Nang makaupo ang don sa upuan ay agad din na umupo si eloisa sa upuang kaharap nito. Ngumiti muna ang don sa kanya bago ito nag salita.
" iha.. Alam ko kung nasaan ang nanay mo.. Bukas na bukas din ay ipapahatid kita kung saan si sonya tumutuloy.."
" talaga po don ramon.. Mabuti naman po at nahanap ninyo ang nanay ko.. Ang tagal na po kasing nawawala ni inay.. At halos lahat ng kakilala namin ay napag tanungan ko na.. Sobrang saya ko po don ramon! Makikita ko na po ulit ang nanay ko!.. Maraming maraming salamat po talaga!.. " saad ng dalaga kay don ramon.
" oo iha.. Gustong gusto ka na ring makita ng nanay mo.. Ikaw kaagad ang tinanong niya sa akin.. Si sonya pala ang nanay mo.. Maswerte si sonya dahil nagkaroon siya ng isang mabuting anak na gaya mo iha.. " pagkasabi niyon ng don ay hinawakan nito ang dalawang kamay ni eloisa at pinisil.
" eh teka po! Paano niyo nga pala nalaman kung nasaan ang inay ko don ramon?.. " Tanong ni eloisa sa don.
" ang iyong ina'y nalang ang bahalang magpaliwanag sayo iha.. Huwag kang mag alaala dahil bukas na bukas din naman ay makakasama mo na siya..
Hindi na ako magtatagal pa dahil may pupuntahan pa ako pagka tapos nating mag usap.. Ipapasundo nalang kita bukas ng umaga dito iha.. " saad ng don kay eloisa.
Matapos na sabihin iyon ay tumayo na ang don.
"maaari ba kitang mayakap iha..?" Tanong ni don Ramon kay eloisa.
Hindi naman umimik si eloisa bagkus ay siya na ang lumapit sa don. Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ng don. Yapak na parang may ipinapahiwatig. Nang pakawalan niya sa pagkakayakap si eloisa ay may ilang segundo niya pa itong tinitigan at niyakap ulit.
Pagkatapos ay humakbang na ito palabas ng pintuan. Wala na ring nagawa si eloisa kundi ang ihatid ang don sa labas ng kanyang apartment. Marami pa sana siyang gustong itanong sa matanda ngunit mukhang nagmamadali talaga ito. Sinabi rin kasi ng don kay eloisa na kanina pa ito naghihintay sa kanya at paalis na sana ito ng dumating siya.
Nang umalis na ang sasakyan ng don ay nabaling ang kanyang paningin sa kanyang sasakyang naka parada sa may tabi ng kanyang apartment. Hindi na siya nagulat ng makita ito. Dahil nung nasa Quezon palang sila ni jordan ay sinabihan na siya ng binata na ipapahatid nalang sa kanyang bahay ang kanyang sasakyan gusto kasi nitong doon na daw siya sumakay sa sasakyan nito pabalik ng maynila.
Nilapitan ng dalaga ang naka parada niyang sasakyan dahil may kakaiba siyang napansin sa awra ng kanyang kotse.
Nang dumating kasi siya sa Quezon ay sobrang dumi ng kanyang sasakyan. Habang binabaybay niya kasi ang daan papasok sa baryo nila ay may nadaanan siyang bahagi ng kalsada na hindi pa sementado at sobrang maputik. Ngunit ang sasakyang nasa harap niya ngayon ay walang bahid ng putik at halos kumikintab pa ito sa linis.
Natawa ang dalaga sa naisip. Malamang sinabihan ni jordan ang taong inutusan nito na ipa carwash na rin ang kanyang sasakyan. Sa isiping iyon ay nakaramdam nanaman ng kilig ang dalaga. Kahit sa simpleng bagay ay napapasaya siya ni jordan.
Samantala sa mansiyon ng mga del Castillo.
Naunang nakauwi si jordan at kasalukuyang nasa loob siya ng library ng kanilang ama kasama si david. Nakapamulsa itong nagpalakad lakad habang inaantay ang kanilang ama na dumating. Habang ang kapatid naman nitong si david ay tahimik lang na nakaupo sa silyang nasa harap ng table.
Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kanilang ama. dahan-dahang naglakad ang don papasok sa loob ng library. Nang tuluyan itong makalapit sa pwesto ng dalawa niyang anak ay seryosong itong tumitig sa dalawa.
"dad.. May sasabihin daw po kayo sa amin?.." tanong ni jordan sa ama ng huminto na ito sa pag hakbang.
" oo mga anak.. Dapat na ninyong malaman ang totoo..." matapos na sabihin iyon ay lumapit siya kay jordan at hinawakan ito sa braso.
" anak.. Alam kung may relasyon kayo ni eloisa... " nag buntong hininga muna ang don bago nito itinuloy ang pag-sasalita.
" Jordan... Hiwalayan mo si eloisa... Dahil kapatid mo siya... Magkakapatid kayong tatlo..."
Sa narinig sa don ay hindi nakapag salita si jordan. Sa halip ay nag tagis ang mga bagang nito at kuyom ang kanyang dalawang kamao. Maging si david din ay napatayo sa upuang kinauupuan nito ng marinig ang sinabi ng kanilang ama.
" what dad?! Are you serious dad? P-pero paano namin siya naging kapatid dad? Lumaki kami ni kuya na kaming dalawa lang ang mag kasama?! How did that happen?.." tanong ni david sa ama. Hindi parin umiimik si jordan tahimik lang itong nakatayo sa isang tabi.
" dahil ako ang ama ni eloisa.. Patawarin niyo ako mga anak.. Kung kailangan mangyari ito.. Nagkaroon kami ng relasyon ng ina ni eloisa.. D-David... Anak— si sonya ang totoo mong ina.. Dahil sa galit ni Vicky sa kakambal niyang si sonya kaya kinuha ka niya mula kay sonya upang takutin ito na huwag na siyang magpapakita sa akin. Sinabihan kasi ni Vicky si sonya na papatayin ka niya kapag itinuloy parin ni sonya ang pakikipag relasyon sa akin.. At si eloisa naman... Ay nabuo siya ng aksidenteng mag kita kami ulit ni sonya at may nangyari sa amin.. Hindi ko noon alam na may dalawa pala kaming naging anak ni sonya.. At kayo iyon— si eloisa at ikaw David... " paliwanag ng don sa dalawang binata.
" pero bakit ngayon niyo lang sinabi dad? Bakit hindi noon pa?.." muling tanong ni david sa ama.
" hindi ko rin alam anak ngayon ko lang din nalaman... Nang mahanap ko na si sonya... "
At kinuwento ng don ang lahat-lahat ng nangyari sa dalawa. Binanggit niya rin kung paano nawala si sonya at kung sino ang may kagagawan.
"kaya pala dad... Madalas mainit ang ulo sa akin nun ni mommy at madalas niya din akong paluin at pagalitan nun kapag wala ka.. Dahil isa pala ako sa naging bunga ng pagkakasala niyo sa kanya.." saad ni David sa ama.
" hindi david.. Hindi ka nabuo sa pag kakasala.. Dahil si sonya talaga ang mahal ko... Mas nauna ko lang nakilala noon si Vicky.. Pero.. Si sonya talaga ang gusto kong maging asawa nun.. Napilitan lang akong pakisamahan ang mommy niyo noon ng sinabi niyang buntis siya kay jordan.. Sana maintindihan niyo ako mga anak.. " paliwanag pa ng don sa dalawa.
Napansin ng don na tahimik parin sa tabi si jordan. Muli niya itong hinawakan sa braso.
" Jordan... Nakikiusap ako sayo anak... Layuan mo si eloisa... Hindi maaring ipag patuloy ninyo ang inyong relasyon.. Ako ang ama ninyo anak.. Kayong tatlo ay mag kakapatid.." saad pa ng don kay jordan.
Hindi na nakapag pigil pa si jordan at nilabas na niya ang galit na kanyang pinipigilan kanina pa. Ibinagsak nito ang kanyang dalawang kamao sa table na nasa kanyang tabi.
"That can't happen! I love eloisa and she is the one I want to be with for the rest of my life dad!"
Natigagal ang mag amang don ramon at david ng marinig nila ang sinabi ni jordan. Paulit ulit pang pinaghahampas ni jordan ang table gamit ang kanyang dalawang kamay.
Niyakap na ng don ang kanyang anak na si jordan at maging si david ay lumapit na rin dito at hinimas ang likurang bahagi ng kanyang kuya.
" mahal na mahal ko si eloisa dad.. Hindi ako papayag na mag hiwalay kami dad..." muli pang tugon ni jordan.
Nagkatinginan naman ang mag amang Ramon at david. Maya maya pa ay naramdaman ni don ramon na kumakawala sa pagkakayakap niya si Jordan. Nang tuloyan itong makawala ay humakbang ito palabas ng library. Hindi pa ito tuloyang nakakalabas ng mag salita ang don.
" Jordan! Where you going we're not done talking! " tanong ng don kay jordan.
Hindi lumingon si jordan sa ama at tuloyan itong lumabas ng library. Naiwan naman ang dalawang don ramon at david sa loob. Marami pa itong pinag uusapan ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Vicky na galit na galit. Mabilis itong nag lakad palapit sa gawi ng mag ama.
" ano Ramon! Tapos ka na bang ipahiya ako sa mga anak ko?! Hindi ka pa talaga nahiya! ibinahay mo pa yang kabit mo! Akala mo siguro hindi ko malalaman!" bungad ni vicky kay don ramon na nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
" dapat noon ko pa ginawa ito victoria! Hindi na sana umabot pa sa ganito! Kung hindi lang ako nag pauto sayo! Gagawin ko ang gusto kung gawin! Hindi mo na ako mapipigilan ngayon! Gagawin ko na ang dapat kong ginawa dati pa victoria!" saad ng don kay Victoria sa malakas na boses.
Hindi naman nakapag pigil pa ang donya at sinugod nito ang don. Pinag hahampas ni donya vicky si don ramon sa mukha at sa dib-dib nito. dali-dali namang hinawakan ni david ang ina sa dalawang kamay upang pigilan ito.
" tama na mommy! Nasasaktan na si Daddy!" utos ni david kay donya Vicky.
Hindi naman nagpapigil ang matandang babae tuloy parin ang ginagawang pag hampas nito kay don ramon. Mas hinigpitan pa ni david ang ginawang pag hawak sa kamay ni donya Vicky. Nang akmang hihilain niya na ito palayo sa matandang lalake ay bigla nitong sinipa ng malakas sa kanang tuhod si don ramon. Hindi naman na nakapag pigil pa si don ramon. Lumapit na siya kay vicky.
"bitiwan mo siya david!" utos nito sa kanyang anak.
Pagkasabi niyon ay bigla nitong sinampal si donya Vicky. Natigilan ang babae sa ginawa sa kanya ni ramon.
" dahil sa ginagawa mong yan victoria! Mas lalo lang akong nawawalan ng gana sayo! Nagsi-sisi akong pinakasalan kita! " nanginginig na ang don sa galit.
Maya maya lang ay bigla itong bumagsak sa sahig. Taranta si david sa pag buhat sa kanyang ama mula sa pagkaka salampak nito sa sahig. Agad niya itong nilabas ng library at dinala sa sasakyan upang dalhin ito sa pinaka malapit na hospital.
Nang madala niya ito sa ospital ay kaagad naman itong inasikaso ng mga doktor at dinala sa emergency room.
Habang ang matandang babae naman na si Victoria ay naiwang mag isa. Galit na galit parin ito habang naglalakad patungo ng kanyang kuwarto.