ng bibig nito ay doon lang ito nag salita.

" wow! Masarap nga Luke! Nakaka inlove naman ang luto ng mommy mo!.." kumento ni andrea sa lasa ng ulam na inilagay ni lucas sa kanyang plato.

" diba sabi ko sayo masarap yan!.. Kung na inlove ka sa luto ni mommy, sana ma inlove ka rin sa akin.." saad ni Lucas kay andrea habang may ngiti ito sa labing naka titig sa dalaga.

Bigla tuloy nakaramdam ng pag iinit ng mukha si andrea ng matapos marinig ang sinabi ng binatang kaharap. Ngiti nalang ang tanging nai tugon niya dito dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Paki ramdam niya nga ay inlove na siya sa binatang kaharap. Bukod kasi sa masaya siyang kasama ito ay gwapo din ang binata. Matangkad ito at medyo may kaputian. Palagi itong naka ngiti kaya labas na labas ang magka bilaan nitong dimple sa pisngi. May pagka kulot ang buhok nito ngunit bagay na bagay naman sa gwapo nitong mukha. Muli pang kumuha ng ulam si andrea sa ulam na inilagay sa kanya ni Lucas at hindi niya namalayan na napa rami na pala ang kain niya hanggang sa huli ay naubos niya ang ulam na inilagay ni Lucas. Pangiti ngiti naman si Lucas habang pa sulyap-sulyap siyang tumitingin kay andrea habang kumakain din ito. Narinig niya pang dumighay si andrea.

Nakaramdam naman ng hiya si andrea dahil hindi niya napigilang dumighay sa harapan ng binata.

"salamat Luke sa masarap na ulam.. Grabe! Ang dami kung nakain!.. Paki sabi sa mommy mo ang sarap grabe.. Siguro andami niyo palaging nakakain ng daddy mo kapag ang mommy niyo ang nag luto.." saad ni andrea kay Lucas matapos niyang uminom ng tubig.

"oo sige.. Huwag ka mag alala makakarating kay Mommy yang sinabi mo.." tugon naman ni Lucas kay Andrea habang ngumu-nguya pa ito.

Nauna kasing natapos kumain si andrea dito. Hinintay ni andrea na matapos kumain si Lucas bago siya nag paalam dito na mauuna na siya. Kanina pa kasi siya nakakaramdam ng pagka ihi ngunit nahihiya lang siyang mag paalam kay lucas. Gustong gusto niya rin kasing nakikita ang mukha ng binata.

"o sige.. Basta mamaya ha.. Sana matuloy na tayo lumabas.." saad pa ni Lucas kay Andrea at dali-dali din itong tumayo upang sabayan si andrea sa pag lalakad pabalik sa puwesto nito.

Ngiti lang ang tanging naitugon ni andrea sa binatang kaharap. Nang makarating si andrea sa kanyang puwesto ay doon lang Umalis ang binata. Pagka alis naman ni Lucas ay patakbong nag punta ng banyo si andrea. Mabuti nalang at walang gumagamit ng banyo kaya kaagad siyang naka ihi.

Nang sumapit ang kanilang uwian ay mabilisang nag Re-touch si andrea ng kanyang make-up at sinuklay ang kanyang lagpas balikat na buhok. Nang makontento sa kanyang ayos na nakikita sa maliit na salaming hawak niya ay nag spray pa siya ng pabango sa kanyang katawan. Ngi-ngiti naman si pia habang naka tingin kay Andrea. Hindi pa pala ito nakaka alis dahil may inaayos pa ito sa kanyang table.

Hanggang sa hindi na ito naka tiis at nag usisa na ito kay andrea.

"wow, saan ang date natin ngayon at nagmama ganda ka diyan?.." Tanong niya kay andrea.

"secret.. Ate pia! Huwag kang usyosera diyan ate.. Bukas ko na iku-kwento sayo te.. Sige na! Mauuna na ako sayo.." paalam niya sa kanyang ka trabaho at tuloyan na itong tumalikod palabas ng kanilang opisina.

Natatawa naman si Pia habang umi-iling iling ito pagka alis ni andrea.