Malayo palang habang naglalakad sa parking lot si andrea ay tanaw na niya si Lucas na naka sandal sa harapan ng kotse nito. Naka ekis ang dalawang braso nito sa harap ng kanyang dib-dib. Kaagad din siyang napansin ng binata at natanaw niya na itong naka ngiti sa kanya. Nang tuluyang makalapit si andrea dito ay tumayo ito ng tuwid at inalis ang kanyang mga braso sa pagkaka ekis sa harapang dib-dib nito.
"hay sa wakas.. Matutuloy na rin tayo.. Akala ko ay hindi nanaman eh.." natatawang saad nito pagka lapit palang ni andrea dito.
Tumawa si andrea bago ito nag salita.
"oo nga eh.. For sure busy busy-han na ako nito starting tomorrow.. Dahil bukas na ako lilipat sa opisina ni sir nicko.." saad niya sa binata na naka tayo parin sa kanyang harapan at naka ngiti.
"o paano.. Let's go na?.." Tanong ni Lucas kay andrea at hindi pa man nakaka sagot si andrea ay naglakad na ito upang buksan ang pinto ng kanyang kotse.
"okay.." tanging tugon ni andrea sa binata at ng mabuksan ni Lucas ang pintuan ng kotse ay kaagad ding lumapit si andrea sa gawi nito at pumasok sa pintuang binuksan ng binata para sa kanya.
Nang maka upo si andrea ay dali-dali ding umikot sa driver seat si Lucas at agad din itong sumakay. Nilingon niya pa si andrea sa kanyang tabi bago nito pina andar ang kanyang sasakyan. Nang makita ni andrea na lumingon sa kanyang gawi si Lucas ay tumango ito sa binata na may ngiti sa labi.
Dinala siya ni Lucas sa isang mall sa Quezon City. Kumain sila sa isang mamahaling restaurant at kasunod niyon ay nanood sila ng sine. Tuwang tuwa si andrea sa pinapa-nood nilang movie aksiyon movie ito na may halong comedy at love story.
At nang matapos na sila sa panonood ng Movie ay muli siyang niyaya ni Lucas na kumain. Hindi naman tumanggi ang dalagang si andrea dito nakaramdam ulit siya ng gutom ng matapos silang manood ng movie. Kumain sila sa isang pancake house na matatagpuan sa labas ng mall na iyon. Marami pa silang pinag kuwentohan ni lucas habang kumakain. Halos hindi kasi nauubusan ng kwento ang binata dahilan kaya masaya si andrea na kasama ito. Alas onse na ng gabi ng nagpasya silang umuwi na. Hinatid naman si andrea ni Lucas sa mismong inuupahan niyang bahay kaya hindi siya nahirapang umuwi.
Nakangiti pa ang binata habang kumakaway ito sa kanya paalis ng kanyang apartment. Nag sabi pa ito sa kanya na muli siya nitong yaya-yaing lumabas sa mga susunod na araw. Tumango naman dito ang dalagang si andrea tanda na pumapayag siya na muli silang lumabas ni lucas sa mga susunod na araw.
KINABUKASAN muntik nang ma late si andrea sa kanyang unang araw bilang bagong secretary ng kanyang boss na si nicko Buenavista. Humihingal siyang dumating sa entrance ng gusali na kanyang pinapasukan. Kamuntikan niya pang mabangga ang mismong kanilang Ceo boss dahil hinabol niya ang papa-sarang elevator. Hindi naman siya nabigo dahil naka pasok siya sa hinabol na elevator. Napansin niyang naka tingin ang kanyang boss sa kanya. Seryoso ang mukha nitong naka tingin sa pawis niyang mukha. Agad naman itong binati ni andrea kahit na hinihingal pa ito. At marahang pinupunasan ni andrea ang pawis na tumutulo sa kanyang leeg. Maging ang kanyang likod at dib-dib ay ramdam niyang basa din ng pawis ang mga ito. Pasimple niyang pinunasan ang kanyang pawisang likod at bahagya pang tumalikod at humarap sa ding-ding ng elevator para punasan naman ang kanyang pawisang dib-dib.
Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator. Nakahinga na ng maluwag si andrea dahil akala niya ay naunahan siya ng kanyang boss sa opisina nito. Nahihiya siya sa isiping nauna itong dumating sa opisina dahil ito ang unang araw niya bilang bagong secretary nito. Kasabay niya itong nag lalakad papunta sa opisina nito. Ang lahat ng nakaka salubong nilang mga empleyado ay naka yukong bumabati dito.
Pagka rating nila sa opisina ng kanyang boss ay tuloy-tuloy itong pumasok sa kuwarto nito. Habang si andrea naman ay dumiretso sa isang table kung saan niya nakita na naka upo ang dating sekretarya ng kanyang boss na si sheena.
Kaagad niyang binuksan ang isang notebook na naka lapag lang sa ibabaw ng table. Naka sulat doon ang mga Schedule ng kanyang boss ng araw na iyon at maging sa mga susunod pang mga araw. Isa-isa niyang kinabisado ang bawat Schedule ng kanyang boss. Hindi naman siya nahirapan dahil matalas ang kanyang memorya pag dating sa mga ganoong bagay. Maging ang mga nakaraang schedule pa nito ay kanya ring inalam. Upang kahit bago palang siya ay alam niya kung saan ito nanggaling at kung sino-sino ang mga naka salamuha nito.
Maya-maya pa napansin niyang bumukas ang pintuan ng opisina nito. Lumapit ito sa kanya at sinabihan siyang sumunod siya. Pupunta sila sa 10th floor. Agad na tumayo si andrea at sumunod dito. Nang malapit na sila sa elevator ay naka salubong nila si Lucas. Naka ngiti siyang binati ng binata. Nang huminto sa pag lalakad si lucas ay huminto rin ang dalaga. Saglit siyang kinamusta ni Lucas. Mag sa salita na sana siya ng mapansin niyang naka tayo pa pala ang kanyang boss sa di kalayuan sa kanya. Salubong ang kilay nitong naka tingin sa kanila ni Lucas.
Tango nalang ang tanging na itugon ni andrea kay Lucas at sinabihan itong tatawagan niya nalang ito mamaya. At dali-dali na siyang nag lakad palapit sa kinatatayuan ng kanyang boss. Nang makalapit si andrea dito ay nag tataka siya kung bakit hindi gumagalaw ang kanyang boss. Muli itong tumingin sa kanya. Ngunit hindi niya malaman ang ibig sabihin ng tinging iyon ng kanyang boss. Napansin niyang umiling iling ito bago nag salita.
"sa tingin mo, ako ba ang dapat na pumindot sa elevator?" saad nito kay andrea sa seryosong tono.
Doon lang nakuha ni andrea ang ibig sabihin ng tingin ng kanyang boss. Natawa siya sa kanyang sarili nawala sa isip niya na ito nga pala ang may ari ng kumpanyang kanyang pinag tatrabahuan. Kaya marapat lang na siya nga naman ang dapat na pumindot ng elevator. Dali-daling pinindot ni andrea ang numerong ika-Sampu sa gilid ng elevator. Nag hintay pa sila ng ilang segundo bago ito bumukas. Naunang Pumasok ang kanyang boss at tsaka siya sumunod na pumasok.
Pag karating nila sa ika sampung palapag ng gusali ay doon niya lang napansin na papunta pala sila ng rooftop may nilabasan silang isang pintuan at pagka labas nila ng pintuang iyon ay bumungad sa kanyang mga mata ang isang helicopter. Nakita niyang sumakay ang kanyang boss dito. Ngunit siya ay natigilan sa pag hakbang. Sa isiping sasakay din siya sa helicopter ay natatakot siya. Mayroon kasi siyang fear of heights na tinatawag. Takot siya sa matataas na lugar dahil pakiramdam niya ay mahuhulog siya. Sa ikatlong palapag nga lang ng mall kapag pumupunta siya ay nalulula na siya. Paano pa kaya kung sa helicopter siya sasakay na higit na mas nakakalula kakayanin niya kaya.
Nasa ganoon siyang pag iisip ng narinig niyang nag salita ang kanyang boss.
"Hey Andrea, why are you standing there? Come here na.. Nag magmadali tayo.." saad ng kanyang boss sa kanya.
"eh- ka—si sir... Takot po ako sa matataas.. Hindi ko po ata kaya sir.. Baka pwedeng mag commute nalang po ako papunta sa— lugar kung saan man po kayo papunta?..."
Matapos na sabihin iyon ni andrea nakita niyang tumawa ang kanyang boss. Ngunit siya ay nanatiling naka tayo parin sa harapan ng helicopter.
"I'll take care of you.. You can close your eyes while we're on the trip.."
"let's go andrea we're in a hurry.." muli pang saad ng kanyang boss.
Humugot ng isang malalim na hininga si andrea bago ito nag lakad palapit sa helicopter. Naisip niya na wala siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang boss. Mahalaga sa kanya ang bago niyang posisyon ngayon dahil malaki ang ini-offer nito sa kaniya na kanyang sasahurin.
Nang makalapit si andrea sa hagdanan ng helicopter ay may tumulong sa kanyang isang lalaki upang maka akyat siya ng helicopter. Nanginginig ang kanyang mga tuhod na inihakbang ito paakyat ng helicopter. Umupo siya sa katabing upuan ng kanyang boss. May nakita siyang seat belt na naka kabit sa upuan ngunit hindi niya maikabait ito sa kanyang katawan dahil maging ang dalawa niyang kamay ay nanginginig sa takot.
Napansin siya ng kanyang boss na hindi niya parin naka kabit ang kanyang seat belt. Kinuha nito sa kaniya ang seat belt at ito mismo ang nag kabit sa kanyang katawan ng seat belt kasunod niyon ay nilagyan din siya ng parang head phone sa ulo. Na amoy pa niya ang mabangong hininga ng kanilang boss habang inilalagay nito sa kaniyang ulo ang animo'y head phone.
Nang maikabit nito sa kaniya ang bagay na iyon ay medyo gumaan ang kanyang pakiramdam dahil hindi na niya naririnig ang maingay na tunog na nang gagaling sa makina ng helicopter.
Nang maramdaman niyang unti unti na silang umaangat ay muli siyang humugot ng malalim na hininga mula sa kanyang dib-dib. At marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
May ilang minuto pa ang naka lipas ay naramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Dahan-dahan niyang iminulat mula sa pag kakapikit ang kanyang mga mata. At nakita niya ang kanyang boss na naka ngiti habang naka tingin sa kanya.
"nandito na tayo ms. Morales.." saad ng kanyang boss sa kanya.
Hindi maka paniwala si andrea sa narinig mula sa kanyang boss. Hindi niya kasi akalain na ganun lang pala kabilis ang kanilang magiging biyahe. Ang akala niya ay matagal pa siyang mananatiling naka Pikit. Doon lang siya na himas masan ng makita niyang naka baba na pala ang kanyang boss.
Na taranta siyang agad na tinanggal ang seat belt na naka kabit sa kanya maging ang mala head phone na naka lagay sa kanyang tenga. Nang tuloyan niyang matanggal ang lahat ay mabilis siyang bumaba ng helicopter dahil nakita niyang papalayo na sa kanyang gawi ang kanilang boss.