Chapter 58 - Chapter: 57

Paikot nilang tinalunton ang kaliwang bahagi ng ilog. Nang tuloyan na nilang marating ang dulong bahagi ng pampang ay namangha ang dalaga sa nakita.

Marami palang iba't ibang uri ng bulaklak ang namumukad-kad sa parteng iyon ng ilog. Mayroon ding mga puno na iba't iba ang bunga at kapag tumingin ka sa kanang bahagi ay makikita mo ang walang hanggang agos ng tubig papunta sa karagatan. May matatanaw ka pang mga isdang tumatalon sa gitnang bahagi ng ilog.

" grabe Jordan ang ganda dito.. Ngayon lang ako nakapunta dito! Dito na ako tumanda pero hindi ko alam na may ganito pala kagandang lugar dito.. Ang bango ng mga bulaklak at ang daming puno! Kahit tirik ang araw o umulan pa yata ay hindi ka basta basta mababasa sa yabong ng dahon ng mga puno.. " saad ng dalaga kay jordan. Habang paikot itong tumatalon talon na parang bata.

Natutuwa naman si jordan sa anyong nakikita niya sa dalaga. Hindi niya akalain na matutuwa ito ng husto sa ipinakita niya. Nang huminto na sa pag ikot ang dalaga ay mas lumapit pa dito si jordan at tumayo sa likurang bahagi ni eloisa habang Naka-pulupot ang dalawang braso nito sa bewang ni eloisa. Nang maramdaman naman ng dalaga na nakayakap sa kanya si jordan sa likod ay bahagya niya itong nilingon at ngumiti dito.

Ipinatong naman ng binatang si jordan ang kanyang baba sa balikat ni eloisa bago nag salita.

" natutuwa ako baby at nagustuhan mo dito.. Gusto mo bilhin ko to para sayo.. Masarap mag tayo ng bahay dito o kahit kubo lang noh.. Mahangin kasi at tsaka tahimik.."

Hindi kaagad naka kibo ang dalaga sa narinig mula kay jordan. Hindi niya akalain na maiisipan ni jordan na bilhin ang lugar na iyon para sa kanya.

" o bakit hindi ka nagsasalita baby?.. Ayaw mo ba? Kahit pahingahan lang natin... " muling saad ng binata habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg ni eloisa na animo inaamoy nito ang balat ng dalaga.

" gusto.. Pero bakit mo naman naisip na bilhin ito para sa akin?.. " Tanong dito ni eloisa habang nakatanaw sa tubigan na walang putol sa pagdaloy.

"nakita ko kasi baby na gusto mo dito.. Gustong gusto ko kasing nakikita kang masaya.. At tsaka sariwa ang hangin dito.. Parang ang sarap paglaruan ng mga bata.."

"mga bata?.." tugon ng dalaga kay jordan at inihawak nito ang dalawa niya ring braso payakap sa dalawang braso ni jordan na nakapulupot parin sa kanyang bewang.

"oo baby.. Mga anak natin.. Malamang matutuwa sila dito balang araw.. Lalo na kapag na develop pa ito.. Pwede kang magtayo ng sarili mong park.."

Nangunot ang noo ni eloisa sa narinig mula sa binata. Hindi siya makapaniwala na kasama siya sa pangarap nito at sa pangarap nito ay may kasama pang mga bata na magiging anak daw nila.

Halos gustong tumalon ng dalaga sa sobrang kilig. Naisip niya na totoo talaga ang sinabi ni ella na maswerte siya kay jordan dahil kahit na bilyonaryo na ito ay simple lang din ang gusto sa buhay. Ang alam niya kasing hilig ng mga taong mayayaman ay ang maglayag ng maglayag sa iba't ibang lugar o bansa. Pero si jordan ay simple lang. Makasama lang siya nito ay kuntento na.

Hindi niya akalain na may ganoon pa palang lalaki sa mundo na bukod sa guwapo na at mayaman ay ubod pa ito ng lambing. Magandang lalaki talaga ito kung titingnan dahil sa matangkad na ito ay malaki pa ang katawan kaya lalaking lalaki kung titingnan.

Hindi mapigilan ng dalaga ang mapangiti sa isiping mahal nga talaga siya ni jordan dahil gusto nitong magka anak sila.

" bakit hindi ka na ulit nag salita pa baby?.." muli pang tanong ni jordan sa dalaga ng halos isang minuto na ang lumipas na hindi ito sumasagot.

Napalunok muna ang dalaga. Hindi niya kasi alam kung paano magsasalita na hindi mapapansin ni jordan ang sobrang kilig na nararamdaman niya. Kilig na kilig kasi siya na parang gusto niyang yakapin ito at paghahalikan sa mukha. Ganun din kasi ang gusto niyang maging buhay kapag nag karoon na siya ng sariling pamilya balang araw gusto niya ay simpleng pamumuhay lang.

At naisip niya na mukhang si jordan na ang lalaking tutupad ng kanyang mga pangarap. ang magkaroon ng mga anak balang araw. kasama ang mabait at mabuting asawa at mamuhay sa isang tahimik at preskong kapaligiran.

" hmmm... Hindi ko kasi alam jordan kung anong sasabihin ko sayo.."

pagkasabi niyon ay dahan-dahang kumawala ang dalaga mula sa pagkaka yakap ng mga braso ni jordan sa kanyang bewang at umikot ito paharap kay jordan. Nang nakaharap na ito kay jordan ay hinawakan nito ang magkabilaang pisngi ni jordan at tumitig ito sa mga mata ng binata na may ngiti sa labi at nagsalita ito muli.

" basta... Masaya ako kapag kasama kita jordan..."

Halos pa bulong na saad ng dalaga habang nakatitig sa mga mata ng binata. Ngumiti sa kanya ang binata at niyakap siya nito ng mahigpit.

" salamat Jordan.. Sa tuwing kasama kita ay napapasaya mo ako.." muli pang saad ni eloisa sa binata habang nakayakap parin sila sa isa't isa.

Kumalas si jordan sa pagkakayakap sa dalaga at hinaplos nito ang mukha ng dalaga gamit ang kanyang mga daliri.

" gaya ng sabi ko sayo kanina baby.. gusto kong nakikita kang palaging masaya... Ganun kita kamahal... Habang magkasama tayo ay wala tayong ibang gagawin kundi ang maging masaya baby.. " saad ni jordan sa dalagang si eloisa na nang kasalukuyang iyon ay pulang pula na ang mukha nito sa kilig na kanyang nararamdaman.

Tuwang tuwa naman ang binatang si jordan kapag nakikita niya ang pamumula ng mukha ni eloisa. Sa paningin niya kasi ay mas lalo itong gumaganda kapag mamula mula ang pisngi nito.

Hinalikan niya ito ng padampi sa labi at muli itong niyakap. Hindi naman na muling nag salita pa ang dalaga. Dinama niya nalang ang init ng yakap ni jordan.

Namalagi pa ang dalawa sa lugar na iyon. Matapos kasi nilang magyakapan ay niyaya ni jordan si eloisa na umupo sa damuhan habang nakasandal sa paanan ng malaking puno.

Ang dalaga naman ay pinaupo ni jordan sa kanyang harapan habang nakayakap ang dalawa niyang braso dito. Masaya silang nagkukwentohan ng tungkol sa kanilang mga kabataan. Tumatawa rin sila paminsan minsan kapag may napagkukwentohan silang mga nakakatawang bagay.

Matapos ang halos dalawang oras ay napagpasyahan na nilang bumalik na sa bahay nina ella. Naisip kasi nila na baka hinahanap na sila nito dahil nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan.

Habang naglalakad sila pauwi ay may naalalang itanong si jordan sa dalaga.

" baby bakit pala hindi mo sinabi sa akin noon pa na nawawala pala ang nanay mo? E di sana dati pa kita natulongan.." tanong ni jordan kay eloisa habang magkahawak kamay silang nag lalakad.

" eh kasi sabi ni sir david dati tutulongan niya ako ng paghahanap kay nanay.. Mukhang nakalimutan niya ata.. " agad na tugon ng dalaga saglit pa siyang tumingin sa mukha ng binata at muling ibinalik sa dinadaanan ang kanyang paningin.

"baka nakalimutan nga nun.. Marami din kasing inaasikaso yun.. Kaya nga hindi matuloy tuloy ang kasal nila ni klariz.." tugon ni jordan.

Hindi na muling nag salita pa ang dalaga at maging si jordan ay tahimik na ring naglalakad pabalik sa bahay nina ella.

Nang tuluyan na silang makabalik sa bahay nina ella ay naabutan pa nila ang dalaga na nakatanaw sa gawi nila habang naka upo ito sa harapan ng kanilang beranda. Nakapatong pa ang dalawang kamay nito sa baba.

Nang tuluyan na silang makaakyat at makalapit dito ay umirap pa ito sa kanila bago nag salita. Ngiti naman ang iginanti ng dalawa dito.

" hay naku! Kayong dalawa! Saan kayo nag punta?! Ang tagal ko kayong hinanap kaya! Napagod lang ako sa kakaikot hindi ko man lang kayo nakita!.." kaagad na bungad nito sa dalawa.

Bigla naman silang may narinig na boses lalaki mula sa loob ng bahay.

"ano namang pake mo kung saan sila magpunta! Kasalanan mo kung bakit ka napagod sinabi ba nilang hanapin mo sila?.." matapos sabihin yun ay biglang lumabas ang lalaking nagsasalita. Si mang cardo na tatay ni ella ang nagsalita. Nakatawa pa ito habang nakatingin sa anak na ng mga sandaling iyon ay naka simangot na.

" si tatay naman! Palagi nalang akong ginaganyan!.. Hindi ko alam kung seryoso o inaasar lang ako! Hump!.." pagkasabi ni ella sa ama ay umirap din ito dito.

Mas lalo namang natawa si mang cardo sa itsura ng anak. Nakanguso na ito ay salubong pa ang dalawang kilay nito.

" eh paano! Para kang magulang nila kung makapag tanong sa kanila! " muli pang saad ni mang cardo kay ella.

" tama na nga kayong mag ama diyan. Pumasok na kayo at nakahain na ang pagkain. Kayo naman jordan at eloisa ay magbanlaw na kayo at sumunod kaagad sa kusina para sabay sabay na tayong kumain. " saad ni aling pasing na nasa likuran lang ni mang cardo at nakatayo din. Hindi naman nag salita na ang dalawang mag ama. Naunang Pumasok na sa loob si ella at sumunod na rin si mang cardo.

Ang dalawa namang sina jordan at eloisa ay sabay na nag tungo sa banyo upang magbanlaw. Mabilisan lang ang ginawa nilang pag babanlaw upang makasabay sa pagkain ng pamilya nina ella.

Matapos nilang magbihis na dalawa ay dumiretso na sila sa kusina nina ella. Nang dumating sila doon ay naabutan pa nilang kakaumpisa lang ng mga itong kumain dahil kaunti palang ang nababawas sa platong pinaglalagyan ng ulam.